CHAPTER 13: Baby
Baby
Sumapit ang eleven o'clock ng gabi at nandito pa rin kami sa labas. We're all sitting here habang nag-iinuman sila. Bukod sa'kin, lahat sila'y mga legal age na kaya hindi pa pwede dahil seventeen pa lang ako at mapapagalitan ako ng magulang ko.
I can drink alcohol when I'm legal age. Five months pa bago ako mag-legal age and that can wait naman.
"Ava, talagang juice ka na lang?" tanong ulit ni Kath.
Pilit nila akong pinapainom ng light drink, but I refused. I can't risk it. Light or hard drink, it's still have an alcohol.
Umiling ako. "I told you. My parents will kill me if I drink alcohol," sagot ko.
"Hayaan mo na, Kath. Respect her parents decision." saway ni Blake. Namumula na siya dahil kanina pa sila nag-iinuman. His cheeks and ears are now turning red because of the alcohol.
Ngumuso si Kath. "Okay. Basta once you turned eighteen, you will drink okay?"
Tumawa ako bago tumango. "Yes, I will. Wait in months."
"When is your birthday?" bulong ni Blake. Tumingin ako sa kanya. Mapungay na ang mata niya at halatang may tama na siya ng alak.
"December 22," sagot ko. "lasing ka na."
Ngumisi siya. "Can I be your last dance on your debut?" tanong niya ulit.
"Daddy is my last dance. I already planned my debut before I went here in Isla Esme." nagkibit ako ng balikat.
Ngumuso siya and I find it cute when he pouted.
"Second to the last?"
"That's Kuya Ian. Ate Emerald's boyfriend," sagot ko.
Mas lalong humaba ang pagnguso niya.. Para siyang batang inagawan ng candy. "I'm boyfriend, Pandak! How about me?" nag-puppy eyes pa siya kaya natawa ako.
"I know," sagot ko. "I can arrange that so don't worry, Blake." humalukipkip siya bago ininom ang alak na hawak niya.
"Oh, wait! Blake, mag plano ka na para sa cooking festival next month? Malapit na 'yon, kaya kailangan handa ka." ani David maya-maya.
"Wala pa. Next week ko pa iisipin kung anong gagawin ko para roon," sagot ni Blake.
"Dessert daw ang gagawin sabi ng mga teachers. Madali na lang 'yon sa'yo." saad naman ni Alison.
"Yeah, I can do that. Mag-iisip pa ko ng bagong recipe para roon," simpleng sagot niya.
"You can do it!" bulong ko sa kanya.
Nagbaba siya ng tingin sa'kin. "Yes, I can but I need you to there. Kailangan kita sa paghahanap ko ng recipe." sambit niya.
"Bakit? Wala naman akong alam sa pagluluto." tanging sabi ko.
Kinurot niya ang ilong ko. "Silly! You like dessert, kaya ikaw ang pagbabasehan ko ng recipe ko."
"May naisip ka na bang recipe?" tanong ko.
"Wala pa nga! I need you next week. Samahan mo ako sa farm namin, para nakahanap ako ng pwedeng maging recipe doon. I'm thinking about dessert with fruits kaso hindi ko pa alam anong prutas. Your suggestions next week is very important, so I need you." sagot niya.
Ngumuso ako bago kinagat ang ibabanh labi. Hindi pa nakaligtas sa'kin ang mata niyang nakatingin sa labi ko. "Sige na. Sasama ako sa'yo next week," tugon ko bago umiwas ng tingin.
Nakaka-intimidate ang tingin niya sa'kin!
Kumuha ako ng barbeque at kinain iyon. Mabilis kong naubos ang isang stick ng barbeque at kumuha ulit ng isa. Hindi pa ko nakuntento at kumuha pa ng cake.
"Hinay-hinay, Ava! Kaya ang taba ang pisngi mo, eh!" natatawang sambit ni April.
"Nagugutom ako, April," sagot ko at sinubo ang natitirang laman ng barbeque. Uminom ako ng juice ko at nilantakan naman ang cake.
"Pandak..." bumagsak ang ulo ni Blake sa balikat ko kaya bumaba ang tingin ko sa kanya. His eyes were closed.
"Bakit?" tanong ko.
Nagulat ako ng pumulupot ang mga braso niya sa beywang ko at siniksik ang ulo niya sa leeg ko. Hindi agad ako nakagalaw. Nakikiliti ako!
"Nahihilo ako," He whispered on my neck.
Tumaas ang balahibo ko sa batok dahil doon! Huwag kang ganiyan, Blake! Nagwawala ang mga intestines ko sa tiyan!
"T-then sleep. Lasing ka na, eh." nanginginig ang boses ko ng sabihin 'yon.
"Samahan mo ’ko," bulong niya ulit.
"I'm eating here, Blake! Ikaw na lang!"
Nagtaas siya ng tingin sa’kin. Pamungay ang mga mata niyang humarap sa'kin. "Please?" pagpa-cute pa siya sa'kin.
"Hatid mo na 'yan, Ava!" lumingon ako kay David. Ngumuso ako bago nilapag ang cake at inalalayan si Blake patayo.
"Halika na!"
He smiled before reaching out my hand. Tumayo siya habang hawak ko ang kamay niya. Nilagay ko ang braso sa beywang niya at ang isang kamay naman niya sa balikat ko.
"Dahan-dahan!" iritadong sambit ko nang gumewang-gewang kami sa daan. Narinig ko ang mahina niyang hagikhik tsaka ako hinigit papalapit sa kanya.
"Blake! Tatapon kita rito!" sigaw ko. Ang bigat na nga niya tapos itong puso ko hindi ko na naman maintindihan.
"Ikaw ang itapon ko riyan, eh," lasing na sambit niya bago tumawa.
Napa-irap na lang ako sa kawalan bago kami umakyat ng pangalawang palapag. Agad kong binuksan ang kwarto nila.
"Saan ang kama mo?" tanong ko.
Apat na kama ang meron dito dahil magkakasama rin sila sa iisang kwarto. Tapos sa kabilang kwarto sila Alison at ang dalawang kaibigan niya.
"The last one in the corner," sagot niya.
Dahan-dahan ko siyang inalalayan na makahiga sa kama niya. Nang makahiga na siya'y tumayo ako bago inayos ang comforter niya.
"Matulog ka na," saad ko.
I was about to turned around and went outside when he held my right hand and pulled me suddenly. Hindi na ako naka-react dahil nakahiga na rin ako sa kama niya at niyakap ako.
"Blake! Let me go!" marahas na sigaw ko.
I tried to push him away but he just so strong! Nakakulong ako sa bisig niya habang mahigpit ang kapit niya sa'kin. Nakatanday rin ang isang paa niya sa legs ko.
"Hmm... let's stay like this for awhile, Pandak," He murmured against my neck. Napasinghap ako dahil doon! Nakikiliti nga kasi ako!
"Blake, bababa na 'ko—"
"Shh!" He buried his head on my neck. Halos magkagulo-gulo ang laman loob ko dahil doon. Ang lakas ng tibok ng puso ko!
"Sing me song, Ava." maya-maya ay sabi niya.
I try to see his face kaso nakatago iyon sa leeg ko. Nakahiga siya sa braso ko habang naka-yakap sa'kin.
Dapat siya ang ginagawa sa'kin nito, eh! Ako tuloy ang nagmukhang lalaki sa amin dalawa!
"Heh! Matulog ka na lang!" saway ko sa kanya.
Umiling siya sa leeg ko kaya nakiliti pa ko dahil doon. "Sing me a song until I fall asleep, please? Pandak?" malambing ang boses niya ngayon.
"You're being a baby," bulong ko.
"That's fine. I'm your baby anyway..." mahinang wika niya bago siniksik pa lalo ang sarili sa'kin.
Ramdam ko ang init ng katawan niya!
Namumula ang pisngi ko dahil sa sinabi niya.
Ibang-iba talaga ang apekto sa'kin ni Blake. I was mad at him when we first first. Mayabang ang tingin ko sa kanya, pero ibang-iba na siya ngayon dahil nakilala ko siya ng lubusan.
He's cold but he's also sweet and clingy. Palabiro rin siya hindi lang sa'kin kundi pati sa mga kaibigan niya.
"Ava!"
"Oo na! Kakantahan ka na!" iritadong sambit ko.
I started humming a song. Kahit anong kanta ang pumasok sa isip ko ay hina-humm ko 'yon sa kanya. Hindi naman na siya nag-reklamo. Mabuti naman!
Humigpit ang yakap niya sa'kin dahilan kung bakit napangiti ako. Naramdaman ko ang bigat ng hininga niya. Baka nakatulog na.
I know he's asleep now, but I can't still get up dahil mahigpit ang yakap niya sa'kin. Ayoko ring tumayo at umalis. I know this is wrong. Mali na matulog kami sa iisang kama kaso itong katawan ko ayaw makinig sa'kin.
He's warmth makes me comfortable. Siya lang ang lalaking naging ganito sa'kin. I bit my lower lip because of that. He's only the man who can do this to me.
And I am fine with that.