Chapter 5

TINA

PAPUNTA ako ngayon sa isang field kung saan ako sasanayin sa archery. Isa ito sa mga duty ko bilang isang Prinsesa, ang matutong protektahan ang sarili. Sa susunod na linggo pa sana ako magsisimula, eh wala naman akong magawa sa kastilyo. Andoon ang ingrata kong pinsan na mukhang head over heels doon kay Prinsipe Fenris.

Napabuntong hininga ako at napasapo sa aking noo ng maalala ang ginawa kong pagsabat kanina sa hapag. Sarap kasing inisin ng pinsan kong iyon, kitang kitang may gusto ito sa Prinsipe. Well malas siya akin na si Prinsipe Fenris. Napahinto ako ng mapagtanto ang naiisip ko, damn anong akin? Pinag—

“Prinsesa Tina,” nagulat ako ng may bigla nalang magsalita sa gilid ko. “Ay akin ka!” Napatakip ako sa aking bibig sa naisambulat ko at sa harap pa mismo ng lalaking iniisip ko.

Kita ko ang pagsibol ng ngiti sa labi nito bago bumaba sa kaniyang kabayo. “Kanina’y sumang-ayon kana sa pag-iisang dibdib natin at ngayo’y inaangkin mo na ako. Mahal kong Prinsesa, ‘di yata’y hindi mo na ako maalis sa iyong isipan?” Panunudyo nito sa akin habang may ngiti sa mga labi. Inismiran ko naman ito at hinarap si Divina na nasa aking tabi, ang aking tapat taga sunod.

“Tara na, Divina. Tiyak na nag-aantay na si Prinsipe Elydyr doon sa aking pag-eensayohan,” sambit ko dito. Yumuko lang ito sa akin at nagsimula na akong maglakad habang ito’y nasa likuran ko. Ngunit sumusunod pa rin sa amin ang Prinsipe na ngayo’y hila hila na lamang ang kaniyang kabayo. Malapit lang naman talaga ang pupuntahan namin, sa gilid lamang ng kastilyo.

“Bakit ka ba sumusunod, Prinsipe Fenris?” kompronta ko dito pagkatapos hinarap. Naroon pa rin ang ngiti sa labi nito na siyang ikinakunot ng aking noo. “At tsaka, ano ba ang ikinangiti mo diyan?” Sa pandinig ng iba’y paniguradong pinag-uusapan na ako sa way ng pagkakausap ko sa prinsipeng ito. Pero kami lang naman, kaya bahala siya diyan.

“Sumusunod ako dahil ako ang tutulong sayo sa pag-eensayo dahil hindi pwede si Prinsipe Elydyr. At paano ko mapipigilang hindi ngumiti kung ang aking mahal na Prinsesa ay inaangkin na ako sa harap pa ng ibang tao. At ang makita ka ay sapat na sa akin upang ako’y ngumiti, mahal na Prinsesa,” nakangiting ani nito. Letse talaga ang lalaking ‘to! Nararamdaman ko na naman ang panginginit ng magkabilang pisngi ko. Inirapan ko ito para maitago ang pamumula ko.

“Tara na, Divina!” sambit ko at naunang maglakad. Bahala na siya diyang sumunod, basta huwag lang siyang masyadong magngingiti sa akin ng ganyan. Damn Tina, ano bang nangyayari sayo? You’re easily swept by his words. Damn, I can feel my heart beating so fast.

Hanggang sa makarating na kami sa maliit na patag na kalapit lang na stable kung saan andoon ang mga kabayo. Nakatusok ang isang kahoy na may circular archery target sa itaas. Napatingin ako kay Fenris ng dumiretso ito sa stable at inilagay muna doon ang kaniyang kabayo tsaka ito pumunta sa gilid ng stable kung saan may maliit na garahe. Paglabas niya’y may dala dala na itong isang bow na gawa sa kahoy at isang quiver na may lamang mga arrows.

Hinarap ko si Divina na nasa aking tabi lang. Sa lahat ng pupuntahan ko ay dapat kasa-kasama ko siya, pwera nalang sa personal kung mga gawain. “Divina, marunong ka ba nitong pamamana?” tanong ko dito. “Marunong po, mahal na Prinsesa. Ngunit hindi ako kasing husay ni Prinsipe Fenris, minsan ko nang nakita ang galing ng Prinsipe sa pag gamit ng palaso,” tugon naman nito sa akin. I just pouted dahil mukhang wala na akong takas sa prinsipeng ito. Ofcourse, he’s a royal, kaya naman expected ng magaling ito dito.

Nakalapit na ito sa akin at naroon na naman ang ngiti nito, ngunit tumaas ang aking kilay ng bigla itong sumeryoso. “Magsimula na tayo, Prinsesa Tina,” seryoso nitong sambit. Aba mukhang seryoso ito sa pag-eensayo. Imwinestra niya sa akin kung paano ang tamang paghawak sa bow at paglagay ng arrow.

“Huwag mong higpitan ang pagkakahawak sa leeg ng pana dahil mapupunta ang lahat ng lakas mo sa isang kamay na pinanghawak mo doon at magreresulta sa masyadong pag galaw ng iyong kamay,” sambit nito. Hinawakan ng kaliwang kamay nito ang ang leeg ng bow . “Sunod ay palagi mong babantayan ang linya sa hanay ng iyong target.” Tiningnan ko naman ang archery target at ang distansya nito at magkalinya nga sila. “Sunod naman ay ang paghawak mo sa palaso. Hawakan mo ng sabay ang pisi nitong pana at ang palaso gamit ang ‘yong kanang kamay.” Pinakita naman nito sa akin ang tamang paghawak. His left hand is moved forward holding the nook of the bow. “Pansinin mo ang aking tindig, Prinsesa Tina.” He’s standing upright, placing his feet shoulder-width apart. While keeping his back erect, and when he pulled the string, his arms and shoulders form a T-shape. That’s what I observed. He released the strings, making the arrow moved forward. At napanganga na lamang ako ng makita kung saan lumanding ang arrow.

“A perfect 10…” bulalas ko. “Ngayon, ikaw naman ang sumubok,” sambit nito kaya naman napatingin ako sa kaniya. Wala man lang nitong kahirap-hirap na na-hit ang bulls-eye. Ibinigay nito sa akin ang bow at binigyan ako nito ng isang arrow. Tsaka nito pinuntahan ang archery target at kinuha ang arrow na itinira niya.

Bumalik ito sa tabi ko at tiningnan ako kaya napaiwas ako ng tingin dito at itinuon ang tingin sa bow na hawak ko. Damn, Tina, focus. Itinaas ko ang bow at ipinosisyon ang arrow sa gitna ng bow, napahigpit ang hawak ko sa leeg ng bow dahil ramdam na ramdam ko ang titig ni Fenris sa akin. Ramdam ko ang pag galaw ng kamay ko. At napasinghap nalang ako ng maramdaman ko si Fenris sa aking likuran. Hinawakan nito ang aking kamay na nakahawak sa bow.

“Alalahanin mo ang aking sinabi, mahal na Prinsesa. Huwag mong higpitan ang pagkakahawak sa leeg ng pana, tingnan mo’t masyadong magalaw ang iyong kamay.” Pinabitaw nito ang kaliwang kamay ko sa bow at tsaka nito muling ibinalik doon, tamang tama lang ang higpit. Habang ang kanang kamay ko naman, ipinosisyon din nito. Sa totoo lang ay wala nang ibang tumatakbo sa isipan ko, kun’di ang engkantadong nasa likuran ko na halos yumakap na sa akin. Ang lalim ng kaniyang boses na kung magsalita ay parang nanunuot sa aking laman.

“Bitaw,” sambit nito malapit sa aking tenga. Nabitawan ko nga ang hawak sa string hindi dahil sa sinabi nito kun’di sa boses nito. Damn it, Fenris. What are you doing to me? Wala na akong pakialam kung tumama o hindi ang arrow doon sa target. Because I’m busy calming myself down. Calming my self to prevent myself from falling too deep again… and ending up broken all alone again.