Chapter 3:

"Nak, pakibigay muna 'to kay Tito Ortiz mo."

Natatamad akong bumangon sa pagkakahiga sa couch at lumapit kay Mammi. Napangiti naman ako nang makita ang tatlong Tupperware na may iba't ibang laman na ulam.

"Sabihin mo do'n kay Kiro, kumain siya ha?" Kinilig naman ako sa sinabi ng nanay kong mabait. "Hay naku! Nangangayat na 'yong batang 'yon!" Dagdag niya pa.

Masaya akong tumango. "Kahit hindi mo naman sabihin 'yan, Mie."

Binigyan niya naman ako ng nanunuksong tingin na ikinatawa ko. Alam niyang may gusto ako kay Kiro kay gano'n na lang siya umasta. Well, kulang na lang naman pilitin nila kaming dalawa ni Kiro upang magpakasal.

My parents and kiro's parents was best friends since highschool. Kaya ganoon na lang talaga kami kalapit ni Kiro dati.

Bukod sa magkaharap lang ang bahay namin, magkapareho pa kami ng date and time ng birthday. Mukhang imposible right? Well, I and him basically grow up together.

Malalim akong bumuntong hininga bago binuksan ang pinto ng bahay nila. Hindi na ako kumatok dahil alam kong sanay na rin sila sa presensiya ko. Dito pa nga ako laging nakikitulog at kumakain dati kaya wala na dapat pang ikahiya.

"Tito Tiz! May pagkain akong dala!" Malakas akong sumigaw upang makuha ang atensiyon ng mga tao dito sa bahay.

Ilang segundo rin ang lumipas ng makita kong bumaba sa hagdan si Tito.

Nakangiti akong kumaway at pinakita sa kaniya ang dala ko.

"Oh! Kira, nag-abala ka pa." Kinuha niya ang mga dala ko at nilagay sa lamesa nila. "Paki-thank you na lang sa mommy mo."

Tinatamad akong humilata sa couch nila at pasekretong nilibot ang mga tingin upang hanapin si Kiro.

"Nandon sa kwarto si Kiro." Inangat ko ang tingin ko kay Tito na kinakain na ngayon ang dala ko.

I pouted. "Hindi naman ako nagtanong."

"Huwag akong bata ka, kilala na kita."

I pouted more. Siguradong nagkulong naman 'yon sa kwarto niya kapag talaga kasi pumupunta ako dito, iniiwasan niya ako. What a jerk!

"Kayong mga bata kayo, ano ba pinag-awayan niyo at hindi na kayo nagpapansinan ngayon?" Biglaang tanong niya na ikinalungkot ko.

"Tanungin niyo po ang anak niyo." Naiinis kong kinuha ang pillow sa couch at niyakap.

Hindi ko rin alam kung bakit niya ako iniiwasan. Wala naman akong ginawang masama kaya bakit niya 'yon ginagawa?

"Simula talaga ng namatay ang mommy niya, iniiwasan niya na ang lahat hindi ko lang talaga inaakala na pati ikaw, iiwasan niya." Narinig ko ang malalim niyang buntong hininga.

Mas lalo kong hinigpitan ang pagkakayakap sa pillow at doon sinubsob ang mukha ko.

I tried to comfort him pagkatapos ng libing ng mommy niya dati pero kahit ako pinagtabuyan niya rin. Akala ko nga pansamantala lang 'yon pero hindi ko naman inaakala na hanggang ngayon iiwasan niya pa rin ako.

Binigyan ko rin naman siya ng space kasi akala ko talaga sobrang nasaktan lang siya. But for fuck sake! mag-da-dalawang taon na simula nang iniwasan niya ako!

"Hindi ko talaga maintindihan ang batang 'yon parang dati lang hindi kayo mapaghiwalay pero ngayon kung tratuhin ka niya parang wala kayong pinagsamahan," bakas rin ang inis sa boses ni Tito.

Marahas akong bumuga ng hangin at binato kung saan ang pillow na yakap-yakap ko kanina. Umayos ako ng upo at mabilis na tumayo.

Ito talaga ang iniiwasan ko kapag pumupunta ako dito. Binabalik lang talaga kasi ni Tito ang sakit. Those memories were meant to be beautiful pero dahil nga sa sitwasyon namin ngayon, nasasaktan lang ako.

Ang daming nagbago at hindi ko na alam kung paano ko 'yon ibabalik.

"Alis na po ako!" Hindi ko na siya pinagsalita at mabilis ng umalis sa bahay nila.

Bagsak naman ang balikat kong pumasok sa loob ng bahay. Pagkapasok ko sa kwarto ay doon ko inihiga ang sarili ko sa kama.

Napatitig ako sa kisame sa taas.

Change is uncontrollable. Balang araw magbabago rin ang lahat. Mawawala rin ang mga meron ka dati. Magsasawa ka rin sa mga bagay na dati mong pinapahalagahan.

But I know that my feelings for him will always remain the same. It will never change, never.

Dahan dahan bumigat ang mga talukap ng mga mata ko at doon na nga ako nilamon ng kadiliman.

~

Naiinis akong bumangon nang marinig ang paulit-ulit na pag-ring ng phone ko. Mabilis ko itong kinuha at tiningnan ang name ng caller.

Kumunot ang nuo ko nang makita unregistered ang number. Who the fuck is this?

"Hello?!"

"Kira! Kira! Kira!" Napabalikwas ako ng upo nang marinig ang malakas na sigaw ng boses sa kabilang linya.

Nilayo ko sa tenga ang phone ko. Sumama naman ang timpla ng mukha ko habang tinititigan ang cellphone na hawak ko.

Dahan dahan kong nilapit ang cellphone sa tenga ko.

"H–hello? Who's this?" naguguluhan kong tanong habang nakakunot pa rin ang nuo.

"Grabe ka naman Bebe Kira! Ako lang naman 'to si Kingdom!" Pakiramdam ko uminit ang ulo ko nang malaman kong sino ang caller.

"Anong kailangan mo?!"

"Labas ka, nandito ako sa harap ng bahay niyo." Literal na napanganga ako sa sinabi niya. Dali dali kong hinawi ang kurtina ng kwarto ko upang sumilip sa labas.

Nanlaki naman ang mga mata ko nang makitang nasa labas nga talaga siya.

"Bakit ka nandiyan?!" naiinis kong asik.

"It's Saturday! Kaya dapat mag-relax tayo."

Napahawak ako sa bintana dahil pakiramdam ko matutumba ako sa kabaliwan ni KD. The fuck? We're still not friends!

"Baliw! Ano akala mo close na tayo?"

Papatayin ko na sana ang tawag nang may bigla itong sinabi dahilan para magbago ang isip ko.

"Kasama ko si Kiro."

"Sasama ako, wait lang." Mabilis kong pinatay ang tawag at agad na dumiretso sa cabinet ko.

Kinuha ko ang blue dress at doll shoes ko sa cabinet. Agad ko iyon sinuot bago tiningnan ang kabuoan ko sa full size mirror.

Winagayway ko ang mahaba at bagsak kong buhok upang mas bumagay ito sa outfit ko ngayon. Pagkatapos kong maglagay ng kunting make up at perfume ay doon ko na lang napagdesisyunang bumaba na.

Napangisi ako nang makita ang nakasimangot na mukha ni KD. Halatang inip na inip na rin ito sa kakahintay sa'kin.

"Hoy!" Mabilis akong lumapit sa kaniya.

Nagkasalubong ang kilay niya habang tinititigan ang suot ko ngayon. Nilibot ko ang sarili ko upang mas lalo niya pang makita ang dress na suot ko.

"Ganda ko, 'no?" may halong pang-aasar na tanong ko.

Nakita ko ang paglunok niya na mas lalong nagpataas ng confident ko. I smirked.

"Alam ko namang maganda ako kaya okay lang na matulala ka sa'kin ng ganiyan."

Mukha namang natauhan ito dahilan para bumalik na naman ang mga ngisi niya sa labi.

"Anong maganda?! Tingnan mo nga 'yang blue dress mo." Tinuro niya ako mula ulo at paa.

Sumimangot ako. "Ano? Maganda naman, ah?" Tiningan ko ulit ang suot kong dress.

"Mukha kang. . ." he trailed off.

"Mukhang ano?!" Sinamaan ko siya ng tingin. Isang lait niya lang talaga at makakatanggap siya ng sapak.

"Mukha kang Smurf." Tumawa ito nang malakas pagkatapos.

"Smurf?!" Hindi pa siya nakakalayo sa pagtakbo nang agad ko na siyang binato ng doll shoes ko.

Narinig ko naman ang pagdaing niya.

"Gagi, walang gan'yanan Kira! Mukha ka talaga kasing smurf sa blue dress mo."

"Kingdommmmm!" Mabilis ko ulit siyang hinabol habang dala pa rin ang isang pares ng doll shoes ko.

Humanda talaga siya sa 'kin!