Chapter 27:
"Hindi na ako ma-su-suprise gano'n?"
"Bakit kasalanan ba namin 'yon?!" naiinis na asik ko. I rolled my eyes in the air. So annoying tss.
Puro reklamo lamang ang ginawa ni Kingdom sa buong byahe. Parang hindi ito napapagod sa pagsasalita, ewan ko nga kung saan siya pinaglihi ng mga magulang niya. Nakakainis na 'yong bunganga niya.
I took a deep breath to calm my self. Calm down, South. It's his birthday today.
"Ano ba 'yong suprise niyo sa 'kin?"
"Surprise nga diba?! Syempre hindi dapat namin sabihin 'yon sa 'yo!" I snapped. I gritted my teeth.
Pakiramdam ko nagsilabasan na ang ugat ko sa ulo sa sobrang inis sa kaniya. Bumuga ako ng hangin upang pakalmahin ulit sa sarili ko. Rinig ko rin ang mga mahihinang tawa ng tatlo sa paligid.
"Galit ka, Bebe South?" Inosente niyang tanong. His brown orbs met mine. I look away.
"Sorry. . ." I apologized. Nakaka-guilty lang kasi nasigawan ko siya, birthday niya pa naman ngayon.
"It's okay!" masaya niya pa ring sagot. Napangiti na lamang ako. Kingdom is really precious, I just hope that someone will take care of him someday.
"Malapit na tayo! Yehey!" Ash cheered happily.
Kita ko rin ang maliit na ngiti ni Vin habang pinagmamasdan niya ang nobya nito. He looks so inlove. Naghuhugis puso na nga ang mata niya sa kakatitig kay Ash.
Kiro's dark eyes met mine. He gave me a small smile that made my heart throbbed. Nahihiya kong binawi ang tingin ko.
"May ibi-bilis pa ba 'yang pag-drive mo, Kiro!" He whined.
"Don't tell me what to do, you asshole!" Kiro shouted back.
I shrugged. Simple lang naman ang surprise party namin para kay Kingdom. Nirentahan namin ang second floor ng Hershey Cafe na malapit lang sa Village namin nina Kiro. Kami ang nag-organize ng decorations, more like children party iyon. Well, isip bata naman si KD kaya sigurado kaming magugustuhan niya ang party. Naisip din namin na lagyan ng maraming blue ballons ang lugar since favourite color 'yon ni Kingdom. Bumili kami ng two layers cake, blue rin iyon at punong-puno ng candy sa paligid. Mayroon ding spaghetti, fried chickens, 5 buckets of vanilla ice cream and soft drinks. Isang table na kasya ang limang katao ang nilagay namin sa venue since kaming lima lang.
"We're here. . ." Kiro informed us.
Dali-dali naman kaming bumaba sa sasakyan. Napalingon ako kay KD na ngayon ay hindi na maitago ang excitement sa mukha niya. Napangisi ako nang makaisip ng pilyang ideya.
Kinuha ko ang panyo ko sa bulsa at agad na hinatak si Kingdom palapit sa 'kin. Matutumba pa sana siya nang agad ko itong nahawakan sa braso. Natawa ako sa katangahan niya. Clumsy as ever.
"Hinay-hinay naman, Bebe South. . ." may halong panunukso na saad niya.
I grimaced. "Duh? It's not what you think."
"Kailangan ka namin lagyan ng blindfold." Pinatalikod ko siya at agad naman itong sumunod.
He bended his knee so I can reach him. Sinuklay ko ang buhok niya upang hindi ito maging sagabal sa paglagay ko ng blindfold. Nang masigurado ko ng natakpan nang buo ang mga mata niya ng panyo ay agad akong lumayo sa kaniya.
Napaayos ito ng tayo. There's a subtle smile on his face that made my heart throbbed in excitement. I can't wait to see his reaction. Sigurado akong magugustuhan niya ang suprise party namin para sa kaniya.
Iginiya namin siya ni Ash papunta sa second floor ng Hershey Cafe. Nasa likod namin ang dalawa na sumusunod lang sa mga yapak namin.
Nang makarating na kami sa floor kung saan namin inihanda ang birthday party niya ay agad namin nilibot ang tingin sa kabuoan ng inihanda namin. I smiled in satisfaction. Ilang araw din namin 'to pinaghandaan, jusko.
"Happy birthday. . ." mahina kong bulong kay KD habang tinatanggal ang blindfold niya.
"Happy birthday, Pinsan!"
"Happy birthday, Kingdom!"
"Happy birthday, Bro!"
Napakurap-kurap siya nang mapagmasdan ang inihanda namin sa kaniya. Parang natunaw naman ang puso ko nang makita ang luha sa sulok ng mga mata niya. Pilit nitong pinipigilan ang sariling emosyon.
"Y-you guys are really. . ." He wiped his tears away, "hindi ko aakalain na ma-su-suprise pa rin ako," animo'y natatawa niyang sabi.
"Paano niyo naman nalaman na favourite ko 'yong color blue?"
I proudly crossed my arms. "I'm the one who notice it. Lagi ko kasing napapansin na lahat ng kulay ng t-shirt mo ay puro blue."
He paused. May dumaan na kakaibang emosyon sa mga mata niya habang tinititigan ako. He then smiled at me.
"Ang bait-bait talaga ng Bebe South ko!" Pinisil-pisil niya ang pisngi ko.
Dahil nga birthday niya ay pinabayaan ko na lang ito. Sumimangot ako nang tumigil na siya sa pagpisil ng pisngi ko.
Nauna itong pumasok at tuwang-tuwa na pinagmasdan ang cake niya. Natawa naman ako at sumunod sa loob.
Inakbayan ako ni Ashley na ngayon ay bakas na rin ang saya sa mukha niya. "Sigurado akong sobrang saya niya ngayon. It's his first time to celebrate his birthday with his friends. Lagi kasi siyang mag-isa kapag birthday niya na."
I averted my eyes at her. Gulat sa sinabi niya. "Hindi ba niya lagi kasama ang parents niya?"
Ashley shrugged. "Busy lagi 'yon sina Tita at Tito. May company kasi silang dapat asikasuhin."
I gasped. Yeah, I get it. Busy lagi ang parents ni KD dahil may inaasikaso sila pero birthday ngayon ng anak nila e. Kahit na simpleng 'Happy birthday' lang naman sana maibigay nila sa anak nila. How unfortunate KD is for having them as their parents.
"Stop eating the icing! That's gross!" Tinampal ni Ash ang kamay ng pinsan niya sa cake.
"Tinitikman ko lang naman!" nakasimangot na sagot naman ng pinsan niya.
"'Yong laway mo kadiri!" pagsabat ni Vin. Obviously siding his girlfriend.
"Mas kadiri 'yang mukha mo!"
"Stop fighting, hindi na kayo mga bata." Pumagitna si Kiro sa kanila.
"Aki! Saan na 'yong birthday hat natin?"
Lumapit ako sa kanila at kinuha ang limang birthday hat sa bag ko. Ako kasi ang naka-assigned na bumili ng mga kailangan namin para sa surprise party. Halos lahat ako nga ang gumawa, tss.
Inabot ko sa kanila ang apat at kinuha 'yong akin. Tuwang-tuwa namang sinuot ni KD ang birthday hat niya. Umasim ang mukha ko nang makita si Vin na sinusuotan ng hat si Ash sa ulo. Grabe! Ang landi nila!
Isusuot ko na sana ang akin nang may pumigil na pwersa sa kamay ko. Halos hindi ako makagalaw nang dahan-dahan niyang nilagay ang birthday hat sa ulo ko. Tumaas ang balahibo ko nang maramdaman ulit ang pamilyar na haplos sa leeg ko.
"Are you jealous of them?" he whispered. Ang mabango niyang hininga ay dumadampi sa balikat ko.
"No!" pagtatanggol ko sa'king sarili.
Mas lalo pa akong namula nang marinig ang marahan na tawa ni Kiro. Para iyong musika sa aking pandinig.
"Hindi niyo ako kakantahan ng birthday song?" Pinalobo ni KD ang kaniyang mga pisngi.
Nanggigil ko namang pinisil ang pisngi niya. "Syempre kakantahan ka namin!"
"Wait! Picture muna tayo!" Hinawakan ni Vin ang DLSR camera nitong nakasabit sa leeg.
"Sino ang mag-pi-picture?" may bahid na lungkot na tanong ni Ash.
"Ako syempre." Vin smiled at his girlfriend.
"Hindi ako papayag! Dapat kasama ka sa picture."
"Ako na lang tatawag sa staff ng coffee shop para mag-pa-picture." Dumiretso ako sa baba at nakiusap sa staff na kuhanan muna kami ng litrato agad naman ito pumayag.
"Thanks po talaga Kuya!" I cheerfully smiled. He just nod.
Agad naman kami pumwesto sa harap ng mesa. Inayos ko ang birthday hat ko sa ulo. Nasa kanan ko si Kiro habang nasa kaliwa ko naman si Kingdom, magkatabi sina Vin at Ash na magkaakbay na.
Sumenyas ang waiter na kukuhanan na kami ng picture kaya awtomatiko kaming napangiti. Ilang pose pa ang ginawa namin bago napag-desisyonan na tumigil na.
Agad naman binalik ni Kuyang waiter ang camera ni Vin. Nagmamadali akong tumabi sa kaniya upang tingnan din ang picture naming lima.
"Ano ba naman 'yan, Sungit! Binabangga mo na ako rito, oh!"
Mas lalo ko pang binangga ang balikat niya. "OA mo, tss."
Napangiti ako nang makita ang mga pictures. Halata ang saya sa mga mata namin habang nakatingin sa camera. Titingnan ko pa sana ang next picture nang agad nang lumayo si Vin. Binigyan ko siya ng masamang tingin.
"Ang damot!" naiinis kong sigaw sa kinaroroonan niya. Binelatan niya lamang ako.
'Gaya nga ng pangako namin kay Kingdom ay agad namin siyang kinantahan ng happy birthday song. Although ang pangit ng boses ko ay pinilit ko pa rin.
"Happy birthday to you! Happy birthday birthday! Happy birthday! Happy birthday to you. . ." We sang in unison.
Nakangisi namang pumalakpak sa 'min si KD. I rolled my eyes. Sigurado akong tawang-tawa na naman siya sa boses namin—akin lang pala.
"Ganda ng boses niyo! Sana all!" He smiled brightly.
"Kain na tayo! Kanina pa ako nagugutom!"
Napatigil ako. Hindi ito 'yong inaakala ko na sasabihin niya. Ang ini-expect ko talaga na sabihin niya ay boses palaka ako. But nevermind, baka masapak ko lang siya.
Napailing ako. Nilapitan ko si Kingdom na ngayon ay nakaupo na sa table habang kinakain na ang cake. Kumuha rin ako ng ice cream at spaghetti upang kainin. Umupo ako sa harap ni Kingdom habang si Kiro ay umupo naman sa tabi ko. Magkatabi rin sina Vin at Ash.
Napatikhim ako at tinigil muna ang pagkain. Kinuha ko ang bag sa ilalim ng table at may kinuha roon. Pa-sekreto akong napangiti nang mahawakan ko na ang regalo ko na para kay Kingdom.
Nilagay ko muna ito sa lap ko at inihanda ang sarili upang ibigay iyon. Pili lang ang mga taong binibigyan ko ng regalo. Si Kiro, si Mommy at si Daddy pati rin Tito Riz lang ang naalala kong binigyan ko ng birthday gift. I've never imagine na pati si KD ay bibigyan ko ng gift.
"Kingdom. . ." pagtawag ko. Umangat naman siya ng tingin. Mas lalo akong kinabahan nang ngumiti ito nang matamis sa 'kin.
Huwag na lang kaya? Baka kasi asarin niya lang ako.
"Ano 'yon?"
I gulped. Dahan-dahan kung kinuha ang regalo ko para sa kaniya na nasa ibabaw ng binti ko. Noong una ay binigyan niya lamang ako ng naguguluhan na titig pero nang dumaan ang ilang segundo ay lumitaw na ang mga ngiti niya.
Kinuha niya iyon sa 'kin. Halos hindi na niya maialis ang titig nito sa birthday gift na bigay ko.
Nang magtagpo ang mga tingin namin ay doon kumislap ang mga mata niya. Para itong bata na binigyan ng regalo ni Santa Claus. Nahihiya na lamang akong napangiti.
"T–thanks for the gift. . ." garalgal na wika nito.
Napalunok ako nang binuksan niya na ang wrapper ng gift. It's a gold necklace with a castle pendant. Since his name is Kingdom I decided to chose the castle pendant instead.
"Woah?! Magkano bili mo nito?" manghang-mangha niyang tanong sa 'kin.
"Hindi naman 'yon importante."
"Meron din ako para sa inyo." Kinuha ko ang tatlong pahabang box sa bag ko.
Isa-isa kong binigay sa kanila ang box. Halata ang gulat sa mga mata nila nang tinanggap na nila ito.
Gold necklace rin 'yong sa kanila magka-iba nga lang ang pendant. 'Yong kay Ash ay bilog na may kulay abo sa gitna. Kay Vin naman ay puso na kulay pula. Habang ang kay Kiro naman ay arrow na nakaturo sa direksiyon ng north.
Napangiti ako nang sinuot na nila 'yon sa leeg nila. Mas lalong bumagay iyon sa outfit nila ngayon.
"OMG! It's beautiful, Aki!"
"Mas maganda 'yong akin!"
"Thanks for this, Kira."
"What's the meaning of this pendant, Miss Sungit?"
"Nagsisimbolo 'yan ng pagmamahal mo para sa kaibigan ko." I grinned.
Bubuka pa sana ang bibig ni Kingdom para magtanong sa 'kin nang sinubuan ko na ito ng malaking hiwa ng cake. Natawa ako nang nabulunan ito. Dali-dali naman siyang uminom ng soft drinks.
Kalahati ang naubos sa handa namin. 'Yong iba ay binigay namin sa mga customer sa baba. Sayang naman kasi. . .
Napagdesisyonan din namin na mag-stay muna rito hanggang gumabi. Naglatag kami ng tela sa sahig at bumili ng chips at bottled water upang kahit papaano ay may kain-kainin kami. We're still full but I don't think na hindi kami gugutomin since gagabihin pa kami rito.
Hanggang 12:00 pm pa magsasarado ang Cafe kaya marami pa kaming oras na sulitin. Ayaw naman umuwi ni Kingdom kesyo mag-isa lang daw siya roon sa bahay nila. I understand him of course. Sino ba namang gusto mag-stay sa haunted na mansion?
We texted our parents to stay here in the Cafe for few hours, pumayag naman sila kaya wala ng problema.
"Kanina ka pa nakahawak diyan sa necklace na bigay ko baka masira na 'yan," panunukso ko kay Kingdom. Binelatan niya lamang ako at binalik ulit ang tingin sa kwintas.
Pasimple akong tumabi kay Kiro. Sinakop ko ang space sa gitna namin upang mas lalo kaming magkalapit. I can smell his manly perfume. Mas lalo ko pang sininghot ang pabango niya. Ang unfair! Ba't parang hindi siya bumabaho?
"Do I smell good?" His deep voice interrupted me.
I didn't look up. Nahihiya akong salubungin ang titig niya. Nahuli lang naman niya akong sinisinghot ang pabango niya!
My eyes widen when he lift up my chin. He smirked. His dark eyes fixed on mine. Pakiramdam ko sasabog ang puso ko sa sobrang bilis ng tibok nito.
"You like my perfume?" he asked gently. He secretly took hold of my hand.
Naguguluhan ko naman sinundan ng tingin ang kamay ko na hawak niya. Butterflies swooped around my stomach.
I nod repeatedly. "I like your smell. . ."
"Stay here beside me then," he put his usual smirk again.