CHAPTER 14: Meeting her family
Meeting her family
I wokep up the next morning na nasa sariling kama na ako. Nakatulog ako sa tabi ni Blake kagabi. Bumangon ako kama at nakita ko si April na kakalabas lang ng banyo.
"Anong oras na?" tanong ko kay April.
"Nine AM na. Bagsak pa rin ang lahat dahil alas kuwatro na kaming mga natulog," sagot niya at umupo sa kama para mag-ayos.
Dumapo ang tingin ko kanila Kath at Althea na tulog pa rin. "So, sinong naghatid sa'kin dito?" I asked, confusedly.
Tumingin siya sa'kin. "Nandito ka na sa kwarto ng matulog kami. Bakit?" tanong niya pabalik.
Umiling ako. "Wala... never mind."
Hindi ko mapigilang hindi mapangiti. So, Blake put me here last night? Akala ko sa sobrang lasing niya ay hindi na siya maiistorbo sa pagtulog niya. I felt a butterfly crumpling in my stomach because of the that thought. Mali ako ng pagkakakilala sa kanya.
He's a nice and decent man. He respect me so much. Lalo na't ngayon na ime-meet na niya ang parents ko. Kumuha ako ng damit ko at pumunta ng banyo para maligo. Pagkatapos kong maligo ay sinuot ko ang baby blue spaghetti strap ko at maong na short.
Habang nag bo-blower ako ng buhok ko sa banyo ay tumawag si Ate Emerald sa'kin. I clicked the answered button and put it in the loud speaker.
"Yes, Ate Emerald?" tanong ko.
"Anong oras daw kayo uuwi? Nandito na kami sa bahay," saad niya.
"Mamayang hapon pa, Ate. Kakain muna kami ng tanghalian bago lumarga pauwi," sagot ko.
"I'll tell Dad about that. Make sure that you're with boyfriend when you got here, okay? Gustong-gusto na siyang makausap nila Mommy." usal niya.
"Yes, Ate!"
"Ikaw, ah! Hindi mo sinasabi sa'kin na may manliligaw ka na rito sa Isle Esme! Kebago-bago lang natin dito." may bangid ng pang-aasar ang tono ni Ate.
Wala ngang ligawan na nangyari, eh! But of course, I won't tell that to my sister. Magagalit siya for sure. I mean sinong hindi magagalit sa relasyon namin ni Blake?
"Biglaan kasi Ate," sabi ko na lang.
"Sus! You better tell me everything, Ava! I'm your sister and no secrets, right?"
"Okay, okay... I'll tell you later."
"Bye na! Take care at mag-ingat kayo sa pag-uwi!" aniya bago pinatay ang tawag.
Napabuga na lang ako ng hangin. Kinakabahan ako para mamaya! Baka malaman nila Daddy ang totoo. Magagalit 'yon! Sana lang talaga hindi ako kabahan mamaya. Iisipin ko pa lang na magkikita si Daddy at Blake ay kinakabahan na 'ko!
Retired Colonel ang Daddy ko. Malaking tao rin siya at isa 'yon sa mga dahilan bakit walang nagtangkang manligaw sa'kin. May mga nagpapakita ng matibong noong nasa Manila kami. Kahit iyong pinsan ni Kuya Ian ay nagtangkang ligawan ako kaso umatras nang makilala ang Daddy ko.
Kinakausap ni Daddy ang mga nagtatangkang ligawa or nagpapakita ng motibo sa'kin. As in silang dalawa lang nag-uusap tapos 'yon! After no'n, wala nang bumalik pa para ipagpatuloy.
Tapos si Blake na walang ligawan na nangyari?
Tapos pretending lang meron sa amin? I can't imagine what would my father do to Blake!
I took a deep sigh before I went outside the bathroom. Gising na sila Kath at Althea. Naka-upo sa kama nila at hawak ang mga ulo nila.
"Hang-over?" tanong ko kahit alam ko talaga ang totoo.
"Oh sh*t! My head is spinning!" sigaw ni Kath.
"Kain na tayo sa labas. Handa na ang pagkain at soup para sa hang-over!" pumasok si Blake sa kwarto namin. Nagtama ang mga mata namin. Tinaasan ko siya ng kilay at ngumisi lang siya.
"Sunod kami, Blake. We'll just take a bath," sagot ni Althea.
"Si Gino tulog pa. Lambingin mo para magising." usal ni Blake bago tumingin sa'kin ulit. "kain na tayo?"
Tumango ako. "Kath, Althea, una na ko sa baba ah?" saad ko sa kanila.
Tumango ang dalawa. Natawa ako dahil si Kath ay bumalik sa pagkakahiga at Althea naman ay pumasok sa banyo. Lumabas ako at sinarado ni Blake ang pintuan.
"Sorry kagabi. I got drunk," aniya nang masarado ang pinto.
"Okay lang. Thank you sa pagbalik sa'kin sa kwarto. Ayaw mo 'kong pakawalan kagabi, eh." tugon ko.
He sexily bite his lower lips. Napakamot pa siya ng batok niya bago nahihiyang ngumiti sa'kin.
It seems like he knows what happened last night. Napangiti ako dahil doon.
"Yeah... buti na lang nagising ako ng mga past two AM." He shyly said.
"It's fine, Blake. Wala ka namang ginawang masama sa'kin, eh." saad ko ulit.
Tumango lang siya bago kami sabay na bumaba at pupunta sa dining area. Si April ay nakaupo sa sofa sa sala habang nanonood ng TV.
"April, let's go eat breakfast." yaya ko sa kanya.
Tumayo siya bago pinatay ang TV. Bumaba na rin ang iba. Huling-huli bumaba sila Alison.
"David, do you have any headache medicine here. Masakit ulo ni Alison, eh. Kagabi pa 'to." bungad sa amin ni Alyssa.
Tumingin ako kay Alison na nakaupo na. Nakahawak siya sa ulo niya at kita sa mukha niya ang bahid ng sakit na nararamdaman.
"Meron. I'll go get it," sagot ni David bago tumayo.
"Here. Drink it para mawala sakit ng ulo mo," rinig kong sambit ni Blake bago nilapag ang hot chocolate sa harapan ni Alison.
Nagtaas ng tingin si Alison at ngumiti kay Blake.
"Thanks," aniya bago ininom ang hot chocolate.
"It's her favorite drink lalo na't kung may hang-over siya. The best ka talaga, Blake!" si Jyra 'yon.
Napa-irap ako. Kaya pala iisa lang ang hot chocolate! Nakalaan na pala sa iba! Naiinis agad ako bigla! I shouldn't felt this but I can't help it! May kung anong malamig akong nararamdaman sa tiyan ko!
Walang kami! Si Alison ang reason why we're doing this! Pero bakit ganito ang nararamdaman ko?!
"Hey, are you okay?" I looked at Lucas. Nakaupo siya sa tabi ko.
Tumango lang ako at naglagay ng pagkain sa plato. I started eating my breakfast. Dahil sa inis ay naparami ang kain ko. Wala akong pakialam sa sasabihin nila! Basta nagugutom ako sa sobrang inis!
After naming kumain ay nagpahinga lang kami ng kaunti at umalis na kami. Mahaba rin kasi ang biyahe. Habang nasa biyahe ay bagsak ang lahat kaya tahimik ang buong Van. Ako, David dahil siya ang driver at si Blake lang gising.
"You want to take a nap?" Blake asked.
"Nope. Hindi naman ako inaantok," sagot ko pero inaantok talaga ako.
Kinakabahan lang ako dahil any minutes ay makikilala na siya nila Daddy at Mommy!
Hinawakan niya ang baba ko at giniya iyon paharap sa kanya. He looked at me with a serious face. Feeling ko binabasa niya ang kung ano mang tumatakbo sa isip ko.
"Don't worry, I can handle your parents. Hindi kita ipapahamak sa kanila." mahinang usal niya.
"You don't know my Daddy. Kakausapin ka niya nang kayo lang!"
Ngumisi siya. "So?"
I glared at him. "May mga nagtangkang manligaw sa'kin dati sa Maynila. Lahat 'yon kinakausap niya tapos wala ng bumalik para ipagpatuloy! Natakot siguro."
"Nandito na tayo, Pandak. Wala nang atrasan 'to. I promise to your Dad yesterday that I'll meet him today and I won't break that promise. Nirerespeto ko ang pamilya mo." seryoso na sambit niya.
Ngumuso ako. I can't help but to worry about him. Hindi ko alam ang gagawin sa totoo lang!
Kinurot niya ang pisngi ko bago ako inakbayan.
"Matulog ka na nga at mahaba pa ang biyahe," sabi niya bago niya nilagay ang ulo ko sa balikat niya.
Nakatulog ako balikat niya. Nang magiging ako ay nasa bahay na kami nila Kath.
"See you tomorrow, guys!" paalam namin.
"Salamat David at Kath! Sa susunod na birthday ulit." hirit nila Gino bago sumakay sa kotse kasama si Althea.
"Sa'kin sasabay si Ava, Lucas." ani Blake kay Lucas.
"Oh yes. I know about that," tugon ni Lucas at tumingin sa'kin. "una na ko, Ava. Ingay kayo!"
"Ingat, Lucas!" paalam ko.
Blake opened the front seat of his car for me. Pumasok ako sa kotse niya at pinaandar niya agad ang sasakyan. Habang nasa biyahe ay pinagpapawisan ako kahit na bukas ang air-con ng kotse ni Blake. Mas lalo akong kinakabahan ng dumating na kami sa tapat ng bahay namin.
"Hey, easy, Pandak!" sambit ni Blake bago kami lumabas ng kotse.
"Basta huwag kang kakagat sa mga makabuluhang sagot ni Daddy. Don't make him manipulate you at baka masabi mo ang totoo! Sige ka, hindi ka makaka-uwi sa inyo!" I said, panicking.
"Oo. Don't worry about that, Ava." nakangising sabi niya. "halika ka na at baka kanina pa sila naghihintay sa atin."
Okay! This is it! He's finally going meet my family!