CHAPTER 25- ENIGMA UNSOLVED
MALIYAH POV
My palms are shaking. I saw rage and longing in his deep blue-green eyes. Maya maya naging malamlam iyon, ngunit agad ring nawala. Napalitan ng walang emosyong mga mata, at nagtagis ang mga bagang niyang nakatingin sa akin.
“Wa—ter” malat na boses niyang sabi sa akin. Kumuha agad ako ng tubig, dahan-dahan kong inangat ang ulo niya, at inilapit sa bibig niya ang baso para makainom siya. Nang tumigil ito sa pag inom, inilapag ko ang bago sa side table, nakakalahati rin nito ang tubig.
“Sir—Sir Clint, do you need anything else?” utal kung tanong sa, diretso kung tinitigan ang kanyang mga mata, sinalubong niya yun ngunit ilang sandali umiwas rin ito. Ang lamig ng pakikitungo niya, walang buhay. Ibang Clint ang nakikita ko sa mga kilos, at mga mata niya.
Nabalot ng katahimikan ang buong silid, ang naririnig ko lang ay ang tunog ng mga monitor at ang paghinga ko, pati ang nakakabinging tibok ng puso ko.
“Who are you?” he asked me with confusion. Hindi na ba niya ako kilala, pati ba utak niya may tama rin?
“Po—ah, Ahm, I am Maliyah, sir, your personal physical therapist,” nagsalubong na ang kilay nito. Ang cute lang tingnan ang mga reaksyon ng mukha niya lalo na ang mga mata niya.
“Get out!” mahina ngunit may diin nitong sabi. Ay suplado.
“Po?” nabingi ba ako? Tama ba ang dinig ko? Puno ng pagtataka ang mukha ko.
“Are—are you deft or something?” mahina pa rin ang boses nito at ramdam ko ang kaseryosohan noon.
“I am sorry, Sir Clint, I can't do that. I am here to do my job and I will do it whether you like it or not.” lakas loob kung sagot sa kanya. Sineryoso ko rin ang mukha ko. Para alam niyang hindi ako nagbibiro
“I don't know you, I don't need you here.” Hindi ko na pinansin ang mga sinabi niya, lumapit ako sa kanya para umpisahan ang basic procedure to stimulate spinal cord functions. I was about to hold his feet to face them together, but he refused to cooperate.
"Sir, we need to establish your routine. This is the most basic exercise on the nerve. ” Magalang ko paring sabi sa kanya, pero ang totoo naghihimutok na ang kalooban ko, sana tulog nalang siya kapag ginagawa ko ang stimulation exercise niya. Piping usal ko.
“How long have I passed out” he managed to respond with irritation in his voice. Was he passed out? Anong passed out. Pinag sasabi nito, eh nacoma nga ito.
“A year?” I'm not sure what I'm talking about when I say, a year, tama ba ang sagot ko sa tanong niya, na patanong din ang sagot ko?
“What do you mean a year, Miss?” ganting tanong nito, napakunot ang noo ko, hindi ba niya alam ang isang taon, kailangan ko pa talagang tagalugin, English naman yun sagot ko, English naman ang tanong niya. Ay ewan, ganun ata kapag na-coma, confusion of time. Kinuha ko ang telepono ko at tinawagan si Doc Chlyde sigurado akong matutuwa yun dahil gising na si Sir Clint. Naka ilang ring din ito bago niya sinagot. Kita ko sa peripheral vision ko na sa akin siya nakatingin. I felt uneasy the way he looked at me. Buti sumagot na si Doc sa tawag ko.
"Yes, Maliyah, is there something wrong?” Seryosong bungad ni Doc.
“Doc, Chlyde, gising na po si Sir Clint!” masayang pagbabalita ko sa kanya. Akala mo nanalo ako sa lotto.
“What!?” halos mabingi ako sa sagot niya sa akin, hindi ko alam kong nabigla ba ito o natutuwa dahil gising na ito. Inilayo ko agad sa tenga ko ang telepono dahil parang nabasag ang eardrum ko.
“Opo, gising na siya.” inulit ko pang sagot sa kanya.
“Fuck!” I heard an end-call sound. Minura ba ako ni Doc? Napatingin ako sa screen ng phone ko, at end call na nga. Haist. Napabuntong hininga nalang ako, at napakamot ng noo.
“Ahem!” it was Sir Clint. Napatingin ako sa kanya, ngumiti ako ng bahagya, para matanggal ang asiwa sa pagitan naming dalawa.
"Ay sir, pasensya na po, kailangan ko lang kasi ipaalam kay Doc na nagising na kayo sa pagka-coma niyo po.” malumanay ngunit masaya kong saad sa kanya.
“What!?” malakas nitong sigaw na patanong sa akin. Naiinis na ako sa naka-dawalang what na ako ngayon ha? Kung hindi lang ito gwapo kanina ko pa ito nilukumos ng halik. Nabitin ako kanina ha. Malandi! Bulyaw ng utak ko.
“Bakit sir hindi niyo po alam na coma kayo?” takang tanong ko sa kanya. Hindi ito umimik, hindi rin ako makakilos sa kinatatayuan ko kasi ayaw niyang hawakan ko siya. Hindi ko alam kong ilang minuto ko siyang tinitigan. Ang nagpalingon sa akin ay ang humahangos na si Doc Chlyde na pabalyang nagbubukas ng pintuan.
“Doc Chlyde, mabuti andito na kayo!” masiglang sabi ko sa kanya.
“Fuck you!” dinig kung sabi ni Sir Clint, napalingon ako sa kanya na puno ng pagtataka, kanina pa ito nag mumura. Sarap din nitong pektusan.
"Get the fuck out Maliyah! ", ay magkakambal nga ang dalawang ito. Kung maka get out, eh no. Hindi na ako sumagot, at tinungo ko na ang pinto ng hindi lumingon sa dalawang gwapong lalaking ito. Kung ano man, pag uusapan ng dalawa hindi ko alam.
Hindi ko alam kong ilang oras akong nahhintay sa labas ng silid ni Sir Clint. Nainip ako kaya pumunta muna ako sa cafeteria. Napag-desisyonan kung bumili ng kape, tatlo na ang binili ko. Hindi ko alam kung pwede na ang kape kay sir Clint pero binili ko parin.
Nang bumalik ako sa silid kung saan naka confine si sir Clint nag swipe ako ng keycard. Pinihit ko ang pintuan at ang apat na pares na mga ang naghihintay sa akin.
“Kape po?” magalang kung alok sa dalawa at itinaas ko ang kapeng hawak ko. Nakatutok ang doon ang mga mata nila, at bumalik ulit sa mukha ko. Nagkulay kamatis ang mukha ko sigurado ako doon. Dahil sa kakaibang titig nila sa akin. Para akong lalamunin ng mga ito ng buo. Gusto ko nalang bumuka ang lupa at lamunin ako, o kaya naman kumaripas ng takbo, papalayo sa dalawang ito. Ramdam ko ang tensyon sa pagitan naggwagwapuhang ito, na lalong nagpakaba sa akin. Parang silent war ata itong napasukan kong sitwasyon.
“Maliyah, you're off for the day, Mang Danilo is on his way to pick you up.” May pagtataka man ako sa tinuran ni Doc Chlyde pero, hindi na ako nag usisa pa. Napatingin ako kay Sir Clint ng magtama ang mga namin agad din itong umiwas.
Parang kinurot ang puso ko sa ginawa niya, pero wala naman akong karapatan, hindi ko parin maiwasan na hindi ako masaktan. Nakalimutan na ba niya ako? Nagka amnesia ba siya? Gumugulo parin sa isip ko ang mga tanong niya sa akin kanina. Ang daming tanong, ngunit wala naman akong makuhang sagot.
“Sige po.” Lumapit ako sa side table at inilapag ko ang dalawang kapeng binili ko. Tumigil ako sandali para pagmasdan si Sir Clint pero hindi ito nakatingin sa akin, kita ko ang ekspresyon ng mga mata niya. There is nothing in there. His jaw and fists were clenched. Parang manununtok ito ng tao. Yung dagundong ng puso ko mas dumoble na dahil sa tagisan ng nakamamatay na titigan ng dalawa. Natakot ako bigla. Parang may hindi magandang nangyari kanina pag alis ko. At kung mananatili pa ako dito baka pati ako madamay. Aabutin ko na sana ang pinto ng biglang bumukas iyon at tumama sa noo ko.
“Aray!” buong lakas kung sigaw
“Maliyah/Mayah.” panabay na sigaw nina Doc Chlyde at Sir Clint, ay concern. Pero isa lang ang rumehistro sa utak ko. Ang tawag sa akin ni sir Clint. Alam kung siya yun kasi siya lang naman ang nagbansag niyang pangalan ko. May kung anong humaplos sa puso ko. H’wag umasa girl sita ng isip. Kontrabida talaga. Ramdam ko ang sakit ng noo kung saan ako natamaan ng likod ng pintuan. Agad dumulog si Doc Chlyde sa akin,
“Chlyde, don’t you dare,” I heard Doc Chlyde chuckled, in Sir Clint's threatening voice.
“Are you alright, Maliyah?” buong pag alala nitong tanong, Napatango nalang ako.
“What the fuck Alfred!” pamilyar ang pabango ng lalaking nasa harapan ko. Nakaalalay naman at iginiya ako ni Doc Chlyde sa sofa.
“I am sorry Maliyah, I didn't know you were there” puno ng pagsisising sabi ni Alfred.
“Okay lang po Mr. Alfred, aksidente po yun.” Sagot ko sa kanya
“Do you know him/Do you know him?” magkapanabay na wika nina Doc, Chlyde, at Clint. Chorus lang?
“Ah— op—opo, noong pong pagkatapos ng board exam ko.” Sagot ko, hindi ko alam kong saan ko ipapaling ang mga mata ko.
“Are you okay, Ms. Maliyah?” nakangising tanong ni Alfred sa akin. Akmang hahawakan ang noo ko pero umiwas agad ako. Nakakunot akong tumingin sa kanya, feeling close naman nito. Isang batok, ang dumapo sa likod ng ulo nito.
“What the fuck Chlyde?" Magkaibigan nga pala ang mga ito, coincidence lang ba ang pagkakilala namin ni Mr. Alfred? Napaka misteryoso naman ng mga ito lalo na itong Mr. Alfred.
“You will be dead, you mother fucker.” It was Sir Clint sa lakas ng bulyaw nito, napatingin ako sa kanya.
“Nakakatayo kana ba o yung gitna— ouch! Chlyde namumuro kana," banta nito ngunit mukhang di naman ito seryoso.
“Ano ba ginagawa mo rito ha? May pinapagawa ako sayo, hanggang wala paring nangyari” bulyaw ni Doc Chlyde.
“Bakit naghihirap kana ba?, barya lang sayo ang binabayad mo sa—“ hindi na ito natapos ang sasabihin niya ng tinakpan ni Doc Chylde ang bibig nito at pahila ito patungo sa pintuan. Hanggang makalabas ang dalawa na nagbabangayan pa rin. Dinig ko ang paglapat ng pinto. Binalot ng katahimikan ang silid ni Sir Clint pag-alis ng dalawa. Walang may nagsalita sa aming ni Sir Clint kapwa kami nag pakiramdaman. Maya maya pa, unti unti ang paghakbang ko patungo sa pinto para umalis na. Akmang aabutin ko na ang seradura ng magsalita si Clint.
“Go back to where you belong, Maliyah! If that’s your name.” napatigil ako, para akong binuhusan ng nagyeyelong tubig, ramdam kung tinarakan ng kutsilyo amg puso ko. Unti unti namuo ang luha sa gilid ng mga mata ko. Kinurap-kurap ko yun para pigilan ang pagtulo ng luha sa mga mata ko. Ng magtagumpay ako, nilingon ko siya at sinamaan ng tingin. Gusto ko itong sigawan at iparamdam ang galit ko pero hindi ko magawa. Namumuro na nga siya kakapanakit sa akin, pinapahirapan na nga ako sa trabaho ko, ang sakit pa niyang magsalita. Wala na akong masuutan sa kanya. Sarap tahiin ang bibig nito. Paano mo yan nanakawan ng halik kapag tinahi mo ng mga labi niyan. Paalala ng utak ko sa akin. Ipinilig ko ang ulo ko para mabura ang kahalayang iniisip ko.
“I belong to you” bulong ko hindi ko. sapat lang para marinig niya ang sagot ko.
"What?" iritableng sagot niya.
"Paborito mo ba si what siya madalas mong gamitin eh?" Sarkastiko kong sagot sa kanya na lalong dumilim ang ipinukol nitong tingin sa akin. Napangisi ako para lalo ko itong maasar, makaganti man lang ako. Kung nakakamatay lang ang titig niya bulagta na ako kanina pa.
“Did you hear what I said, Maliyah?” kalmado na ito ngunit may diin parin ang bawat sa salita na binitawan niya.
“Aye aye Captain!” sabay saludo, lalong nag isang linya ang kilay niya, at ikinatuwa ko naman yun. Buti nga sayo.
You're not funny at all May—, Ms. Delos Santos. ” Namumula na ang mukha nito sa galit. So alam nito ang apelyido ko? Asa ka girl? Pasaring ng utak ko. Baka sinabi ni Doc Chlyde noong wala ako.
“Hindi nga po ako nakakatawa, eh bakit nag bablush po kayo?” asar talo kung sagot sa kanya.
“Get the fuck out!" Halos nabingi ako sa lakas ng boses niya.
“Hindi naman ho ako bingi sir Clint hindi niyo po kailangan sumigaw. Wala pa kasi akong goodbye kiss! ” nanlaki ang mga mata nito at nagbabaga itong ipinukol sa akin. Ngumiti lang ako sa kanya at sabay tumalikod. Ano ka ngayon hindi mo ako matakot takot diyan sa galit mo wala sa lugar ha? Hindi pa nga ako nagsisimula.
“Bye sir, Clint, see you tomorrow." pinalambing ko pa ang boses ko, hindi na ako lumingon para tingnan ang reaksyon niya. Pero narinig ko parin ang mura nito. One point for me.