Kabanata 9: Blanc Harold

“Hello?” mahinahong saad ko nang marinig ko na may sumagot na sa paulit-ulit na pagtawag ko.

“Yes, hello? Sino po sila?” sagot ng isang babae sa kabilang linya.

Hindi siya ‘to. Hindi ganito ang hinhin at ka-babae ang kanyang boses. Matigas siya kung magsalita. May diin sa bawat bigkas ng salita at hindi hello ang isinasagot niya sa akin sa tuwing tatawagan ko siya.

Isang malamig na, ‘oh bakit napatawag ka?’ ang lagi niyang sinasabi sa tuwing tatawag ako sa kanya.

Bakit nasa ibang tao ang telepono mo, Dow? May nangyari kayang masama sa kanya?

“Ah yes po. Can I speak to Dow? I’ve been calling her for countless of time pero walang sumasagot sa mga tawag ko sa kanya. So, can I?” diretsong saad ko.

Agad na tumahimik ang kabilang linya ng tawag. Tanging hininga ko na lang yata ang naririnig ko gayong hindi naman ibinababa ng kung sino man ang tawag ko. May mali ba sa sinabi ko? Dapat ba akong kabahan sa katahimikan na ito?

Ibababa ko na sana ang telepono dahil medyo kinakabahan na ako sa mga nangyayari ng marinig ko ang isang pamilyar na boses.

“Who are you? Bakit mo hinahanap si Dow?” saad ng isang lalaki na medyo pamilyar ang tunog sa akin.

Bakit naging lalaki na ngayon ang kausap ko? At sino nga ulit ito? Narinig ko na ang boses na ito one time na tinawagan ko si Dow. Ito ang lalaking kausap niya noon pero hindi ko na maalala ang pangalan niya o kung nabanggit nga ba siya ni Dow sa akin noon bago tuluyang hindi na nagparamdam pa sa akin.

“Again, who are you? How the hell did you know Dow? Bakit mo hinahanap si Dow? Kaano-ano niya niya?” malamig at seryosong sunod-sunod na tanong niya ulit sa akin.

Agad na nagtayuan ang mga balahibo ko. Ganito din siya kung magbanta sa akin. Ganito siya kapag naiinis o nagagalit na siya. Kung sino man ang taong ito, paniguradong kasamahan siya ni Dow pero mapagkakatiwalaan ko kaya ang isang ito? Gayong alam ko namang nagtatago sa panig nila ang totoong kalaban ni Dow?

Anong gagawin mo Blanc? Sa mga ganitong pagkakataon mo dapat ginagamit ang mga natututunan mo. Magdesisyon ka na Blanc. Anong gagawin mo?

"Ahh. Ka-kaibigan ako ni Dow. I've been calling her for I don't how long pero walang sumasagot until kayo ang sumagot. What happened to her? Can I speak to her now? I need to talk to her."

Tumahimik sandali ang kabilang linya ng tawag hanggang sa may narinig akong bumuntong hininga.

"You're her friend?" nakakalokong saad niya na sinundan pa ng mahinang tawa, "how can I be sure about that?" dagdag niya pa.

Napangisi ako at napailing at bahagya pang natawa. Okay, kakampi niya ang isang ito. Dow warned me something about her workplace. And she did told me things about certain people. She said that, I would know if the person I am talking to is a friend and not a foe. And now I understand what she meant by that.

Just like her, her allies are so suspicious and careful. She reflect her friends so much.

"I can't actually give you proof or evidence but I know the meaning of her piercings." taas noong sagot ko sa kanya.

Narinig ko pa siyang natawa at saka bumuntong hininga ulit.

"I can't really tell you anything about her or what happened to her but if you really need to talk to her and want to check on her, you could visit her home in Griddle. After visiting her, you would understand this whole situation." diretsong saad niya.

Naguguluhan man ako sa mga nangyayari, pero alam ko namang wala na akong magagawa kung hindi lisanin ang tahimik na lugar na 'to kung gusto ko siyang makausap.

Maganda ang pwesto ng bahay na ito. Halos iilang tao lang ang makikita mo sa paligid na talaga namang kailangan ko. Buti nga ay ipinahiram ni Dow ang bahay ng mga magulang niya sa akin habang hindi pa siya siugrado kung ligtas ba para sa akin ang lumantad na sa publiko.

Liblib ang lugar na ito. Napapalibutan ng mga naglalakihang puno at nagtatayugang mga bundok. Ilang lalawigan din ang layo nito sa Alire kung saan matatagpuan ang Griddle. Sabi nga niya, sakto ang lugar na ito sa katulad kong nagtatago, tapos ngayon ay kailangan kong lumuwas at magpunta pa mismo sa Alire.

Talaga nga naman. Kung kailan nakalayo na ako kay Chaos, ay siya naman akong inilalapit ng tadhana sa demonyong yon. Ano ba yan!

Ano pa nga bang magagawa ko, Dow?

"Ganon ba? Sige, pupuntahan ko na lang siguro siya sa Griddle. Salamat." ibababa ko na sana ang telepono pero pinigilan ako ng kausap ko.

"I just have to tell you one thing though." seryosong saad niya.

Kinakabahan man sa tono ng kanyang pananalita at tila nanunuyo ang lalamunan, ay pinilit kong ibuka ang aking bibig, "Yes?".

"Whatever you would find out when you go here, you have to remain normal and unbothered. Like you didn't see or hear anything. Just like that."

"Ano bang sinasabi mo?" naguguluhan na talagang sambit ko, "pinapupunta mo ako sa Griddle habang sinasabi sa akin na umaktong parang walang nakita o narinig? Pinaglalaruan mo ba ako?" medyo naiinis nang sabi ko.

Hindi ko rin kasi talaga maintindihan ang kung sino man 'to. Pinapupunta ka ng Griddle pero parang wala lang? Ano yon?

"Basta. Ang hirap kasing ipaliwanag. You'll understand me when you finally go here. Just don't react. Remain calm and composed. That's all." saad niya.

Napabuntong hininga na lang ako. May magagawa pa nga ba ako?

Napapailing na itinaas ko ang kaliwang kamay ko kahit na alam ko namang hindi niya nakikita bilang pagsuko, "okay. I will go there and I would remain calm and won't react to anything I would see. Is that all?" sagot ko sa kanya.

"Yeah. Thank you. But.. don't you think I need to know your name?" biglang saad niya na siyang nagpatahimik sa akin.

Oo nga no. Kanina ko pa kausap ang isang ito pero ni hindi ko man lang alam ang pangalan niya.

"Blanc. Blanc Harold." tipid na sagot ko.

"You know what, I think I've heard that name before.." saad niya na siyang nagpakaba sa akin.

Jusmiyo. Agad na nagtayuan ang balahibo ko sa sobrang kaba. Dalawa lang ang dahilan para malaman niya ang pangalan ko. It's either he's with Chaos or he's with Dow. Isang maling sagot ko lang, siguradong masisira ang lahat ng plano ni Dow at lahat ng paghihirap niya ay mapupunta lang sa wala.

"Parang I heard it from her before. Hindi ko lang maalala kung kailan at bakit niya nabanggit. Pero, your name rings a bell." biglang sambit niya na siyang nagpakalma sa nagwawala ko nang puso dahil sa kaba.

Napaisip ako. Kung kay Dow nanggaling ang pangalan ko, malamang ay kakampi niya ang isang ito.

Should I just take the risk?

I maybe intelligent at some sort of things since I was made and mold to become one but, I'm not that experience with weighing people that I encounter.

Hindi pa naman ganoon katagal simula nung mabuhay ako. Simula nung mabuhay akong mag-isa. So, how can I be so sure na tama nga ang iniisip ko?

"Si-sino ka ba? You didn't actually told me your name too." kinakabahang tanong ko sa kanya.

"Oh. I'm Sebastian. You can call me Tian."

Agad na nanlaki ang mga mata ko.

"Ti-Tian?"

"Yup. Tian. Sebastian."

Damn. I know that name. She used to tell me stories about her friends. Her partners. The agents that made her life even more 'meaningful'. The people that gave meaning to her life.

Malamig man ang tingin ng iba sa kanya dahil sa ugaling mayroon siya, kakaiba naman niya itrato ang mga taong nakilala niya sa Enigma. She treats them like a family. Yun ang palagi niyang sinasabi sa akin.

And because of that, I have always been dreaming to have one too. To experience the same kind of love she has. The same kind of affection that those people give her. Wala kasi ako non and I never really hope to have one.

Because I was built different. Not until she gave me hope.

Dow, should I just take this chance and be brave like you? Can I really do it?

Napalunok ako at naiyukom ang aking mga kamay. Agad na binasa ko pa ang natutuyo ko nang mga labi sa sobrang kaba at saka hinawakan ng mahigpit ang teleponong hawak ko.

"A-Agent Tian?" mahinang sambit ko.

Agad na nanginig ang buong katawan ko sa kabang naramdaman ko nang bitawan ko ang salitang iyon.

Una, hindi rin naman ako sigurado kung tamang tao ba itong nakakausap ko. Yes, I have a hunch na kakampi niya ang taong ito pero, am I right? Tama ba talaga ako?

Pangalawa, kung nasaan o anong nangyari kay Dow ay hindi ko rin naman alam. Magmula nang tumira ako dito two years ago ay wala na akong balita sa kanya, di na rin naman niya ako tinawagan ever since na binigay niya sa akin ang susi ng bahay.

Isa lang naman talaga ang dahilan ko sa pagtawag. Gusto ko lang malaman kung ano ang nangyari sa last mission niya. I know I'm not in the position to ask her pero, I saw it on the television not long ago.

Clones and deep fakes.

What happened to her mission two years ago? I just want to know.

Anong gagawin mo Blanc?