Chapter 16:
Tinago ko ang mga ngiti sa mga labi ko habang pinagmamasdan si Kiro na umo-order ng meal namin sa Counter.
Napagdesisyonan naming kumain sa Jollibee dahil mas malapit lang ito sa Bahay nina KD. Less hassle na rin kapag sinundo na namin ang mag- pinsan.
Napangiti ako nang makita siyang lumalapit sa direksiyon ko habang table number namin. I waved at him.
He immediately sat on his seat and locked his eyes on me. He smiled at me and I smiled back at him too. We waited almost ten minutes until our order finally arrived.
Dala-dala ng dalawang waiter ang order naming dalawa. Namilog pa ang aking mga mata habang pinagmamasdan silang nilagagay ang order sa table.
He ordered one bucket of fried chicken, two plates of spaghetti, two large size of ice cream, french fries and one large coke. Literal na napanganga ako habang isa-isang tinitingnan ang mga in-order niya sa table.
I slowly lifted my head so, I can meet his gaze. "Bakit andami naman nito?"
He averted his gaze. "Just eat the food."
"Paano ko naman 'to mauubos?" I pouted. Kumalam ang sikmura ko nang makita ang ice cream na may chocolate syrup pa sa taas.
"We will finish the food, we should not waste it," he said in a bossy way.
Tama siya, marami ng nagugutom na mga bata ngayon kaya maswerte ako dahil may pagkain nang nakahain sa harap ko.
Inuna kong kinuha ang hamburger na nasa harap ko. Dahan-dahan ko iyong kinagat at nginuya. Sinilip nang mga mata ko si Kiro na ngayon ay kumakain na rin ng fried chicken. Napangiti ako ng patago habang pinagmamasdan siya.
Kinuha ko rin ang Ice cream na kanina ko pa pinagnanasaan. Isusubo ko na sana ito nang magtagpo ang mga mata namin ng lalaking nasa harap ko. Kinakabahan akong napalunok sa uri ng titig niya. Agad naman nitong nilihis ang mga titig niya dahilan upang kumalma ako ulit.
Kakagat pa sana ako ng hamburger nang may maalala ako na dapat itatanong ko kanina. Tumikhim ako nang malakas upang kunin ang atensiyon niya. He lifted his gaze at me.
"Tito seems busy these past few days, nakakasama mo pa rin ba siya sa pagsisimba?" I curiously asked.
"Nope," he answered coldly.
"What?! Edi sinong kasama mo palagi?" gulat kong tanong.
"It's just me..." He directly looked into my eyes. I can see the sadness that he's trying to hide. "But don't worry, may kaibigan naman ako do'n."
I turned away. I've just realized that Kiro was also suffering. Hindi niya kayang lumabas ng walang kasama, lalong lalo na kapag maraming tao at mag-isa lang siya. Kaya kahit na paulit-ulit niya pa akong ipagtabuyan, babalik na babalik pa rin ako sa tabi niya kasi kahit hindi niya man iyon sabihin alam kong kailangan niya rin ako. I will always be there for him as long as he needs me.
"Sino 'yong friend mo roon?" I managed to smiled at him.
"He's just my friend, no worries." He bit his burger. I look away to avoid his intense gaze.
"H-hindi ko naman tinanong," I stuttered nervously. My cheeks heated up when I heard his manly laugh.
"Continue eating your food. . ." Nilagay niya sa harap ko ang isang bucket ng fried chicken.
Tumango lamang ako at tinuloy na ang pagkain, sigurado akong naghihintay na 'yong dalawang mag-pinsan doon.
Dalawang oras siguro ang lumipas bago namin matapos ang pinagkainan namin. Yeah, natapos namin 'yon lahat kahit na halos masuka na ako dahil punong-puno na talaga ang tiyan ko. The food was delicious though, hindi na rin masama. Malakas rin kasi kaming kumain na dalawa.
Mabilis kaming dumating sa mansion ni KD. Nag-park siya ng kotse sa gilid ng gate nila. Agad rin naman silang lumabas nang pinaalam namin sa guard na tawagin sila. Hindi siguro nila nabasa ang text ko na nandito na kami.
"Aki! Hilaga!" malakas na tawag ni Ash sa kalayuan. Masaya akong kumaway sa kaniya. Mukhang dito siya nagbihis kina KD, lagi siguro siyang tumatambay dito.
"Grabe kayo, ha?! Ang tagal niyo, ilang oras na rin kami naghihintay! Ayan, late na tayo," naiinis na turan ni KD sa harap namin. Pulang-pula ang mukha niya habang binibigyan kaming dalawa ng nakakamatay na titig.
I made a face to tease him. "Luh? Kung maka-react ka naman parang araw-araw ka dumadalo sa simabahan."
"Alam mo talagang hindi kita papatulan, ano?" Malakas siyang bumuntong hininga at iniwas ang mga tingin.
"It's okay, tapos na siguro," pagsingit ni Kiro.
"Hindi na tayo magsisimba?" Ash sadly uttered.
Napasimangot na rin ako, mukhang kasalanan ko naman ito. They even prepared for this and I just ruin it.
"It's okay, pasyal na lang tayo," KD suggested, he smiled at me.
I mouthed "sorry" at him. He just nod.
"Okay! Next time na lang!" Bumalik ang sigla sa mukha ni Ash. Napangiti na rin ako. Naramdaman ko ang mahinang pagtapik ni Kiro sa balikat ko dahilan para mas lumawak ang mga ngisi ko.
Sabay kaming naglakad papunta sa kotse ni Kiro. Kingdom insisted to drive us. Napagdesiyonan naming pumasyal sa Hilltop na malapit lang sa Villa nina KD, maganda ang view doon dahil na rin sa mataas ang lugar, kitang-kita namin ang mala-paraiso na paligid sa ilalim. Hindi ganoon karami ang tao kaya mas lalo naming na-enjoy ang view. We took different pictures, kasama kami syempreng apat. Ang saya-saya ko everytime na kumukuha kaming litrato na magkasama. I can see the genuine happiness in each other's eyes which makes this moment memorable.
"Mas maganda sana pag may polaroid camera tayo, para naman may mailagay tayo sa kaniya-kaniyang wallet," Ash softly whispered while still staring at the picture of us on the phone.
I smiled sadly. "Yeah..."
"Gawan niyo ng 2x2 picture," pagsalita ni KD na ngayon ay ngumunguya na ng pagkain sa table.
Hindi na kami kumain ni Kiro dahil sobrang busog pa kami sa kinain namin kanina.
"Ako na gagawa! Bigay ko na lang sa inyo pag natapos na," masayang saad ni Ash.
Nagsimula na silang kumaing dalawa habang kami ng lalaking katabi ko ay nag pho-phone lang. Sinabi na rin namin sa kanila na nauna na kaming kumain.
"Anong Insta niyo, guys? Tag ko lang kayo sa i-po-post ko."
"@InMyKingdom akin," mabilis na sagot ni KD. Napangiwi ako sa name niya sa Insta.
"@VAsh_17 naman 'yong akin," sunod na sagot ni Ash.
"I bet alam mo na ang name ko sa Insta," Pinaningkitan ako ng mata ni Kiro. I look away to hide my smile.
I posted our group pictures on Insta. I tagged them with a caption of "Sunday bond with @InMyKingdom @VAsh_17 and @AkiroNK" I also followed KD and Ash para makita ko rin ang mga recently post nila. They're quite famous, lalo na si Kingdom, naka 100k followers lang naman ang baliw. Naka-private ang account ni Kiro kaya wala masiyado siyang followers, nakita ko ring naka-follow sa kaniya si Bethany.
"Sana all maraming followers!" pagpaparinig ko kay KD. He just grinned at me.
"Mostly lahat ng followers ko hindi ako kilala, kaya gano'n na lang talaga ang papuri nila sa 'kin," seryoso man siya sa sinabi niya ay ramdam ko pa rin ang lungkot sa boses niya.
Napawi ang mga ngiti ko at tumahimik na lang. Aware naman kasi lahat ng estudyante sa School nami kung gaano ka attention seeker si KD, 'yon talaga kasi first impression ko sa kaniya. Kingdom is handsome, no lies pero minsan nakakaasar talaga kasi ang ugali niya, he loves to tease everyone and make fun of everything. Pero 'pag makilala mo lang talaga siya ng lubusan do'n mo lang ma-re-realize kung bakit gustong-gusto niya ng atensyon ng iba, hindi niya kasi iyon nakukuha sa parents niya. Kingdom was lonely inside kaya gusto niya ng attention ng iba.
Malalim akong bumuntong hininga at pinagmasdan ulit ang asul na langit. Everyone has their own sufferings, we just had to make them more appreciated.