Chapter 33
Susunduin sana ni Caleb si Darielle pero ang sabi ng ina nitong kanina pa ito umalis papunta sa venue ng reunion nito, sa isang subdivision, sa bahay ng isang kaklase ng mga ito. Alam na niya ang address dahil nabanggit iyon ng dalaga.
Dumiretso na rin lang siya roon. Sinalubong naman siya ni James na nandoon din pala para samahan ang fiancée na siyang organizer sa reunion. Hindi niya maintindihan kung bakit dinala siya nito sa may balkonahe.
“Caleb, Darielle’s upset, but she and Jasmine won’t tell me anything.”
Hinilot niya ang kanyang noo. Ikinuwento niya ang nangyari at napailing-iling ang Amerikano.
“I swear, nothing happened! I didn’t cheat on her, James,” giit pa niya sa Amerikanong sumimpatya sa kanya.
Pinayuhan at sinamahan na lang siya nito sa silid kung nasaan ang dalaga kasama si Jasmine. Kinatok ni James ang pinto at sumilip si Jasmine na parang nabunutan ng tinik nang makita siya.
“Just… talk. Sinabi ko sa kanyang pabayaan ka munang magsalita at magpaliwanag,” anito. Iniwan na sila ng dalaga sa loob ng silid na iyon.
“D, sweetheart?” Hindi ito kumibo na nakaupo sa kama at nakatungo lang. Nilapitan niya ito. “Look, I know you thought there was something between me and Meliza, but you’re wrong.”
“Nag-butones ng blouse niya ang ex mo. Ano’ng iisipin ko kundi ay katatapos n’yo lang magsiping, ‘di ba? Kahit naman sino siguro ang nasa kalagayan ko ay gano’n din ang paniniwalaan ko!” asik nitong nag-aapoy ang mga mata.
Bumuntong-hininga siya at lumuhod sa harap nito. “Well, she did try to seduce me, but I swear I didn’t touch her! I told her I’ve changed.”
“How will I know you’re telling me the truth, huh, Caleb?” balik nitong nakatiim-bagang. “May ebidensiya ka ba?”
Hindi siya agad nakapagsalita. Wala namang CCTV sa opisina niya.
“Sa sobrang pagkababaero mo, hindi madaling maniwala, Caleb. Pero alam mo? Nagpakagaga ako, eh. Sumugal ako sa ‘yo dahil may nararamdaman ako para sa ‘yo! Pero hindi naman ibig sabihin no’n na ayos lang na tapak-tapakan mo ang pagkababae ko at magpapakabulag ako! Hinding-hindi iyon mangyayari kahit ikaw pa ang huling lalaki sa buong mundo!”
Napalunok siya. “Sweetheart, I’m so sorry you feel this way. But I swear on my parents’ names, I was even relieved you came at the right time when you did!” Hindi umimik ang babaeng napaiwas ng mukha. Mukhang inis pa rin. “Why don’t you trust me, D? Hindi ko magawang magtaksil at mambabae, because I love you so much!” Nagsusumamo ang mga mata niyang nakatunghay sa dalaga.
Nakita niyang natigilan ito. “Y-you love me?” bulong nitong hindi makapaniwala sa sinabi niya.
Niyakap niya ito at buti hindi ito nagpupumiglas. “In the pretext of your birthday and the spirit of Christmas, I gave you gifts through the HR.”
“Ano? Lahat ng iyon galing sa ‘yo?”
“Monetary gifts lang ang bigay ng kumpanya sa mga empleyado, ‘di ba?” punto niya.
Napatigagal ito sa kanya. “So, ‘yong smartwatch at iba pa, maliban sa monetary gifts and bonuses ng kumpanya, galing iyon sa ‘yo?” halos alunignig nito sa sinabi niya.
“I loved you for years, D. ‘Di mo ba talaga alam ‘yon?”
“Eh, sabi mo crush mo lang ako,” himutok nitong ngumuso sa kanya. “Pa’no ko naman mako-conclude na mahal mo nga ako?” depensa nito.
Napatawa siya nang mahina. “Is this what it’s all about? Hindi ko sinabi sa ‘yo na mahal kita?” Tiningnan niya ito sa mukha at napahiya itong napababa ng tingin. Hinalikan niya ito sa labi. “Now, you know. I’m sorry ngayon ko lang sinabi. I must have just assumed that you already felt what I felt. I’m sorry, sweetheart, I was wrong. And… you know what? Excited pa naman sana akong um-attend sa reunion n’yo dahil gusto kong sorpresahin ka.” Kinuha niya ang kahitang nasa loob ng breast pocket ng kanyang suot na suit. “I was going to ask you if you’d care to marry me at all.” May halo pang biro ang pag-propose niya. Subalit seryoso ang mga mata niya at dinaga ang puso dahil baka ire-reject nito iyon. Ano na lang ang gagawin niya kapag nangyari iyon?
Napasinghap si Darielle nang makita ang singsing na gawa sa white gold na band at batong amethyst na nakayakap sa isang malaking diamante. Nanubig ang mga mata ng dalagang napatingin sa kanya nang hindi pa rin makapaniwala.
“A-are you serious?” bulong pa nito sa kanya.
Napangiti siya rito. “This is not a prank, sweetheart. I’m dead serious about this. So, please… will you let me love you for the rest of your life?”
Napayakap ito sa kanyang leeg nang mahigpit. “Oh! I love you, too, Caleb. And… yes! I will marry you. I will let you love me for the rest of my life. ‘Di mo lang alam, ang saya-saya ko na ngayon.”
“Oh, sweetheart, you just made me the happiest womanizing bastard alive!” sabi niya pa at napatawa ito.
Pinahid niya ang mga luha sa mga mata nito nang kumalas ito. Isinuot na niya ang singsing sa daliri nito bago pa man magbago ang isip ni Darielle. Kung magbabago man ito.
“Nag-iinarte lang ‘yan, Caleb, kasi buntis!” singit ni Jasmine na humagikhik.
Napatingin siya sa kaibigan nito at sa Amerikanong nasa likod nito. Parang natulala siya sa kanyang narinig. Bumaling siyang muli sa babaeng pinakamamahal niyang biglang nag-blush.
“T-totoo ba ang sinabi ni Jasmine?” tanong niya sa katipan. Lalong kumabog nang husto ang dibdib niya.
Napaluha na naman ang dalagang tumango. “Pinilit niya akong mag-PT kanina, eh. Walang-hiya! Nahilo kasi ako bigla at naikuwento ko sa kanya ‘yong mga hinanakit ko sa ‘yo.” Ngumuso ang babae. Nilaru-laro ng daliri nito ang engagement ring na kasusuot lang nito. Kumikinang ito sa tuwing nagagalaw.
Niyakap niya si Darielle nang napakahigpit at napatawa sa sobrang ligaya. “Oh, fuck! I’m so sorry, sweetheart. I promise, wala na akong babaeng papasukin sa office ko kahit kailan kundi ikaw lang,” pangako pa niya. Dinampian niya pa ng halik sa labi ang dalaga.
Hinampas siya nito sa dibdib. “Tse! Sabi mo lang ‘yan. Paano kung may importanteng kliyente talaga?” anitong tumulis ang nguso.
“Sa office mo na lang dadalhin ‘yong client,” wika niya pa.
Umismid ito sa kanya at pinahid niya ang luha ng katipan.
“And, sweetheart, you have no idea how elated I am right now, to know that we’re pregnant!” Marahan niyang hinipo ang tiyan ng babae. Hindi niya maintindihan pero bumalong ang emosyon na gusto niyang protektahan sa lahat ng oras ang kanyang mag-ina.
“Talaga?”
“Oo naman! How about we’ll set our wedding date soon? What about next month? I don’t care whichever you prefer⸺a church, a beach, a garden, or a courthouse. Just tell me, and we’ll do it!”
Napatawa ang dalaga sa sinabi niya. “Seryoso ka ba talaga?”
“Sweetheart, I’ve never been so serious in my life before! Come on, say it.”
“Sige na nga. Ikaw ang bahala kung kailan mo gustong magpakasal at kung saan. I’m all in,” anitong inilingkis ang mga braso sa leeg niya at tinitigan siya sa mga mata.
“Then, let’s tell our parents about this. Let’s meet them together after this, all right?”
“Ano? Bukas na bukas na?”
“I can’t wait, sweetheart,” bulong niya at kinintalan ito ng halik sa tungki ng ilong. “Besides, sinabi mong ako na ang bahala, so we’ll do just that, okay?” Excited na talaga siya.
Napangiti ito sa kanya nang matamis. “Okay, mahal din naman kasi kita, eh.”
Narinig pa nila ang palakpakan ng mga kaklase at kaibigan ng dalaga pagkarinig na maayos na silang dalawa at nagpaplano sa susunod nilang gagawin.
“Hoy, uunahan n’yo pa kami ni James?” tunog reklamo ni Jasmine sa kanila.
Napatawa na lang silang magkatipan sa kanyang kaibigan habang kita nilang nakaakbay ang Amerikano kay Jasmine.
“Sorry, Jas. It just happened!” anang Darielle na napatawa.
Kita ni Caleb ang saya sa mga mata at labi ng kanyang pinakamamahal na babae na ayaw na niyang pakawalan kahit kailan pa man.
-- Wakas --