Chapter 11: Kabanata 10: Report (part 1)
"The late Jericho!” saad ko habang pumapalakpak pang sumasalubong kay Echo sa kanto ng Village namin.
“Sorry..” mahinang sagot niya sa akin habang kumakamot pa sa kanyang ulo.
Kita ang pagod sa mukha niya at ang pawis sa kanyang mga braso. Paniguradong tumakbo na naman ang isang ito kahit na sinabi kong dalhin na lang ang bisikleta niya. Medyo malapit lang din naman kasi ang bahay niya sa village namin, so naisip ko na paniguradong mas gugustuhin niyang maglakad o tumakbo papunta rito.
Ilang bloke lang din naman kasi ang layo ng bahay ni Echo sa akin. Pero, kung lalakarin ay medyo malayo ito at siguradong nakakapagod.
“I was standing here for almost one hour, Echo.” malamig na turan ko sa kanya. “I was standing here, under this burning sun,” saad ko sabay turo pa sa araw na para bang nananadyang sumikat sa ibabaw ko pa. “because I thought you would arrive at the exact time.” pagtutuloy ko sa sinasabi.
“Sorry na kasi. I thought, I should just walked and treat this as an exercise.” natatawang sagot niya sa akin. "May kalayuan parin pala."
Wala na akong nagawa kung hindi ang umiling at mauna nang maglakad. Jericho and his obsession with exercise.
Para siyang laging may pinaghahandaan sa sobrang adik niya sa exercise gayong eskwelahan lang naman ang inaatupag niya at basketball. Ewan ko ba.
“My parents are out but Blaze and Shine have no work today.” diretsong sambit ko habang nauunang maglakad sa kanya.
“What!?” medyo pasigaw na sagot niya
“Gulat na gulat?”
“No, really? Blaze and Shine?” parang tangang saad niya.
“Why? Do you have a problem with that? Do you have a problem with my siblings?” medyo nakakunot na saad ko habang diretsong nakatingin sa kanya.
“W-Wala na-naman.” sagot niya sabay paling ng ulo niya sa kanyang gilid.
Matagal ko nang napapansin ito kay Echo. Tuwing makikita niya sila Blaze and Shine, para siyang isang papel na biglang tumutupi. Parang bang isang bata siya na kailangang mag-ingat sa tuwing nandyan ang tatay na istrikto. Para bang bully ang mga kapatid ko eh ni hindi nga nila siya kinakausap.
Ano bang nangyayari dito?
Matalim na tinignan ko siya. Hindi ko iniaalis ang tingin sa kanyang mukha dahilan para ipaling niya ang tingin sa kanyang gilid at bahagyang mapaatras.
“Bakit ba? May nagawa ka ba kay Blaze at natatakot ka yatang makita siya?” seryosong tanong ko. “Ni hindi nga kayo madalas na nagkikita eh, pero tuwing napapasok siya sa usapan eh para kang tuod na biglang naninigas at hindi makapagsalita. May ginawa ka ba?”
“Wala ah! A-ano bang sina-nasabi mo diyan?” di makalingon na sagot niya sa akin habang ang mga kamay niya ay magkasaklob sa kanyang harapan.
“Eh bat nauutal ka?” medyo pasigaw na saad ko naman sa kanya.
“Sinisigawan mo kasi ako!” balik sigaw na sagot niya sa akin.
Hindi ko na lang siya pinansin at hinayaan na lang. Hindi rin naman niya sasabihin kung anong problema kahit pa pilitin ko siyang magsalita ay wala din namang mangyayari.
Pagdating namin sa bahay ay walang tao sa sala at kusina. Marahil ay nasa mga kwarto si Blaze at Shine.
Agad na iginiya ko na lang si Echo sa kwarto ko at saka nagsimula na kaming mag-research para sa report namin.
“Don’t you think deep fakes and clones are quite similar in a way?” biglang saad ni Echo habang ang mga mata niya ay nakatutok sa computer. “somehow nahihirapan akong i-differentiate silang dalawa.”
Napabuntong hininga ako at saka naglakad papunta sa kanya. “No, Echo, they are quite easy to differentiate.” saad ko sabay upo sa kanyang tabi. “It's just that people are so prone and gullible to lies and such. Hindi na nila alam kung ano ang totoo sa hindi totoo.”
Agad siyang napalingon sa akin na nakakunot ang noo. “Okay… So how can you differentiate those two?” tanong niya sa akin.
“Ganito yan, deep fakes are leaning more to artificial intelligence,” paninimula ko at saka sumulyap sa kanya na medyo napaatras sa biglaang paglingon ko. “Oh bakit? Bilib ka no?”
“How..”
“Did my research last night.” tipid na sagot ko sabay paling ng tingin sa notebook na hawak ko kung saan nakalagay yung research ko.
“O-Okay. Co-Continue.”
Napailing na lang ang ulo ko at bahagyang napatawa sa inasal niya pero hinayaan ko na lang at ipinagpatuloy ang pagpapaliwanag.
“So, basically, deep fakes is a form of artificial intelligence that aims to make images or videos of fake events, people and such. Tipo bang yung mga nakikita mong viral videos and photos ng mga sikat na tao pero wala naman sila sa pinangyarihan.”
Lalo pang nangunot ang noo niya at saka tumayo. Inabot niya ang erasable marker sa study table ko at saka nagsulat sa aking white board.
“So what you’re saying is that, deep fakes are face swapping or photoshops?” tanong niya sa akin matapos magsulat sa board;
deep fakes = face swaps/photoshops
Agad akong tumango at saka umayos ng upo sa aking bangko.
“Yup. To put it simply, deep fakes are photoshopped photos or doctored videos. Naaalala mo yung sumikat na video ni Tom Cruise na nagma-magic?” tanong ko sa kanya.
Sumandal si Echo sa board at saka tumango sa akin.
“Hmm. Tumawa pa nga siya sa dulo ng video eh.”
“But don’t you know that, that video is an example of a deep fake. It was not Tom Cruise to begin with.” sagot ko sa kanya.
“What!?” sigaw ni Echo on top of his lungs habang ang bibig niya pa ay bahagyang nakabukas at medyo malaki ang matang nakatingin sa akin.
Natawa ako at agad din namang nakabawi. “Yup. It’s not him, it was someone else who put Tom Cruise’s face into his, do the magic and voila! Tom Cruise is doing magic on a video!”
“Damn! Didn’t know it was like that-”
“Shadow?” dinig kong tawag ni Blaze sa labas ng kwarto ko habang kumakatok sa aking pinto.
“Pasok! Bukas yan!” mahinahong sagot ko dito.
Nakangiting pumasok si Blaze sa kwarto ko na agad namang nawala nang lumapag ang mga mata niya ay kay Echo. Pero sandali lang yon. Agad na ibinalik ni Blaze ang ngiti sa mukha niya pero nakapako parin ang mata niya kay Echo na hindi na malaman ang gagawin.
Nakangiti man si Blaze ay alam kong may ibig sabihin ang tingin niyang yon at nabo-bother ako. Pareho sila ni Echo. There’s something unexplainable about their gazes, the tension between them and how they react whenever I would mention any of them. Para bang isang trigger nila ang isa’t-isa.
“Blaze…” mahinang tawag ko sa pangalan niya. “Bakit? May kailagan ka ba sakin?” tanong ko sa kanya.
Nakapagtataka naman kasing pinuntahan niya ako sa kwarto ko gayong hindi niya naman talaga ugali ito pwera na lang kung oras ng almusal.
Hindi si Blaze yung tipo ng kuya na nagche-check ng bunsong kapatid. He never done that before and it was honestly so much better like that. He doesn’t hover, he’s not that sweet and showy and that’s what I like about him.
“Just checking up on you. Baka kung ano nang ginagawa sayo nito eh.” makahulugang saad ni Blaze at saka bumaling ang tingin kay Echo na seryoso na rin palang nakatingin sa kanya.
“What the hell are you saying Blaze?” patayong turan ko habang nakakunot ang noo. “That’s kind of irritating, you know?”
Alam ko namang maganda ang intensyon ni Blaze sa sinabi niya. Hindi ko lang siguro nagustuhan kung ano ang pagkakaintindi ko sa mga salitang yon.
“Don’t you think if he ever done anything to me, di mo na siya aabutan pa dito mismo sa loob ng kwarto ko dahil ihahagis ko na agad siya sa labas ng bintana?” seryosong sabi ko kay Blaze. “At isa pa, I don’t like it when you treat me as a child Blaze. You’re not like that and I’m not that stupid and naive.”
Narinig ko pang nag-snort ng mahina si Blaze. Para bang nagpipigil ng kanyang tawa. Bwisit, gustong-gusto niyang lumalabas ang ganitong side ko. Ito lang daw kasi yung hindi nabago, yung natural na ugali ko.
Matalim na tinignan ko siya. “O-Okay, I’m sorry.” medyo natatawa pang saad niya habang inilalapag ang isang tray sa study table ko kung nasaan si Echo. “I didn’t mean it that way. I’m sure Jericho knew what I meant, right?” dagdag niya pa sabay tingin at ngiti kay Echo.
“Y-Yeah.” tipid na sagot naman ni Echo at tango sa kanya at sa akin.
“By the way, what’s with this?” biglang saad ni Blaze sabay turo sa nakasulat sa board.
“That’s our report. Deepfakes and Clones.” sagot ko naman sa kanya.
Agad na nawala ang ngiti sa mukha ni Blaze at sumeryoso ito. Umupo sa kama at saka humarap sa akin.
“What’s with that?” seryosong tanong niya. “Why would you write about something like that?”
I was taken aback by his question. Hindi naman kasi mausisa at matanong na tao si Blaze. Ngayon ko lang siya nakitang interesado sa isang bagay, lalo na sa akin.
Nawi-wirduhan man ako sa mga ikinikilos niya, pinili ko paring sagutin ang tanong niya nang matapos na ang biglaang interrogation niya sa akin.
“Prof. Lopez instructed the block to differentiate those two; deep fakes and clones. It was… maybe for a study about a certain company… Wait, I forgot the name.” saad ko habang nakayuko at pilit na inaalala ang pangalan ng korporasyon na iyon.
“Myriad. Myriad Corporation.” biglang sambit naman ni Echo.
“Tama! That’s it! Myriad Corporation!”
Nagkatitigan si Blaze at Echo. Bakas sa mga mukha nila ang pagiging seryoso na hindi ko talaga malaman kung saan nagmumula. Ilang segundo pa silang nagsukatan at bigla na ngang tumayo si Blaze sa pagkakaupo niya.
“I forgot! I have a meeting with someone. I’ll leave you two here and eat the snacks I brought.” saad ni Blaze at pat sa ulo ko. “Call me if anything happens.”
Langyang ‘to, napapadalas ang hawak sa ulo ko ah.
“Yeah. Ingat ka.” tipid na sagot ko sa kanya.
Sumulyap pa muna si Blaze ulit ng seryoso kay Echo bago niya tuluyang nilisan ang silid, hindi ko na rin naman isinarado ang pinto at baka mamaya niyan si Shine naman ang may isipin.
“What’s with Blaze nowadays?” bulong ko habang umaayos ng upo.
“He’s just protecting you.” bulong din ni Echo pero malas niya at narinig ko.
“From what? Protect me from what?”
“Sa mga bagay na wala kang alam. Sa mga bagay na hindi mo pa nalalaman.”
“Ano? What the hell are you saying?”
“Wala. Continue na, baka hindi pa natin to matapos.” sagot ni Echo sa akin at saka bumalik sa harap ng computer at wala na siyang sinabi.
Blaze is protecting me? From what? Bakit ba ang wi-weird talaga ng tao sa paligid ko? Parang lahat ata may sumpong at hindi ko sila maintindihan.
For sure, something is going on between these two. Between them. Ayoko mang aminin pero may kakaiba sa lahat ng taong nakapaligid sa akin at hindi ko nagugustuhan ang nararamdaman ko.