Chapter 7: Jealousy

PUMARADA ang Audi na minamaneho ni Stephan sa harapan ng isang sikat na 6-star Hotel. Kilalang-kilala siya ng mga tao hindi lang sa angking kagwapuhan nito kundi na rin sa pagiging mayaman at makapangyarihan sa lipunan. Isa siyang CEO ng Stephan Corporation at kilala rin siya sa pagiging sikat na modelo.

Pagkababa pa lang niya mula sa kotse ay napalingon na ang lahat sa kaniya. Napatili ang mga kababaihan nang makita siya ng mga ito. Dumiretso si Stephan sa loob ng hotel at naglakad papunta sa lobby.

Isang nakangiting receptionist ang bumungad sa kaniya. Masasabing maganda ito at mapang-akit sa suot nitong uniporme. “Ano pong maipaglilingkod ko sa iyo, Mr. Stephan?”

“Magpapa-book ako ng isang kwarto, miss ganda!” Kinindatan niya ang dalaga na siyang nagpapula ng pisngi nito.

“Oh! Walang problema!” Kinontrol ngayon ng receptionist ang kaniyang sarili na hindi mahimatay sa pagka-starstruck at pagpuri nito sa kaniya. “Kung gano’n ihahanda ng hotel ang pinakamaganda naming kwarto. Mukhang napaka-importante at espesyal siguro iyon, Mr. Stephan. Personal mo pang pinagbook.”

“Siya nga! Napaka-espesiyal. Sa darating na linggo, a?”

“Oo Naman po. Huwag kang mag-alala, Mr. Stephan. Walang gagamit ng kwartong ‘yon simula ngayon hanggang magtapos ang linggo!”

“Mabuti-mabuti! Aasahan ko ’yan!”

Tila natuod pa rin sa kinatatayuan ang babaeng receptionist habang mayroong ngiti sa labi nito. Hawak niya ang kaniyang cellphone at nakahawak ang isang kamay nito sa dibdib sa sobrang saya. Nakaalis na ang hinahangaang modelo mga sampong minuto na ang nakalipas ngunit siya pa rin ay hindi makapaniwala. Hindi lang niya nakausap ito kundi nakapagpapicture pa siya sa binata. Karangalan niyang maipaglilingkod ito.

Nakamasid si Demon sa likuran ng isang malaking puno. Tanaw niya ang paparating na si Stephan habang nakadikit ang cellphone nito sa kanang tainga habang nakangisi. Huminto ito sa tapat ng isang kotseng kulay itim.

Nanatiling nakatago si Demon sa kaniyang kinatatayuan. Nais na niyang sugurin ang lalaki nang malaman ang masamang binabalak nito sa kaniyang asawa. Namumula na ang kaniyang buong mukha sa galit. Pinapatay niya nang ilang ulit sa kaniyang isipan ang binata. Kung hindi lang nasa publiko ang karibal ay kanina pa itong pinaglalamayan.

Masayang pumasok sa loob ng kaniyang sasakyan si Stephan at nakangiting pinaandar ito. Hindi na siya makapaghintay pa sa darating na linggo. Dalawang araw na lang ay magiging kaniya na si Allyce.

•••

“Ikaw ha! Narinig ka namin kahapon! ” pangungulit ni Shena kay Janna na ngayo’y nag-re-retouch sa sarili.

“Huh? May sinabi ba ako kahapon? Mukhang wala naman, a?” papatay-malisyang wika niya. Alam naman ni Janna jung ano ang ibig sabihin nito subalit nanatili siyang walang alam. Kinakailangan niyang magpadakilang anghel sa puntong ito upang maprotektahan ang kaniyang reputasiyon.

“Hay naku! Ayaw mo talagang magsabi nang totoo kahit na alam na namin ni Christine.” Napailing si Shena sa pagkadismaya. “Right, Christine?”

“Huh?” wala sa sariling sagot ni Christine habang nasa loob ng isa sa cubicle ng restroom kung saan naroroon ang tatlo.

“Argh!” napa-roll eyes si Shena sa naging sagot nit. “Hindi ba’t narinig natin si Janna kahapon, ’di ba?”

“Oh! Yes! Loud and clear!”

Napailing di Shena sa sagot nito. “See, I told you. You can’t that filthy and bitchy attitude of yours forever.”

Nagbagang ang panga ni Janna nang marinig iyon. Nais niyang ipakita rito ang sinasabing ‘bitchy’ niya. Nagdadalawang-isip nga lang siya at nanatiling tahimik at hindi ito pinansin.

Binuksan ni Shena ang kaniyang bag at kinuha ang lipstick at naglagay sa kaniyang labi. “Alam mo…” panimula niya habang nakapukos sa sariling repleksiyon. “Kinasusuklaman ko rin si Allyce. Yes, you hear it. I hate her… a lot!”

Natigilan si Janna sa pag-re-retouch at binalingan ito nang tingin nang mayroong pagtataka. “You do?” Tila nakaramdam siya nang saya at maaari niya itong gawing kasama.

“Yes, honey. Sino bang hindi? ” Binalingan ni Shena ito ng tingin.”Lahat ng babae rito sa kompanya ay hindi siya gusto!“

Nag-isip nang mabuti si Janna kung tama ba kung magsasabi siya nang totoo sa katrabaho. “Bakit mo iyan sinasabi sa akin?”

Napatawa nang peke si Shena, “Simple lang… dahil pareho tayo sa mga ilang bagay.” Pinagkrus nito ang kaniyang dalawang braso. “Tulad na lang sa pagkadisgusto kay Allyce. Maari tayong magsama!”

Napakagat ng ibabang labi si Janna at napaisip. Wala namang mawawala kung susubukan niyang makisama sa katrabaho. Besides, marami naman sila kung iisipin. Malaki ang pagkakataon nila kaysa sa kinasusuklaman nilang sekremagsam

“Hindi kita mamadaliin. You have time to think.” Tinaas-baba ni Shena ang kaniyang kilay nang tatlong beses. “Tayo-tayo rin naman ang makaka-benepisyo nito.”

“Ahh! Natapos din!” malakas na sambit ni Christine at isang mahinang tunog na ’plok’ ang narinig ng dalawa.

“Argh! F*ck!” Kapwa’y nagtakip sa kanilang ilong at galit na sininghalan si Christine, “Ang baboy mo naman Christine! Yuck!”

“Ew! Ang baho! Ackk! Mamatay ako sa baho!”

Ang dalawang dalaga ay nagmamadaling kinuha ang kanilang gamit at lumabas sa restroom. Halos masuka sila sa ginawa ni Christine.

Pagkalabas ng restroom ay mabilis nilang dinukot ang kanilang mamahaling pabango at inisprayan ang sarili. Tila naaamoy pa rin nila na dumikit sa kanilang katawan at damit ang baho ng pagdumi ng kaChristin

“F*ck! Ano bang kinain niya? Gosh! Nakakaturn-off ang ganoong babae!” pang-iinsulto ni Shena habang walang tigil na pinapabangohan ang sarili.

“Anong problema?” Natigilan ang dalawa nang marinig ang boses ni Allyce.

“Oh! Allyce! Kumusta ka na?” Pekeng ngumiti si Janna rito.

“Okay Lang?” Hindi alam ni Allyce kung ano ang isasagot dahil sa pagtataka niya sa dalawa.

“Oh! Gagamit ka ng restroom?” tanong ni Shena rito at tumango si Allyce. “Nasa loob si Christine… nakikipaglaban!”

Nagtawanan ang dalawa sa sinabi ni Shena at napakunot lang si Allyce sa kakaibang inakto ng dalawa. Analintana niya ito at dumiretso sa loob ng restroom.

•••

“Mommy? Can I play and eat an ice cream?” malambing na tanong ni Darkien kay Allyce sa cellphone.

“Yes, baby. You can. Huwag aalis ng bahay, a. It’s too dangerous for you, ” paalala ni Allyce sa anak.

“I will wait to manong.”

“Manong? Who’s manong?” Nagtaka si Allyce sa sinasabi nitong manong. Wala siyang kilalang tinatawagan ng anak na manong.

“’Yong kasama ko kahapon po,” sagot ng kaniyang anak.

Napatutop si Allyce sa kaniyang kinauupuan. “Darkien? Don’t go near him, okay? He is a bad guy. ’Di ba I told you not to talk to strangers.”

“But, mommy… okay. I’ll be a good boy.”

“Good-good. Uuwi na ako maya-maya lang.” Nakatingin si Allyce sa kaniyang relo upang alamin ang oras. Tatlumpong minuto na lang ay uwian na nilang lahat.

Muli ay tinapos ni Allyce ang kaniyang trabaho at napahilot sa kaniyang noo nang makaramdam siya ng kaunting pagkahilo.

“Ayos ka lang?”

Agad na napalingon si Allyce nang mayroong nagtanong sa kaniya. “Ikaw pala.” Ngumiti siya rito at huminga nang malalim. “Oo, okay lang ako. Nahihilo lang nang kaunti. Siguro dahil sa puyat.”

“Bukas mo na tapusin ’yan. Ihahatid na kita para makapagpahinga ka na, Allyce.” Makikita sa mukha ni Stephan ang pag-aalala.

Tinignan ni Allyce ito nang may pagtatanong. Gusto niyang siguraduhing totoo ang sinabi ng binata. “Sigurado ka?”

“Oo naman. Tara na!” Inalalayan ni Stephan si Allyce na tumayo at magkasabay silang pumunta ng basement ng kaniyang kompanya.

Nasa driver seat si Stephan at pasulyap-sulyap siya sa kaniyang passenger seat kung saan nakaupo ang kaniyang iniibig na si Allyce. Nakatingin ito sa labas ng bintana. Tahimik at pakiramdam niya ay mayroong gumugulo sa isip nito.

“May… problema ba?” naitanong niya sa babae.

Umiling Lang si Allyce dito at hinayaan na lang siya ng kaniyang masugid na manliligaw.

Pinarada na ni Stephan ang sasakyan sa harapan ng bahay ni Allyce. Lumabas siya sa kotse at nang liliko na sana siya upang pagbuksan si Allyce ay napatumba siya sa sementadong daan nang mayroong isang malakas na kamao ang tumama sa kaniyang pisngi.

“Stephaaan!” malakas na sigaw ni Allyce. Nanglalaki ang kaniyang mga mata nang masaksihan ang pangyayari. Mabilis siyang lumabas ng kotse at nilapitan si Stephan. “Ano bang problema mo?!”

Nakatayo si Demon habang nanglilisik ang kaniyang mga matang nakatingin kay Stephan na ngayo’y napapailing sa sakit. Agad niyang hinawakan si Allyce upang ilayo sa binata nang napaatras siya. Nakalimutan niyang hindi niya ito maaaring mahawakan o madaplisan lang. Naramdaman na naman niya ang pamilyar na sakit sa kaniyang puso subalit pinapanatili niyang kalmado ang sarili. Ayaw niyang ipababa ang kaniyang ego.

“Sinasabi ko sa’yo, Allyce. Huwag na huwag kang sasama sa kaniya ngayong linggo! Mayroon siyang binabalak na hindi mabuti sa’yo!” Galit niyang tinignan si Stephan.

“Anong pakialam mo?” malakas na sigaw ni Allyce sa demonyong asawa. “Tigilan mo na nga ako—kami! Kung sino man ang hindi ko sasamahan ay ikaw ’yon! Naiintindihan mo ba? Ikaw ’yon!” Nagtaas-baba ang dibdib ni Allyce sa matinding galit. “Kinasusuklaman kita! Wala kang magagawang mabuti sa akin! Sa amin!” Napatawa nang mapakla si Allyce. “Hah! Kung mayroon siyang binabalak na masama sa akin dapat noon pa! Seven years Demon! Seven years! Siya ang tumulong sa akin! Nag-iisip ka ba!?”

Napaatras si Demon nang isang hakbang. Aamin siyang nasaktan siya. Naapakan ang kaniyang pagkalalaki. Aminadong mali nga siya kaya nga bumalik siya rito upang bumawi sa kaniyang asawa lalo na’t mayroon pa silang anak. Mali ba ’yon?

“Tara, Stephan. Tutulungan kitang tumayo—”

“Allyce, maniwala ka sa akin. Narinig ko siya kanina. Narinig kong—”

“Na ano? Na mayroon siyang gagawing masama? Alam mo… baka inggit ka lang? O nagseselos. Ikaw paniniwalaan ko? Managinip ka! Baka doon pa kita paniwalaan!” Matigas ang bawat pagkakasabi no’n ni Allyce.

Naiwan si Demon na nakatayo lang habang nakatanaw sa papalayong sina Allyce at Stephan na papasok sa loob ng bahay. Tila mabaliw na siya sa narinig. Totoo bang nagseselos lang siya kaya nakapag-iisip siya nang masama kay Stephan?

Napasabunot si Demon sa kaniyang sariling buhok sa sobrang inis at galit. Hindi na niya alam kung ano ang kaniyang gagawin upang paniwalaan siya ng asawa.

“Tito Stephan? Bakit mayroon kang pasa? Did you fight with the bad guys?” Bungad ni Darkien pagkapasok ni Allyce habang inaalalayan si Stephan.

“Yes, baby. He fought the bad guys,” tugon ni Allyce sa anak at pina-upo si Stephan sa sofa.

“Kukuha muna ako ng yelo.” Mabilis siyang pumunta sa kusina upang kumuha ng yelo at towel.

Marahas siyang napabuntong-hininga. Tila mamamatay siya nang maaga sa pinaggagawa ng kaniyang demonyong asawa. ‘Bakit ka pa kasi bumalik!’