Chapter 10: Dark Plan
ISANG busina ang umalingawngaw sa labas ng bahay ni Allyce. Nakakasiguro na siya kung sino iyon. Mabilis niyang hinagkan ang anak. “Be a good boy, okay? Don’t go outside or magpapasok ng ibang tao. Lock mo lang ang pinto, baby.”
“Opo, mommy!” Nakanguso ang batang si Darkien. Ayaw niyang umalis ang kaniyang mommy ngayon at hindi niya alam kung bakit at ano ang dahilan.
Panay habilin ang ginawa ni Allyce. Hindi niya kayang iwan ang anak subalit naisip niya naman si Stephan. Malaki ang naitulong nito sa kanilang mag-ina at nag-aalangan siyang tanggihan ito lalo na’t nakaready na ang lahat.
“Hi?” bungad niya kay Stephan pagkabukas ng pinto.
Tinignan ni Stephan si Allyce mula ulo hanggang paa at makikita sa mga mata nito ang pagkamangha. “Wow! Y-You look dazzling!” Tila na-speechless siya at hindi alam kung anong isaktong salita ang mahahalintulad sa magandang binibining nasa kaniyang harapan ngayon.
Makikita ang maputi at makinis na balikat ni Allyce sa suot niyang cardinal red Bonnie style dress at pinartneran pa niya ito ng lariat style na kwentas. Nahihiya siyang ngumiti sa binata at agad naman siya nitong inakay papasok sa kotse nitong Mercedes-Maybach Exelero. Nahiya naman siya nang makita ang kotse nito at tila pakiramdam niya ay lumiit siya. Hindi man siya masiyadong may alam sa mga kotse ay halata namang napakamahal nito.
Hindi mapigilan ni Stephan na kumuha ng sulyap sa nakaupong magandang babae sa kaniyang passenger seat. Tila nag-init siya sa nakikitang kaakit-akit nitong anyo ngayon dinagdagan pa magiging kahihinatnan ng kanilang dinner date.
Napapalingon ang lahat ng mga taong nasa labas pa lang ng isang luxurious 6-stars hotel nang huminto ang makintab na kotse. Halatang bago pa lang ito. Napapanganga ang lahat at naiinggit naman ang mga kalalakihan nang mapagtanto kung gaano kamahal ang kotseng nakikita ng kanilang mga mata. Ngayon lang nila ito nakita sa personal. Napapaisip ang mga kababaihan kung gaano kayaman ang taong nagmamay-ari nito at kung maaari ba nilang akitin kung sino man iyon.
Lahat ay napasinghap at nagsitili ang mga kababaihan nang bumaba si Stephan mula sa kotse. Agad namang naglabas ng kaniya-kaniyang selpon ang mga ito upang kunin ang pagkakataon. Agad na nagsibulungan ang mga ito nang makitang mayroong inaalalayang babae ang hinahangaang binata. Hindi nila ito kilala at sa malamang hindi ito artista o modelo man lang subalit nag-uumapaw naman ang kaakit-akit na kagandahan nito at kaseksyhan. Napasimangot ang mga kababaihan nang makitang wala silang panama sa nakikitang babae.
Naiilang man si Allyce ay ngumiti lang siya nang tipid. Nagtataka siya kung bakit napakasikat ng binatang manliligaw. Alam niyang napakayaman nito at isa pang modelo subalit lingid sa kaniyang kaalaman ang kasikatan nito lalo na’t hindi niya hilig ang mga social media.
Agad na nagsiyuko ang mga ulo ng mga babaeng nagtatrabaho sa hotel at ngumiti nang may galak. Ginantihan lang ito ni Allyce. Tila gusto na niyang magback-out at umuwi. Kakaiba ang kabog ng kaniyang dibdib at hindi siya sanay sa spotlight.
Nag-uumapaw sa saya ang nararamdaman ngayon ni Stephan. Kay tagal na niyang hinintay ang pagkakataong ito. Ngayon nang may nararamdaman siyang may puwang na siya sa babaeng iniibig niya.
Pagkapasok ni Allyce sa loob ng suite ay napamangha siya sa sobrang ganda nito. Ito na ang pinakamahal na suite ng hotel. Inakay siya ni Stephan papunta sa balkonahe at bumungad sa kaniyang paningin ang magandang view. Isang candle light dinner! Napakaromantiko at napakagat si Allyce sa kaniyang labi habang nakatitig rito.
“Anong problema? Hindi mo ba nagustuhan?” Mayroong lungkot ang boses ni Stephan nang tanungin siya nito.
Umiling siya. “Napakaganda,” tanging nasabi ni Allyce. Napakaswerte ba niya dahil nasungkit niya ang puso ng napakayaman, gwapo, at mabait na lalaki? Ngumiti siya rito at hindi pinakita ang paghihinayang niya.
Nanghihinayang si Allyce kung bakit sa kaniya pa ito nahumaling. Tila ito ang pinapangarap ng mga babae subalit iba siya. Pakiramdam niya ay niloloko lang niya ang binata. Hindi siya nararapat sa pag-ibig nito. Hindi siya karapat-dapat.
Pinag-usog siya nito ng upuan at umupo rin ito sa tapat niya. Mayroong nakahain na sa lamesa at nakatakip ito. Masayang pinakita ni Stephan kay Allyce ang laman nito at tinignan niya ang maaliwalas na mukha ni Allyce. Napalunok siya ng sariling laway nang nakatingin lang ito sa kaniya at nakaramdam siya nang self-conscious at agad na sinipat ang sarili sa isang makintab na kutsara.
Pinagsalin ni Stephan si Allyce ng Pinot Noir at ganoon din ang kaniya. Magkatapos mag-toast ay uminom si Allyce nang kunti.
Masaya silang nag-usap at mayroon pang background music na nagpapadagdag sa pagka-romantic ng kanilang date. Maya-maya ay nakaramdam si Allyce nang pagkahilo.
“Excuse me. Cr muna ako, ” paalam niya rito at nahihirapan siyang tumayo. Umiikot ang kaniyang paningin at nag-iiba ang kaniyang pakiramdam. Hindi niya alam kung dahil ba sa hindi siya mahilig sa wine.
Maagap na nasalo ni Stephan si Allyce nang matumba siya. Napapikit nang mariin si Allyce at napatingin siya sa binata. Nakita niya ang kakaibang ngiti nito subalit iniisip niya lang na namamalikmata lang siya.
Dinala ni Stephan si Allyce papunta sa nag-iisang kwarto ng suite. Mayroong ngiti nang tagumpay ang gumuhit sa kaniyang labi. Sino ba ang mag-aakalang mayroon siyang pinalagay roon na isang sex pills.
Kakaiba ang nararamdaman ngayon ni Allyce. Nagsisimulang nag-iinit ang kaniyang katawan. Gusto niyang pumunta ng cr upang maghilamos at mahimasmasan ang kaniyang sarili subalit hindi siya makaalis sa mga bisig ng binata.
“T-Teka… a-anong ginagawa mo?” Malalim ang kaniyang paghinga at nanghihina siya. Alam niya kung saan siya dadalhin ng binata at ngayon ay rumerehistro na sa kaniyang isip kung bakit siya nagkakaganito. “Walang hiya ka!”
Sinusuntok ni Allyce ang binata kahit habang binubuhat siya nito. Nakangisi lang na tila nasisiyahan lang si Stephan dahil alam niyang hindi makakawala si Allyce sa kaniya.
“Ahh! Pakawalan mo ’ko!” Napahiga si Allyce sa malambot na kama.
Hinawakan ni Stephan ang magandang mukha ni Allyce at mapusok niyang hinalikan ito at pilit namang umiiwas si Allyce sa labi ng binata.
“Ahh! Huwag mo ’tong gawin sa’kin! Maawa ka—” Napalingon sa kabilang bahagi ang mukha ni Allyce nang sampalin siya nito. Agad nag-iba ang pananaw ni Allyce sa binatang nasa harapan niya. Ang mabuting pinapakita nito ay taliwas pala sa totoong ugali ng binata. Bakit ngayon pa ito nagkakaganito?
“Maawa? Naawa ka ba sa akin? Anim na taon, Allyce. Anim na taon akong naghintay. Siguro naman may gusto ka na sa akin.”
Tanginging sigaw lang ang magagawa ni Allyce nang mahigpit na hinawakan nito ang kaniyang dalawang pulu-pulsuhan at pumaibabaw sa kaniya ang binata.
Makikita sa mga mata ng binata ang makamundong pagnanasa lalo na’t uminom din ito ng wine na hinaluan ng sex pills.
“Ahh! Tulooong!” malakas na sigaw ni Allyce. Umaasang mayroong sasagip sa kaniya. Umalingaw-ngaw ang malakas niyang sigaw subalit alam niyang soundproof ang kwartong ’to.
Tila isang bingi si Stephan. Ngayon ay nagsisisi si Allyce kung bakit hindi siya naniwala sa kaniyang asawa.
“Alam mo, noon ko pa ito hinintay. Hinding-hindi ko sasayangin ang pagkakataong ’to. Allyce, alam mo namang mahal kita. Ipaparamdam ko sa iyo ang pagmamahal ko.”
“No, No! Please… tulong!” malakas ang iyak at sigaw ni Allyce nang punitin nito ang kaniyang suot at lumantad ang kaniyang maputing katawan dito na nakasuot lang ng undergarments.
“Tandaan mo ito… you’re mine, Allyce! Only mine.”