Chapter 7
TINA
MALAKAS pa rin ang tibok ng aking puso habang sakay sakay na ako sa kabayo ni Fenris habang nasa likod ko naman ito na siyang nagpapatakbo sa kabayo. Hila hila niya ang tali ng kabayo para makasabay ito sa amin. Malakas ang tibok ng aking puso hindi dahil sa nangyaring ambush sa akin kanina. Kun’di dahil sa lalaking nasa aking likuran. Damn it, bakit ko ba siya hinalikan? Ano bang nangyayari sayo, Tina? Napahilamos nalang ako sa aking mukha at mahinang napamura na siyang narinig pa rin ni Fenris.
“Ayos ka lang ba talaga?” pang ilang ulit na tanong na nito sa akin. Kanina pa kasi ako hindi mapakali dito sa harapan niya dahil sa ginawa kong katangahan kanina.
Bahagya ko siya nilingon at nginitian. “Ayos lang talaga ako. Siguro’y bahagya lang akong kinabahan sa nangyari kanina,” tugon ko rito. Alin sa nangyari kanina ba ang tinutukoy ko? Jusko naman, baka iniisip din nito na iyon paghalik ko sa kaniya ang ibig kong sabihin.
“Hayaan mo, aking mahal, hindi na ako ulit makakapayag na mangyari sa iyo ang pagtangka kanina. Asahan mo ‘yan,” sambit naman nito. Napahinga naman ako ng maluwag sa sinabi nito. Ngunit hindi pa nga rin magbabago ang kaisipang may nagtatangka na mapatay ako. Bakit? Dahil ba isa akong maharlika? Isang mortal? Sinasabi ko na nga ba’t may hindi sasang-ayon sa pagdating ko rito sa mundo. Paiimbestigahan naman daw ni Fenris ‘yong nagtangka sa akin na siyang nalupig niya. Papupuntahan iyon ng ilang hukbo ng kaharian naman upang dalhin ang katawan nun.
Naging tahimik nalang kami hanggang sa nasa harapan na kami ng tarangkahan papasok sa bayan na nasasakupan ng aming kaharian. Agad binuksan ng dalawang bantay sa malaking gate pagkakita sa amin. Pagpasok naman ay madadaanan namin ang kabahayan ng mga mamamayan ng aming kaharian. Kapag nakikita kami ng mga ito ay yumuyuko ito ito sa aming dalawa ni Fenris. Tinatanguan ko naman ang mga ito sabay ngiti, ewan ko lang kay Fenris. Hanggang sa nadaanan namin ang trade centre ng aming kaharian kung saan andoon ang pamilihan, kalakalan at iba’t ibang negosyong produkto na mula sa amin at sa iba’t ibang bahagi ng mundo. At ilang sandali lang ay malapit na kami sa tarangkahan papasok sa aming kastilyo. Bago kami makaabot ‘don ay madadaanan din naman ang kagubatan sa bawat gilid ng daan.
Agad kaming pinagbuksan ng gate ng dalawang bantay pagkakita sa amin. Pagpasok namin ay may nakita si Fenris na dalawang bantay malapit sa amin nagpapatrol, tinawag niya ang isa sa mga ito. Agad naman itong lumapit at yumukod.
“Maaari nang tumaas. Magtawag ka ng lima sa hukbo ng ating patrolya, hintayin niyo ako dito sa harap ng tarangkahan. May iimbestigahan tayo,” sambit niya dito. “Masusunod, mahal na Prinsipe,” tugon naman nito pagkatapos magbigay galang.
Muli na namang pinatakbo ni Fenris ang kabayo, habang ang kabayo na ginamit ko ay pinakuha ni Fenris sa kasama ‘nong isang bantay. Hanggang sa nasa harapan na kami ng aming kastilyo, mag gagabi na kaya naman kita ko na si ama na kakalabas lang ng malaking pintuan habang bakas ang pag-aalala sa mukha. Nang makita kami nito ay agad bumakas ang kaginhawaan sa mukha nito.
“Saan ba kayo nanggaling, Prinsipe Fenris? Sa aking pagkakaalam ay umuwi ka sa inyong kaharian. Kaya bakit kasa-kasama mo ang aking anak?” tanong kaagad ng aking ama pagkatapos akong tinulungan ni Fenris sa pagbaba sa kabayo.
“May dapat tayong pag-usapan, mahal na Prinsipe,” magalang na sambit ni Fenris sa aking ama habang nakayuko. “Maaari nang tumaas. Ano ang dapat nating pag-usapan?” tanong kaagad ng aking ama na batid ang seryosong boses ni Fenris.
Tiningnan ako ni Fenris bago magsalita. “Magpahinga ka muna, mahal na Prinsesa,” sambit nito sa akin. Agad kong sinunod ang sinabi nito dahil nababasa ko sa mga nito na seryosong bagay ang pag-uusapan nila ng aking ama. Bago ako pumasok ay yumakap muna ako sa aking ama.
Pagkapasok ko’y agad kong tinungo ang kwarto ko para makapagbihis. Hindi ko alam kung nasaan si Divina, paniguradong nag-aalala din sa akin iyon. Bigla bigla nalang kasi akong pumupuslit sa kaniya para makapamasyal sa gubat. Pagkatapos kong makapagbihis ay napagpasyahan kong pumunta sa garden namin para magpahangin. Nadaanan ko ang silid ng pinsan kong si Haramara, padaan na ako ng marinig ko ang pangalan ko mula sa loob kaya napahinto ako sa gilid ng door frame.
“Siguraduhin mong sa kaniya mapupunta ang ang gamot panghalina na iyan, kung ayaw mong malintikan sa akin,” boses iyon ni Haramara. Sumilip ako ng kaonti at nakita kong may ibinigay na maliit na sachet si Haramara sa bantay nito.
“Masusunod, mahal na Prinsesa. Hinding hindi ko po kayo bibiguin,” tugon ng bantay nito habang nakayuko pagkatapos abutin ang maliit na sachet na may lamang kung ano, na sa pandinig ko’y gamot panhalina. Anong gamit iyon? Agad na akong bumaba ng hagdan pagkatapos kong marinig iyon.
Nakasalubong ko si Divina nang palabas na ako sa likod ng kastilyo kung saan andoon ang garden. Malapit lang dito ang kusina kung saan galing si Divina.
“Mahal na Prinsesa!” gulat at kaginhawaan ang nakita kong reaksiyon sa mukha nito pagkakita sa akin. “Kanina pa kita hinahanap, saan ka ba nagsusuot? Nabalitaan ko pang napagtangkaan daw ang iyong buhay. Mabuti nalang at nasundan ka ni Prinsipe Fenris,” mahabang ani nito. Nasabi na pala ni Fenris ang nangyari…
“Huwag na kayong mag-alala, Divina. Andito naman ako ‘di ba? Ayos naman ang lagay ko,” nakangiting sambit ko naman dito. Napabuntong hininga ito, pinapahinahon ang sarili.
“Saan naman ang punta mo ngayon? Magpapakain ang ‘yong ama para sa ginawang pagligtas ni Prinsipe Fenris sayo. Kaunting salo salo lamang sa labas kasama ang ilang hukbo ng sandatahan na sumama sa pag-imbestiga,” sambit nito. Nagpatangay na lamang ako dito nang nauna na itong maglakad pinapasunod ako.
Pinagbuksan kami ng pinto ng bantay at nakalabas na kami ng kastilyo. Paglabas ay may nakalagay ng mga mesa sa gilid kung saan doon din naganap ang malaking salo salo noong nakaraaan. Wala pa sila ama doon, ilang taga sunod na naglalagay ng mga pagkain sa mesa. May isang mesa na nakaharap sa lahat, mag-isa sa linya. Doon ata kami uupo kasama ang amang hari at reyna. Hindi kami masyadong nag-uusap kasi palagi itong nasa silid aklatan o laburaturyo nito. Iyon kasi ang abilidad ng amang Hari, ang makalikha ng iba’t ibang gamot na hindi magagawa ng kahit sino.
Lumapit kami sa mesa at sinubukan kong tumulong sa pag-ayos ng mga pagkain pero sinaway ako ni Divina at sinabihang hayaan na ang mga utosan dito. Kaya naman naupo na lamang ako habang nakatayo pa rin sa Divina sa aking likuran. Nang maalala ko ang narinig ko kanina sa kwarto ni Haramara.
“Dvina, para saan ba ang gamot panghalina?” tanong ko dito habang nakatingin sa kaniya. Kita ko naman ang gulat sa mukha nito at akmang sasagot na nang marinig namin ang tawanan nila Ama.
Papunta na sila dito sa direksiyon namin at agad napunta ang paningin ko sa engkantadong nakatingin na rin sa akin. Kumikislap ang mga mata nito at may nakaguhit na ngiti sa labi habang nakatitig sa akin. And that’s enough to take my breath away, if its from him. Only from him. My majesty, my Prince Fenris.