CHAPTER 30- THE NEW BEGINNING
MALIYAH POV
I woke up five in the morning, just to watch the sun rise. Dahan dahan ako pumanaog, at naka bakatin ang mga paa ko para hindi ako makagawa ng ingay dahil ayaw kong makabalahaw ng mga natutulog pa. Nang makarating ako sa entrada ng pintuan at akmang pipihitin ko ito, dinig ko ang baritonong boses ng isang lalaking laman ng isip at puso ko. Puso talaga Maliyah? Kastigo ng utak ko.
“Can I come with you, Mayah?”
Siya na ang may pinaka malambing ang boses, na nag bansag ng Mayah sa akin noon. Hanggang ngayon, pero bakit yun naalala niya. Dati tinanong niya ako, kong sino ako. Dinig ko ang lakas ng kabog ng puso ko, ang aga naman niya magising. I was so excited to watch the sunrise alone but being, with sir Clint it was more wonderful. Lumapit ako sa kanya para alalayan ko siya gamit ang mga saklay niya, it was five months after he woke up, his mobilization was improved day by day, and it was my honor to be part his therapy and recovery. As we reach the sea shore. I assisted Clint to sit down on the bench. We both looked at the sun slowly coming up from the east. We are both in silent mode, no one dares to talk. Pareho naming minamanmanan ang bawat ang isa. Dinig ko ang pag buntong hininga niya. Ang kalabog ng puso ko, lang ang naririnig ko. Nahihiya ako na pati yun mahahalata ni Clint. Dinig ko ang pagtanggal niya ng bara sa lalaman niyan niya. Ako naman pigil ko ang paghinga ko.
“I still like you, Maliyah, and I know you like me too.”
It was firmed statement na nag pagitla sa akin. Hindi ko alam kung paano ko siya sasagutin. Dahil totoo ang mga sinabi niya. I like him, no I am secretly in love with him. Inalagaan ko yun sa puso ko ng matagal na panahon pero hindi ko alam kung tama, dahil ang dami rin katanungan sa isip na kahit anong gawin si Clint lang ang makakasagot. Nang hindi ako sumagot napabuntong hininga nalang siya, natatakot ako sa maaaring mangyari. Wala akong laban sa kung sino si Daniyah sa buhay niya. Paano ang mga anak niya. Ano ang nakaraan, although wala naman kinalaman sa akin yun pero, isa ito sa nagpapapagulo sa isip ko.
“Trabaho ang pinunta ko dito sir, at yung ang gagampanan ko sa inyo. Wala ng iba. Kung ano man ang nakaraan, natin kung meron man, kalimutan na natin yun.”
That’s the most painful words I have ever said to him. Dati I ran away, ngayon naman inamin niyang may gusto parin siya sa akin mag papakipot na naman ako, gusto ko nang dagukan ang sarili ko. Why would I kept on denying what I felt towards him. Dahil takot ako. Pagtatalo ko sa isip ko.
I saw sadness in his deep blue green eyes. Gusto kung haplusin ang mukha niya pero may kung anong pumipigil sa akin.
“You’re being stubborn, Maliyah.”
Ramdam ko ang pait sa mga tinuran niya, hindi ko magawang tugunin iyo. Kahit hindi yun ang sinasabi ng isip at puso ko. Bakit ba lagi nalang salungat?
“Bahala kana sa kung ano ang iisipin mo sir Clint, kailangan niyo munang mag pagaling, yun ang misyon ko yun ang gagawin ko.”
Tutok na tutok ako sa sinag ng bukang liwayway, sinasalubong ko ito ng buong tapang, nang hindi kumukurap. Kaya dama ko ang butil sa gilid ng mga mata ko. Simple ko itong pinunasan. Kasabay nagpagpunas ko sa pagtanggi ko na naman sa kanya. Parang may libo libong karayom ang tumutusok sa puso ko.
“Clint, Maliyah, handa na ang agahan”
Dinig kong tawag ni aling Sonia sa amin. Lumingon ako sa kanya kahit malayo siya, alam kong nakangiti ito. Dumako ang paningin ko kay sir Clint, nakatitig na pala sa akin, at amoy na amoy ko ang mabangong hininga at ang pabango niya. It was intoxicating smell. Sarap siguro magising sa tuwing umaga na ganito kabango ang katabi mo. Ang gulo mo Maliyah, kastigo ko sa isip. Gusto mo nga pero tinanggihan mo naman ngayon. Ano ba talaga.
Pinadaanan niya ng likod ng palad niya ang mukha ko, ramdam ko agad ang init na dumadaloy doon, napapikit ako sa ginawa niya.
“No matter how hard you resist Mayah, you can’t deny the fact that your stubborn heart beats erratically when I am next to you. Good morning.
Bulong niya sa tenga ko at lumapat ang labi niya sa pisngi ko. Kinuha niya ang saklay niya ng hindi man lang hinintay ang sagot ko. Ng nakatalikod siya saka palang ako nakahumang sa kinauupuan ko. Napahawakan ako sa bahagi ng pisngi ko kung saan lumapat ang labi niya. Napapangiti nalang ako. Pinalipas ko muna ang ilang sandali bago ako tumayo at sumunod kay Clint pabalik sa bahay. Naging maayos ang aming agahan. Panay ang tukso sa amin ni Mang Danilo Mang Fernan, ramdam ko ang pamumula at kulay kamatis na ang mukha ko.
Dali dali kong tinapos ang agahan ko at excited akong mag tampisaw sa dalampasigan. Hindi pa masakit sa balat ang sikat ng araw. Pagdating ko sa silid ko kumuha ako ng pamalit, dahlia, off shoulder tops inner tube and ruffle shorts. It was so sexy. Hindi masyadong revealing. Galing ni Yaya pumili. Humarap ako sa salamin, at nang makontento ako sa hitsura ko, nag lagay akong sunblock at nagwisik ng vanilla perfume.
Pumanaog ako, at napatigil ako, sa unang baitang ng hagdan ng makita kong nakaabang si Clint, wala itong baro sa pang- itaas at kita ko ang malapad niyang dibdib, napadako ang mga mata ko sa bandang tiyan, parang ang tigas, akala ko sa mga magazine ko lang makita ang ganung pangangatawan hindi pala, heto ngayon nakabalandra sa harapan ko ang ulam. Ah este ang abs ni sir Clint.
“Eyes up, Mayah.”
“Tse!”
Agad akong nag-iwas ng tingin at tinaasan siya ng kilay para maitago ang pagkapahiya ko. Kita ko ang nakakalokong ngisi niya sa akin. Nilampasan ko lang siya at hindi na pinansin. Nag martsa na ako palabas. Deretso lang ang hakbang ko ng hindi lumingon. Obvious na galawan Maliyah? Kastigo ng isip ko. Pinilig ko ang ulo at inignora kung ano man ang pagtatalo sa utak ko.
Tinakbo ko ang mapino at maputing buhangin na para akong bata. Ang sarap sa pakiramdaman na kahit ngayon lang naging malaya ako. Kahit paano naging masaya ako, kasi nakaatang sa balikat ko ang responsibilidad ng pamilya ko, si Mama, ate maze, Tonton at Papa. Tanaw ko mula sa kinaroroonan ko si Clint na nakaupo sa Cottage na gawa sa kawayan, hindi ito kalakihan, meron itong mesa sa gitna. Langoy ako ng langoy dahil ang sarap ng tubig. Ng bandang alas onse na ng umaga medyo masakit na sa balata ng sikat ng araw tinawag na ako ni Clint. Papalapit na ako sa kanya pero hindi parin siya kumukurap.
“Sir Clint to Earth!”
Pang-aasar ko sa kanya, saka palang ata siya natauhan, when I snap my finger in front of him, kumurap siya at umiwas ng tingin. Nagtanggal din siya ng bikig sa lalamunan. O ano ka ngayon, akala mo ha? Ngiting tagumpay besh.
Umupo ako sa harap niya at ngumiti, agad itong umiwas ng tingin, ibinaling sa malawak na karagatan. Kita mo ang sinag ng araw na tila kulay diyamante, dinig ko ang paghugot niya ng buntong hininga. Binalot kami ng mahabang katahimikan, ang naririnig lang namin ang hampas ng alon at ibon na nagliliparan.
“Naku Maliyah giginawin ka anak oh heto ang tuwalya, at magjuice muna kayo nag iihaw pa si Fernan ng pananghalian natin.”
Pag imporma ni Aling Sonia sa amin. Sinalinan ko si Clint ng juice at, puto cheese na gawa mismo ni Aling Sonia sobrang lambot at ang sarap, kanina ang dami kung kinain. Buong maghapon na tahimik si Clint, hindi ako iniimikan man lang. Inabot na kami ng hapon pero wala nganga, napanis ang laway ko sa kanya dahil hindi ako kinausap. Tinulungan ko siyang iangat ang mga binti niya para makahiga siya.
Bumalik ako sa bahay, at kinuha ang phone ko para litratuhan ang ganda ng lugar. Inggitin ko sina, Terry at Alexander. Sigurado maiinggit ang dalawang iyon at masabunutan ako ng wala sa oras.
Pagbalik ko kinuhanan ko ng litrato, ang harap ng bahay, ang kabilang bahagi na may mga orchids na iba't ibang kulay. At ang disenyo ng kubo. Kinuhanan ko rin ang dagat. Palihim kong kinunan ng litrato si Clint na naka pikit at naka patong ang braso niya sa noo.
“You should ask my permission before taking my sleeping self”
Nagitla ako at nahulog ang phone, dahil para akong nahuli, sa na may ginawang kasalanan which I am guilty of doing it.
“For you information sir Clint hindi kita kinuhanan, feeling mo naman.”
Todo tanggi ko sa kanya. Naku tatamaan na ako ng kidlat na kulay pink nungkang aamin ako.
“Fine, show me your phone,” he commanded firmly.
“Ayoko nga, it’s my privacy and property bakit ko ibibigay sayo?”
Pagmamatigas ko, kakahiya naman kung malaman niyang magnanakaw ako ng litrato niya habang tulog siya which is sadya naman. Kakahiya, gusto ko nang tuktukan ang sarili ko dahil sa pinag gagawa ko. Kumibot lang ang gilid ng bibig nito na akala mo nang-aasar, at hindi siya naniniwala.
Ilang sandali dala-dala na nina mang Fernan at Aling Sonia ang aming panghahalian, nanubig agad ang bagang ko sa sarap ng inihanda nila sa amin ni Clint. Sana palaging ganito. Fresh air, fresh seafood’s, inihaw na tuna, liempo, may oyster pa, at tahong. Meron din sinigang na salmon. Jusmiyo para akong bibitayin sa pagkain sa harapan ko.
Pagkatapos naming kumain, bumalik na kami ni Clint, sa loob ng bahay, dumiretso na ako sa akin silid at naligo na ako. Pagkatapos kong naligo, sumampa ako sa kama at ipikit ko ang mga mata ko, para akong lumilipad sa alapaap. It was a happy moment being with Clint and this beautiful paradise.
Isang yugyog sa balikat, ang nag pagising sa diwa ko. Nang iminulat ko ang mga mata ko, ang gwapong mukha ni Clint ang tumambad sa akin.
“Let’s watch the sunset together, Mayah”.
He said softly and sweetly. Gusto kong haplusin ang mukha niya pero pinigilan ko ang sarili ko. Kinusot ko ang mga mata ko, para maaninag ang mukha niya. It was the most beautiful pair of eyes I have ever seen. Expressive yet cold sometimes. I felt there was something mysterious about the way he looked at me. His kisses were hot, yet something was wrong. I thought he refrained himself from going further. I am not sure if he respected me or what but I have strong feelings that, He is hiding something from me, and that’s what I want to find out.
Bumangon ako at kinuha niya ang saklay niya ako naman pumasok ako sa banyo at naghilamos. Pagkatapos kong nag hilamos at tinuyo ko ang mukha ko, sinuklay ko nalang ng mga kamay ko ang magulo kung buhok.
Naabutan kong nasa hamba na ng pintuan si Clint at pinihit ang seradura pabukas. Pinauna na niya ako palabas at sabay kaming bumaba ng hagdan.
Umupo kami sa bench kung saan kami umupo kanina, he hold my trembling right hand, he hold my face with his palm, wala itong kakurap kurap.
“Mayah, I want to court you again.” Madamdamin niyang sabi sa akin. parang tumigil ang puso, ko, oo na ba ako? Ito na ba yun? Handa na ba ako? Kanina, tumanggi na kanina, but I was stubborn and Clint was persistent.
“Clint?” Ramdam ko ang panginginig ng kamay ko,
“Please don't say no Mayah for second time around. Inunawa na kita noong una pero sana naman, tanggapin mo na ako ngayon. This will be different for both of us. Alam ko maraming kang mga tanong sa isip mo handa kong, sagutin lahat kung ano man ang pagdududa mo sa intensyon ko. Just give me chance, to prove you that I have good intention on courting you Mayah”
Tango nalang ang sagot, kahit anong tanggi ng isip ko pinag kanulo naman ako ng puso ko. Ang salitang bahala na ang dahilan kung bakit ako tumango. Kahit ngayon lang piliin ko naman ang sarili kong kahligayahan hindi naman siguro selfish yun. Hindi ko naman pababayaan sina mama, papa at Merleah. Si Ate Maze found her better half. I know that for sure.
As the sun sets on the west, Clint claimed my lips in the sweetest way possible, and my heart was in chaos. My world stopped as if Clint and I were the only ones in this universe, in this beautiful paradise, in front of the sea, with a perfect sunset, and with the man I love the most. Yes, I am secretly in love with Clint the moment I ran away after his courting proposal.