Chapter 10
"You know Slaine, Paris is kinda clingy when we're still together." She grin intentionally while brushing her forefinger around the top of her drink.
I looked at Paris' direction, a faint smile crept his face and his eyes were still apologetic. Nasa harap ko silang dalawa. Magkatabi at sobrang lapit sa isa't isa. Nagpatuloy pa siya sa pagsasalita at hindi ko alam kung paano ko nakayang makinig sa sinasabi ni Renesmee tungkol sa naging relasyon nila ni Paris.
"Palagi niya akong hinihintay sa labas ng department ko tuwing break at uwian. He really loves—"
"Enough, Reun." Paris' voice became authoritative.
"Why Paris? I'm just sharing to your childhood friend the things we used to do. Is there any problem with that?" Renesmee chuckled softly then looked at me in wonder.
"I thought we already talked about it?"
Napakagat ako ng labi. I want to excuse myself because I know where it's heading. They're arguing about their unfinished business in front of me.
"No, Slaine just sit there. Paris' just unreasonable." Renesmee said in a firm voice when she saw me standing and about to give them privacy.
Gusto kong matawa. Kanina lang tinanong ako ni Paris kung gano'n parin ba, kung gaya parin ng dati. Tapos ngayon, nalaman ko nalang na hindi pa pala naayos ang mga issues niya. Nagtama ang tingin namin ni Paris. I saw how he looked pissed and there's a glint of fear in his eyes.
"I don't have to explain anymore, Reun. I'm beyond reasonable." He sternly said then he stood up. He turned to me and his expression softens. "Let's go, Ris..."
"Ha? B-bakit?"
I was startled when he pulled me and we rushed out of the restaurant. Natanto ko nalang ang ginawa niya noong papalapit na kami sa kotse niya. Sinubukan kong kumawala sa hawak niya at nang magtagumpay ay lumayo ako ng kaunti. "What was that all about Paris?"
He sighed and looked at me tenderly.
"It's clear that you two needs to talk. What was that behavior all about?"
He tried to reach for my elbows but I keep on taking steps backward. "I already settled things before I came back here in Antique, Ris. Please believe me this time..." Longing was evident in his expression and he then smiled weakly at me.
Umiwas ako ng tingin at tumikhim. "Labas naman ako rito pero hindi ko nagustuhan ang pakikitungo mo ng gano'n sa ex mo. You shouldn't do that and just pulled me out there."
"I'm sorry, Ris. Don't worry, I'll apologize to her later." He sincerely said then intertwined our hands and guided it in his lips.
I was caught off guard by that stunt. It made me stilled and confused. In the end, I didn't said a word until we entered his car and maneuvered it back to Rio de Janiero.
I took a glimpse at my wristwatch, it's nearing seven. I'm in the car, waiting for Paris to return. The car was parked across the Municapal Hall. Paris told me earlier that he have some documents to be submitted and to be signed by the mayor. I don't know what's that documents all about but I have a hunch, it's for their business. Ilang minuto pa akong naghintay sa loob ng sasakyan hanggang sa namataan ko na siyang papalabas ng munisipyo, hawak-hawak ang kayumangging envelope sa kanang kamay.
"I'm sorry for making you wait, Ris." Aniya nang agad siyang makapasok sa loob ng kotse.
I shook my head then smiled. "It's okay. It's not that long though."
Mataman niya akong tinignan at kalaunan ay tumango saka minaniyobra ang kotse. The car stopped in front of our house. Nakabukas ang pintuan kaya alam kong nakauwi sila Tatay galing sa bukid. Nakita kong akmang lalabas ng kotse si Paris pero agad ko siyang napigilan. Nakahawak ako sa braso niya at kalmado siyang tinignan.
"Hindi mo na kailangang lumabas. Salamat sa paghatid at salamat sa hapong ito, Paris," I firmly said. Tipid akong napangiti at binuksan ang pinto ng kotse. Pagkasara ko no'n ay nakita ko siyang nakatingin sa akin, kahit na tinted ang sasakyan niya ay naaaninag ko parin siya dahil sa ilaw sa loob.
Diretso akong pumasok sa bahay at nang lumingon ako sa labas, nandoon parin ang sasakyan niya. Pumunta ako sa sulok para magtago at para masilip ang kotse mula gilid ng kurtina. Ilang segundo pa iyong nanatili at nabunutan ako ng tinik nang umalis na siya.
"Ano’ng ginagawa mo diyan, anak?"
Bigla akong umayos ng tayo at kabadong tiningnan si Nanay. "H-ha? Uhm... inamoy ko lang po ang kurtina kung mabaho para po malabhan ko."
"Ha?" Takang tanong ni Nanay. "Hindi ba kapapalit mo lang ng mga 'yan nitong linggo?"
Napakagat labi ako. "Ay, oo nga po pala! Nakalimutan ko. Sige po Nanay, pasok muna ako ng kwarto para magbihis."
Hindi ko na hinintay pa ang tugon ni Nanay. Agad ako kumaripas papuntang kwarto at napasandal sa likod ng pinto habang sapo ko ang dibdib. Paano ko nagawang magsinungaling kay Nanay? Paniguradong nagtataka iyon dahil sa mga inakto ko.
Simpleng shorts at lumang t-shirt ang suot ko nang makalabas na ng kwarto. Nasa hapag-kainan na sila Nanay, ako nalang talaga ang kulang. Nakayuko akong lumapit sa kanila at nagmano bago tahimik na umupo.
"May pa-trabaho ang mga Buenaconsejo sa plantasyon nila..." Napaangat ako ng tingin dahil sa sinabi ni Tatay. "At sa enterprise nila sa Fortalezao."
Bigla akong kinabahan nang tumingin si Tatay sa akin. "Baka gusto mo, anak? Pwede kitang ipasok."
"H-ha? Po?"
"Baka gusto mo kakong magtrabaho sa mga Buenaconsejo, pwede kitang ipasok."
Nangatal ang labi ko pero agad akong umiling para mawala. "May work immersion pa po ako... Tatay."
"Ah, gano'n ba?"
Marahan akong tumango. Nakakuyom ang kamay ko sa ilalim ng mesa. May iba kasi akong gagawin at matagal ko na iyong napagdesisyunan. Natapos ang hapunan namin na Buenaconsejo ang pinag-uusapan. Si Hector kuno ang mamamahala ng plantasyon at enterprise. Kaliwang kamay niya si Paris.
Interesado naman ako dahil sa halaga ng sahod pero hindi ko kayang isugal ang pag-aaral ko. Pwede narin naman sana kung malapit lang pero sa Fortalezao pa iyon.
Matagal ang naging pagtitig ko sa berdeng papel na nasa ibabaw ng notebook ko. Hawak ko narin ang cellphone at ang pagtipa nalang ang kulang. Nasa kwarto na ako at tanging ang ilaw ko nalang dito sa kwarto ang bukas. Napapikit ako at kumawala ng malalim na hininga. Inangat ko ang cellphone. Nang magmulat ay itinipa ko ang numero at pinindot ang call button. Kagat-kagat ko ang labi ko habang naririnig ang pagring niyon.
"Hello?"
Umawang ang labi ko at napakurap-kurap habang nakatingin sa screen ng cellphone. Ang ganda at sobrang lambing ng boses niya!
Baka nagkamali lang ako sa pagtipa? Pabalik balik ang tingin ko sa papel at sa cellphone ko, tama naman ang numero.
"Hello? Sino po 'to?" Ulit niya.
"Uhm, ikaw po ba si Ate Reive?" Nahihiya kong tanong. "Ako po 'to si Slaine, 'yong mag-aapply po sana ng part-time sa convenience store."
"Ah, ikaw pala." Marahan siyang natawa sa kabilang linya. "Matagal ko nang hinihintay ang pagtawag mo, hindi kasi nakuha ni Luigi ang numero mo."
"Pasensya na po at ngayon lang ako nakatawag, katatapos lang kasi ng final exams namin."
"Understandable naman iyan. Hindi kasi kita nakita sa campus dahil nasa departmento ko lang din naman ako palagi."
"Ako nga po sana ang maghahanap sa inyo, Ate Reive." Nagtaka ako kung bakit natahimik ang linya ng ilang segundo.
"Uhm, bukas mo ba kukunin ang application form sa akin?"
"Kung pwede po sana?"
"Pwede naman. Sige dadalhin ko bukas ang form. Ano’ng oras ba ang break mo para maihatid ko ito sa'yo?"
"Ha? Nako, hindi na po. Ako nalang po ang pupunta sa college, Ate. Nakakahiya naman po kung ikaw pa ang maghahatid."
"Okay lang naman sa akin pero sige, hindi kita pipilitin. Magtext ka nalang bukas kung nasa harap ka na ng department namin, ako na magbibigay."
"Sige, maraming salamat po Ate Reive."
"Don't mention it. Excited narin naman ako na magkaroon ng kasama sa shift ko." I heard her giggled a bit and I just found myself smiling the whole time while talking to Ate Reive. Nakakagaan siya ng loob.
I told her to end the call but we spent another minute of convincing who's gonna drop it. In the end, it was Ate Reive at napipilitan pa siyang ibaba.
Kinabukasan ay pumunta ako sa College of Engineering and Architecture pagkabreak ko. Hindi ko na isinama sina Crezst at Helen baka matagalan kami sa kung ano’ng magagawa nilang dalawa dito sa college kapag nagkataon. Nagtext ako kay Ate Reive na nasa harapan na ako at agaran naman siyang nagreply.
Ate Reive:
Okay lang ba kung maghintay ka muna ng limang minuto, Slaine? Pasensiya ka na talaga ha? Hindi pa kasi tapos ang klase ko.
Ako:
Okay lang po Ate, naiintindihan ko po.
Naghintay ako ng limang minuto sa baba. Umupo ako sa upuang semento na konektado sa haligi ng corridor. Napapansin ko ang mga tingin ng college students sa akin. Siguro ay nagtataka kung bakit ako nandito gayong ang uniporme ko ay pang-senior high.
"Pasenya ka na talaga, Slaine. Pinaghintay pa kita," malumay na sabi ni Ate Reive nang makalapit siya sa akin. Tinanggap ko ang inilahad niyang form. Mukhang hinahabol niya pa ang hininga niya. Siguro ay tumakbo siya para lang mabilis na makarating dito sa baba?
"Hindi naman ako naghintay ng gano'n ka tagal kaya okay lang po, Ate!"
Ngumiti siya at napatingin sa kaniyang pambisig na relo. "Ano’ng oras na oh, baka mahuli ka sa sunod mong klase?"
Napasilip ako sa cellphone ko. Tama nga si Ate, limang minuto nalang at magsisimula na ang klase ko. "S–sige po. Mauuna na ako kung gano'n. Maraming salamat po dito, Ate!"
"Walang anuman. Ipasa mo nalang kung kailan mo gusto pero huwag lang sanang lalagpas ngayong buwan. Okay lang ba iyon?"
"Sige po," ngumiti ako.
I waved my hand as a sign of good bye to her. I walk a bit faster so that I could reach our building and not being late for my next class. Nakasagupa ko pa si Jishu pero dahil sa nagmamadali ako ay nilagpasan ko lamang siya.
Nang makarating ako sa SH building ay binagalan ko ng kaunti ang paglalakad ko at binasa ang laman ng form.
"A–aray..." Napasapo ako sa ulo ko at marahan iyong minasahe. Nalukot ang form na hawak ako.
"I-i'm sorry."
Biglang namilog ang mata ko dahil sa pamilyar na boses. Napaangat ako ng tingin at gano'n nalang kabilis gumapang ang ngiti sa labi ko. "Baby..." malambing kong sambit.
Seryoso lang siyang nakatingin sa akin pero pakiramdam ko ay matutunaw ako tulad ng yelong pinaarawan. "Uhm, sorry baby liban muna ang panlalandi ko sa'yo. Kailangan ko nang pumasok sa next subject ko para sa future natin."
Nilagpasan ko siya ngunit bago pa ako makapagpatuloy sa paglalakad, nahawakan na niya ako sa braso. "Baby, ano ba? Alam mo namang marupok ako pagdating sa'yo—"
He squatted. I was dumbfounded by his stunt, my mouth left open and my eyes can be compared to the owl's.
"Sige, magpakasal na tayo baby. Pumapayag na ako sa proposal mo." My cheeks heated as I heard him chuckled lowly. My lips quivered when he stood up then his soft hand touched my palm. It feels like I was being electrocuted by a thousand volts.
"You dropped your earring." He uttered then left me gawking at him as he walked towards the opposite direction I’ll take.
I saw my cheap pearled earring. My forefinger and thumb immediately made its way to my ear to check. "Thank you baby..." I murmured while looking at the direction he just took.
I had no idea where the lock of this earrings gone but I’ll surely make way just to wear it everyday because he touched it.
Mabuti nalang at late ng pasok si Ma'am sa classroom, hindi ako napagalitan sa pagkahuli. Itinupi ko ang form bago ako pumasok. Hindi kasi alam nila Crezst ang desisyon kong 'to. Our teacher is busy discussing in front but I'm busy thinking about what happened earlier, how Rafus held my arm and how his hand touched my palm!
Damn, why am I being like this? I really look crazy!
I'm starring at my earring the whole time while smiling. I can still vividly hear Rafus' chuckles and I feel like something inside me awoken. I only came back from my sanity when the bell rang and the voice of our teacher echoed the whole classroom.
"That's all for today, class make sure to submit your assignment on the teacher's office tomorrow."
Nang umalis na ang teacher, ang classroom president naman ang pumunta sa gitna. "My dear classmates, I have an announcement to make and please listen attentively." Said by our President in an authoritative voice. "There will be two shifts in our work immersion. It has been discussed and agreed by the faculty. Ipo-post sa school bulletin kung saan kayo ia-assign sa unang isang buwan at kalahati sa immersion. Sa susunod na isang buwan at kalahati naman ay isa-shuffle pa ng teachers."
Tumayo narin ang treasurer namin at tumabi kay President. "Magsisimula narin ako sa pagtanggap ng bayad niyo para sa official t-shirts natin at kung maaari ay magbayad ng maaga para maaga rin nating makuha ang shirts."
"Oh, Treas sigurado ka ba na hindi mo kukurakutin iyan?" Kyo from the back joked that made us chuckled.
"Ano ba 'yan Treas? Hahayaan mo nalang si Kyo na pagdudahan ka?" Gatong ni Lowell.
Hindi nakisali si Dom. Nanatili lang siyang nanonood. Nakaupo siya sa tabi nila Jangkit at segu-segundong napapatingin sa kaniyang cellphone.
"I don't care of what you all think of me, it's up to you if you'll trust me or not with the money you're paying for the expenses. I'm just doing my responsibility as a treasurer." Pagkatapos niyang sabihin iyon ay buong tapang siyang naglakad pabalik sa upuan niya.
Natahimik si Kyo pero naglalaro parin ang nakakalokong ngisi sa labi niya. Ang mayayaman naming kaklase ay nagsipag-unahan sa pagpunta sa treasurer para magbayad. Naging tuwid na linya ang labi ko habang nanonood sa kanila. Kailangan ko pang kuwentahin ang natitira kong pera kung kakasya ba iyong ipambayad sa t-shirt.
Nang mag-uwian ay hindi ko nakita si Paris na naghihintay sa labas ng campus. I'm not demanding that he should be here because in the first place, I don't have the right. Honestly speaking, I felt relieved. I don't know... Maybe I'm just uncomfortable being with him after what happened years ago. It's not his fault... but I don't like the idea hanging out with him as if nothing happened.
I mean... there's nothing wrong having chitchats but at least he should know where he stand in my life know. We're not that old Slaine and Paris anymore. Everything changes, we matured and learned how to be casual with limits.
I regain my consciousness when a strong arm wrapped around my waist and pulled me against his body. "You're too preoccupied to watch where you're heading."
"H-huh?" I took a glance from the side. My mouth left opened. If he didn't pulled me against him, I already might have stepped on the drainage ditch.
I distance myself a bit because I feel like melting if our skin touches longer. My face heated and I can't suppress myself from smiling. His hand was still on my waist. I felt the warmth in it and feels like it's perfectly made for him to rest his hand in there.
"I'm sorry, I'm just thinking too much of our future together as a husband and wife."
He stared at me intently. Smile never left on my face until he withdraw his hand. "Next time, watch where you're going..."
Nauna siyang naglakad. Nanatili parin akong nakatingin sa kaniya. I saw him shook his head before he sexily entered the driver seat of his car. I bit my lips and unconsciously placed my hand on my waist. Oh, that's how it feels like being held on the waist by Rafus Matthieu Cattaneo.
Mula sa pagsakay sa tricycle hanggang sa makarating ako ng bahay ay hindi maalis ang ngiti ko. Maging sa pagfill up ng application form ay nakangiti parin ako at paminsan-minsang napapahagigik. Ramdam na ramdam ko parin ang paghawak ni Rafus sa baywang ko.
Sa sumunod na araw ay ibinigay ko kay Ate Reive ang application form ko. Ako mismo ang pumunta sa department niya kasi nakakahiya naman kung siya pa ang pumunta sa gayong ako naman ang may kailangan sa kaniya.
Nakasalubong ko pa si Jishu noong pabalik ako ng high school. May kasama siyang education student, maganda siya at mukhang may lahi atang dayuhan. Hindi niya ako napansin, marahil ay abala siya sa pakikipag-usap at nakangiti pa ito habang ang atensyon ay nasa babae.
Friday came. Kakukuha ko lang rin ng bayad mula sa ibenenta kong anim na tupperware ng graham balls sa mga teachers. May tatlong daan pa naman ako sa wallet. Tamang tama dahil may ipambayad na ako sa t-shirt at may sobra pa akong isang daan.
Nang makarating ako sa classroom ay agad akong nagtungo sa classroom treasurer namin para magbayad.
"Huh? Magbabayad ka?" Takang nitong tanong at napasuri uli sa listahan. "Bayad ka na Slaine, ah!"
"Ha? Paanong bayad? Ngayon pa nga lang ako magbabayad sa'yo. Check mo nga ulit Treas baka nagkamali ka lang ng pag-paid."
Napakamot siya sa batok niya at nakangusong tumingin sa akin. "Kache-check ko lang kasama ang auditor natin at tama ang pagkabilang ng pera, Slaine."
"P-paanong nangyari 'yon?"
"Siguro may nagbayad na. Hindi ko kasi natandaan kung sinong nag-abot kasi sa oras na 'yon ang dami ring nagbabayad sa akin."
"S-sige, Treas."
Tulala ako at naguguluhan habang naglalakad papunta sa upuan ko. Hindi ko maintindihan. Ngayon pa nga lang ako magbabayad tapos malalaman ko nalang na bayad na pala?
Sino namang gagawa no'n? Matagal akong napatingin kay Crezst bago tapunan ng tingin si Helen. Hindi kaya isa sa kanila ang nagbayad? Pasalit-salit rin ang tingin ko kila Dani, Jangkit, Lowell at Dom. They don't look suspicious also. Sino kaya sa kanilang anim?
Nahihiya naman akong magtanong sa kanila kung sino ang nagbayad... wala akong lakas ng loob pero gustong gusto ko sanang malaman kung sino. I just want to repay him or her.
"C-crezst..." Nahihiya kong tawag sa kaniya at mahinang sinundot ang balikat niya. "Hmmm?" Aniya habang ang kamay ay abala sa katitipa sa kaniyang cellphone.
Nagdadalawang isip ako kung babanggitin ba o hindi. Natigil si Crezst at napabaling sa akin, marahil napansin ang pananahimik ko. Umiling ako at napangiti. "Wala. Nakalimutan ko na ang itatanong ko."
Napakunot noo siya pero kalaunan ay napatawa narin. "Sira ka talaga Slaine."
Hanggang mag-uwian hindi ko magawang tanungin ang anim. Sabay kaming lumabas ng campus at hinintay muna naming dumating ang sundo nila Helen at Crezst.
"Aba't gago ka ah!" Naagaw ang aming atensiyon sa sumigaw. May dalawang lalaking na nagsusuntukan at may mga sumisigaw na babae.
"Dom, awatin niyo." Kinakabahan kong sabi. Nagkatinginan sila ni Lowell at tumango bago naglakad sa nagsusuntukan.
Mabibigat na suntok ang pinakawalan ng isa't isa at natatakot ako dahil dumudugo na ang sugat sa pisngi ng isa. Mahigpit ang pagkapit ko kay Jangkit. Inaawat narin sila nila Dom at maging ang grupo nila Hrist.
I saw Ate Reive comforting the girl who's crying and hugging her. Naawat ang dalawa at puno ng dugo ang mukha ng isa.
"Toben bakit mo ba ‘yon ginawa?" Umiiyak na sigaw ng babae.
Napatingin ako kay Jangkit nang hawakan niya ang siko ko. Makahulugan niya akong tiningnan at may nginuso siya sa likuran kaya napalingon ako.
I saw Paris standing behind. His eyes were darted at me. His hands were both on his pocket. He walk towards me, not breaking the gaze. "Uuwi ka na? Hatid na kita, Ris."
"Ah-eh?" Tumingin ako kay Jangkit para humingi ng tulong. Sinenyasan ako ni Jangkit na tila sinasabi niya na I got your back. "Sige, Paris ihatid mo na si ehem... Ris."
"Leche..." Bulong kong mura habang matalim na nakatingin kay Jangkit.
"Huh?"
"Wala wala, Paris. Sabi ni Slaine, hatid mo na siya kasi takot iyan sa mga bugbugan."
"Gano'n ba? Tara na Ris..." Hinawakan ni Paris ang braso ko.
"May premyo ka talaga sa akin bukas," bulong ko kay Jangkit saka mahinang kinurot sa tagiliran.
"Aww!"
"Ayos ka lang ba?"
"Oo, Paris. Ina-identify ko lang ang sounds ng hayop."
Tumango si Paris at inaya akong maglakad. Pinagbuksan niya ako ng pinto ng kaniyang kotse ngunit bago pa ako makapasok, nakita kong napatingin si Rafus na kalalabas palang ng campus sa amin.
Biglang umurong ang sikmura ko. Gusto ko sanang magback out at kumaripas ng takbo papunta sa kaniya para magpaliwanag pero umiwas na siya ng tingin at nagpatuloy sa paglalakad sa kalmadong paraan. Lihim akong napailing at bumuntong hininga. I really have a lot of things to clarify.
Napatingin ako kay Paris. Umikot siya para makapasok sa driver seat. Ngitian niya ako pero peke ang naging tugon ko.
I think the clarifications starts with... him.