CHAPTER 33: Stay away
DEBBY
Mahabang usapan para maitigil itong kalokohan na ginawa ko, nakumbinsi din ako ni lhoyd na itigil na ito. Sa totoo lang labag sa loob ko ito, gusto ko lang naman silang turuan ng leksyon pero sa nakikita ko kasi ay ang bawian sila.
“ gusto mo manuma ng t. v??” si lhoyd.
“ anong meron?” tanong ko.
“ sumuko na ng tuluyan si lyka at ang ama ni thomas sa ginawa nila sayo” mabuti naman at hindi nila hinintay na ipakulong pa sila.
“ kinuha na din ni thomas ang lahat ng mga ari-arian na natira ng ama niya at mga naibigay niya kay lyka, ginusto din naman ng magulang ni lyka para matapos na daw ito. Tungkol naman sa kapatid ni thomas sa labas, sususentuhan niya hanggat lumabas ang ama at ina niya sa kulungan” tumango ako.
“ ano balak mo ngayon?” tanong niya.
“ lumayo… sabi ko naman matapos lang ang lahat ng ito lalayo ako at mamumuhay ng tahimik” sagot ko.
“ saan mo gusto mamuhay ng tahimik? Sasamahan kita” umiling ako.
“ walang sasama saakin, gusto kong mapag isa lhoyd. Gusto kong mamuhay malayo sainyo” kumunot ang noo niya.
“ ibig mong sabihin lalayo ka saamin?? Mag isa kang mamumuhay?? dEbby seryoso ka ba??” tumango ako.
“ gusto ko muna makalimot lhoyd, gusto kong mag focus sa sarili ko muna. Gusto kong okay na ako, ung walang galit sa mga tao” sagot ko
“ gusto ko ngang makiusap sayo na paki bantayan muna ang magulang ko hanggang makabalik ako, okay lang ba??” naka tingin lang siya saakin.
“ oo walang problema saaakin” ngumiti ako.
“ salamat lhoyd ah, salamat sa lahat lahat. Pasensya na din kung hindi ko maibalik ung pagmamahal na binibigay mo saakin, ayokong maging katulad mo ako. Ayokong manloko ng tao para lang sa---“
“ its okay, hindi naman kita inoobliga na mahalin ako. Kung ano man ang naitulong ko, kusa iyon at ginusto ko. Kung gusto mong mamuhay ng mag isa, okay lang saakin. Hahayaan kita sa gusto mo total hindi ka naman na tulad noon na mahina” natawa ako.
“ so pano? Mag inuman muna tayo bago mo man lang ako iwan?”tumango ako.
Tinawag namin sila bon at bryan kasama ang asawA ni bryan, mabuti na lang talaga pinakinggan ako ni bryan noon at pinahalagaan niya ang asawa niya. Hindi isang laruan ang kasal o ang nararamdaman ng tao, matutu tayong pahalagaan at huwag gamitin sa masama para lang sa pansariling kapakanan.
“ cherrrrrrsss!!!!” sabay sabay kaming tumungga.
“ ingat ka kung san mo man balak mamuhay ng tahimik debby pero sana huwag mo kaming kalimutan” sabi ni bon.
“ brad makakalimutan ka niyan, sa laki ng ambag mo sa buhay niya?? Sus makakalimutan ka niyan” singit ni bryan.
“ grabe naman, wala akong naitulong pero atleast nagkaroon kami ng konting bonding” natawa ako, parang ang laki din ng ambag ni bryan sa buhay ko ah.
“ bakit hindi natin tawagin si thomas??? Sobra sobra ambag non sa buhay mo, nasobrahan pa nga kaya napasama na” ayaw talaga tumigil ni bon sa kakabanat.
“ gago tatawagin mo ee hindi pa sila okay??” sagot ni bryan.
“ kaya nga tatawagin para matapos na, diba debby??” ngumiti lang ako.
“ hindi naman kailangan ng closure pero sa lagay nila thomat, debby at lhoyd ay kailangan ng closure para narin sa peace of mind nila” dugtong pa niya, tama nga naman siya.
“ okay lang naman saakin” tinignan nila ako.
“ seryoso??”tumango ako, mabilis naman na tumayo si bon at agad na tinawagan si thomas. Tinignan ko si lhoyd na naka ngiti lang, alam kong okay lang din sakanya.
Nag inuman lang kami hanggang dumating si thomas, binigyan agad ng maiinom dahil naka dami na kami at siya ay natagalan sa pag dating.
Nag kwentuhan lang kami buong magdamag, sila bon at bryan ay hindi na kinaya at natulog na sa sahig. Kaming tatlo na lang ang natitira, maayos naman sila thomas at lhoyd. Nag uusap sila, nakikinig lang ako.
“ ano balak mo?” tanong ni thomas.
“ lalayo” sagot ko.
“ mmm… kailan ang balik?” tanong niya.
“ hindi ko alam, siguro pag okay na ako” sagot ko.
“ mmmm.. okay, ingat ka” sabi niya, tumango ako.
“ para kayong tangaa” singit si lhoyd, lasing na siya.
“ para kayong mgaa bata kung mag usap, dapat diretsahan na total aalis na ung isa. Basat ako debby, andito lang ako hanggang bumalik ka. Andito lang ako maghihintay hindi man bilang isang asawa o boyfriend, andito ako bilang kaibigan na nakaantabay sa pagbalik mo” sabi ni lhoyd.
“ gago ang korni mo lhoyd” singit ni thomas.
“ bakit ikaw???” sagot ni lhoyd.
“ hindi ako mag hihintay sakanya, focus ako sa sarili ko at kung babalik man siya. Okay kung ganun, ayokong ipako ang sarili ko sa paghihintay sakanya” sagot ni thomas.
“ lhoyd mamuhay na din tayo ng kanya kanya, huwag mong ipako ang sarili mo sa walang kasiguraduhan” diugtong niya.
“ paaano mo alam na wAlang kasigaraduhan?? Ako to thomas, at hindi ko naman sinabing titigil ang mundo ko sa pag hihintay lang. tuloy lang ang buhay pero pag balik niya, andon ako para sakanya” natahimik kami, napaka seryoso na niya kasi.
“ hindi masamang umasa, hanggat buhay ka umasa ka lang hanggat alam mong may pag asa. Ganun ako, aasa hanggat may pag asa, alam ko namang bumitaw kung wala na ding pag asa. Hindi ako maka sarili basta ba magiging masaya siya sa kung ano man ang pinili niya” at don napa higa na siya, lasing na siya.
“ napaka bait talaga nitong taong to, kung ako sayo hindi ko na iyan pakakawalan” sabi ni thomas.
“ kaya---”
“ sorry sa lahat, im sorry for deceiving you. Im sorry kung ipinag palit ko ang anak ko sa taong mali, im really sorry” tumango ako.
“ isa lang wish ko, bumalik ka para kay lhoyd”