Chapter 27 The Ex-Girlfriend
Jasmine'sPOV
Gumising ako na maayos na ang pakiramdam. Salamat sa gamot na ipinainom ni Jarred kagabi kaya magaan na ang pakirdam ko ngayon. Pagkatapos kong kumain kagabi, pinagpahinga niya na ako. Ipinakilala niya sakin si Ate Tess na pansamantalang papalit sa akin. Baka bukas pwede na ako magtrabaho.
Lumabas ako ng kwarto, saktong papalabas din si Jarred sa kwarto niya. Nagtama ang aming mga paningin at nginitian ako. Pinanatili ko na hindi nakangiti, ayaw kong madala sa ngiti niya dahil sinusubukan ko ang sarili ko na kalimutan siya. Lumapit siya sakin. Nang makalapit siya, sinalat niya ang aking noo.
"Hindi ka na gaanong mainit. Kamusta ang pakiramdam mo? Bumuti ba?" nag-aalala niyang tanong. Tumango ako.
"Oo, salamat sa gamot na ipinainom mo sakin kagabi. Sige, pupunta lang ako sa kusina." paalam ko sa kaniya. Hindi ko na hinintay ang sasabihin niya. Tumalikod ako at naglakad patungo sa hagdan. Nakakailang hakbang ako nang magsalita siya.
"Jasmine. Uuwi ako mamaya, dito ako mananghalalian para masamahan kita." aniya. Napatigil ako sa paglakad at nilingon siya at tipid na ngumiti.
"Sige Jarred. Mag-iingat ka sa pagpasok." ani ko.
Nakatitig lang siya sa akin na naging dahilan ng pagbilis ng tibok nang aking puso. Kaya para mawala iyon, ipinagpatuloy ko ang paglakad hanggang sa makarating ako sa kusina. Nadatnan ko si Ate Tessa na naglalampaso sa sahig.
"Magandang umaga po Ate Tess!" masiglang bati ko sa kaniya. Mula sa ginagawa nag-angat siya ng tingin at tumayo.
"Oh, Jasmine! Magandang umaga rin. Kamusta ka na? Ayos na ba ang pakiramdam mo?" tanong niya sa akin. Ngumiti ako sa kaniya.
"Opo, ayos na po pakiramdam ko. Salamat sa gamot na ipinainom sa akin ni Jarred, sobrang mabisa." ani ko. Hindi ko maiwasang mapangiti nang maalala ang pag-aasikaso niya kagabi. Sh*t! Ganun pala mag-alaga ang isang Jarred Racqueza. Kung hindi ko lang pinipigilan ang sarili ko, baka nadala na naman ako sa ka-sweetan niya. Naghugas siya ng kamay.
"Mabuti naman. Halika! Kain na tayo, hindi pa kasi ako kumain eh. Hinintay talaga kita para makasabay kita. Niyaya ako kanina ni Sir Jarred, kaso tumanggi ako. Medyo nahihiya kasi ako sa kaniya." aniya na may kasamang pagtawa.
Napatango-tango ako. Lumapit ako sa mesa at binuksan ang food cover. May dalawang pritong itlog, bacon at ham. Tinungo ko ang Disk Rack at kumuha ng plato. Naglapag na si Ate Tessa ng kanin sa mesa. Hindi mahirap pakisamahan si Ate Tessa, mabait siya at masayang kausap. Nang mailapag ko ang plato. Nagkanya-kaniya na kami ng upo at paglagay ng pagkain sa plato. Tahimik lang laming kumakain. Patapos na kaming kumain nang magsalita siya.
"Tutal patapos na tayo, magkwekwento ako sayo. Alam mo ba na sobrang bait niyang si Sir Jarred?" tanong niya sakin.
Ano ba isasagot ko? Eh hindi naging maganda ang pakikitungo niya sa akin noong mga unang araw ko dito. Nitong mga nakaraang araw, bigla nalang siya nagbago. Kahit ganun pa man. Paninindigan ko pa rin ang sinabi ko na kakalimutan ko na siya at susubukang magmahal ng iba.
"Ahm. Opo, mabait po siya Ate Tess. Kasi kung hindi siya mabait, hindi niya ako aalagaan." ani ko.
Totoo yun. May mga ibang boss, na hahayaan ka nalang lalo at hindi ka na bata. Dapat ikaw mismo ang mag-alaga sa sarili mo. O baka naman inasikaso niya ako dahil sa may nakaraan kami? Pero bakit nagiging mabait na si Jarred? Nagsisisi ba siya sa mga ginawa niya sa akin? At ngayon, yun ang paraan niya ng paghingi ng paumanhin?
"Oo, noong panahon na kailangan kong umalis sa trabaho dahil may sakit ang asawa ko at wala kaming source of income. Binigyan niya ako ng pagkakakitaan. Pinatayuan niya ako ng mini-grocery. Diba? Sinong Boss ang gagawa nun? Siya lang. Kaya malaki ang utang na loob ko sa binatang iyon." aniya at tinapos na ang pagkain.
Tapos na rin akong kumain kaya niligpit na niya ang pinagkainan namin. Nagulat ako sa sinabi niya. Ginawa iyon ni Jarred? Hindi ko akalain na may pusong mamon pala si Jarred. Sabagay, hindi ko naramdaman yun noong una dahil pinapahirapan niya ako sa mga gawaing-bahay. Pero ngayon, ramdam ko ang kabaitan niya.
"Mabait naman po talaga siya Ate Tess. At hindi siya nakakalimot kung sino siya noon." ani ko at tiningnan si Ate Tess na ngayon ay naghuhugas na ng pinggan habang nakasandal ako sa refrigerator at nakaharap sa kaniya.
"Totoo yan. Alam mo ba minsan naikwento niya sakin na naging inspirasyon niya ang ex-girlfriend niya noong college daw siya, kung bakit siya nagsikap. I think, mahal pa rin niya hanggang ngayon yung babae." aniya na parang kinikilig. Sh*t! Ako ba ang tinutukoy niya o baka ibang ex-girlfriend niya.
"Ano pong pangalan nang babae, Ate?" curious kong tanong na medyo kinakabahan. Nabanggit ba ako ni Jarred kay Ate Tess?
"Ahm. Hindi niya binanggit eh. Ayaw ko naman magtanong nakakahiya." aniya at isinalasansan na ang mga plato at iba pang kitchen utensils sa Disk Rack. Nakahinga ako ng maluwag dahil sa sagot niya. Mabuti nalang.
"Sigurado ka po ba na hindi pa na mahal pa rin niya ang ex niya?" tanong ko.
"Oo. Kitang-kita sa kaniyang mga mata ang pagmamahal niya sa babae. Nakita ko yung pananabik sa kaniyang mga mata, na makita muli ang babae. Maswerte ang babae kung nakatulugan niya si Sir dahil wala na siyang hahanapin pa kay Sir Jarred. Na kay Sir na ang mga katangian na hinahanap ng isang babae at maibibigay pa niya lahat ng mga pangangailangan niya." anito.
Kung ako ang tinutukoy ni Ate Tess. Imposible! Ramdam ko kung paano niya ako itrato, at hindi yun pagmamahal at pananabik. O baka naman hindi ako ang ex-girlfriend ni Jarred na binabanggit niya?
Dalawang taon din akong walang balita sa kaniya sa Unibersidad na kung saan ako nag-aral ng halos dalawang taon. Bakit parang nakaramdam ako ng kirot sa puso sa isiping iyon? Marahan akong napabuntong-hininga para pakalmahin ang sarili.
Jarred'sPOV
Pagkatapos kong pulungin ang mga Board of Directors ng kompanya. Tiningnan ko ang relong-pambisig para alamin kung anong oras na. Nang mapansing malapit na pumatak sa 12 ang maliit na kamay ng relo. Tumayo ako mula sa pagkakaupo at naglakad palabas ng Conference Room.
Tinungo ko ang elevator para ihatid ako sa lobby ng gusali. Ginamit ko ang sariling elevator para makarating agad ako sa lobby. Agad akong lumabas ng elevator nang huminto iyon. Dali-dali along lumabas ng gusali at hindi pinansin ang mga bati ng mga empleyado na nakakasalubong ko.
Sumakay ako sa Ferrari F8 Tributo at tinahak ang daan pabalik sa mansiyon. Hindi ko maiwasang makaramdam ng excitement habang pauwi. Sa wakas makakasabay ko si Jasmine sa pananghalian na ni minsan hindi pa namin nagawa.
Alam ko nang mga sandaling iyon, galit sakin si Jasmine. Sino ba naman ang hindi? Nang dahil sakin naranasan niya ang mga bagay na hindi pa niya naranasan sa tanang buhay niya. Oo nagsisisi ako, pero may magagawa pa ba ako? Nangyari na eh. Ang kailangan nalang ay bumawi ako sa kaniya.
Paano kung maging sila ni Vince Khael? Anong gagawin mo? Tanong nang aking isipan. Ano nga ba? Wala akong karapatan na hadlangan si Jasmine na makipagrelasyon kay Vince, it's her choice.
Pero nasasaktan ako, dahil kung saan napagtanto ko na mahal ko pa si Jasmine. Iyon naman ang pagkakataon na hindi na siya mapapasakin. Pero hindi ako papayag na mapunta si Jasmine sa iba. I'm his first, and I'm intended to be her last.
NANG MARATING ko ang mansiyon. Ipinark ko ang sasakyan sa garahe at dagli akong lumabas ng sasakyan tsaka tinungo ang front door. Gamit ang spare key, binuksan ko ang front door ng bahay. Nakarinig ako ng tawanan sa kusina. Napangiti ako, mukhang nagkapalagayan na ng loob sina Ate Tessa at Jasmine. Sabagay, hindi naman mahirap pakisamahan si Ate Tessa.
Tinungo ko ang kusina at nakita silang dalawa na abala sa paghahain sa mesa habang nagkwekwentuhan. Tumikhim ako para kunin ang kanilang atensiyon. Agad silang bumaling sa kinaroroonan ko.
"Ikaw na pala yan Sir Jarred! Saktong-sakto ang pagdating mo."—hinagod niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa.—"Grabe Sir, mas lalo kang gwumapo sa suot mo." aniya. Ngumiti ako sa kaniya tsaka binalingan si Jasmine na nakatingin pala sakin. Ngumiti ako sa kaniya at ginantihan niya ako ng isang matamis na ngiti.
"Good Afternoon, Jarred. Tara kain na!" aya niya sakin. Tumango ako.
"Magbibihis lang ako. Dapat pababa ko handa na ang pananghalian." biro ko na ikinatawa naman ni Ate Tessa.
"Oo naman Sir." aniya.
Hindi ko maiwasang mapatitig kay Jasmine. Habang tumatagal, mas lalo siyang gumaganda sa aking paningin. Tumalikod na ako at humakbang palabas ng kusina. Hindi ko na matagalan ang pagkakatitig sa kaniyang mga mata dahil pakiramdam ko mamumula ang aking pisngi. Nang nasa pintuan na ako napatigil ako nang magsalita si Jasmine.
"Salamat Jarred sa pag-aasikaso sakin kagabi. Sana, isang araw. Makabawi ako sayo." aniya.
Hindi ko maiwasang mapangiti at maramdaman ang mabilis na pagtibok nang aking puso dahil sa sinabi niya. Ang sarap sa pakiramdam na pinasasalamatan ka ng isang tao na ginawan ka ng mabuti. Pero, iba ang epekto ni Jasmine sakin. Para akong kakapusin ng hininga. Kinalma ko muna ang sarili ko tsaka siya nilingon.
"Ayos lang yun. Ako ang Boss mo, at habang nasa poder kita. Responsibilidad kita." ani ko at muling ngumiti.
Tsaka tuluyang lumabas ng kusina at tinungo ang pangalawang palapag. Pagkatapos magbihis, lumabas ako ng kwarto at bumaba ng hagdan. Nang malapit na ako sa kusina biglang nag-ring ang doorbell.
Sino naman kaya ang bibisita sa bahay? Parang nahihinuha ko na kung sino ang taong nasa labas. Agad kong tinungo ang front door at binuksan ang pintuan. At hindi ako nagkamali ng mapagsino kung sino ang nasa labas.
"Vince." ani ko. Bumaba ang tingin ko sa dala niyang boquet na bulaklak. Hindi ko maiwasang makaramdam ng inis sa nakita. May balak na talaga siyang ligawan si Jasmine.
"Jarred, dadalawin ko lang sana si Jasmine." aniya. Tumango ako at niluwangan ang pagkakabukas ng pintuan.
"Pasok ka. Nasa kusina siya, naghahanda ng pananghalian. Don't worry, nandito si Ate Tessa, siya muna ang gumagawa sa mga gawaing-bahay para hindi mabinat si Jasmine." ani ko.
Pinigilan ko ang sarili na gumalaw ang panga dahil sa sobrang inis na nararamdaman. Pero lalaban ako ng patas, sisiguraduhin ko na sakin mapupunta si Jasmine. By hook or by crock! Hindi niya pinansin ang sinabi ko nakatutok ang paningin niya sa unahan. Out of curiosity, dumako ang paningin ko sa direksyon ng kaniyang mata. Si Jasmine, nakatayo di kalayuan samin.
"Jasmine." aniya.
Bumalik ang tingin ko kay Vince. Tinitigan ko siyang mabuti, kitang-kita ko sa kaniyang mga mata ang sinseridad at pagmamahal para kay Jasmine. Lalaki ako kaya alam ko. Lumapit si Jasmine samin.
"Khael. Anong ginagawa mo dito?" tanong ni Jasmine at tiningnan ako tsaka ibinalik ang tingin kay Vince.
"Binibisita ka. Ayaw mo ba?"—ibinigay niya ang boquet ng bulaklak kay Jasmine na tinanggap naman ni Jasmine—"Kamusta ka na? Ayos ka na ba?" tanong ni Vince.
Hindi ko makayanan ang nakikita ko, kaya iniwan ko sila at tinungo ang kusina. Tapos na nilang ihanda ang pananghalian. Nasasaktan ako. Bakit sa dinami-dami ng magiging karibal ko, kaibigan ko pa? Ang hirap tuloy ilabas ang magalit.
"Sir Jarred, ayos ka lang?" tanong sakin ni Ate Tessa, na pumutol sa paglalayag ng aking isipan. Tiningnan ko siya at nginitian.
"Ayos lang ako Ate. Nandito pala si Vince. Dito siya manananghalian. Maghanda ka pa ng isang plato." ani ko.
"Mabuti naman po at napadalaw siya dito Sir. Siguro namimiss ka na niya." aniya.
Ngiti lang ang tinugon ko sa kaniya. Naghanda na si Ate Tessa ng isa pang plato. Biglang bumukas ang pintuan at pumasok doon sina Jasmine at Vince. Nagkatitigan kami ni Jasmine. Bakit wala akong mabasang emosyon sa aniyang mga mata?
"Jarred, niyaya ko na siya Vince na dito mananghalian. Ayos lang ba?" tanong niya. Gustuhin ko mang tumanggi, may magagawa pa ba ako?
"Sure. Ayos lang Jasmine." ani ko at binigyan siya ng matamis na ngiti.