Chapter 82 Best Friend

Pearl's Pov

Kusa na lang natuyo ang mga luha ko dahil sa hangin na dumadampi sa aking pisngi.

Nakauwi na ako at heto ngayon, patungo sa room ni Mom.

Kumatok muna ako ng tatlong beses bago siya sumagot.

"Mom? Can I talk to you?" bahagya kong tanong sa kaniya. May binabasa siya na kung ano.

"Of course, halika 'nak tabi tayo!" lumapit naman ako sa kaniya tsaka naupo sa kaniyang tabi.

Ramdam ko ang bahagya niyang pag-haplos sa aking buhok.

"Mom, birthday po kasi ni Dwight ngayon, I've came sa bahay nila to celebrate with his parent's at para na rin po maipakilala niya ako sa parent's niya. Pero alam niyo po ba kung ano ang nalaman at nakita ko?" halos maiyak na ako habang nag-e-explain kay Mom.

"Nalaman mo rin..." kasabay niyan ay ang pag-haplos ni Mom sa buhok ko.

Hindi ko na rin mapigilan na mapahagulgol.

So alam na niya? Ako lang na naman ang hindi pa nakaka-alam?

"A-alam niyo na rin po pala?" tanong ko habang bumabagsak ang aking mga luha na kanina ko pa pinipigilang kumawala mula sa aking mga mata.

"Yeah, and hinayaan lang namin na kayo mismo ni Dwight ang maka-alam kung ano talaga ang totoo." gulat akong napatingin kay Mom.

Tama nga si Dwight, wala rin siyang ka-alam alam tungkol rito, just like me!

So nagkunwari ang Mom ni Dwight na wala siyang alam? Ang galing naman yata ng babaeng iyon. Sorry pero hindi ko kaya na hindi siya pagsalitaan ng masama. Hindi ko sinasadyang magalit sa kaniya.

"Pero ang sabi ng Mommy niya is hindi niya alam na ako ang anak ni Dad." pumiyok na rin ang aking boses dahil sa sobrang pag-iyak.

"Well, she lied to you. Ang totoo niyan alam na niya rati pa, dahil bago pa man sila makauwi rito, sinabi ko na sa kanila na mag-kasintahan kayong dalawa ni Dwight. Totoong gusto ka ng Mommy ni Dwight para sa kaniya."

So acting lang rin iyong mga sinabi niya kanina na first time niya akong nakita at nakilala. Ang galing!

"I didn't know na close pala kayo ng Mommy ni Dwight. Close ka sa taong nang-agaw sa asawa mo." I said out of nowhere.

"Actually, she's my best friend since high school. Kaya nga mas naging madali na ipagpalit ako sa kaniya ng Dad mo kasi she's my best friend and they both betrayed me. Pero matagal na panahon na 'yon anak ko. Napatawad ko na sila, since ikakasal naman na sila eh, tanggapin na lang natin kung saan sasaya ang Dad mo. We nee