Chapter 6
"Slaine! May good news ako sa'yo!" Hinihingal na sabi ni Crezst. Kararating niya lang sa classroom at pawis na pawis marahil sa katatakbo.
"Ano 'yon?" Naging kuryoso na rin ako.
"Tumatambay sa isang convenience store si Rafus! Sabi ni Miranda sa akin, palagi raw nandoon si Rafus at lumalabas ng ekstaktong alas syete ng gabi!"
Lumapad ang tainga ko at gumapang ang ngiti sa labi ko. Kay gandang pambungad sa umaga! "Ang laki mong tulong, kaibigan!"
Nairap siya sa akin. "This will be my first and last!"
"Sus, hindi mo 'ko matiis."
"Whatever!" Naging mataray ang paraan ng kaniyang pagsabi no'n pero halos lumuwa ang mata ko dahil sa papel na inilapag niya sa arm chair ko.
Hiring ang convenience store na tinutukoy ni Crezst!
Napatayo ako at hindi maiwasang yakapin si Crezst dahil sa tuwa. Hindi ko alam na kahit gano'n nalang ang pambabara niya sa akin pagdating kay Rafus, tinulungan niya parin ako para magtagpo ang landas namin ng baby ko!
"Pero huwag munang humarot, malapit na ang exam."
"Oo naman! Exam first!" Napahalakhak ako at inilagay ang papel sa loob ng bag. Susubukan kong bisitahin mamaya ang sinasabing convenience store. "Salamat dito, Crezst!"
Dumating narin ang guro namin. Kahit papaano ay nakapagfocus ako sa klase. Kahit na ganito ako ay hindi ako pariwara sa pag-aaral. I value my studies just like how I value my parent's hardwork and sacrifices.
Maging ang iba kong mga kaibigan ay ibinaling ang buong atensiyon kay Ma'am na nagtuturo sa unahan. Sa susunod na linggo na ang exam. Maging ang pinakamatalino sa klase namin ay nagka-cramming na. Even the daughters and sons of wealthy families here in Rio de Janiero are on panic.
They'll borrow the notebooks from one of our brainy classmate to be photocopied or to take pictures of every pages.
"Nakagawa ka na ng reviewer mo, Slaine?"
Napaangat ako ng tingin kay Crezst. Kasalukuyan kaming nasa loob ng cafeteria. Nagkayayaan at hindi ko alam kung ano'ng nag-udyok kay Jangkit para manglibre. It's recess time. He treated us soft drinks, cheese burgers and fries. Hindi naman siguro mamumulubi si Jangkit, kung tutuusin barya niya lang iyon.
"Hindi pa eh," marahan kong sagot. "Siguro mamayang gabi pa ako magsisimula sa paggawa."
"Paphotocopy, Slaine." Si Lowell.
"Ako din, Slaine." Singit ni Dani. "Though may notes din naman ako pero kailangan ko pa ng ibang pagbasehan."
"Sure!" Tipid akong ngumiti at napatango. I took a sip on my soft drink then bit my burger.
"Susubukan ko ring magpaphotocopy ng reviewer ni Kimberly o kay Leonelyn," ani Jangkit. We consider two of them as the brainy ones.
Helen hitted another topic to be discussed by in our table. I saw Clajj with his three friends laughing on the table meters away from us. College students are allowed to eat here. I even saw Derek with Grace Lim.
The Montessori twins, Fiadh Seavery and Jhad Ruijven, is with Ajiona, Lowell's cousin. Lumapit sa kanilang tatlo ang nakababatang Montessori, si Hadassah. Uminom siya sa inumin ng Kuya niya at kumuha ng pagkain bago dumiretso sa counter.
"Slaine, nakikinig ka ba?"
"H-ha?" Walang sa sarili kong tanong. They all burst out laughing while looking at me. My brows furrowed, looking at them confused.
"Binanggit lang namin si Rafus, nawala ka agad sa sarili," si Dani habang humahalakhak.
"Kung saan-saan na ata napunta utak niyan," kaswal na uminom si Crezst sa soft drinks niya.
"Baka sa motel na isip niyan."
Nanlaki ang mata ko. Ano ba’ng pinagsasabi nila? Naguguluhan ako. Ni hindi ko man lang narinig na binanggit nila si Rafus.
"Walang motel dito sa Rio de Janiero, Jangkit." Ngumiwi si Helen at tinuro pa siya.
"How did know that there's none? Malay natin."Sabi naman ni Dani at nagpahid ng wet wipes sa labi.
"I don't know what you're talking about," I honestly said then looked at my food and guided some fries to my mouth.
"We were talking about their enterprise here in Rio de Janiero..." That called my attention. Helen carefully looked at me. "I think their enterprise will be one of the businesses our school wants to connect to for our work immersion, two weeks after our final exam."
"Agad-agad na pala iyon?" Gulat na sabi ni Dom. "Akala ko sa November pa magsisimula 'yon?"
"Hindi eh. Sinabi ni Ma'am sa group chat na sa first week of September daw." Usal ni Crezst habang nag-iiscroll sa cellphone, tantiya ko ay hinahanap niya ang message na tinutukoy niya na mula kay Ma'am.
Napabuntong hininga si Lowell. "Hayaan niyo muna ang tungkol sa immersion na 'yan, matagal pa naman 'yon."
"Oo nga at saka may exam tayo next week. Iyon muna ang tupagin natin." Halos hindi na maintindihan ang sinasabi ni Dani dahil puno ng pagkain ang bibig.
Nagpatuloy pa sila sa pag-uusap, nanatili lang akong tahimik at paminsan minsang iginagala ang tingin sa paligid. I spotted the transferee, Sienna Gallegos. She's with Carys and Avianna, Crezst told me that they're friends with her since the first day of school. Helen also said that she's getting along with my baby!
She's really that jolly type of person but her aura screams reciprocal. Para siyang masungit na ano, baka siguro sa kilay niya at sa mata?
What caught my eyes was that Clajj's stealing glances at her, even Jishu and Rojas! What the? My eyes search for someone and it was fixated to the guy who just entered the cafeteria. My brow arched, he also took a glimpse at Sienna!
What's so good about her anyways?
I'm kinda jealous, like duh? She can collect all guys’ attention but why my Rafus is included?
Hirap na hirap ako sa pagkuha ng atensiyon ng baby ko tapos siya ang dali dali lang? Isang linggo ko siyang hindi nakikita kahit na iisa lang itong paaralan! Hindi ko maasahan ang source ko dahil wala silang alam sa mga palaging tinatambayan ni Rafus tapos isang araw, nasaksihan ko na lang na nagnanakaw tingin ang baby ko kay Sienna? Hindi ata tama 'yon. Where's the equality? Walang kaklase kaklase dito.
Rafus directly walk to the counter to buy some drinks. He's holding two bottles and before he exited the cafeteria, he stole a glance at Sienna again.
Ah! Taksil ka Rafus! You're so unfair, genius! What about me? Won't you try to find me in the cafeteria and search for my enthralling eyes?
I've waited. Yes, I really did... but Rafus never ever looked back. I'm looking at him intently even he's already outside but no, I didn't get my reward. Just a glance... that's enough for me.
"That's all for today in this subject, good bye class." Our subject teacher said as a sign of dismissal.
"Thank you and good bye Mrs. Santos," all of us stood up and said that to our teacher in unison.
It's Ms. Cruz's subject after this but since she's not around, we all treated this hour as vacant time.
Nagsimula nang mag-ingay ang kaklase namin at may kaniya kaniyang ginawa. Some of our girl classmates were in front, dancing a random familiar kpop songs. They come prepared, they brought a Bluetooth speaker but needed to tune down the volume because it might disturb the classes next to our room.
The boys also have their own place. They settled at the corner. Cussing and shouting like Tarzan while eyes were glued at their phones, probably playing online games. Even Dominic and Lowell joined the group.
Five of us were also at the side, near the door of our classroom. My arm was on the armchair and my chin rested on my palm, supporting my head which was leaning to the window.
Jangkit and Dani are sharing earphones. They're watching anime on Dom's other phone. Crezst's also busy typing while Helen's busy flipping pages of the novel she borrowed from the library.
My head was clouded with many questions and the news they told me about Sienna were connecting to each other. I'm not nosy about her life, but Crezst mentioned that she's being courted by the Criminology student, which happened to be Mejia's ex.
Also, the way Clajj, Jishu, and Rojas stares at Sienna earlier is different. Ang ganda naman ni Sienna! Ilang buwan palang siya dito pero hakot atensiyon na siya.
Jishu used to be one of my suitors last year. I turned him down because of his image, he's known as playboy but still girls would willingly surrender themselves to him. I can't deny the fact that he's handsome. His almond-shaped eyes were in pure hazel colored and also have rich ridges lips. He have a playful aura, the reason why girls easily fall for him.
But overall, I'll still choose my Rafus. Cold but mysterious. He still have his glasses on but I'm completely lost to his jet black colored eyes. I can't wait for the day he'll call me baby using his husky voice. Damn, I felt shiver running down my spine!
I stood up and headed outside our classroom. This building is a two story and composes of ten rooms per floor. This whole second floor is for Grade Twelves. There's a three meter distance before the other building. I came near the balustrade to take a peek at the first floor. I gasped when I met Rafus' eyes when he exactly lifted his head up.
He looked at me stoically. I smiled and waved my hand at him but he averted his eyes to other direction. I was about to shout his name from here but he was already gone from where he was sitting earlier.
Napabusangot ako. Uusad pa ba ang buhay pag-ibig ko? Ano ba naman kasi itong si Rafus hindi marunong makipag-cooperate! Edi sana magtatatlong taon na kaming magkarelasyon ngayon! Bumalik ako sa room, ganoon parin naman ang ayos ng mga kaklase ko.
"Hit you with that ddu du ddu," sabay kanta ng mga kaklase kong babae sa harap habang sumasayaw.
"Wala kayo no'n!" Daniel from the group of boys at the back shouted making all the girls in front frowned.
"Demonyo ka, Daniel!" Didang, the leader of the dance group exclaimed.
"Oo, I love you too!"
All of our classmate cheer for them. Didang's face reddened in so much embarrassment and annoyance while Daniel on the side is smirking, enjoying the view he's seeing. Nagkasenyasan sina Jangkit at Crezst.
"Let's welcome our new loveteam! DaDang!" Crezst announced then clapped her hands like there's no tomorrow.
"Gaga, hindi ko akalaing pangit kang gumawa ng pangalan ng loveteam!" Singhal ni Jangkit.
"Eh pangit din naman pangalan nila," ngumisi si Crezst sabay kibit balikat.
"Akala mo naman 'yong sa kanya, maganda." Bulong ni Jangkit pero intensyon niya namang iparinig iyon sa amin.
Nagsukatan silang dalawa ng tingin, paniguradong away na naman 'to. I heard Helen sighed then closed the book she's reading. Pansin ko na kanina pa 'to tahimik. Inusog ko ang inuupuan ko papalapit sa kaniya. Actually, my chair is just behind hers. I cleared my throat then rested my chin on her left shoulder.
"Anong atin? Bakit ka tahimik?" Marahan kong tanong sa kaniya.
"Wala naman Slaine, may konting hindi pagkakaunawaan lang kami ni Ethan." Wala gana nitong sagot.
"Siguro naman hindi naungkat ang nagawa mo nang mag-away kayo, ano?"
Lumingon siya sa akin at malungkot na ngumiti. "Iyon na nga ang problema, Slaine hindi niya malimut-limutan ang ginawa kong pagkakamali at patuloy na inuungkat kapag nag-aaway kami."
Marahan kong tinapik ang balikat niya. "Give him time, Hel. Siguro hindi niya pa makalimutan agad dahil pinsan niya iyon eh, tapos tinuturing pa niyang matalik na kaibigan si Trevor."
Malamlam ang mga mata niyang nakatingin sa akin. Tumango siya. "Tama ka, kailangan nga lang siguro ng panahon."
Natapos ang panghuli naming klase. Inayos ko ang mga gamit ko sa ibawbaw ng armchair at maingat iyong ipinasok sa aking itim na modern snap backpack. Bigay ito ng malayo kong tita na kasalukuyang nasa London.
Binuksan ko ang cellphone para tingnan ang oras. Alas singko palang. Akma akong lalabas ng classroom nang may humigit sa siko ko.
"Ops, saan ka pupunta?" Natatawang tanong ni Hansel. "Cleaners mo, huwag kang tumakas oy!"
Napatampal ako ng noo. Napakamot ako ng ulo at natawa habang nakatingin kay Hansel. "Muntik ko ng makalimutan, sorry."
Inilapag ko ang backpack sa silya at tumulong sa pagwawalis gamit ang walis tambo. Ang ibang mga myembro namin ay naglilinis ng banyo, nagbubura ng mga sulat sa pisara, nag-aayos ng mga upuan, at nagpupunas ng teacher's table sa unahan at likuran.
Lumabas ako ng classroom para itapon ang basura sa basurahan nang mahagip ng mata ko si Lowell na nakasandal sa pader. Nagkatinginan kami at bigla akong natawa nang ngumiti siya sa akin. Napailing ako at itinapon sa basurahan ang laman ng dustpan na dala ko.
"Slaine, pwedeng pakitapon ang laman ng basurahan sa dump site?" Si Maya, ang leader ng cleaners namin.
"Ako lang mag-isa?" Nag-aalangan kong tanong. Napatingin ako sa mga basurahan. Paano ko makakayang dalhin ang tatlong 'to?
"Tulungan na kita," napasinghap ako nang sabihin iyon ni Lowell. Lumapit siya sa akin at kinuha ang dalawang basurahan.
Binibitbit ko ang isang basurahan at napangisi. Sumabay ako sa kaniya sa paglalakad. "Himala ata at nandito ka pa? Hindi ba ikaw ang palaging unang nawawala kapag tapos na ang panghuling klase?"
Mahina siyang napahalakhak. "Hindi ba si Daniel iyon?"
"Si Daniel daw..." Napaismid ako. "Ikaw ang lider nila, remember?"
Bumaba kami sa hagdan, nakasalubong namin si Mejia. Iling akong napangisi at siniko si Lowell. "Ah kaya pala nagpahuli," nanunuyang bulong ko sa kaniya.
"Hindi ko alam na nandito pa pala siya," pagtanggi ni Lowell pero hindi ako naniwala.
"Ano, masasamahan mo pa ba ako sa pagtapon ng basura?" Nanunukso kong tanong. Tumango siya, "Oo naman."
Napakagat labi ako dahil ramdam ko ang matalim na tingin sa akin ni Mejia. Sinikap kong ibaling sa ibang direksyon ang tingin pero hindi ko parin magawang maging komportable.
"Dito ka nalang, Slaine. Ako na ang magtatapon nitong basura," kunot noo akong napabaling kay Lowell dahil sa sinabi niya. "Seryoso ka ba? Cleaners ko ngayon at tinutulungan mo lang ako. Samahan na kita sa pagtapon," pilit ko pero umiling lang siya't kinuha sa mga kamay ko ang isang basurahan.
"Hoy Lowell!" Sigaw ko sa kaniya pero patuloy lang siya sa paglalakad. Napabuntong hininga ako, wala na akong magagawa. Napabaling ako kay Mejia, pasimple siyang umirap at nakakrus ang braso'ng lumapit sa akin.
"Hi," she greeted me then lend her hand. I was about to accept it but she withdraw her hand and smiled sarcastically at me.
My fist clenched but I keep myself calm, that's a rude stunt of hers.
"You're in a relationship with Lowell?" Her brows furrowed.
I shook my head then smirked at her. "Nah, we're just friends."
"Friends don't flirt with each other," she menacingly said while smiling.
I shrugged. "No hard feelings, we're just like that. Aren't you used to us?"
"Obviously, you're flirting with him..." She pointed out. "Out of suitors? Try harder."
Nagsukatan kami ng tingin. Makapal ang mukha niya sa parte'ng sinabihan akong nakikipaglandian kay Lowell. "Why are you so angry? Wala namang kayo ni Lowell. Kung makapagsalita ka naman sa akin na nilalandi ko siya, akala mo naman girlfriend ka." Pang-iinis ko sa kaniya at bahagya ko pang kinulot ang buhok ko gamit ang daliri.
"Wala na ngang kami pero halata paring may gusto siya sa akin," Napahalakhak ako sa sinabi niya. Hindi ko naman ginustong mambastos pero hindi ko talaga mapigilan ang sarili ko.
"Baka nakakalimutan mong kaibigan ko si Lowell mula grade school kaya kilalang kilala ko siya kesa sa pagkakilala mo sa kaniya." Marahan kong sabi. "Hindi umuulit ng girlfriend si Lowell. Kung naghiwalay na kayo, huwag kang umasang makikipagbalikan siya. That's not his style."
Ngayon alam ko na kung bakit naiirita si Crezst sa kaniya. Palaging naghahanap ng gulo, hindi naman kinakanti. Makita niya lang na may kasamang babae ang ex niya, nanunugod agad. Nako. Natanaw ko na si Lowell kaya lumapit ako para salubungin siya. Kinuha ko sa kaniya ang basurahang pinagpatong patong niya.
"Anong pinag-usapan niyo?"
"Wala, nagtanong lang siya sa akin kung kailan daw birthday ng Mama mo," pagsisinungaling ko at nauna nang umakyat sa ikalawang palapag. Pumasok ako sa classroom at pinataob ang tatlong basuhahan sa likuran.
Kinuha ko na ang backpack ko at sabay kaming magkagrupo na lumabas. Wala na roon si Lowell, napailing ako. Lumapit ako sa may harang para silipin ang unang palapag at nakita ko silang nag-uusap ni Mejia.
"Tara na, Slaine sa kabilang hagdanan tayo dumaan para malapit lang." Aya ni Hansel. Tumango ako at sumabay sa kanila palabas ng campus.
Nagkahiwa-hiwalay kami dahil iba iba ang direksyon namin pauwi, isa pa may dadaanan muna ako. Naglakad ako ng ilang minuto bago makarating sa destinasyon ko. May ilang college student akong nakikita na tumatambay sa mga shops at may mga kasabayan din ako sa paglalakad.
Habol ko ang hininga at nanghihina ang mga tuhod. Confirm! Nakita ko si Rafus na nakaupo sa isa sa mga mesa sa loob ng convenience store!
Nagsuklay ako, nagpulbo, naglagay ng kaunting pabango sa katawan. Handa na ang sarili ko, ang pumasok nalang sa loob ng conveniece store ang kulang.
I inhale and exhale deeply before fixing my composure. Hawak ko na ang doorhandle pero hindi pa ako tuluyang nakapasok, may babaeng lumapit sa kaniya. Nakangiti si Rafus na sinalubong ang babae at hinayaan niya itong yakapin siya.
Nakaramdam ako ng pait sa katawan dahilan ng pagkalusaw ng ngiti ko. Lumuwang ang hawak ko sa handle at umabante ng hakbang. I saw them enjoying while talking and the smile on Rafus' face never left. The girl simply caress Rafus' right arm and he never seems to mind it.
I felt my stomach twisted and a slightly pang on my chest. Tumalikod na ako't nagsimula sa paglalakad. Nakarating ako sa paradarahan ng mga tricycle. Sumakay ako sa loob at saka ko lang binuksan ang cellphone. Nakita ko ang maraming texts mula kay Lowell at ilang text mula kay Shey. Napasinghap ako bago buksan ang mga mensahe.
Lowell:
Slaine, nasaan ka na? Bumalik ako sa classroom pero wala na kayo roon?
Hoy, ano nagteleport ka? Hala baka multo ang kasama ko kanina?
Ako:
Sumabay ako kila Hansel kanina palabas ng campus. Kausap mo kasi ang 'love of your life' mo kaya ayokong masira ang moment niyong dalawa.
Ano may comeback bang magaganap?
Binasa ko na rin ang mensahe mula kay Shey. Pinasadahan ko ng tingin ang oras, kaka-aalas sais palang ng gabi.
"Isa na lang, tutulak na pa-norte!" Sigaw ni Mamang driver. Namataan ko ang isang lalaking umangat ng kamay kaya bumalik ang driver para sumakay ng tricycle.
Sa harap sumakay ang lalaki at agad umatake sa ilong ko ang kaniyang mabangong pabango. Hinahabol ko ang amoy niya, parang nakakaadik. Napaangat ako ng tingin dahil narinig ko ang mahina niyang pagtawa.
Nagsalubong ang aming tingin. Napasinghap ako, hindi ako makapaniwala! Akala ko permanente na silang maninirahan sa Manila!
"Long time no see, Ris." He said in a soft and melodious voice.
My heart palpitated. I grazed my lips, trying to suppress the chaotic emotions I'm feeling. I even attempted to pinch my arm to wake myself up from this illusion but... all that I'm seeing right now was true!
"Long time no see... P-paris."