Chapter 4:
Napatigil kami sa paglalakad ni KD nang makita namin ang dalawang tao na masayang kumakain sa loob ng resto.
Binigyan ko nang nagtatanong na tingin ang lalaking katabi ko. Sa itsura niya pa lang ay alam kong nagulat rin ito.
"Sabi mo sa Kiro lang ang kasama mo? Bakit may kasama siyang ibang babae?!" naiirita kong iniwas ang mga tingin ko sa dalawang naglalandian ngayon. First time ko sanang makasama si Kiro pero dahil ganito ang aabutan ko siguradong sira na naman ang plano ko.
May dumagdag pa kasing isang sagabal tch.
"Pinsan ko 'yan galing america, sinama ko na kasi nagpupumilit." Napakamot ito sa batok niya at ngumiti ng pilit sa'kin.
Inirapan ko na lang siya at nagpatuloy sa paglalakad palapit sa table kung saan naglalandian ang dalawa.
Napaismid ako nang makita ang nakapulupot na kamay ng malanding babae sa braso ni Kiro.
Tumikhim ako upang kunin ang atensyion ng dalawa. Padabog akong umupo sa harap nila at doon sumimangot.
Ramdam ko rin ang naguguluhang titig nila sa 'kin. Inangat ko ang tingin ko at pilit na ngumiti sa harap nila.
"I'm Kira pala." Inabot ko ang kamay ko sa babaeng titig na titig ngayon sa'kin.
"Si KD ang nag-invite sa'kin dito." Pilit akong tumawa upang pagaanin ang atmosphere sa paligid.
"Ashley Simpson." Nakipag-shake hands ito sa'kin. Pinilit kong ipakitang mabait ako kahit hindi naman.
Naramdaman ko ang pag-upo ni KD sa tabi ko dahilan para mapamura ako ng paulit-ulit sa isip ko. Si Kiro dapat ang katabi ko at hindi itong patay gutom na 'to!
"Okay ka lang, Kira?" Peke akong ngumiti sa nagpakilalang Ashley.
"I'm okay," mahinhin kong sabat.
Narinig ko naman ang pigil na tawa ng lalaking katabi ko. Sinipa ko ng palihim ang paa niya sa ilalim ng lamesa.
"Kiro! You're here rin pala!" kunwareng gulat kong wika. Nilakihan ko pa talaga ang mata ko upang mas lalong kapani-paniwala.
"Yes," maikili niyang sagot.
"So, order na tayo guys?" Ashlee suggested. Epal tss.
Sabay kaming tumango lahat sa suhestiyon ni Ashley daw kuno.
"Kami na lang ni Kiro ang o-order" Pagsalita ni Kingdom habang nakatingin kay Kiro na nasa harap niya.
"Okay, let's go."
Tinitigan ko muna ang papalayong bulto ng dalawa bago binigay ang atensiyon sa babaeng kaharap ko ngayon. I secretly rolled my eyes in the air.
"So, what's the relationship between the two of you?"
My eyes widen in her sudden question.
Kinakabahan akong lumunok. "What do you mean?"
"Kayo ng pinsan ko, kayo na ba?" Ngumiti siya sa'kin na mas lalong ikinataka ko.
Ako? At si Kingdom? Yuck!
"Ofcourse not!" puno ng disguto kong sagot. Bahagya pa akong nanginig.
Alam kong may itsura si KD pero hindi talaga kami bagay, sigurado akong mag-iinisan lang kami pag nagkataon.
Napatigil ako sa pag-iisip ng bigla itong tumawa. Nanlaki naman ang mata ko sa sobrang paghanga sa paraan ng pagtawa niya. She's so fucking gorgeous! God!
"You're cute." She pinched my left cheek.
Gulat man sa inasta niya ay ngumiti na lamang ako.
I awkwardly laugh. "T–thank you."
I thought she's a bitch?! Bakit parang ang bait-bait niya? Grabe! Maganda na nga, maganda pa ang ugali hindi katulad ko na ganda lang talaga ang ambag.
"May pagkabaliw 'yang pinsan ko kaya hindi na talaga ako magtataka kung walang magtatagal na babae sa kaniya," malungkot niyang ani.
"Bukod kay Kiro ikaw lang talaga ang nakatagal diyan sa pag-uugali niya." She laughed once again.
Gusto ko sanang sabihin na 'yong pinsan niya ang dikit na dikit sa 'kin at hindi ako. But I don't want to disappoint her.
"My cousin is a good guy. Masiyado lang siyang attention seeker kasi hindi 'yan pinapansin sa bahay nila."
Nalungkot naman ako sa nalaman ko.
Nakaka-guilty kasi pinagtataboyan ko si KD without knowing na may pinagdadaanan din pala ang baliw na 'yon.
"Kaya thank you kasi isa ka sa naging kaibigan niya."
Gumaan naman ang loob ko nang makita ang mga ngiti niya. I'm really a bad person for misjudging her.
"Oh? Mukhang seryoso niyo, ah?"
Napatingin ang gawi ko kay KD na nakangisi na ngayon habang nakatingin rin sa'min. Binalot naman ng lungkot ang puso ko habang tinititigan siya.
I heaved out a deep sigh. "Naka-order na kayo?" Pilit kong pinasigla ang boses ko.
"Syempre naman!" Pinakita nila ang tray na dala-dala nilang dalawa.
Sinundan ko na lamang ng tingin si Kiro habang nilalagay niya ang mga order sa table namin. Halos tumalon naman sa tuwa ang puso ko nang siya mismo ang naglagay ng pagkain sa harap ko.
Ngunit unti-unting ring nawala ang mga ngiti ko nang makita ang in-order niyang pagkain. Napakagat ako sa labi ko dahil pakiramdam ko maiiyak ako habang tinititigan ang pagkain sa plate ko.
I hate beef steak! And he fucking knows it!
Bakit ang dali dali lang para sa kaniya kalimutan ang lahat ng tungkol sa'kin?
it's just two fucking year simula nang iwasan niya ako! Bakit ang dali naman 'to para sa kaniya?
Pasekreto kong pinunasan ang isang butil na luhang tumulo sa pisngi ko.
"Oh? Ayaw mo ng beef steak?"
Iniwas ko ang mga tingin ko upang hindi nila makita ang namumula kong pisngi palatandaan na malapit na akong maiyak.
"Ayaw mo? Palit na lang tayo! Sa'yo na lang 'tong chicken ko" Napakagat ako sa labi ko habang pinagmamasdan si KD na pinapalit ang plate namin.
Nginitian ko muna siya bago kinain ang chicken na dapat para sa kaniya.
~
"IIWAN ko muna kayo dito ni Kiro para makapag-usap naman kayo"
Nag-aalinlangan akong tumango sa sinabi niya.
"Goodluck! Bebe South!" Nag-flying kiss pa ito bago umalis sa harap ko.
Nilibot ko ang mga tingin ko upang hanapin si Kiro. I wonder if he was with Ashlee.
Nagpa-iwan pa kasi sila doon sa resto habang kami ni KD ay nauna dito sa parking lot.
Nang mahagip na ng mga mata ko siya ay agad akong napaayos ng tayo. Mukhang nakita niya rin ako kaya lumapit na rin ito sa'kin.
"Nakita mo si Kiro?" His voice is cold, enough for me to shiver.
"Umm, W–wala." Pilit kong pinakitang hindi ako kinakabahan.
"Si Ashley?"
"Wala rin."
Narinig ko ang malakas na buntong hininga niya. Luminga-linga pa ito sa paligid upang magbasakaling nandito pa ang dalawang mag-pinsan.
I bit my lips to prevent myself from smiling. Hindi naman pwedeng iwan niya ako dito, sila lang ni KD ang may dalang sasakyan kaya wala siyang choice kun'di pasakayin ako sa sasakyan niya.
He let out an another sigh. "Let's go."
Gusto kong maihi sa kilig ngunit pinigilan ko baka kasi magbago ang isip niya, mahirap na.
I will took this as a chance to fix our friendship. Hindi ako papayag hangga't hindi kami magkaayos, never.