CHAPTER 34: I choose you

THOMAS

Nagkaroon kami ng maayos na usapan ni debby, nagka patawaran at kung ano ano pa. pag gising na lang namin ay wala na siya, lahat kasi kami lasing at sa may sala natulog.

Back to normal na ang buhay namin, pinag papatuloy ko parin ang buhay ko. Si bryan at ng kanyang asawa ay masaya na dahil lumipas ang isang taon simula ng iniwan kami ni debby ay magkakaroon na sila ng anak.

Si bon naman sa wakas ay may gf na siya, sa dami kasi ng nangyari mukhang na trauma na siya at ngayon lang nagka gf. Si lhoyd naman ay sobrang naging successful, kung noon ay ako ang nangunguna dito sa north ngayon si lhoyd na.

Tulad nga ng sabi niya noon patuloy lang siyang naghihintay kay debby, isang taon na ang lumipas at hindi namin alam kung ilang taon pa ang aabutin ni debby sa pag buo ng kanyang sarili.

Ako naman pinag papatuloy ko lang kung ano ako, dinadalaw ko din ang ama ko at humingi na rin sila ng paumanhin saakin. Kita mo sa mukha nila na wala ng gumugulo sakanila, nakiusap pala si papa na baka pwede ko gawan ng paraan na mas maagang maka labas si lyka dahil nga daw ay nahihirapan na siya.

Susubukan ko, ayoko kasing gamitin kung ano ang kaya ko dahil gusto ko nasa tamang proseso parin ang lahat. Gusto lang naman daw ni papa na hindi mahirapan si lyka, ngayon masasabi ko na talagang mahal niya si lyka.

Habang ung nararamdaaman ko sakanya ay isang puppy love kumbaga, lahat nagkaroon ng linaw simula nong nagkaroon ng space sa aming lahat. Nagkaroon din ng linaw kung sino ba si debby sa buhay ko.

Dumaan ang maraming araw, buwan hanggang naging taon ay wala pa ring debby. Halos mag tatatlong taon na ay hindi parin siya bumabalik, mag papakasal na si bon sa susunod na bbuwan akalain mo nga naman nahanap na siya ang forever niya.

“ lhoyd andito ka pala” ang lamig kasi kaya dadaa sana ako ng kkkape

“ oo mag kakape lang sana” sagot niya, umupo siya kaya umupo na din ako.

“ kung ganun ilibre mo na lang ako” tumango siya at nag order na.

“ may balita kana kay debby??” tanong ko,

“ Wala, sabi ko naman sayo hindi ko siya hahanapin. Babalik din iyon, hintay ka lang” sagot niya.

“ paano pag hindi na??” ngumiti siya sabay dating ng order namin.

“ babalik iyon” kumpiyansa niya.

“ lhoyd mag tatatlong taon na, ano mag hihintay ka lang ng ilang taon pa??” naiinis na ako sa pagiging coward niya

“ thomas babalik iyon at ang unang kikitain niya ay siya ang pipiliin niya” kumunot ang noo ko.

Pipiliin? Saamin?? Siya ba o ako ganun ba ang ibig niyang sabihin?? Bakit kasali ako? Diba siya lang naman ang umaasa kay debby?? Ako kasi tanggap ko na sarili ko na si lhoyd lang para kay debby, siya lang ang magbibigay ng pagmamahal na dapat kay debby.

Matapos kaming mag kape ay nag kanya kanya na kami, nag desisyon ako na umuwi na lang kaysa pumunta sa kompanya. Hindi ko alam pero tinatamad ako na mag trabaho, parang gusto kong lutuan ang sarili ko ng masarap na panghapunan.

“ sir may bisita po kayo” ako? May bisita?? Himala, nag lakad na ako papuntang sala.

“ debby??” ngumiti siya.

“ anong---”

“ kamusta??” putol niya, naalala ko ung sinabi ni lhoyd kanina na kung sino ang pupuntahan na una ibig sabihin siya ang pinili?? Ako? pEro bakit ako??

LHOYD

“ sir bumalik na po siya” tumango ako, ibig sabihin kay thomas siya unang pumunta. Tanggap ko, tanggap ko naman kahit sino ang piliin niya.

Napa buga ako ng hangin, I think its time to move on and find someone, hayyyy buhay nga naman. Tinignan ko ang oras at gabi na, maka pag inom nga kahit minsan lang sa loob ng tatlong taon.

Nasa isang bar na ako, umorder ng napaka raming alak. Parang tanga lang, akala ko ba okay lang saakin bakit ngayon pa inom inom pa ako. Anong oras na ay nasa bar parin ako at timing kasi may live dance,, ayos din tong bar na ito.

Nanunuod lang ako sa mga babaeng sumasayaw, may lumapit pa nga pero hindi ko pinatulan. Loyal parin ako don sa tao kahit hindi ako ang pinili, baka pag naka move on pwede pa.

Lasing na ako, hindi ko na makita kung anong oras, tumayo ako para pumunta sa parking lot, ay pambihira bakit naman kasi ako nag pakalasing ng sobra.

“ hold on tonight…..” tama ba lyrics ko?”

“ it a beauty by your side….” Bahala ka ng umayos lyrics, ako na nga ang kumakanta pati ba naman pagkakasunod ako pa??

“ hold on… mmmmm mmmm mmmm---- ay na shoooottt!!” napa tingin ako sa taong humawak saakin, malapit lang naman akong maishoot.

“ thank you thank you” bumitaw na ako sa tao, kinuha ko ung susi sa bulsa ko pero alin ba dito ang susi ko??

“ teka!! andiyan ka pa? patulong naman sa susi ko, hindi ko kasi makita” sabi ko sa tao na baka sakaling hindi pa umaalis.

“ ayoko nga… ang pangit ng kanta mo” kumunot ang noo ko, parang pamilyar ung boses niya o lasing lang ako.

“ choosy ka pa, ngayon ka lang makakarinig ng unique voice” sagot ko, loko to ah. Pangit daw, mali lang lyrics ko pangit na agad.

“ miss dali na, antok na ako” may kung lumapit at hinablot ung susi.

“ salamat” sabi ko.

“ nawala lang ako ng tatlong taon naging ganyan kana??” napaisip ako, nawala daw siya ng tatlong taon----

“ okay na---” ung paningin ko biglang luminaw ih, kaya pala pamilyar.

“ hihi bumalik kana”

“ oo bumalik ako para sayo tapos ganito pa makikita ko” tinignan ko siya kahit hilo.

“ para saakin?? Aguyyyyy kikiligin na sana ako pero una mong tinignan si thomas ih”

“ alangan… kailangan ko ng pirma niya para tuluyan na akong maging malaya at maging sayo” tinignan ko uli siya.

“ baka nakakalimutan mo, kasal ako sakanya” napaisip ako, ay oo nga pala no pinalabas ko lang na kasal kami noon.

“ kung ganun, ako?? Ako ang---ako anggg” hindi na ako nag dalawang isip pa at hinalikan na siya, nagiging malinaw talaga ang paningin ko kapag ganito.

“ ughhh lasang alak” tulak niya saakin.

“ mas okay ng lasang alak kaysa lasang babae”sagot ko, pinaghahampas niya ako.

DEBBY

Tama si thomas, masyadong focus ako sa mga bagay para hindi ko mapansin na nahuhulog na pala ako kay lhoyd, hindi ko din napansin na naWala ang nararamdaman ko kay thomas.

Mabuti na lang talaga lumayo ako at inalam ko kung talaga bang tunay at totoo nga. Sabi nga nila hindi man naging kami ng una kong mahal may darating namang tao na tunay na mag mamahal at pang habang buhay ang ibibigay.

Masasabi ko ngayon na masaya na ako sa wakas, nagkasundo kami ni lhoyd na dahan dahan na muna at huwag mag dali. Gusto naming I enjoy muna ang araw araw naming magkasama para hindi kami matulad sa nakaraan.

Sila bon at bryan, masaya saamin na sa wakas ay okay na kami. Si thomas naman ay masaya din saamin, wala kang makikitang sakit sa mukha o pag alinlangan man lang o panghihinayang.

“ wish you a happy lovelife for now on” ngumiti ako kay thomas, andito kami sa bahay niya para mag celebrate sa bago niyang branch.

“ thank you, ako din sana makahanap kana ng mag papasaya sayo” tumango siya.

“ darating yan, for now masaya ako sainyo” nag ngitian kami.

“ thank you thomas, thank you dahil tinulungan mo ako na maging malinaw ang nararamdaman ko”

“ kahit iyon lang ang magawa ko bilang kaibigan ni lhoyd” tinapik ako sa balikat saka nag lakad paloob.

“ I love you” bulong sa likod na sabay yakap sa likod.

“ I love you too” sagot ko.

Sa dami man ng nangyari at hindi man kami ni thomas ang nagkatuluyan, masaya ako na andiyan siya bilang kaibigan ko. Hindi man kami ang ending, masaya kami sa kung ano kami ngayon. Hindi mo talaga malalaman kung ano ang mangyayari sa buhay basta kahit ano pa mangyari maging matatag at huwag mag pakain sa galit.

THE END

THANK YOU SO MUCH!

YOUR AUTHOR: D. R. S. R