Chapter 10

"Hindi ka na sana nag-abala pa, Paris."

He smiled at me then pulled over the car in front of our house. "I like doing it."

"I don't want to get link with you," I frankly said in a monotone and in serious look.

I saw his Adam's apple moved. He lifted his head a bit to meet my gaze, his look became serious. "Why?"

I cleared my throat then looked away. "Do... I need a reason?"

Natahimik siya at nagsimulang namuo ang tensiyon sa loob ng kotse. Bumaling siya sa akin, "Is this because of what happened back in El Paso?"

"What? No! That is not the reason—"

"I already cleared things between me and Reun. I already apologize to her about my rude behavior—"

"Paris, stop..." mahina kong bulong habang nakahawak sa kaniyang kamay. "Ayoko ng ganito..."

"What do you mean, Ris?"

"This..." I sighed. "I don't want this to continue and make you hope for more, Paris. Some things aren't going back to the way they used to be. In our case, don't you notice that there's a gap? Something's awkward and doesn't... feel right?"

"Naiintindihan ko kung hindi mo pa ako tuluyang napatawad, Ris. I'll wait for that time to come."

"I can't go beyond... nawala na Paris. Hindi na mababalik kahit na parati pa tayong magkasama. There are many things that have happened to us individually and I have already forgiven you that day when we're in El Paso."

Malamlam niya akong tinignan at kalaunan ay tipid na napangiti saka tumango-tango tila pinagtagpi-tagpi ang lahat ng piyesa. "I still like you... like you, Ris." His voice was soft but I felt an unnamed emotion mixed to it. Tipid na nakasara ang labi niya at marahang napalunok. "We're still friends, right?"

Tahimik niya akong tiningnan habang inaalis ang seatbelt. Binuksan ko ang pinto at hawak hawak ko na ang bag. Napatitig ako sa kaniya habang hindi siya makatingin ng diretso sa akin. "Yeah, we still are."

Napangiti ako nang mag-angat siya ng tingin sa akin. Lumabas ako ng sasakyan niya at ilang segundo muna ang lumipas bago ko iyon isinara. Napansin ko ang mapang-usisang tingin ng mga kabaranggay ko. Nakapasok na ako ng gate pero hindi parin umaalis ang sasakyan ni Paris.

Ayaw sanang makiayon ng mga paa ko at gustong manatili para maihatid man lang siya ng tingin. Napabuntong-hininga ako, napagpasyahan ko nalang pumasok at nang magtagumpay ay sinilip ko ang kotse niya sa labas.

Unti-unti na iyong umuusad.

Kinabukasan ay medyo tinanghali ako ng dating sa paaralan. Magfa-flag ceromony na. Habang nababantay ako ng tricycle kanina sa tapat ng bahay, tinatanong ako ng mga nanay at biyudang babaeng kabaranggay na nararaanan ako kung sino daw ba ang humahatid sa akin pauwi.

Hindi ko pinapangalanan pero sinabi ko na kaibigan lang. Kaso mukhang ayaw nilang maniwala, siguro ay pakiramdam nila nagsisinungaling ako.

Hindi nakatakas sa pandinig ko ang mga sinasabi nila kapag medyo may kalayuan na sila sa akin. Na nakabingwit daw ako ng mayaman, kesyo baka daw matanda iyon dahil hindi nila nakitang lumabas para pagbuksan ako ng pinto.

Hindi ko gusto ang ideya. Siguro masasabi ko rin itong isa sa mga dahilan kung bakit ayokong hinahatid ako ni Paris. May mga tao talaga na magkokomento at mag-uusyoso. Mabuti at hindi ito nakakarating kila Tatay, subalit hindi ko maitatanggi ang posibilidad na baka nga nakarating sa kanila pero ayaw lang nilang itanong sa'kin para ikumpirma.

"Slaine..." Napaangat ako ng tingin kay Crezst. Umupo siya sa harapang silya. "Kasama mo kahapon si Paris?"

Hindi na ako nagulat sa tanong ni Crezst, panigurado ay isinabi na ni Jangkit ang nangyari kahapon. "Uh... ano, oo Crezst pero naklaro ko narin naman ang mga bagay na gusto kong klaruhin."

Matagal niya akong tinignan bago tumango. "O... kay," tatalikod na sana siya pero hinawakan ko ang braso niya para magtanong. "Ah, Crezst alam mo ba kung sino ang... nagbayad ng babayarin ko para sa t-shirt?"

Taka niya akong tinignan. "Huh? Akala ko ba ikaw ang nagbayad?"

"Hindi eh."

"Kung ibang kaibigan naman natin ang magbabayad no'n, siguradong ipapaalam nila sa'yo."

Isang tao lang ang pumasok sa isip ko ngayon. Kung hindi ang mga barkada ko, sa tingin ko ay si Paris ang nagbayad.

Sa mga sumunod na araw, hindi ko alam kung matutuwa ba ako o ano. Hindi nga ako hinahatid ni Paris tuwing uwian pero palagi ko naman siyang nakikita tuwing palabas kami ng campus. Sometimes he's leaning on the car with his shades on and sometimes he's inside his car but the driver's window is open.

Ramdam kong kating-kati na si Helen at Crezst na magtanong tungkol kay Paris pero ayaw lang nila akong pangunahan.

"Aranza, ito na ang t-shirt mo."

Napaangat ako ng tingin dahil sa boses ng Classroom President namin. Tumayo ako at lumapit sa kanila. Mariin ang titig ko sa shirts na hawak ng Treasurer namin. Sa katunayan ay nagdadalawang isip ako kung tatanggpin ba o hindi gayong hindi naman ako ang nagbayad. Mabibigat na hakbang ang ginawa ko at napapabuntong hininga. Nanginginig ang kamay ko habang kinukuha ang mga shirts.

"Mukha kang tensiyonado, Slaine ah." Natatawang sita ng Auditor namin.

"Ah, hindi naman..." Pilit kong pinakalma ang boses ko. Ilang araw ko ring kinukulit ang dalawang 'to para sabihin sa akin kung sino ang nagbayad. Kaso mga walang kapormalan ang dalawa. Ang sabi ni Treas, babae daw habang lalaki naman kuno ayon kay Aud.

Bumalik ako sa upuan ko at nakatipon na ang barkada.

"I saw Clemenseanne, earlier." It's Helen who brought up the topic.

Crezst's brows furrowed. "Ano naman ang ginagawa ng ma-attitude na 'yan dito?"

Jangkit snaped his fingers. "Pareho lang naman kayo ng ugali no'n!"

"Mas malala siya!" Crezst protested.

"Nandito nag-aaral ang kuya niya kaya malamang?" I reminded them then putted the shirts on my bag.

"Ay oo nga pala! Ikaw talaga Crezst, ang sama ng bunganga mo. Mamaya marinig ka pa no'n." Napairap si Crezt dahil sa sinabi ni Dani. "Edi mabuti!"

Lowell and Dom were silent. Probably, doing their own business with their phones. I took a glance at Lowell's phone since he's just sitting beside me, I saw from girl's chat saying that she's from Polytechnic State.

Perks of being an athlete.

Hindi ako sumasali sa usapan nila. Tahimik lang akong nakikinig at nagmamatyag sa paligid. Nahuli ko si Jangkit na panay ang silip sa cellphone at si Dani naman ay panay ang lingon sa grupo ng mga lalaking classmate namin sa may sulok banda.

Gaya ng nakasanayan tuwing uwian, hinihintay muna namin na masundo sila Helen at Crezst ng kotse nila. After that, we all splited ways. Inalok ako ni Lowell na sumabay sa kaniya dahil dala niya ang motor niya pero tumanggi ako ng halos sampung beses.

Maliban sa ayokong mapag-usapan, ang nakakamatay na tingin ng ex niya ay hindi ko matiis. Walang nagawa si Lowell kaya umalis nalang siya kahit labag man sa loob niya.

I even saw Sienna Gallegos with Clajj. Palagi ko ring napansin na magkasabay ang pinsan ni Lowell na si Aji at ang isa sa kambal na Montessori. Nakwento sa akin ni Lowell na magbestf riends sila mula pagkabata. Sumasabay naman sa kanila si Jhad pero madalang lang.

Si Shey naman ay nakikita ko palaging kasama ang barkada niya. Kung tutuusin, mas gusto ko pa ngang maging kaibigan niya si Aji kesa sa mga kaibigan niya dahil mukhang masamang impluwensiya sila pero malabong mangyari ang gusto ko dahil magkaiba sila ng seksyon.

Then again, I saw Paris' car being parked in front of WeSaS. But this time, he deliberately step out of his car with a small genuine smile. May kung ano sa akin na nagsasabi na komprontahin siya dahil sa mga ginagawa niya pero nagtatalo pa ang isip ko pero sa huli ay napagdesisyunan kong lapitan siya.

"Hi." Tipid niyang bati habang nakangiti.

"H-hi," naiilang kong tugon pabalik.

"May pupuntahan ka pa ba?" I can sense that he's trying to lighten the tension between us.

"Uhm, wala na. Didiretso na ako ng uwi."

I saw him bit his lips. Maybe, stopping himself from asking if he could drive me home? I'm not assuming but I'm just looking at the probability. He heaved a deep breath then simply putted his right hand to his pocket. "I heard that your work immersion starts this Monday. Do you know where you are being assigned?"

Iginala ko ang tingin sa paligid. May iilang pares ng mata ang nakatingin sa amin. Namataan ko rin na palabas si Rafus ng gate pero alam kong hindi niya mapapansin ang presensiya namin. Bumalik ang tingin ko kay Paris. "Hindi pa. Sa lunes pa ididikit sa bulletin kung saan kami ia-assign."

"Ano pa’ng schools ang kasabayan niyo?"

"Ang El Paso CS at Fortalezao National HS." Marahan kong sabihin. Napaangat ako ng tingin. "Paris, pwede bang itigil mo na 'to? Naabala ka lang kasi at hindi na tama 'to."

Ang tinutukoy ko ay ang araw araw niyang pagbabantay sa labas ng campus. Wala namang problema sa akin iyon pero pinag-uusap-usapan siya ng mga babae dito.

"Kuya Hector also wants to see you Ris..." Mahina niyang ani at hindi pinansin ang sinabi ko. Nagulat ako sa narinig. Hindi naman kami ganoon kalapit ni Hector noon kahit palagi akong nalalagi sa mansyon nila.

"Uhm, busy kasi Paris eh. A-at alam ko din na abala siya sa negosyo niyo."

"Yeah, medyo abala nga si Kuya sa pakikipagsosyo sa mga Lazaro, Altavilla, Amalfitano, at Dela Rue nitong nakaraang araw."

Napatango ako at maya-maya ay napasilip sa relo. "Uhm, kailangan ko nang umuwi Paris. Paano ba 'yan? Una na ako sa'yo."

Nasa tuwid na linya ang labi niya at seryoso ang mukha. Matagal siyang napatitig sa akin bago tumango na tila napipilitan. Tumalikod na ako sa kaniya at naglakad papunta sa paradahan ng tricycle. Umupo ako sa unahan at naghintay ng ilang minuto. Umusad na ang tricycle na sinasakyan ko nang makita ko ang sasakyan niyang nakasunod sa likuran. Napabuntong-hininga ako at napailing. Ano pa ba ang kailangan kong gawin para tantanan niya ako?

Dumating ang araw ng work immersion namin. Sinuot ko ang itim na shirt, ito ang sinang-ayunan naming lahat. Ini-tuck in ko iyon sa blue na denim jeans at puting sneakers ang ipinares ko. Nakalugay ang aking tuwid na buhok na hanggang sa ilalim ng kili kili ang haba at sinuot ko ang aking school ID.

Pupunta pa ako sa WeSaS para alamin kung saan ako ia-assign. May sapat naman akong perang dala kaya ayos lang kung malayo.

Nakasunod sa amin ang sasakyan ni Rafus. Dito ako sa likod ng tricycle nakaupo at naaninaw ko ang seryoso niyang mukha sa loob ng sasakyan. Napangiti ako. Sana sa Enterprise nila ako maa-assign. Napahawak ako sa buhok ko para hindi sumabay sa hangin. Sakto namang napatingin siya sa akin. Hindi gaya kanina ay medyo malambot na ang ekspresyon niya.

Huminto ang tricycle sa harap ng WeSaS. Bumaba ako at umikot para magbayad. Huminto rin ang kotse ni Rafus ngunit paglingon ko ay wala na siya roon.

Bigo akong dumiretso ng classroom. Naroon na sila Crezst. Pareho sila ni Helen na naka-skirt, si Dani naman ay nakapantalon din gaya ko.

"Tara, sabay na tayo sa pagbaba." Aya ni Jangkit

"Eh? Kaaakyat ko palang."

"Ikaw lang naman talaga ang hinihintay namin, Slaine."

Tumingin ako sa paligid. "Marami pa namang kaklase natin ang nandito."

"Mag-aalas otso na. Ipo-post na 'yon sa bulletin. Na-orient naman na tayo noong Biyernes, kukunin lang natin ang papers sa adviser para makompleto ang kakailanganin natin at gora na tayo sa work immersion."

"Wow, Dani! Attentive ka pala? Excited?" Matalim na tinignan ni Dani si Jangkit. Napairap siya at naunang lumabas ng classroom.

Helen and Crezst are talking about something while I'm silently taking steps behind them. Kasabayan ko sina Lowell at Dom, gaya ko ay tahimik din sila pero may kaniya kaniya namang ginagawa sa cellphone. Pagkarating namin sa post, ang daming estudyante ang nagsisiksikan para makatingin sa bulletin. Pinahupa muna namin ang mga estudyante bago rin sumilip. Abala kaming pito sa kahahanap ng mga pangalan namin.

"Sa Izquierdo Express ako." Rinig kong sabi ni Dani mula sa likuran. Siguro ay tapos na siya sa paghahanap. Lumingon ako at nakita kong kausap niya si Jangkit.

I also heard from the side that Lowell and Dom were assigned in similar post. Nahanap ko na ang pangalan ko pero para akong tinakasan ng dugo sa nakita. Akala ko na talaga, pagkakataon ko na 'to para tuluyang malayo sa kaniya pero bakit parang mas pinaglalapit kami?

"Slaine, saan ka?" Napaigtad ako ng kaunti sa pagkalabit ni Crezst. Tumabi siya sa akin at naghanap din.

Maski si Jangkit ay tumabi rin sa akin para maghanap. "What the... you're being assigned to Fortalezao! In Buenaconsejo's Enterprise." Sigaw niya at bahagya pa akong inalog habang impit na tumitili.

"Meant to be ata kayo! Hindi ko talaga ini-expect na lalapitan ka ng Paris Buenaconsejo na 'yon!"

Mataman akong tinignan ni Crezst at maski sina Lowell ay napabaling din sa amin. Hilaw akong napatawa. "Nakita ka rin ng pinsan ko na magkausap kayo ni Paris sa labas ng kotse niya noong nakaraan!"

Mas lalong kumunot ang noo ni Crezst at tahimik na napatingin sa akin si Helen. Walang kaalam-alam ang apat na natitira kong kaibigan sa amin ni Paris noon.

"T-tara na, pumipila na tayo para sa papers oh." Paglilihis ko sa usapan at naunang naglakad patungo ro'n. Umiwas ako sa mapanuring tingin nila Crezst at Helen. Maya maya pa ay nakaramdam ako ng pag-vibrate sa cellphone ko. Kinuha ko iyon at napabuntong hininga nang makitang kay Helen galing iyon.

Helen:

You owe us a lot of explanations.

Matapos naming makuha ang papel sa adviser namin ay ni-orient uli kami ng kaunti bago pinayagang pumunta na kung saan kami magwo-work immersion. Sumabay ako sa kapwa ko estudyante na sa Fortalezao din naka-assign. May kalayuan ang Fortalezao sa Rio de Janiero kaya sa bus kami sumakay at inabot kami ng labinlimang minuto. Walang traffic dito sa Antique pero makakaranas ka lang no'n kapag nasa San Jose na.

Pagkarating namin ng Fortalezao ay agad kaming nagkahiwa-hiwalay. Lima lang kaming taga-WeSaS na naka-assign sa Buenaconsejo's Enterprise. Habang papalapit ay hindi ko maiwasang kabahan. Mas nauna ang apat kong kasama at ilang metro ang pagitan ko sa kanila.

Pumasok na kami at agad dinaluhan ng isang staff. Malaki ang Buenaconsejo's Enterprise pero hindi gano'n kalaki tulad ng sa Cattaneo pero dito ay may ikalawang palapag, sa kanila ay wala. Iginiya kami papuntang ikalawang palapag.

Ang mga kasama ko ay biglang huminhin ng paglalakad na siyang ipinagtaka ko. Inilibot ko ang tingin sa paligid, halos lalaking may itsura at mukhang nasa 20's ang empleyado nila. Naroon na ibang estudyante na taga ibang paaralan. Kumportable silang nakaupo sa steel bench.

I saw Crisanta who's wearing a maroon shirt paired with black slit skirt and three inches brown heels. I'm familiar with her since she's a cheerleader from El Paso.

Napansin niya siguro ang pagtingin ko kaya napalingon siya sa akin. Umarko ang kilay niya at pinagkrus ang braso. Elegante siyang napasandal sa inuupuan at nanatiling nasa tuwid na linya ang labi. Umupo ako sa bakanteng upuan na itinabi ng schoolmate ko para sa akin. Paglipas ng ilang minutong paghihintay ay nakarinig kami ng mga boses at yabag paakyat.

Napatayo ako at lumingon sa may modernong hagdanan na dinaanan namin kanina. Una kong nakita ay ang striktong mukha ni Hector na kaswal ang suot. Dumako ang tingin ko sa likuran niya at natameme ako nang makita si Paris na nakapamulsa. Nagulat din siya at tumaas ang sulok ang labi nang makita ako pero agad din naman iyong sumeryoso nang tuluyan na silang nakalapit sa amin.

"Welcome to the Buenaconsejo's Enterprise." Hector's deep voice echoed the whole second floor. Tumayo narin ang ibang kasama ko at bumati kami ng magandang umaga sa magkakapatid.

"In case, you didn't know us. I'm Hector Janvier Buenaconsejo... and this is my brother Paris Abraham Buenaconsejo."

Umangat ako ng tingin at napasinghap nang mahuling nakatingin si Paris sa akin. Umiwas ako. Hector's discussing something in front of us and I can't follow because I was distracted by Paris' grin.

"Since you're just doing a work immersion in our enterprise, I won't be strict with times. I'll let you go home at five." Napatingin sa akin si Hector kaya ginapang ako ng kaba. "If you have issues or concerns, don't be embarrass to reach out my secretary, Paris, or me."

Hector entered the office and Paris was left here with us. "You can pass your folders including your resume and indigency to her," my jaw dropped when he pointed at me. A smile crept his lips. My colleagues started passing it to me but I'm still shocked at the moment. "If it's done, please bring it to the office."

Isa isa nilang ibinigay sa akin ang folder at ang huling naglapag ay si Crisanta na may intimidating na mukha. Nang matapos ay sumunod ako sa likuran niya at pinagbuksan pa ako ng pintuan. Bago isara ni Paris iyon ay nakita kong may lumapit na sopistikadang babae sa mga kasamahan ko.

"Paris, I told you to assist them—oh! Slaine Aranza..."

I smiled then came near Hector. Inilapag ko ang papel sa gilid ng mesa niya. My eyes wander around. I'm amazed of the look of his office. It's indeed manly and minimalist. The color is black, white, gray and with a touch of silver. There's an artificial plant on the center table and two larger real plants on both sides of his bookshelf, just behind his table and swiveling chair.

"Long time no see. So, how are you?" He said in a friendly tone with a smile but he's looking at me intently.

I felt awkward. "Okay lang. Uhm... sige mauna na ako. Nice meeting you, uhh— sir Hector."

"Wait—"

Tumalikod ako at ang nakangiting Paris naman ang bumulaga sa akin. "Aalis na ako," paalam ko sa kaniya na nakayuko. Hinawakan niya ang magkabilang braso ko kaya ako napaangat ng tingin.

"Break a leg," aniya at ginulo ang buhok ko.

"Baka hindi na ako makakalakad niya!" Busangot ang mukha ko at sinusuklay ang buhok gamit ang daliri.

Rinig ko ang marahan niyang pagtawa. Si Hector naman ay nakangiting umiling habang nakatingin sa amin. He's comfortably sitting on his swivelling chair while Paris' standing near the sofa.

Binuksan ko ang pintuan ng opisina nila Hector at nakasalubong ko ang kaninang babae. May pagtataka sa mata niya at kahit may mga papeles sa kanang braso niya ay maganda parin ang kaniyang postura.

"Uhm, hinatid ko lang po ang mga folders namin." Agap ko agad. Tumango siya pero pakiramdam ko ay hindi siya kumbinsido sa sinabi ko.

Bumaba ako para hanapin ang mga kasamahan ko pero agad akong ni-assist ng isang empleyado at dinala sa cashier section.

Tinuruan niya ako nga mga bagay bagay tungkol dito. "Lahat ng maiiscan mo sa infrared scanner ay automatically naii–record. There's also a hidden cameras for security. Hindi naman sa wala akong tiwala sa'yo, nanigurado lang ako dahil pera ito ng mga Buenaconsejo."

"Alam ko po at naiintindihan ko po kayo." Magalang kong sabi sa babae. Tumango siya sa akin at ngumiti. "This is your workplace from now on. I'll stay here for an hour and a half to monitor if you're doing your work immersion right."

Tumango ako at nanahimik. Mabagal kong pinadaan ang kamay ko sa keyboard at monitor na nasa harap ko. Napatingin ako sa paligid. I saw Crisanta again with the hottie staff. I can see from the guy's gesture that he's showing Crisanta how to put goods in the racks.

Napalingon siya sa akin. This time, she eyed me menacingly then rolled her eyes afterwards.

Hindi naman gaanong mahirap ang trabaho ko dahil kaunti lang ang nakapila sa akin. Walang bakanteng bagger kaya ako nalang rin ang naglalagay nang pinamili ng customer sa recyclable plastics. The woman who oriented at me is just standing behind, like studying my very move.

"Thanks ma'am! Come again!" Masigla kong sabi matapos maibigay ang sukli at resibo sa kaniya. According to the woman, I have to put an initial to the receipt before giving it to the customer so I did.

Sa gilid ng paningin ko, nakita kong napatango-tango ang nagsu-supervise habang nakangiti. Hindi ko man alam ang dahilan no'n pero napangiti rin ako. Pakiramdam ko kasi ay napa-impress ko siya. Umalis ang babaeng tumulong sa akin na walang sinasabi at habang pinanonood ko siyang maglakad papalayo ay may nareyalisa ako. Ito na ang simula ng pagsasanay nila sa amin.

I heaved a deep sigh and I accidentally looked upstairs. But then, I saw Paris leaning on the railing and when our eyes met, he gave me a small smile and a thumbs up.