Chapter 35 Comeback
Jarred'sPOV
Nagising ako na may kadiliman na sa labas ng kwarto. Tiningnan ko ang orasan na nakasabit sa wall, alas-sais y medya na ng gabi. Pagkadating namin ni Jasmine, natulog agad ako dahil sa sobrang pagod. Hindi ko maiwasang mapangiti habang inaalala ang mga nangyari kanina sa opisina. Konting-konti nalang makukuha ko na ang loob ni Jasmine. Konting-konti nalang makukuha ko na siya.
Bumangon ako ng kama at lumabas ng kwarto tsaka tinungo ang kusina. Natigilan ako ng makita si Jasmine na abala sa pagluluto. Nakatalikod siya, kaya kitang-kita ko ang kaniyang tattoo sa kaniyang batok dahil naka-bun ang kaniyang buhok at nakasuot siya ng sando na kulay cream na hapit sa katawan at litaw na litaw ang kurba ng kaniyang katawan.
Mas lalong lumitaw ang angkin niyang kaputian dahil sa suot niya. Bigla siyang humarap na ikinagulat niya, nang makabawi sa pagkagulat ay ngumiti siya sakin. Ayun na naman ang mabilis na panpintig ng aking puso, kapag ngumingiti siya sa akin. Ngumiti rin ako sa kaniya.
Bumaba ang tingin ko sa kaniyang d*bdib. Biglang sumagi sa isip ko ang nangyari samin sa kwarto ko noong isang araw, kung saan kitang-kita ko ang kaumbukan niyon. Fxck! Ipinilig ko ang aking ulo, dahil sa takbo ng iniisip ko.
"Magandang gabi, Jarred. Kamusta ang tulog?" tanong ni Jasmine na siyang nagpabalik sa akin sa kasalukuyan.
Tiningnan ko siya, at kitang-kita ko ang pamumula ng kaniyang mukha. Tumikhim ako at naglakad patungo sa mesa at umupo sa upuan.
"Ayos lang naman. Baka mahirapan akong makatulog mamaya, napasarap ang tulog ko." ani ko.
Tumango-tango siya tsaka tumalikod at hinarap ang stove at ipinagpatuloy ang pagluluto. Natukso akong yakapin siya, gusto ko siyang ikulong sa aking mga bisig at damhin ang init ng kaniyang katawan. Kusang gumalaw ang mga paa ko, tumayo ako mula sa pagkakaupo at lumapit sa kaniya.
Hindi niya napansin ang aking paglapit. Huminga ako ng malalim para pakalmahin ang naghaharumentado kong puso dahil sa pagkakalapit namin. Ipinalibot ko ang aking mga kamay sa kaniyang bewang. Natigilan siya sa ginawa ko.
"Jarred. Ba--kit?" nauutal niyang tanong.
Napangiti ako, dahil hindi siya mauutal kung wala akong epekto sa kaniya. Mas lalo kong idinikit ang aking katawan sa kaniyang likuran. Ramdam ko na parang pinipigilan ni Jasmine ang paghinga. Inilapit ko ang aking mukha sa kaniyang taenga at bumulong.
"Breath, Jasmine. Ako lang ito." bulong ko sa kaniya, siniguro ko na may kasamang pang-aakit ang tono ng aking boses.
"Nagluluto ako, Jarred." aniya.
"Eh ano naman ngayon? Bakit? Hindi ka ba makakapagluto kapag yakap kita?" Tukso ko sa kaniya.
"Hindi naman."
"Then, continue what you're doing. Hayaan mo na yakapin kita ngayon. Dahil bukas baka hindi ko ito magawa, dahil hindi kita makakasama bukas. Diba, pupunta ka sa kina Vince?" tanong ko
Hindi ko maiwasang makaramdam ng selos nang binanggit ko ang pangalan ni Vince, hagga't hindi inaayawan ni Jasmine si Vince. Walang kasiguraduhan ang pagkapanalo ko sa puso ni Jasmine.
Kahit sabihin man na nitong mga nakaraang araw ramdam ko ang pagbabago sa ikinikilos ni Jasmine kapag malapit lang ako sa kaniya. Lalo na ngayon na ramdam ko ang epekto ko sa kaniya. Huminga siya ng malalim at ipinagpatuloy ang ginagawa. Lumipat ang tingin ko sa kaniyang batok kung nasaan ang kaniyang tattoo.
"Nacucurious talaga ako sa tattoo mo, ano ba ibig sabihin nito ah, Jasmine? Imposibleng trip mo lang ito. Nagpapatattoo ang isang tattoo dahil may koneksiyon iyon sa kaniya." ani ko at inilapit ang labi sa kaniyang batok at dinampihan iyon ng halik.
"Jarred.." paanas na ani ni Jasmine. Napahawak siya sa aking braso at naramdaman ko ang pagbaon ng kaniyang kuko. Pero wala akong pakielam. She can do whatever she wants, I don't care.
"Tell me, Jasmine. What is the meaning of that? Sasabihin mo ba sakin o ako mismo ang maghahanap ng sagot sa tanong ko sa iyo?" tanong ko na may diin sa mga salitang binitawan ko.
Pinatay niya ang stove at biglang humarap sakin. Dahil sa pagharap niya nagdikit ang aming mga labi. Nanlalaki ang kaniyang mga mata sa gulat at nagbaba ng tingin.
"Sorry, nabigla lang ako sa tanong mo. Kaya napaharap ako." aniya habang pulang-pula ang kaniyang pisngi na kasing-pula na ng kamatis. Ipinagdikit ko ang aking mga labi para supilin ang ngiti na gusto kumawala roon. Ang cute lang tingnan kung paano siya mamula. Mas lalo siyang gumaganda sa aking paningin. Hinaplos ko ang kaniyang pisngi.
"Look at me, Jasmine."—ani ko na kaagad niyang ginawa. Nag-angat siya ng tingin at tinitigan ako.—"Wala kang dapat ikahiya dahil gustong-gusto ko iyon. You can can kiss me, you can hug me. You can do whatever you want Jasmine, except for hurting me again. Dahil kapag sinaktan mo ulit ako. Mukhang hindi ko na ata kakayanin pa. I'll get lost." ani ko habang titig na titig sa kaniya. Tumalim ang kaniyang mga mata na nakatitig sakin. Natigilan ako, pero sinalubong ko pa rin iyon.
"Wala akong ipinapangako sa iyo, Jarred. Nandito ako dahil sa kailangan kong bayaran ang pagkakautang namin sayo. Kaya kung masasaktan man kita, hindi ko na kasalanan iyon dahil una pa lang, walang tayo at hindi magiging tayo. At sa ibig sabihin ng tattoo na nasa aking batok, hindi mo na dapat malaman iyon. Maid mo ako at hindi ko obligasyon na sagutin lahat ng tanong mo." aniya at umalis sa aking harapan.
Natigilan ako sa mga sinabi niya. Pakiramdam ko parang pinagpira-piraso na parang papel ang aking puso dahil sa mga sinabi niya. Masakit! Sobrang sakit! Wala naman masama sa mga sinabi ko, ah. Did I say something wrong na hindi niya nagustuhan? Bumuga ako ng marahas na hangin at kinuha ang niluto niya at inilagay iyon sa mesa.
Kung may nasabi man ako na hindi maganda, kailangan kong humingi ng pasensya. Hindi ako susuko, dahil lang sa mga sinabi niya. Kumuha ako ng isang tray at naglagay roon ng dalawang plato, kanin at ulam. Dinala ko iyon patungo sa ikalawang palapag kung saan naroon ang kwarto ni Jasmine.
Nang makarating ako sa tapat ng kaniyang kwarto. Sinipa ko ang pinto ng tatlong beses. Ilang sandali lang ang hinintay ko ng bumukas iyon. Natigilan ako ng mapagbuksan ako ni Jasmine at nakita ang pamumula ng kaniyang mga mata. Niluwagan niya ang pagkakabukas ng pintuan.
"Pasok ka, Jarred." aniya. Pumasok ako at inilagay sa upuan ang dalang tray tsaka siya nilapitan.
"Bakit ka umiiyak?" tanong ko sa kaniya at hinaplos ang kaniyang pisngi. Umiling siya.
"Wala ito, Jarred. Napuwing lang ako." aniya at iniiwas ang tingin. Doon na humalagpos ang tinitimpi kong inis.
"Don't give me that bullshit, Jasmine! Napuwing? Paano ma mapupuwing? Eh, narito ka sa kwarto mo?" ani ko at di naiwasan ang pagtaas ng boses. Bahagya siyang natigilan dahil sa pagsigaw ko. Bigla akong nagsisi sa ginawa ko.
"I'm sorry, Jasmine. Hindi ko napigilan ang sari ko. Nag-aalala lang ako sayo. Ganun ba kahirap para magpakatotoo ka sakin? Para pagkatiwalaan mo ako sa mga nararamdaman mo? Is it about what happened a while ago in the kitchen? Please, tell me. Jasmine. I'm going nuts." tanong ko at hinaplos ang kaniyang pisngi. Napapikit siya sa ginawa ko.
"Oo, Jarred. Iyon yun. Nagsisisi ako sa mga sinabi ko sayo kanina dahil pakiramdam ko pinapangunahan mo ako. Masakit para sakin na iniisip mong sasakyan ulit kita. Gusto mo akong magpakatotoo, Jarred? Paano kung sabihin ko sa iyo na mahal pa rin kita? Paano kung sabihin ko sayo na kailanman hindi nagbago ang pagtingin ko sa iyo? Na kahit may mga mali kang ginawa noong unang linggo ko rito sa mansiyon mo ay hindi ko magawang kamuhian ka. Na sa kabila ng mga ginawa mo, walang nagbago sa nararamdaman ko para sayo?!
"Jarred, pinigilan ko naman eh. Inalis kita sa sistema ko para makapagmove-on ako lalo na at ramdam ko noong una walang patutunguhan ang nararamdaman ko para sa iyo! Kaya, noong nagtapat ng paghanga sa akin si Khael at gusto akong ligawan. Kaagad akong pumayag dahil nagbabakasali ako na kapag itinuon ko ang pansin sa kaniya, mawawala ang nararamdaman ko sayo at mapupunta iyon sa kaniya.
"Pero nagkamali ako, Jarred. Dahil kahit anong gawin ko, ikaw parin ang laman ng puso ko!" at itinuro niya ang kaniyang kaliwang dibdib kung saan naroon ang puso niya. Tumulo ang luha sa kaniyang mga mata. Tinuyo ko iyon gamit ang hinlalaki at niyakap siya. Dahil sa ginawa ko humagulhol siya.
"Litong-lito na ako Jarred! Hindi ko na alam ang gagawin ko, mahal kita pero ayaw kong saktan si Khael lalo at nangako ako na kakalimutan kita."
Hinagod ko ang kaniyang likod. Naiintindihan ko si Jasmine kahit na nakakaramdam ako ng pananaghili kay Vince dahil labis ang pagpapahalaga sa kaniya ni Jasmine. Bakit ba hinayaan ko na maglapit ang landas nila, edi sana wala akong kaagaw sa atensiyon ni Jasmine at sana hindi siya nahihirapan ng ganito.
Inilayo ko siya sa aking katawan at pinakatitigan. Masaya ako dahil may katugon ang nararamdaman ko para sa kaniya. Gusto kong magtatalon sa tuwa, subalit pinigilan ko ang aking sarili. Hindi ito ang tamang pagkakataon para magdiwang. Marami pa akong dapat ayusin.
"Tungkol sa nangyari kanina, gusto ko humingi ng tawad sa mga nasabi ko. Hindi ko sinasadya, nadala lang ako ng emosyon ko kaya ko nasabi iyon. Pero hindi ibig sabihin nun pinapangunahan na kita. Masaya ako dahil may katugon ang nararamdaman ko para sa iyo, Jasmine.
"Hindi ko maipaliwanag ang sayang nararamdaman ko. Pero, ito lang ang sasabihin ko Jasmine. Gawin mo kung ano ang sinasabi nito, Jasmine."—at itinuro ko ang aking d*bdib kung saan naroon ang puso ko na tumitibok para sa kaniya.—"Mas magaan ang pakiramdam kapag ito ang sinunod mo at hindi ito"—at itinuro ang aking isip.—"Dahil kahit tama ang pinili mo kung hindi ka masaya sa tama na iyon. Useless rin, pero kapag pinili mo ang puso mo. Mali man para sa iyo, pero magaan sa pakiramdam dahil masaya ka dahil puso mo ang nagdikta.
"Sabi nila, "Time heals all wounds." Nagdulot man ng sakit ang pagpili mo, pero sa paglipas ng panahon mawawala rin iyon. Forgiveness is the key, Jasmine. Dahil ang pinakamasakit sa lahat ay ang katagang "nasa huli ang pagsisisi." Dahil mahirap ng ibalik ang mga bagay o tao na bunga ng maling desisyon." ani ko. Napatitig siya sakin, punong-puno ng paghanga nag kislap ng kaniyang mga mata.
"Salamat sa payo mo, Jarred."—aniya at ngumiti. Subalit bigla rin nawala iyon at napalitan ng pagkalito.—"Ngayon na nagtapat na ako ng pagtingin sayo, anong gagawin natin?" tanong niya sakin na parang nahihiya.
"Maging tayo ulit, Jasmine." ani ko.
Yun lang ang alam ko na dapat namin gawin ngayon. Napakunot-noo siya. Akmang magsasalita siya, dahil nakita ko ang pagbuka ng kaniyang bibig. Subalit, inunahan ko na siya.
"Pero, syempre kailangan natin makausap si Vince. Kailangan natin ipaliwanag sa kaniya ito. Hindi ko alam kung paano natin ipapaliwanag sa kaniya." ani ko at napakamot sa batok. Tumawa siya sa ginawa ko.
"Ako na ang bahala, kakausapin ko siya bukas. Kapag pumunta ako sa kanila. Sana, maging maayos ang pag-uusap namin." aniya.
Tumango-tango ako sa sinabi niya. Siguro naman, hindi maiintindihan ni Vince iyon, kung kinakailangan niya ang paliwanag ko. Handa akong magpaliwanag. Bigla kong naalala ang tray na may lamang hapunan. Kinuha ko iyon at inilapag sa mesang pabilog na katamtamang ang laki na nasa sulok ng kwarto.
"Kain na tayo, tiyak na nagugutom ka na." ani ko at isa-isang inalis sa tray ang laman niyon.
"Hindi ko akalain na dadalhan mo ako ng pagkain rito sa taas." ani Jasmine at umupo sa upuan.
Kinuha ko ang upuan kung saan ko ipinatong kanina ang tray at itinabi iyon kay Jasmine. Akmang maglalagay siya ng kanin sa plato, nang pigilan ko siya. Napatingin siya sakin.
"Bakit?" tanong niya.
"Ako na." ani ko at kinindatan siya. Napakagat-labi siya, mukhang pinipigilan niya ang sarili na mapangiti.
"Okay." aniya at ibinigay sakin ang bowl na may lamang kanin.
Nang matapos ko siyang lagyan ng kanin, isinunod ko maman ang ulam. Habang kumakain, nagkwentuhan kami. Binalikan namin ang aming nakaraan, ikwenento rin niya sa akin ang naging buhay-estudyante niya sa France. Nalaman ko na wala siyang naging kasintahan roon.
"Wala talaga? Pero may mga nanligaw?" tanong ko.
"Oo, marami kaso tutok ako sa pag-aaral at syempre mahal parin kita nun at hindi naman kita nakalimutan. Ikaw nga diyan e, ang dami mo na naging kasintahan." aniya na nakasimangot.
Napangiti ako sa inasal niya. Ngayon ko lang ulit naranasan ang pagiging selosa niya, isang beses lang siya magselos noong nasa kolehiyo kami at hindi pa naghihiwalay. At yun ang naging daan para ipagtapat namin ang narardaman namin para sa isa't-isa.
Yun yung nakita niya ako na may kasamang babae, na pinsan ko. Ipapakilala ko siya kay Ate Zia kapag may pagkakataon. Siguradong magugulat siya, dahil hindi ko sinabi noon na pinsan ko si Ate Zia.
"Madami nga pero wala naman akong seneryuso. Ikaw lang ang kaya kong seryusohin, Jasmine." ani ko. Tiningnan niya ako na magkasubong ang kilay.
"So, hindi mo seneryuso si Beatriz?" tanong niya.
"Seneryuso ko siya, pero ikaw ang seneryuso ko ng sobra-sobra. Yun bang plinano ko na ang hinaharap kasama ka." ani mo habang titig na titig sa kaniya. Napatitig siya sakin. Hindi siya nakapagsalita. Nagpatuloy ako.
"Masaya ako ngayon, dahil ayos na tayo. Nagbunga lahat ng ginawa kong panunuyo sayo. Anuman ang mga nangyari ng nakaraan, kalimutan na natin Jasmine. Magsimula ulit tayo ng panibago." ani ko habang nagkatitigan kami.
Bumaba ang tingin ko sa kaniyang labi na kaypupula na kaysarap halikan. Sa isang iglap lang, pinagdikit ko ang aming labi at hinalikan siya ng mapusok na kaagad naman niyang tinugon.