Chapter 15

TINA

A DAY earlier…

Nagising ako dahil sa dalawang boses na nagsusumbatan sa malapit sa akin. Sinubukan kong igalaw ang aking katawan ngunit para bang may pumipigil sa aking mga kamay at mga paa. Unti-unti kong idinilat ang aking mga mata, tanging ilaw nalang sa lampara ang nagbibigay ilaw sa paligid. Ngunit… nasaan ako? Hindi ito ang aking silid. At higit sa lahat… nakatali ang aking mga paa at kamay sa bawat bed post ng kama.

Bumalik sa aking isipan ang kakaibang nangyari sa akin kanina. Bigla na lamang umikot ang aking paningin, waring ako’y nahilo. Bakit? Biglang bumukas ang pinto ng silid na ito, agad bumaling ang aking paningin doon. At hindi na ako nagulat nang makita ko ang bruhang pinsan ko na si Haramara. Ngunit ang ikinataas ng aking kilay ay ang kasama nito… si Elydyr.

“Gising na pala ang ating nakakasukang mortal na Prinsesa,” siyang siyang sambit ni Haramara. Hindi ko na siya tatawaging Prinsesa, hindi bagay sa isang demonyitang kagaya niya.

“Ano na naman bang pakulo ito, Haramara?” walang interes kong sambit. I won’t let her stupid foolish act to affect me.

“At pati ang iyong pananalita ay nakakasuka, hindi ka talaga nababagay dito sa aming mundo, Prinsesa Tina. Wala kang puwang dito. Hindi ka nababagay kay Prinsipe Fenris, ang dapat sa kaniya ay isang puro na engkantada, isang purong maharlika. At ako ‘yon, ako ang nababagay sa kaniya. Ako lang at wala ng iba,” giit nito sabay lapit sa akin.

Nginisihan ko ito, “Naririnig mo ba ang iyong sarili, Haramara? O sadyang baliw ka nang talaga? Kahit ano pang sabihin mo diyan ay hindi mababago ang nararamdaman ni Fenris sa akin. Mas lalo ka pa niyang hindi magugustuhan kapag nalaman niya ang ginagawa mo sa akin ngayon,” sambit ko dito. Lumukot ang mukha nito at hinawakan nito ang panga ko ng napakahigpit.

“Manahimik ka! Hindi, ako ang nararapat sa kaniya! Ako lang at wala ng iba, kaya manahimik ka!” Binitawan nito ang aking panga at sinampal ako nito sa aking kaliwang pisngi. Kahit na nakaramdam ako ng sakit, hindi pa rin ako nagpaapekto. Ngunit ang sunod nitong sinabi ay siyang lubos na nagpahina sa akin.

“Paano kung… mamamatay ang nasa iyong sinapupunan kapag magtangka kang tumakas at magsumbong? Gugustuhin mo pa rin bang maikasal kay Prinsipe Fenris? Mamili ka, Prinsesa Tina. Isang engkantado o ang supling mo?” may kumpyansa nitong salita.

It was as if my whole world crumbled. I’m helpless at the moment… so how can I even save myself? Let alone two lives that I dear so much? But doing nothing won’t save anything. If you don’t play the games, you can’t win. Risk is always present, but there is only one big risk that a person should avoid, that is the risk of doing nothing.

“A-anong dapat kong g-gawin?” I said, melancholy can be heard on my voice. And that was when everything went blurred for me. Haramara stormed out of the room, leaving Elydyr with me.

Lumapit ito sa akin, wala akong magawa dahil nakatali ako. Tears was already pooling in my eyes, slowly running down my face. Napapikit ako, feeling so helpless. Hindi ko alam kung anong gagawin ni Elydyr sa akin. Silang dalawa lang ni Haramara ang nag-usap sa labas.

“Prinsesa Tina…” Elydyr called out, there was softness on his voice kaya napamulat ako’t napatingin sa kaniya. Naupo ito sa gilid ng kamang kinahihigaan ko. Kita ko ang pag-aalinlangan sa mukha nito.

“Anong inutos sayo ni Haramara?” buong tapang kong tanong dito. Yumuko ito at bumuntong hininga bago ako sinagot.

“Siguraduhin ko daw na hindi ka makatakas at… pagsamantalahan kita tsaka ipaalam sa lahat na may nangyari sa atin. Hindi ko siya magawang suwayin dahil may alam siyang sikreto ko na kailangan kong protektahan. Kayang kaya niya akong madispatya kung gugustuhin niya, kaya humihingi ako ng pasensya, Prinsesa Tina,” bakas ang kalitohan sa boses nito.

Iniling-iling ko ang ulo sa kaniya upang ipakita sa kaniya ang aking pagkadisgusto sa gustong mangyari ni Haramara. Hindi maaari… hindi ko gusto ngunit… makakaya ko bang mawala ang aking supling sa aking sinapupunan? Napaiyak na lamang ako dahil hanggang dito sa kabilang mundo ay mukhang hindi ko pa rin makakamit ang kasiyahang tinatamasa ng aking puso. Kailan? O hindi na nga…

May pinaamoy si Elydyr sa aking usok at kagaya ng nangyari sa akin kanina ay unti-unti na namang umikot ang aking paningin. Just after my conciousness ate me, I heard him said, “Ito lang ang maitutulong ko sayo.” And after that, everything went dark.

Present…

Iniling-iling ko ang aking ulo kay Fenris nang tumama ang mga mata nito sa akin matapos ipakita ni Haramara sa lahat ang isang marka na nasa ibabaw ng aking dibdib. Hindi ko magawang depensahan ang aking sarili dahil hindi ko naman na alam ang buong nangyari dahil nawalan na ako ng malay.

Nakaluhod akong lumapit sa kaniya at niyakap ang kaniyang binti. ““F-fenris… huwag kang maniwala sa k-kaniya…” nanghihina kong usal dito. Naramdaman ko ang pagbaba nito at pagyakap nito sa akin kaya mas lalo akong naiyak

“Prinsesa Tina, hindi—” naputol ang dapat sasabihin niya ng bigla na lamang may sumigaw.

“Magandang araw, Prinsesa Haramara.” Naitaas ko ang aking ulo at ang una kong nakita ay si Divina, ngunit ilang saglit lang ay may sumunod sa kaniya. Natatandaan ko siya… siya ang dating bantay ni Haramara na bigla na lamang nawala. May peklat ito sa kaniyang noo na dati ay wala.

“A-anong- paanong buhay ka pa?” natatarantang sumbat ni Haramara. Para itong nakakita ng multo habang nakatingin sa dati niyang bantay. Itinayo ako ni Fenris habang nakaalalay pa rin ito sa akin.

“Paanong buhay pa ako mula sa pagtatangka mong pagpatay sa akin?” Gulat ako sa aking narinig, wala talagang kasing sama ang engkantadang ito.

“H-huwag kang magbintang ng kung ano-anu, isa ka lang hamak na bantay! Wala kang karapatang pagsalitaan ako ng ganyan!” nanginginig ang boses nito. Para na siyang nababaliw.

Unti-unting lumapit iyong tagabantay niya sa direksiyon ni Haramara, “Itong peklat sa aking noo, si Prinsesa Haramara ang may gawa nito! Binalak niya akong patayin ng minsang muntik ng mabuking ang plano niyang lagyan ng gamot panghalina ang inumin ni Prinsesa Tina. Hindi ko kaya ang ginagawa niya kaya binalak ko siyang isumbong ngunit hindi ko na nagawa. Pinalo niya ng bato ang aking noo kaya ako’y naghingalo, iniwan niya ako sa hardin dito sa kastilyo at may inutusan siyang bantay patrol niya na idispatsa ang aking katawan. At iyon ang pagkakamaling ginawa niya, hinayaan niya akong mabuhay. Kaya ngayon, pagbabayaran mo ang mga ginawa mong kasalanan, Prinsesa Haramara.” Nagulantang ang lahat sa isiniwalat ng dating bantay utusan ni Haramara. At naaalala ko ang sinasabi nitong pagtangkang paglagay ni Haramara ng gamot sa aking inumin ngunit si Fenris ang nakainom nun.

“Prinsesa Haramara…isang malaking kasalanan ang iyong mga ginawa,” bakas ang lungkot na may halong galit ang boses ng Amang hari.

“Hindi iyan magagawa ng aking anak!” Biglang sabat ni Prinsesa Mara, pinagtatanggol ang kaniyang anak. Pinipigilan ito ng aking Ama na pumunta dito.

“Totoo ang kasamaan ni Prinsesa Haramara…” nakayukong sambit naman ni Prinsipe Elydyr na nakatayo habang ginagabayan ni Prinsipe Elder na Ama ni Haramara.

“Manahimik ka, Prinsipe Elydyr! Kung ako’y mapaparusahan dahil sa pagkasala, isisiwalat ko rin ang ‘yong sikreto! Iyang Prinsipe ng Valjyre ay karelasyon ang bantay kong iyan!” itinuro nito ang dati niyang bantay na hindi pa rin mawala ang kumpyansa sa sarili.

“Ano naman kung ganon? Hindi na ako mangingiming itago siya, Prinsesa Haramara. Isang kamalian ang aking ginawa, ngunit itinatama ko na iyan ngayon! At bilang paglilinaw sa lahat, walang nangyari sa amin ni Prinsesa Tina. Isang marka mula sa pluma lamang ang aking nilagay sa kaniyang balat,” sambit ni Prinsipe Elydyr.

Napatingin ako kay Fenris nang hinarap ako nito sa kaniya. Nagulat ako ng makita ang mga luhang dumadaloy sa kaniyang mga mata.

“Aking Prinsesa… ako’y humihingi ng paumanhin dahil hindi kita naprotektahan. Lubos ko itong inaako bilang kamalian at—” Iniligay ko ang aking daliri sa kaniyang daliri upang patahimikin siya.

“Walang mag-aako ng kamalian, mahal. Ang mahalaga’y tapos na ang kagulohan,” nag-umpisa na namang dumaloy ang mga luha mula sa aking mga mata. Wala na akong pakialam sa nangyayari sa paligid dahil nasa lalaking—engkantadong pinakamamahal ko ang aking atensiyon ngayon. Ito na nga ba ang kasiyahang tinatamo ng aking puso?

“Mahal na mahal kita aking Prinsesa, mahal na mahal.” And the answer to that is yes. This is the ecstasy of the heart that I’ve been waiting for… the ecstasy of my heart is the more following years that I’ll be spending with him and our baby. And finally, I can now say that my heart has found its ecstasy. Forever.