Chapter 23:
"In the name of the father, the son and the holy spirit. Amen..."
As we finally ended the prayer I can't help but to stare at the person whom I love. Minsan talaga naiisip ko na ang swerte ko dahil Kahit papaano ay kasama ko siya. Nabigyan ako ng oras na mahalin at titigan siya nang ganito. Tama nga si KD, pwede kang magmahal ng walang kapalit. 'Yong tipong kahit na makita mo lang siyang masaya, masaya ka na rin. 'Yong feeling na kahit makita mo lang siya, buo na ang araw mo. I swear, whatever our ending is, I'll accept it without regrets. Alam ko namang ginawa ko na rin ang lahat-lahat. Ipapaubaya ko na lang iyon sa tadhana. I just hope that whatever happens, mahanap pa rin namin ang kasiyahan na hinahangad ng puso namin. Kasiyahan naming apat.
"Mas maganda sana 'pag nandito si Ash," naghihinayang kong wika.
Nang matapos na ang ceremony ni Father ay naisip naming mag-stay pa ng ilang minuto rito. Siguro dahil gusto muna naming pagmasdan ang kagandahan ng simbahan.
Tahimik kaming naka-upo at hindi alam kung ano ang nasa isip ng bawat isa. Ninamnam namin ang katahimikan na namumuo sa'ming tatlo.
Nang mahagip ng mata ko sina Kiro at KD ay hindi ko mapigilang isipin ang future naming apat. Magiging successful ba kami? Magkakaibigan pa rin pa ba kami sa huli? Sino kaya ang unang magkaka-anak? Sino kaya ang makakatuluyan namin?
As a teenager we can't help ourselves to question our future. Marami pa kaming pagdadaanan sa hinaharap. Marami kaming taong makakasalamuhang tao, ang iba ay magiging parte ng buhay namin at ang iba ay dadaan lamang na parang walang nangyari. Kaya laking pasasalamat ko talaga na nakilala ko silang apat. Kingdom, Ashley, Kiro will always hold a special place here in my heart. They will always be.
"This church is really memorable for me, you know." KD chuckled softly.
I stared at him for a moment. He smiled beautifully at me. He whispered something that I cannot hear.
Pinagsawalang bahala ko na lang iyon at tinuon ang buong pansin kay Kiro. I was taken aback when my gaze met his. His pretty brown eyes was hypnotizing. Para kang hinihila palalim sa sobrang ganda.
"You wanna eat something?"
Napatigil ako sa pag-iisip sa sinabi niya. I repeatedly nod. He tapped my head and walk away. Dala-dali ko naman siyang sinundan.
"Grabe kayo! Nakalimutan niyo na atang nandito pa ako!" pahabol na sigaw ni Kingdom. Tinawanan ko lamang siya at mabilis na naglakad papalabas sa simbahan.
Naramdaman ko ang braso ni KD na naka-akbay sa 'kin. Nakapulupot iyon sa'ming dalawa ni Kiro. I elbowed him, narinig ko naman ang pagdaing niya.
"Harsh mo Bebe South." He pouted. I pinch his cheeks once again.
"Ang bigat ng braso mo Kingdom!" naiinis na kinuha ni Kiro ang braso niya sa balikat nito.
Napangisi ako sa dalawa. Napatingin ako kay Kingdom nang magsalita ito mulim
"Saan ulit tayo kakain?"
"Jollibee!"
"Jollibee then."
~
"Maglaway sana si Pinsan! Kung sumama lang sana siya edi sana kasama siya rito!" Pi-ni-picture-an nito ang pagkain na nasa table, i-se-send niya raw iyon kay Ash.
"Simulan mo ang pagkain Kingdom, ang ingay mo."
"Kanina ka pa masungit sa'kin, North. Napaghahalataan ka na." Ngumisi si KD.
Naguguluhan naman akong napatitig sa dalawa. Marami talagang alam 'tong si Kingdom, tch.
"Okay!" Kingdom raised his both arms, still grinning. Nakatitig lamang sa kaniya si Kiro ng masama.
I mentally shook my head. Ano pa bang aasahan sa kanilang dalawa? Parehong may saltik, e.
Kinuha ko ang chicken sa bucket at 'yon ang nilantakan. Binabalewala ang ang dalawa na hindi pa rin tumigil sa pag-aasaran.
Mabilis lang kami nakatapos dahil na rin sa heavy eater kaming tatlo, lalo na si KD. Halos ubusin ba naman ang lahat ng chicken sa bucket.
Nang makauwi na sa bahay ay naisip kung magkulong sa kwarto at mag-study. Si Kiro ang sumundo sa 'kin, as always naman.
Napatigil ako sa paghahanap ng notes nang biglang nag-ring ang phone ko sa ibabaw ng study table. I dramatically sighed. I already know who it is.
"Yeah?" tamad kong sagot.
"Bebe South..." he sound like he was about to cry.
"Binaba ako ni North sa gilid ng kalsada! Ang sama niya talaga Bebe South!" umiyak na talaga siya.
Napahilot ako sa sintedo ko at bahagyang nilayo ang phone ko sa tenga. His high pitch voice was hurting my ears.
"Nakalimutan mo atang may personal driver ka."
"Ay! Oo nga pala..." rinig ko sa kabilang linya ang marahan niyang tawa.
I mentally rolled my eyes. Kung pwede lang sana manapak through phone, sinapak ko na siya.
I immediately hung up my phone at pinagpatuloy ang paghahanap ng books at notes ko. Napatigil ako sa paghahanap nang biglang nahulog ang mga pictures na tinatago ko.
Isa-isa ko iyon kinuha at hindi ko mapigilang mapangiti habang pinagmamasdan ito. Puro kaming apat ang nasa picture. Galing iyon lahat sa Polaroid camera na bigay sa 'kin ni Kiro.
'Yong first picture namin ni Kiro. 'Yong bigay sa 'kin ni Ash na pina-photocopy niya noon sa Hilltop. Ang mga pictures namin ni Vin habang hawak ang decorations para sa surprise confession niya kay Ash. Kaming tatlo nina Kingdom at Kiro na nagsisimba at kumakain sa Jollibee. Si Ash na nakatingin sa sunset, Si Kingdom na nakangiti habang nakatitig sa camera at higit sa lahat si Kiro na naglalakad papalayo sa 'kin. 'Yong iba ay mga nakakatawang pose na ginawa naming apat este lima pala, including Vin.
Inipon ko lahat ng pictures at napagdesisyonan na huwag na lang mag-study. Mas pinili kung idikit muna lahat ng pictures sa malaking white frame sa wall ko na may nakapalibot na yellow lights sa gilid. Pinadikit ko iyon gamit ang small pins upang hindi masiyadong masira.
Napangiti ako sa kinalabasan. Ang daming goofy pictures naming lima. Winakli ko ang pawis na tumutulo sa nuo mo habang pinagmamasdan pa rin ang mga pictures. Kinuha ko ang phone ko at kinuhanan ng litrato ang gawa ko.
I sent it to our group chat. Napangisi ako nang makitang active silang lahat. And yeah, nandito na rin si Vin sa GC namin since, boyfriend na siya ng kaibigan namin.
F. R. I. E. N. D. S
@Timog
*Sent a picture
Tingnan niyo! HAHAHAHA.
@Abo
@Harb look at this, Hon!
@Palasyo
Gwapo ko talaga kahit kailan, tss.
@Harb
Oh? My Honey is beautiful in there.
@North
I wanna steal that picture of you admiring the sunset. You're beautiful as always @Timog.
@Ayiee, kinikilig ako sa 'yo Hon! Ano ba 'yan.
@Timog
Next time, Kiro hehehe.
@Palasyo
Alam niyo! Ang lalandi niyo. Porque ako lang ang single dito gaganyanin niyo na ako! Hmp.
@Timog
Ewan ko sa 'yo, Kingdom.
@Harb
Bawi na lang sa next life, Bro.
@Abo
Hala! Nandiyan ka pala Pinsan, hehehe.
@Hilaga
…