Chapter 8
"Teka lang, saan mo ba ako dadalhin, Paris?" Natatawa kong tanong, hindi mapigilan ang kagalakan. He always love surprising me.
Nakapiring man pero hindi ako nakaramdam ng takot, sapat na ang mga kamay niya sa magkabila kong balikat para hindi kabahan. Inalalayan niya ako sa daan na aking maaapakan.
Hindi maalis-alis ang ngiti sa labi ko at rinig na rinig ko ang malakas na pagpintig ng puso ko. Unang umatake sa ilong ko ang halimuyak ng prutas na mangga at ang preskong hangin.
Napaisip ako. Siguro ay narito kami sa plantasyon nila. Huminto kami sa paglalakad at naramdam ko ang pagluwag ng piring sa mga mata.
Hinawakan ko iyon para tuluyang maalis. Laglag ang panga ko sa bumungad sa akin. Hindi ako makapaniwalang lumingon kay Paris, nakapamulsa siya't nakangiti ng matamis habang titig na titig sa akin.
"Surprise?"
Tinawid ko ang ilang metrong distansya namin at niyakap siya ng mahigpit. Lalo akong napangiti nang maramdaman ang pagyakap niya pabalik.
May nakalatag na checkered na blanket sa lilim ng mangga. May basket ding nakapatong at nakalagay ang iilang pagkain.
Sa harapan namin ay may ilog na tantiya ko ay hanggang tuhod ang lalim. Sa kabila no'n ay plantasyon ng buko na maayos ang pagkahanay. Ang mga puno ng mangga sa paligid ay may mga bungang manilaw nilaw, nakakatakam ang itsura.
"Nagustuhan mo ba?" Marahang tanong niya at inakbayan ako. Tumingala ako para hulihin ang mata niya't ngumiti ng matamis bago sumagot. "Oo, Paris. Sobra."
Inalalayan niya ako sa pag-upo. Nang makaupo narin siya'y pinatagilid niya ako para maipatong ang binti ko sa kaniyang kandungan. Napahalakhak ako dahil medyo sumayad ang daliri niya sa tuhod ko at nakaramdam ako ng kiliti.
Ito ang palaging posisyon namin ni Paris kapag magkasama. Minsan naman ay kinukulong niya ako sa kaniyang mga binti at napapasandal ako sa dibdib niya.
Sa edad na labin lima, sa kaniya ko naramdam ang kapayapaan. Gusto ko siya at ramdam kong gano'n din ang naramdaman niya pero walang estado ang relasyon namin. Kampante na ako sa ganito, masaya na akong kasama siya.
Iba siya sa mga naging nobyo ko noon. Grade seven palang ay pumasok na ako sa ganiyang bagay dahil sa kuryosidad pero hindi naman ako lumalagpas sa limitasyon.
"Nasaan na ang kuya mo?" Hindi ko maiwasang itanong dahil hindi ko na siya nakikita dito sa Rio de Janiero.
Among the Buenaconsejo's, Paris and Hector are super close with each other. Hector's two years older than Paris but their bond with each other is immeasurable.
Isa sa mayayamang pamilya ang Buenaconsejo hindi lang dito sa Rio de Janiero kundi pati narin sa buong Antique. Isa sila sa mga nagdodonate ng pera sa gobyerno sa pagpapagawa ng seawall at iba pang projects.
"He's in Manila," he casually answered and leaned on me.
"Nagbakasyon?"
Tumango siya't niyakap ako. Napasinghap ako sa kilig at pinamulahan ng pisngi. Bakasyon ngayon at sa susunod na dalawang linggo pa ang pasukan.
Palagi akong nalalagi sa kanila ni Paris at alam ito ni Mrs. Buenaconsejo. Sa katunayan nga ay natutuwa siya dahil gustong gusto niyang magkaroon ng anak na babae pero pumasailalim siya sa ligation, limang taon matapos niyang ipanganak si Paris.
"Gusto ko ring magbakasyon doon." Wala sa sarili kong usal habang nakangiti.
Pumunta ako sa lugar na iyon noong bata pa ako at hindi ko na maalala ang nakita ko noon kaya gusto kong maranasan muli ang pumunta sa Manila.
"Dadalhin kita roon sa susunod."
Nagliwanag ang mata ko sa sinabi niya kaya napalayo ako sa kaniya ng kaunti. "Talaga, Paris?"
Madilim ngunit kalmado ang mga mata niyang nakatingin sa akin na tila tinitimbang ang ekspresyon ko. Tumango siya't ngumiti. "Oo naman."
Tatlong taon ang tanda ni Paris sa akin pero kahit kailan ay hindi ko siya tinawag na kuya. Tutal ayaw rin naman niyang tawagin ko siya ng gano'n.
"Paris Abraham Buenaconsejo!" Napatili ako dahil sa biglaan niyang pagkiliti sa tuhod ko. Tumayo ako't tumakbo, sumasabay ang galaw ng aking lumang bistida sa hangin.
"Dapat na ba akong magdiwang dahil ako palang ang nakakaalam kung nasaan ang kiliti mo?"
"Che!" Napairap ako at narinig ko ang malakas niyang pagtawa.
Naghabulan kami sa manggahan at nang mapagod ay bumalik kami ng upo sa blanket. Inaya niya akong kumain at minsan ay sinusubuan ako. Hindi ko maiwasang kiligin, nakakagaan ng pakiramdam ang makita siyang ngumiti.
"Ano’ng sabi mo?" Garalgal kong tanong kay Dory.
Ayaw rumehistro sa utak ko ang sinabi niya. Alam kong nagsisinungaling lang siya! Magkasama pa kami ni Paris kahapon!
"Hindi mo ba nabalitaan Slaine? Doon na maninirahan ang mga Buenaconsejo sa Manila at ipapaalaga muna nila ang plantasyon sa mga Amalfitano! Kaninang madaling araw tumulak ang mga Buenaconsejo papuntang Manila."
Umiling ako, pinapaniwala ang sarili na hindi totoo ang mga naririnig. Walang pasubaling lumandas ang luha sa mukha ko. Tumakbo ako pabalik ng bahay at nagkulong sa kwarto.
"See you tomorrow, Ris."
Lalong tumulo ang luha ko nang maalala ang sinabi niya bago kami magkahiwalay kahapon. Magkikita pa kami ngayon!
Ilang oras akong nagkulong sa kwarto, umaasang may Paris na tatawag sa akin mula sa labas pero wala. Nagpadesisyunan kong lumabas at nakasalubong ko si Tatay na kapapasok pa lamang ng bahay. Humangos ako papunta sa kaniya na mugto ang mga mata. Napatikhim ako, nagdadalawang isip kung itatanong ba sa kaniya o hindi.
Sa huli ay napabuntong hininga ako bago salubungin ang tingin ni Tatay. "Tay, umalis na po ba ang mga Buenaconsejo dito sa Rio de Janiero? Wala na bang tao na naroon sa mansyon nila?"
Napangiti si Tatay na hindi abot sa mata at marahang tumango. "Oo anak, kaninang madaling araw. Tumulak narin ngayon–ngayon lang ang mga kasambahay nila patungong Manila. Wala ng tao roon sa mansyon."
Gusto kong umiyak sa mismong harapan ni Tatay pero hindi ko magawa. Ayokong masabihan na napakamadamdamin kong bata. Alam ni Tatay na magkaibigan kami ni Paris pero lingid sa kaalaman nila na magkasama kami ng buong araw kahapon. Bumalik ako sa kwarto na laglag ang balikat at nagsiunahan muli sa pagtulo ang luha ko.
"Kamusta ka na Ris?" Napabalik ako sa reyalidad dahil sa masigla tanong niya.
Umiwas ako ng tingin at nagbigay ng distansya sa pagitan namin. Pilit na kinakalma ang sarili. "Maayos naman ako."
"Mukha nga," napabaling ako sa kaniya at nakita ko ang ngiti niyang nakita ko noon tuwing palagi kaming magkasama. "Ang laki na ng pinagbago mo, Ris."
"I guess, time changes everything? Wala namang permanente sa mundo, lahat nagbabago, Paris."
"Ris..." Namamaos niyang banggit sa pangalan ko.
Napatingin ako sa kaniya at ang kaninang ngiti niya ay nalusaw. Naging malamlam ang mga mata niya. Tipid akong napangiti at ibinaling ang atensyon sa daan. Maging sa pagbaba ng tricycle ay hindi ko tinapunan ng tingin si Paris kahit na ramdam ko ang kaniyang malalim na tingin.
Sa sumunod na araw ay hindi ko magawang sabihin kila Crezst at Helen na nandito si Paris. Iniisip ko palang na sasabihin sa kanila ay umuurong na ang lalamunan ko.
Sa lahat ng mga naging karelasyon ko, sa kaniya lang ako umiyak ng wagas kahit wala kaming label! Ngayon, nakalimot na ako tapos saka uli siya magpapakita?
"Hoy, okay ka lang?" Nabulabog ako sa boses ni Crezst. "Gaga wala ka sarili uy!"
"May iniisip lang Crezst," mahina kong usal.
"Stress sa exam, girl?" sarkastikong uyam ni Crezst. Pinandilatan ko siya ng mata at kalaunan ay umiling. "Baka siguro ikaw?" Balik ko.
"Hindi rin," napangisi siya't kumibit ng balikat. "Anyways, napuntahan mo na ba ang convenience store na palaging tinatambayan ni Rafus? So, ano’ng plano mo?"
"Concern ka sa love life ko?" Natatawa kong tanong sa kaniya kaya napairap siya.
"Gaga! Concern ako sa convenience store baka gumawa ka ng eksena roon!" Inis niyang sabi at padarag na umupo sa tabi ng upuan ko.
Naalala ko na naman ang nangyari kahapon. Umusbong ang kuryusidad ko sa katawan pero hindi ko magawang itanong kung sino ang babaeng kasama ni Rafus kahapon. Hindi ko ida-down ang sarili ko kaya masasabi kong mas maganda ako kesa sa babaeng 'yon, lamang lang siya dahil mukhang mamahalin ang damit niya.
"Pupuntahan ko mamaya!"
Ayokong sabihin na pumunta ako kahapon at hindi natuloy ang pagpasok ko sa nasabing convenience store dahil nakita kong sinalubong ni Rafus na may ngiti ang babae kasi panigurado kukutyain ako ni Crezst! Epal kasi siya sa buhay pag-ibig ko! Mabuti pa si Helen, support lang.
"Akala ko ba pumunta ka kahapon?" Kunot noong tanong niya. Napabungtong hininga ako bago sumagot, "Well, it's a prank!"
Sa isang iglap ay nakatanggap ako ng pagbatok mula sa kaniya. Sapo ko ang ulo ko at nanliliksi ang matang nakatingin kay Crezst. "Akala ko ba sabi mo exam first before harot? Bakit pakiramdam ko ikaw pa ang tumutulak sa akin para harutin si Rafus?"
"Bahala ka na nga sa buhay-harot mo Slaine!"
Tawang tawa ako habang nakatingin sa kaniya na padabog na naglalakad pabalik sa silya niya. Natapos ang klase namin sa araw na ito na hindi ko nakikita si Rafus. Okay lang naman sa akin. Ayoko pa siyang makasalubong dahil maaalala ko lang ang paraan ng pagngiti niya sa babae na hindi niya magawa kapag ako ang kasama niya.
Napaliko ako ng dinaraanan nang makita ko sa labas si Paris na nakasandal sa kaniyang itim na sasakyan.
Napapikit ako at napatampal sa noo. Ewan ko ba kung bakit ayaw ko siyang harapin sa gayong tatlong taon na ang nakalipas at wala namang namamagitan sa amin.
Maybe I just felt betrayed?
Napailing ako. Ako lang naman itong umasa na magkikita kami sa araw na 'yon. Walang dapat sisihin.
Napilitan akong dumaan sa gate ng mga college para makaiwas kay Paris. Nakasalubong ko pa si Jishu na may kaakbay na sexy'ng babae. Kumunot ang noo niya nang makita ako, marahil nagtataka kung bakit ako nandito sa college. Hilaw akong napangiti at akma silang lalagpasan nang tinyempuhan ako ni Jishu para mahigit sa palapulsuhan.
"Babe, what the fuck?" Singhal ng babae kay Jishu dahil sa ginawa niya sa akin. Matalim na tingin ang ipinukol ng babae sa akin.
Wala naman akong ginagawa!
Kinuha ng babae ang kamay ni Jishu para maalis sa palapulsuhan ko pero hindi siya nagtagumpay.
"Jishu!" The girl uttered in strict voice but Jishu seems to enjoy it.
Umaawang ang labi ko nang kumalas siya sa pagkaakbay sa babae at pinagsalikop ang kamay namin. "Jishu ano bang ginawa m—" Hindi natapos ang sasabihin ko dahil muling nagsalita ang babae sa sobrang inis na paraan.
"You're choosing that plain and boring girl than me?!"
Umusok ang ilong ko sa sinabi niya. Napasinghap ako at simpleng napairap. Plain? Boring? Grabe, ang tapang niya! Harap harapang nanlalait! "Aba't—"
"Yeah, I'm choosing this plain and boring girl... I used to court seriously." Jishu said with a smirk. Hindi na niya hinintay pang makapagsalita ang babae, basta niya na lang ako hinila paalis.
"Hoy ang harsh mo roon sa babae, Jishu!" Reklamo ko matapos niya akong pakawalan. Kumibit balikat lang siya't mataman akong tinignan. Ang layo ng nilakad namin at ngayon ko lang natanto dahil nasa harapan kami ng engineering department.
"Aalis na ko," imporma ko sa kaniya habang inaayos ang pagkasukbit ng bag.
"Ayos ka na?"
"Oo ayos na," malumanay kong tugon.
"Maayos ka na dahil nakita mo na ako? Ah, I knew it!" Napatango-tango siya na parang naitagpi-tagpi niya ang lahat ng kasagutan.
"Ano ba’ng pinagsasabi mo?"
"Hindi ba kaya ka nandito dahil ako ang pakay mo? Ako ang gusto mong makita? Bakit mo pa ba kasi ako binasted noon?"
Napahawak ako sa magkabila kong sentido. "Grabe ang kapal mo Jishu, sobra! Pwede nang maihalintulad sa hollow blocks ang kakapalan ng mukha mo!"
Mahina siyang natawa at para naman akong natulala. He and Paris really do share blood. He looks like Paris when laughing but with different aura. Damn, this is also one of the reason why I turned him down!
"Bumalik na si Paris..." Sandali siyang natigilan para mapasadahan ako ng tingin. "Ang childhood sweetheart mo... na iniwan ka rin kalaunan."
Hindi ako makapagsalita at nanatiling nakatitig sa kaniya. Napabuntong-hininga ako at umiwas sa nakakaloko niyang ngisi.
"I guess, you already know." I can sense the tease in his voice. Ramdam na ramdam ko ang nakakalusaw niyang pagtitig sa akin pero nanatiling nasa mga paa ko ang aking tingin. "Kaya pala dito ka sa college, naroon siguro siya sa isang gate, ano?"
"Aalis na ako."
Hinawakan niya ulit ang kamay ko dahilan para matigil ako sa paglalakad. "Wala na ba talaga akong pagkakataon? Seryoso naman ako sa'yo."
Tipid ako napangiti at marahan hinawakan ang kamay niya para alisin sa kamay ko. "Marami ka pa namang reserbang babae."
"Give me a valid reason so I can stop pursuing you..."
"I already like someone else."
He gave me a fake smile and licked his lower lip. "You still can't move on to Paris?"
I shook my head to make things clear. "It's not your cousin that I like, it's Rojas Andrieu's."
"You like Rafus?"
"Uhmm... yes, I like him."
Mabusisi niya akong tinignan habang nakapangalumbaba pero hindi niya naman ako pinigilang makaalis. Maliban kay Jishu ay nakasalubong ko rin sina Clajj, Hrist, at Rojas. Hindi naman ako ganoon ka malapit sa kanila kaya tanging tango at ngiti lang iginawad nila sa akin.
Nagtagumpay ako sa pag-alis ng campus. Wala namang problema sa akin kung may ibang hinihintay si Paris doon sa kabilang gate basta gusto ko lang siyang iwasan, tapos ang usapan.
Maaga ang uwian namin kesa sa kanila Rafus ngayong araw. Nakarating ako sa convenience store. Nakita ko ang lalaking nagbabantay doon kaya pumasok ako habang hawak hawak ang papel na binigay ni Crezst sa akin.
Binati niya ako at nahihiyang ngiti ang naging tugon ko. Nabasa ko ang pangalan niya sa nameplate na nakalagay sa bandang kaliwa ng kaniyang uniform. His name is Luigi.
"Ahm... itatanong ko lang po sana kung bakante pa ba 'to?" Nahihiya kong tanong habang nilalapag ang papel na may nakalagay na hiring.
Sandali niya akong pinasadahan ng tingin bago ngumiti. "Ah, iyan ba miss? Bakante pa! Gusto mong mag-apply?"
Napakagat labi ako. At the back of my mind I'm still torn in between, questions are playing inside my head. Kailangan ko ba talagang pumasok dito? I think I have to think a hundred times.
"Opo, sana..."
"Huwag nang po, kaswal nalang pwede ba 'yon? Ako pala si Luigi," pagpapakilala niya sabay lahad ng kamay na tinanggap ko naman.
"Slaine."
"Uhm, Slaine..." Napakamot si Luigi sa kaniyang ulo. "Wala pa kasi dito si Reive... siya ang may kailangan ng tulong kasi maraming dumadagsang tao rito sa convenience store tuwing shift niya, kaya concern ang manager namin at nagpahiring. Kilala mo ba siya?"
Napatango ako. Naalala ko ang sabi ni Crezst sa akin noon na siya ang girlfriend ni Hrist pero naghiwalay na sila ngayon at walang may alam ng rason.
"Ipinagkatiwala ng manager namin sa kaniya ang application form. Pwedeng puntahan mo siya bukas department sa niya o pwede mo siyang kontakin. Eto ang number niya."
Tinanggap ko ang kulay light green na papel na may numero ni Ate Reive at inipit ko iyon sa notebook ko. "Sige, kokontakin ko nalang siya. Maraming salamat dito Luigi!"
"Walang anuman."
Ngitian ko siya at napatango. "Sige, una na ako."
Pagtulak ko ng glass door ay bumungad sa akin ang mukhang kanina ko pa hinahanap-hanap. His shoulder and breathing was relaxed but he's in his usual poker face. Hindi man lang siya nagulat na makitang nandito ako?
I smiled naughtily. "Looks like destiny made its way for us to meet."
I blushed at my own thoughts. Me seeing Rafus looking dearly at me then he'll say 'I guess we're destined in any ways'.
"Ehem," he cleared his throat, making me woke up in my absurd illusion. "Excuse me."
Nilagpasan niya ako at pumasok na sa loob. Naglibot siya sa mga rack at nagbayad ng binili sa counter bago umupo sa mesang inupuan niya rin kahapon. Nanatili pa ako ng ilang segundo. My smile faded. Hindi man lang ba niya ako susulyapan?
Nawawalan ako ng pag-asa. Maybe I should call it a day? Exams are coming and I know he's thriving hard for our future together. Sige, dahil gusto ko siya, palalampasin ko muna ito. Inilabas ko ang cellphone ko at nag-online. Nagtipa ako ng mensahe sa kaniya.
Ako:
Pagbutihan mo baby! Alam ko namang nagsisikap ka para sa future nating dalawa. Fighting! Mwah.
Bago ako lumabas ng convenient store, nakita kong napalingon siya sa kaniyang mamahaling cellphone. Umaasang mensahe ko 'yong binabasa niya.
Tumigil ang tricycle sa harap ng bahay at inaabot ko sa driver ang pamasahe. Napakunot ang noo ko nang makitang bukas ang pinto ng bahay namin. Bigla akong ginapang ng kaba sa pag-iisip na baka nilooban kami. Dali dali kong binuksan ang bakod naming gawa sa kahoy at humangos papasok ng bahay.
Natigilan ako nang nanuot sa ilong ko ang mabangong amoy. Nawala ang kaba ko. Alam na alam ko kung sino ang nagluluto sa kusina... si Nanay!
Inilagay ko muna sa sopang gawa sa kahoy ang backpack ko at pumunta ng kusina. Nakita ko si Tatay na nakaupo sa mesa habang sumisimsim ng kape at si Nanay naman ay nakatalikod, maharil abala sa niluluto niyang adobo.
"Tay, Nay, kailan po kayo dumating?" Lumapit ako sa kanila saka nagmano.
"Kanina lang mga bandang alas tres, anak." Si Tatay ang sumagot.
"Kamusta naman po ang mga palay natin, Tay?" Napag-alaman ko kasing hati sila ni Tito Nicholas sa magiging ani ng palay pero may ilang buwan pa iyong bago maani.
"Malulusog naman ang palay namin ng Tito Cholas mo, anak. Epektibo ang ibinigay na fertilizer sa amin ni Mayor."
Hindi na ako nang-usisa pa. Nagpaalam ako sa kanila na papasok ng kwarto para mag-aral. Hindi ko nagawang mag-aral kagabi dahil nilukob ni Paris ang isip ko.
"Rinig ko ay nandito na ang magkakapatid na Buenaconsejo."
"Sabi ni Cholas kanina ay dito muna ang panganay para pangasiwaan ang plantasiyon nila. Hindi ko lang alam sa bunso."
Natigilan ako ng marinig ang pinag-uusapan nila Nanay at Tatay. Hindi ko pa tuluyang naisasara ang pinto ng kwarto ko nang narinig ulit ang pagsasalita si Nanay. "Ang laki ng pinagbago ng magkapatid. Sa tingin ko ay mga nobya o may pinangakuan na sila sa buhay."
Tanggap ko narin naman ang sitwasyon ngayon. Ano naman kung may nobya o pinangakuan na si Paris, iyon nga ang maganda. Masaya ako para sa kaniya.
Tahimik ang hapag kainan habang naghahapunan kami. Wala rin naman akong balak buksan ang topiko tungkol sa mga Buenaconsejo. Natapos ako sa paghuhugas ng plato at akmang papasok na nang kwarto ngunit nahagip ng mata ko ang itim na sasakyan na nakaparada sa tapat ng bahay namin.
Ang mas ikinagulat ko pa ay may nakasandal na lalaki doon sa kotse. Lumapit ako sa may bandang bintana. Hinawi ko ng kaunti ang kurtina para aninagin at gano'n nalang ang pagngatal ng labi ko nang makilala kung sino ang naroon.
Kumunot ang noo ko sa kuryusidad. Anong ginagawa ni Paris diyan? Kanina pa ba siya sa labas?
Gustuhin ko mang lumabas at kausapin siya pero may kung ano sa sistema ko na nagpipigil sa akin na gawin iyon. Sa huli'y napabuntong hininga ako at mabibigat ang hakbang papasok sa sariling kwarto.