CHAPTER 24- AWAKEN
MALIYAH POV
As I wonder what happened a while ago, I'm alone now in my room. Still, I couldn't process everything after discovering that Clint's children were cutie little angels. How? Is he married? Confusion consumed me. Did he play with my feelings way back then? We met for almost one year based on the kid's age, one year and six months. Means that he knew he was already a father? Am I calculating the timeline and months correctly? Sumakit bigla ang ulo kakaisip sa mga nalaman ko. Maraming mga katanungan ang gumugulo sa isip ko, na hindi ko naman mabigyan ng sagot.
Inikot ko ang mga mata ko sa kwarto na pinagamit ni Yaya Mameng sa akin. Hindi ko agad napansin kong gaano ka, kaganda, at kalapad ang kwartong tutuluyan ko mas malaki pa ata ito sa buong bahay namin.
The wallpaper was light brown, fully carpeted with brown fur texture. There is a large sunset painting on the wall where the headboard was. The birds flying through it made it a perfect sunset. The room has two large windows on each side and a countertop. There is an overlooking veranda, a vast garden, and half of the Olympic bean-size pool with lounge chairs and square pillows. The room has a 52 inches tv. As my hand touched the soft bed, one thing came to mind. This is more than I expected. As my eyes searched for the bathroom, my feet brought me there.
My eyes widened as I opened the door of the bathroom. The bathroom screams lavish from the beautiful ceiling fan with lights, shower area, and a massive bathtub with Jacuzzi. Parang nanliit ako sa sarili. Mas malaki pa itong bathroom na gagamitin ko, kaysa pinagsamang kwarto namin ni Merleah.
The mirror with a counter with total stocks of different shower gels, lotion, shampoo, shaving cream, shaver, scrubs, and so much more, you name it, all in there. But what surprised me was all of it was one smell. It was vanilla scented, which I was using from powder and cologne, all of it. It makes me wonder. As I walked back to where I came from, I shut the door. Then my eyes were curious about the next door of the bathroom. I open it, and the light automatic spreads its radiance. Tumambad sa aking harapan ang ayos at gara ng walk in closet na gagamitin ko. From my uniforms with different colors and what day to wear and shoes a perfect combination. Hindi ba masyadong OC na ang gumawa nito?(OCD- Obsessive-compulsive disorder) nailing nalang ako. This is too much for me. But I couldn't complain. They are treating me right. I am flattered.
Napaupo ako sa gilid ng kama, hinaplos ko yun and again it was smell vanilla. Hindi ko na namalayan na nakaidlip ako, napabalikwas ako ng bangon ng may humalik sa pisngi ko. Ng magmulat ang mga mata ko, isang maamo at napakacute na si Andrea ang nakatunghay sa akin.
“Mommy” she said sweetly. Parang kong may anong humaplos sa puso ko. Dalawang beses na niya akong tinawag na mommy. Saan ba ang mommy nito?
“Andrea/Andrea” sabay naming tawag ni Dhani na saktong pag pasok niya ng pintuan.
“Sorry hindi na ako, kumatok, I was nervous, nalingat lang ako sandali.” Saad ni Dhani.
“It’s okay Dhani, buti ginising ako ni Andrea pinagtataka ko lang paano siya nakaakyat sa kama” sagot ko dito.
“She’s smart, pinag patong-patong niya ang mga unan galing sa sofa” napailing ito sa kapilyahan ni Andrea, at nag puppy eyes pa sa aming dalawa ni Dhani. Tumingin ako sa aking pambisig na relo, alas siyete na pala, halos apat na oras din akong nakatulog.
“Dinner is ready” wika ni Dhani, nakangiti ito sa akin. Busog pa ako sa meryenda na hinanda kanina ni Yaya Mameng sa akin kanina ngunit paano ko ba matatanggihan ang dinner kong si Dhani mismo ang sumundo sa akin.
“Mommy carry” it was andrea, nakangiti itong nagpapabuhat sa akin. Nagkatinginan kami ni Dhani dahil sa sinabi niya, at gustong magpakarga sa akin. Kita ko ang gulat sa mga mata ni Dhani, at kasabay noon ang lungkot sa mga mata niya. Hindi agad ako makakilos, para akong naitulos sa gilid ng kama. Binuhat ko na si Andrea, dahil naka nguso na ito. Napailing nalang si dhani, kong para saan ang iling nayun hindi ko alam.
Sabay sabay kaming bumaba, hindi na umimik sa Dhani sa akin, at naging awkward ang paligid dahil sa sinabi at ginawa ni Andrea. Narating namin ang komedor, at naka upo na si Anthony sa high chair niya, inilagay ko si Andrea, sa katabing upuan at nakaalalay naman agad ang yaya nito. Napadako ang mga mata ko sa isang lalaki na, kanang bahagi.
“Maliyah, this is my brother Adam. Adam Maliyah, Clint’s personal physical therapist.” Biglang tumayo si Doc Chlyde at pinag hila si Dhani ng upuan. Wow gentleman, I sawhim, he place soft kiss on Dhani’s head. May binulong din ito dahil napangiti si Dhani. Kakainggit naman. Sana all.
“Good evening, sir Adam. Please to meet you” I offered him my hand for a handshake, but he looked at it and smirked. Nahiya naman ako sa ginawa niya.
“Don’t feel bad Maliyah, hindi lang sanay si kuya sa handshake” agap na paliwanag ni Dhani sa akin. Tumango ako. Alanganin akong umupo sa katabi niyang upuan. Hindi na ito tumingin sa gawi ko.
“Everything is set on the wedding day.” Dinig kong sabi ni Adam. Napaangat ako ng tingin kina Doc Chlyde at Dhani. Their eyes twinkled and were full of emotions and love for each other. Nilalanggam na dito sa kasweetan ng dalawa.
“Mommy” sabay kaming napalingon kay Anthony na nakatingin sa akin. Ang tibok ng puso ko ay hindi ko na mapaliwanag simula pa kaninang pagdating ko.
“Anthony, she’s not your mommy; she’s Maliyah.” It was Doc Chlyde, and his voice was firm and strict.
“Mommy” it was Andrea again. Nanlalamig na ang buong katawan ko nag umpisa na rin mag alburuto ang dalawang bata kakatawag ng mommy sa akin. They are too young to look for a mom. Saan ba ang mommy ng mga ito. I looked at Dhani, I was pleading and asking for help. I saw apologetic look in her eyes. Tumayo si Adam at kinuha si Anthony, kasabay ang Yaya ni Andrea buhat buhat nila ang dalawa palabas sa kusina. Napayuko ako. Ramdam ko ang tensiyon sa paligid.
“I am sorry Maliyah for putting you in uncomfortable situation.” It was Doc Chlyde at umangat ang tingin para salubungin ang mga mata niya.
“Ah—ah ano, wa—la po yun Doc Chlyde.” Utal kong sagot sa kanya. Nakapako ang mga mata ko kay Dhani and an understand look, was written on it. Ngumiti ako ng bahagya sa kanya, telling her it was okay.
Pagkatapos ng hapunan, umalis na agad sina Dhani at Doc Chlyde, nag paiwan na ako para tumulong, pero agad naman tumanggi si Yaya Mameng .
“Naku iha h’wag na umakyat kana sa kwarto mo, at ayusin na ang mga ibang gamit mo. Kami na ang bahala dito. Aayusin ko na sana yun kanina kaso ang himbing ng tulog mo kaya ipinag paliban ko ang pag aayos.”
Nahiya naman ako sa tinuran ni Yaya, siya pa talaga ang nag aadjust para sa’kin.
“Naku Yaya, ako na po, nakaidlip po ako kanina, pasensya na po kayo” hinging paumanhin ko baka isipin nito feeling agad ako.
“Ano ka ba namang bata ka, walang kaso yun. Ituring mo itong bahay mo. Mukhang giliw na giliw sayo ang kambal.” Sabi nito na tuwang tuwa. Naglakas loob na ako, para magtanong alam kong mali mag uusisa pero puno naman ng alalahanin ang isip.
“Bakit ho ba nila ako tinatawag na mommy eh, ngayon lang naman po nila ako nakita.”, gumuhit ang lungkot sa mukha ni Yaya. Gusto ko naman sanang tuktukan ang sarili ko sa walang habas kong pag uusisa.
“Namatay ang mommy ng kambal sa panganganak sa kanila”. Binalot ng lungkot at awa ang puso ko sa kambal. Hindi na ako nagtanong pa. Wala ako sa posisyon para ungkatin ang bagay na walang kinalaman sa akin, at sa ganoon ka sensitibong paksa. Nandito ako para magtrabaho at yun ang gagawin ko.
Mabilis lang lumipas ang isang buwan. Nakakatuwa ang love story nina Doc Chlyde at Dhani, pang pocketbook. Isang buwan na akong pabalik balik sa ICU para kay Sir Clint. His health status is improving. I applied what I learned from school and from my experiences. I am glad he’s improving. Sometimes, I noticed his fingertips are moving but still unconscious.
After Clint woke up from coma weeks ago as per Doc Chlyde, ilang sandali lang itong gising at tulog na ulit. Yun ang araw na nag-offer ng trabaho sa akin si Doc Chlyde, akala niya tuloy-tuloy na ang pag sising ni Clint. Clint close kayo?. Sita ng utak ko. Oo na hindi kami close. Nagtatalo na ang isip at kalooban ko. Matapos kung maihanda ang gamit at equipment na gagamitin ko, dumaan ako sa kusina, para mag paalam kay Yaya Mameng na pupunta na ako sa hospital. Akmang papasok na ako sa kusina ng maulinigan kong nag uusap si Yaya at si Doc Chlyde.
“Mali yang ginagawa mo anak” sita ni Yaya kay Doc.
“I know Yaya but I have to do it for Clint.” Agad akong nagtago sa gilid ng tukador para hindi ako makita ni Doc, dinig ko kasi ang papalapit niyang yabag. Ayoko na masabihan akong nakiki-usyoso sa usapang ng may usapan. Ilang sandali, lumabas na ako sa aking pinagkukublihan at pumasok sa kusina.
“Yaya” kitang kakatalikod lang niya, kaya hindi halata ang pagpasok ko.
“Iha”, mailap ang mga mata nito hindi gaya ng mga nakaraan. Binura ko sa isip ko ang duda na nararamdaman ko. Walang ipinakita na hindi maganda si yaya sa akin masama naman kong pag-iisipan ko siya ng masama.
“Aalis na po ako” paalam ko sa kanya.
“Ingat ka iha, si Danilo nasa labas na hinihintay ka”. Malumanay ngunit may pag-iwas sa mga kilos nito. Hindi na ako nagpumilit pa. Isinawalang bahala ko nalang yung napansin ko kay Yaya. Basta alam ko ginagawa ko ang trabaho ko at nakikisama ako sa kanila.
Pagdating ko sa hospital nag time in agad ako. Ako narin mismo ang naging personal nurse and therapist ni sir Clint. Doble rin ang sahod na ibinibigay ni Doc Chlyde sa akin directly deposited into my account. Wala naman akong reklamo sa trabaho lalo pa kung si Clint ang aalagaan ko. I swipe my keycard on Sir Clint room. Pili lang ang merong access sa kwartong itong. Mga doctor, iilang nurse na, naka monitor 24/7, ako at si Doc Chlyde.
Ilang sandali kong pinagmasdan si Sir Clint bago nag-enter ng aking employee code. Once ginawa ko yun all the cameras, and other monitoring device will be switch off. For patient privacy rights.
Napako ang mga mata ko sa gwapong mukha ni Sir Clint, namayat ito, ngunit, hindi parin nababawasan ang kagwapuhan nito sa mga paningin ko. Ito parin ang gwapong Clint na nagpakilig sa akin. Ito parin ang unang lalaking gumising, at bumihag sa mailap kong puso.
“Sir Clint, gumising kana kasi lalandain pa kita” mahina kung bulong.
Hinaplos ko ang pisngi niya. Pinadaanan din ng hintuturo ko ang matangos niyang ilong at ang manipis niyang mga labi. Maputla ito, may kung ano ang nagtulak sa akin para ilapat ko ang mga labi ko sa labi niya. Ang lambot ng labi nito. Tatagalan ko pa sana ngunit para akong tinarakan ng libo- libong kutsilyo.
“Daniyah.” Dinig kong lumabas sa bibig niya. My body stiffed, and my entire system became cold. I felt as if it was drenched with freezing water where I was standing. My world collapsed around me. I felt like my heart was breaking once again. Who is Daniyah?