Chapter 81 Dwight's special night

Pearl's Pov

"Hoy, kinakabahan talaga ako, andiyan na ba sa loob ng bahay niyo ang parent's mo?" grabe, kinakabahan talaga ako ng sobra, parang ang bigat ng atmosphere mula rito pa lang sa labas ng bahay nila. How much more pa kaya kung sa loob na.

"Wala ka namang rapat na ikakaba, nasabi ko na sa kanila na they need to be nice sayo kaya, don't worry na! Pasok na tayo?" ang lakas ng fighting spirit ng lalaking ito kasi hindi siya ang ipapakilala, palibhasa parent's niya.

"Sige na nga, tara na!" bago kami nag-lakad papasok ng bahay nila'y hinawakan muna niya ang kamay ko dahilan para mapa-tingin ako sa kaniya mata sa mata, napanatag naman ang loob ko nang bahagyang ngumiti siya sa akin.

Confident talaga ang loko na magugustuhan ako ng parent's niya, pero I hope so!

"Wait lang..." pagpapatigil ko sa kaniya ng akmang makalapit na kami sa may pintuan ng dining room nila.

Tumingin naman siya sa akin habang nakakunot ang kaniyang noo.

"Happy birthday honey ko, this is the first time na makakasama mo ako sa pinaka-importanteng moment ng buhay mo, gusto ko lang malaman mo na, kung ano tayo ngayon, ganito na tayo forever, I hope na magustuhan mo ang gift ko sayo, I love you!" kasabay no'n ay ang pag-halik ko sa kaniyang magkabilang pisngi. Tsaka iniabot ko sa kaniya ang gift na binili ko kahapon pagka-uwi ko galing school. A perfume na gusto kong laging gamitin niya, same kami ng brand ng pabango kaso nga lang pang-babae iyong akin. In-short, couple perfume!

"Nagkakamali ka..." panimula niya kaya ako naman ngayon ang nakakunot ang noo. "... hindi ang birthday ko ang pinaka-importanteng araw sa buhay ko, dahil ang makilala ka at maging girlfriend kita, iyon ang the best na nangyari sa buhay ko. I hope na someday, papayag kang patungan ang apelyido ko. Future Pearl Rian Samonte Cheon." ang sweet pala ng sasabihin, kinabahan pa ako sa part na 'Nagkakamali ka'.

"Para ka naman nang mag-po-propose sa way ng pananalita mo." nakahawak pa rin kami sa kamay ng isa't isa. Medyo naibsan na rin ang aking kaba dahil sa mga nangyayari.

"Bakit, gusto mo na ba akong mag-propose sayo?" naka-ngisi niyang tanong.

"Of course hindi pa pwede, let's finish our studies muna."

17 pa lang kaya ako 'no, hindi pa pwede, aral muna!

"Yeah, tapos kapag kinasal na tayo, let's make a baby, dalawa!" wow diktador.

"Loko ka, iyan na kaagad ang iniisip mo, ipakilala mo kaya muna ako sa parent's mo, pwede?!" babatukan ko na sana eh, kaso nga lang naalala ko na birthday pala niya ngayon.

Lumipas lang talaga ang araw na ito, humanda siya sa akin.

"Let's go, ready ka na bang ma-meet ang future in laws mo?!" puro talaga biro ang isang 'to!

Tumango na lang ako kasi medyo kinakain na naman ako ng kaba ko.

Pagka-pasok pa lang namin sa kanilang dining room, bumungad na kaagad sa amin ang Mommy ni Dwight.

Omo, ang ganda niya, parang alam ko na kung saan nag-mana si Dwight.

Kinabahan pa ako ng slight kasi the way siya kung tumitig sa akin, parang sinusuri niya ang buong pagkatao ko.

"Siya ba?" na kay Dwight ang kaniyang atensyon.

"Yeah." sagot lang naman ni Dwight.

Mukhang hindi sila okay ng Mommy niya. Naalala ko nga rin pala minsan na na-kwento pala sa akin ni Dwight na mas inuuna ng Mommy niya ang trabaho kaysa sa anak niya. Kaya siguro medyo malayo ang loob ni Dwight sa Mommy niya.

"Mabuti naman son may nagawa kang tama sa buhay mo, look, your girlfriend looks so stunning. Your so gorgeous hija." lumapit pa siya ng bahagya sa akin tsaka niya ako niyakap.

Gulat lang naman ako habang nakayakap sa kaniya, akala ko kasi'y hindi niya ako magugustuhan para sa anak niya.

Now, nalagpasan ko ang Mommy niya, how about sa Daddy niya kaya?!

"Thank you po Tita." iyan lang ang tanging naisagot ko.

"Magalang pa! By the way, maupo na kayo, hihintayin lang natin ang Dad ni Dwight bago tayo kumain." saad pa ng Mommy ni Dwight bago maupo sa katapat kong upuan.

Ang laki ng lamesa nila, baka fifty person's na ang kasya rito. Iba talaga kapag mayaman!

"Hindi kayo kasal kaya hindi ko siya tatawagin ng Dad." salubong ang kilay ni Dwight habang naka-tingin sa Mommy niya.

Napa-tingin naman ako sa boyfriend kong nagiging seryoso at masungit na naman. Kaso isang 'What' na look lang ang tanging nakuha ko mula sa kaniya.

Porket ba hindi pa kasal ang Mommy at Daddy niya hindi na niya tatawagin ng Dad ang tatay niya. Eh ako nga na iniwan ng Daddy nagbibigay pa rin ng respeto sa tatay ko kahit na paano.

Mukhang hindi makapalag ang Mommy ni Dwight sa kaniya. Pero ang gulo, ang laki laki na ni Dwight tapos hindi pa rin kasal ang parent's niya. Nakakapagtaka lang!

"Okay ka lang?" bahagya naman niyang tanong sa akin. Pansin siguro niya na hindi ako komportable sa sitwasyon namin ngayon.

Tumango na lang ako dahil ayoko na mag-worry pa siya. Birthday niya kaya rapat lang na maging masaya siya ngayon, pero sa nakikita ko mukhang hindi magiging masaya ang gabing ito dahil sa hindi nila pagkaka-unawaan ng Mommy niya.

I hope, one day maging okay na sila.

"Sure ka?" tanong na naman niya kaya muli na naman akong tumango.

Actually, kami lang ni Dwight ang dumating rito sa bahay nila, change location ang birthday venue niya na plinano nila Kier kasi alam daw niya na medyo magulo ngayon sa bahay nila, lalo pa't hindi talaga sila magkasundo ng Mom niya.

"Huwag kang mag-alala, it's gonna be fine, hmm!" ngumiti lang siya sa akin kaya I smile back on him.

Naaawa ako kay Dwight kasi hindi man lang maisantabi ng Mommy niya ang galit niya sa kaniyang anak kahit na ngayong gabi man lang sana. Hindi pa kasi na-ke-kwento sa akin ni Dwight kung bakit galit sa kaniya ang Mommy niya kaya hindi ko pa talaga alam kung paano mag-re-react sa sumbatan nilang dalawa.

Tinuon ko na lang ang aking atensyon sa pagbabasa mula sa cellphone ko. Wattpad, medyo naaadik na rin ako sa app na ito, pero may limitations naman, mas priority pa rin ang studies. Nagbabasa lang ng mga love story sa wattpad kapag may free time.

Sa lahat ng bagay, kailangan mag-laan ng boundaries, kailangan may time limit ka, you need to know kung hanggang saan ka lang.

"Hon, you're here na rin, come on, ipapakilala kita sa girlfriend ni Dwight." wow ang sweet ah, katulad pa talaga namin sila ng endearment.

Nilapag ko muna sa lamesa ang phone ko tsaka lumingon kung nasaan ang Mommy at Daddy ni Dwight.

Pagka-lingon ko, parang tumigil ang oras, nanigas ako sa aking kinauupuan, I feel that my body get numb, namilog rin ang mga mata ko at hindi ako makapag-salita, bakit siya pa? Sa dinarami rami ng babae sa mundo bakit sa kaniya pa siya nagkagusto? Is this a joke or kinda prank?

"D-dad?" feeling ko may tumulo ng luha sa aking mga pisngi.

Hindi ko matanggap na ang magiging bagong Daddy ni Dwight ay ang Daddy ko na iniwan kami ng Mommy ko.

"P-pearl, anak ko?" tinignan ko silang lahat at maging si Dwight at ang Mommy niya ay nagulat sa inaasta namin ng lalaking naging dahilan kung bakit kaming dalawa na lang ng Mommy ko.

"Huwag mo akong tawaging anak kasi hindi na kita tatay. Ever since, tinatawag kitang Daddy pero for respect lang 'yon. Since then na iniwan mo kami ni Mom, I've promised to myself na okay na kami ng Mommy ko at hindi ka na namin kailangan sa buhay namin." after that, binitawan ko ang kamay ni Dwight na nakahawak sa akin.

Sinamaan ko rin ng tingin ang Mommy ni Dwight. Akala ko pa man rin mabait siya, 'yon pala, siya ang naging dahilan kung bakit kami iniwan ng tatay ko.

"Honey, please, pag-usapan natin 'to." ani Dwight.

"Hija, hindi namin alam na ikaw pala ang anak niya. Sorry for that." ani naman ng Mommy ni Dwight.

"Sorry for that po? Hindi mababalik ng sorry niyo ang ginawa niyong pag-sira sa relasyon ng Mom at Dad ko. Oo, nag-mahal lang po kayo pero hindi niyo po ba inisip na may masisira kayong pamilya? Hindi niyo po ba naisip na baka may mag-suffer na anak dahil sa ginawa ninyo? Sorry Dwight pero I can't take this anymore!" after that is umalis na ako sa dining area nila, naririnig ko pa ang ilang beses na pag-tawag nila sa pangalan ko pero hindi na ako lumingon pa. Hindi na ako makakapag-stay sa lugar na ito. Kailangan kong ilabas ang galit na nararamdaman ko.

Hindi ko lang matanggap na ang Mommy ng boyfriend ko ang naging dahilan kung bakit nagkahiwalay ang parent's ko at kung bakit naging mag-isa si Mom sa pagtataguyod sa akin.

Naglakad ako palabas ng bahay nila ng mag-isa. Hindi ko alam kung paano ko pa haharapin si Dwight after ng mga nalaman ko.

Iyong time na hinahanap ni Dad si Dwight sa may gate ng school, malaking katanungan sa akin noon 'yon pero ngayon, nasagot na, at ang sagot kung bakit niya hinahanap si Dwight ay dahil sinusuyo niya ang magiging son in law niya, compared sa akin na biological daughter niya na hindi man lang niya nilingon ng ilang taon. Ang saya 'no, nakakainggit si Dwight kasi ginagawa lahat ng Daddy ko matanggap lang niya siya.

Panay lakad lang ako at kung saan man ako pupunta, hindi ko rin alam!

Parang joke ang lahat, gosh, naiiyak na naman ako kung paano mag-laro si Tadhana. Grabe, hindi ko in-expect ang lahat ng ito.

May alam kaya si Dwight tungkol sa bagay na iyan?!

Bumalik lang ako sa wisyo nang makarating na pala ako sa park na palagi kong tinatambayan. Naupo muna ako sa isa sa mga bench, gusto ko lang makalanghap ng hangin tapos after nito uuwi na rin ako.

Ang problema ko lang ay kung paano ko ito sasabihin kay Mom, or mayroon kaya siyang alam about it? Alam kaya niya, na Mommy ni Dwight ang ipinagpalit ni Dad sa kaniya?!

Akala ko pa man rin magiging okay na ang buhay namin ngayon na nasa kulungan na si Jaynie. Pero tuturuan ko lang ng leksyon ang isang 'yon, and after that hahayaan ko na siyang magpapaka-layo layo basta ba hindi na siya manggugulo.

This past few days, patong patong na talaga ang nagiging problema ko.

"Sabi ko na nga ba't rito ka pumunta. We need to talk honey, kailangan nating ayusin ang lahat ng ito." sinundan niya ako, at ayoko na ginawa niya ang bagay na ito.

"Wala nang rapat pang pag-usapan." I said out of nowhere.

"Hindi pwede, 'di ba pinag-usapan na natin ang bagay na ito na kapag may problema tayo pag-uusapan natin ng maayos. Please naman oh, we need to talk!" hindi ko man lang namalayan na nasa tabi ko na pala siya, pilit pa niyang hinahawakan ang kamay ko pero pilit kong inilalayo iyon mula sa kaniya.

"Ano bang pag-uusapan natin? Na ang Mommy mo ang naging dahilan kung bakit naghiwalay ang Mommy at Daddy ko? Ang hirap... Ang hirap Dwight, hindi mo ako naiintindihan dahil hindi ikaw 'yong nasa sitwasyon ko. Alam mo, kailangan ko ng space, I need a space." hindi ko sinasadya na mapag-taasan siya ng boses, marahil ay dala lamang ng matinding galit ko.

"Hindi ko alam na ang magiging step father ko pala ang real father mo. I don't have any idea about it, kaya sorry kung ang Mommy ko ang naging dahilan kung bakit nasira ang pamilya niyo. Huwag naman sanang humantong sa hiwalayan ang lahat oh, ang kasalanan ng ina ay hindi kasalanan ng anak. Galit rin ako sa Dad mo at kay Mom kasi gano'n gano'n na lang niya kung kalimutan ang masalimuot na pagkamatay ni Dad. Hindi ko sila tanggap, hindi ko tanggap na magpapakasal sila. Hindi ako pabor sa pagmamahalan nila." yeah, naiintindihan ko siya pero ang hirap lang kasing tanggapin na ang Mommy niya ang dahilan kung bakit wala akong tinuring na ama ng ilang taon.

"Dwight, I'll understand na wala kang kasalanan, siguro kailangan ko muna ng time, kailangan kong huminga, sana maintindihan mo ako." tumayo na ako at akmang aalis pero pinigilan niya ako sa pamamagitan ng pagyakap niya mula sa aking likuran. Hindi ko na rin mapigilan na mapahagulgol dahil ang hirap na naman ng sitwasyon namin ni Dwight ngayon. Ang hirap hirap!

"Sana makabalik ka pa sa akin, hihinga ka lang ha, huwag mo akong iiwan dahil hindi ko makakaya, kung space ang hinihingi mo, ibibigay ko sayo 'yon, I'll understand kung magalit ka sa akin kasi deserve ko naman. Balik ka sa akin honey kapag okay ka na, maghihintay ako kahit na mahirap at masakit." ramdam ko ang pamamasa ng balikat ko. Ghad, ang sakit sa puso na umiiyak ang taong mahal mo pero wala kang magawa kasi I badly need to take a break, hihinga lang ako!

"Babalik ako kapag okay na. Bitaw na, and again happy birthday!" tinanggal ko ang kamay niyang nakayakap sa akin tsaka nagsimula na akong maglakad palayo roon.

"Cool off lang huh, huwag break. I love you my one and only honey. Mami-miss kita!" he murmured bago ako tuluyang makalayo mula sa kaniya.

Akala ko pa man rin magiging masaya ang gabing ito, iyon pala mas pangit pa ang nangyari ngayon sa nangyaring pag-kidnap sa akin ni Jaynie.

April 20, birthday ni Dwight at date rin na una kaming nagkaroon ng matinding problema.

Promise, babalik ako kapag okay na ako. Just wait me, until I'll be okay Dwight. I love you so so much honey ko, but from now good bye na muna!