Chapter 26 Rivalry
Jarred'sPOV
Ito ang ayaw ko sa lahat. Konokontrol ako sa mga bagay-bagay. Pagod na rin ako kakaintindi sa ugali ni Beatriz. Mas maganda na rin na maghiwalay kami para walang maging hadlang kung sakali gusto ko na makipag-ayos kay Jasmine. Natigilan si Beatriz sa sinabi ko.
"You're breaking up with me just because of that? Or you're breaking up with me just because of Jasmine?" ani Beatriz sabay tingin kay Jasmine. Tiningnan ko si Jasmine. Natigilan siya sa sinabi ni Beatriz.
"Can I excuse myself?" tanong ni Jasmine. Mukhang ayaw niya makinig sa sagutan naming dalawa. Lumabas na siya sa dining area. Bumalik ang tingin ko kay Beatriz pagkalabas ni Jasmine ng dining area.
"Itigil na natin ito Beatriz. Pagod na ako kakaintindi sa ugali mo, hindi ka naman ganiyan dati diba? Hindi na ako masaya sa relasyon natin. Nakakapagod na. Ito na ang huli naging pagkikita. Umalis ka na Beatriz." ani ko at tinitigan siya ng masama. Tumulo ang luha sa kaniyang mga mata.
"Sisiguraduhin ko na babalikan mo ako Jarred! Hahayaan ko itong ginawa mong pakikipaghiwalay, pero sisiguraduhin ko na makikipagbalikan ka rin sakin! Ako lang ang nakakapagbigay sayo ng satisfaction pagdating sa kama. Kaya bang ibigay yun sayo ni Jasmine? Parang nene! Baka nga nakuha na siya ni Vince, second— Nagtagis ang mga bagang ko dahil sa sinabi niya. Kaya pinutol ko na ang iba pa niyang sasabihin.
"Stop it! Huwag kang mandamay ng kung sino Beatriz! Huwag kang magsasalita ng masama sa kapwa mo lalo't hindi mo pa siya lubos na kilala. Umalis ka na, Beatriz. Tapos na tayo. Wala nang balikang magaganap." ani ko.
"Hindi ko akalain na pipiliin mo si Jasmine kaysa sa akin Jarred!" sigaw niya habangbtumutulo ang luha sa kaniyqng mata pababa sa kaniyang pisngi.
"Wala akong pinipili. Nakikipaghiwalay ako dahil yun ang gusto ko, Beatriz. Umalis ka na, Beatriz." ani ko. But, it was a lie. Nakikipaghiwalay ako dahil kay Jasmine, pero hindi ko iyon sasabihin. Ayaw kong gumawa ng dahilan si Beatriz na awayin si Jasmine.
Nagpapadyak siya na umalis sa dining area. Napabuga ako ng marahas na hininga. Huwag lang gagawa ng eskandalo si Beatriz o di kaya ay awayin si Jasmine. Ako ang mkakalaban niya. Lumabas ako at umakyat sa hagdan.
Nang nasa pangalawang palapag na ako, biglang lumabas ng kwarto si Jasmine. Nagkatinginan kami. Naglakad siya palapit sa kinaroroonan ko. Pero nakakailang hakbang pa lang siya ng napahawak siya sa semento. F*ck! Agad ko siyang nilapitan at inalalayan.
"Ayos ka lang Jas? Ahm. I mean Jasmine." tanong ko sa kaniya. Jas kasi ang palayaw ko sa kaniya noong nasa kolehiyo kami. Tiningala niya ako.
"Nahihilo kasi ako. Kukuha sana ako ng isang basong tubig." aniya. Tiningnan ko siyang mabuti, namumutla siya. Tiyak na hindi pa maayos ang pakiramdam niya.
"Ako na ang kukuha. Baka mamaya mahilo ka kapag nasa hagdan ka. Baka mapano ka." ani ko. Nagyuko siya ng ulo.
"Pasensya na, Jarred. Dapat hindi niyo ako inaasikaso ng ganito dahil ikaw po ang boss ko." aniya na parang nahihiya. Huminga ako ng malalim tsaka siya pinangko. Napatili siya dahil sa ginawa ko.
"Jarred ibaba mo ako!" hiyaw niya. Subalit, hindi ko siya pinakinggan. Pangko-pangko siya na nagtungo ako sa kaniyang kwarto. Inihiga ko siya sa kama niya.
"There. Huwag ka na babangon para hindi ka mahilo. You need some rest." ani ko.
"Salamat Jarred." aniya na hindi tumitingin sa akin, pero namumula ang kaniyang mukha. Nagblu-blush ba siya? F*ck! Bakit ba masaya ako sa kaalaman na ako ang dahilan ng pamumula ng kaniyang pisngi? Nagtatalon ang puso ko dahil sa saya.
"Hintayin mo ako dito, kukuha lang ako ng tubig." ani ko. Nag-angat siya ng tingin sakin at nginitian ako. A genuine smile.
"Salamat Jarred. Kapag maayos na ako. Babawi ako sa mga gawaing-bahay. Para kahit papaano—
"Huwag mong isipin ang mga gawaing bahay. Ang isipin mo magpagaling ka. Tatawagan ko nalang si Ate Tessa para siya muna ang gumawa ng mga gawaing-bahay. Magpalakas ka, dahil tiyak na mapapalaban ka niyan." ani ko na nakangiti at tumalikod na para lumabas ng kaniyang kwarto.
BINUKSAN ko ang pintuan ng kwarto ni Jasmine dala-dala ang isang basong tubig. Nang makapasok ako, natutulog na siya. Itinabi ko ang baso sa bedside table at tinitigan si Jasmine. Napakaamo ng kaniyang mukha na kaysarap pagmasdan.
Ngayon ko napagtanto na gusto ko siyang bumalik sa akin dahil sa kaalamang ayaw ko siyang mapunta sa iba. Huminga ako ng malalim. Ang gusto ko lang gawin kung bakit ko siya gusto maging katulong ay dahil sa gusto kong maranasan niya ang sakit na naranasan ko noong iniwan niya ako ng walang paalam. Ano ba talaga ang rason kung bakit umalis siya ng walang paalam?
Naudlot ang aking pag-iisip ng tumunog ang cellphone ni Jasmine na nasa vanity mirror. Kinuha ko iyon, baka biglang magising si Jasmine. Pinindot ko ang silent botton, pero nagulat ako ng si Vince ang tumatawag. Ano naman kaya ang kailangan niya? Naalala ko bigla ang ginawa niya kanina kay Jasmine. F*ck! I'm fucking jealous!
Ayaw ko man makielam pero sa di malamang kadahilanan, sinagot ko ang tawag.
"Jasmine! Katatapos lang ng meeting. Kamusta?" aniya. Mababanaag sa boses niya ang pag-aalala.
"Si Jarred ito. Nandito—
"Bakit mo hawak ang cellphone ni Jasmine, Jarred?" sarkasmong tanong niya. Hindi ko akalain na isang araw pagseselosan ko si Vince! This is ridicolous!
"Nandito ako sa kwarto niya. Natutulog na siya. Don't worry she's okay and she will be fine." ani ko. Ayaw kong mag-isip siya ng hindi maganda para kay Jasmine.
"Anong nangyari sa kaniya?" tanong niya. Ayaw ko man sabihin ang totoo pero kailangan, baka magtanong din siya kay Jasmine. Gusto kong lumaban ng patas.
"Nahilo siya kanina—
Pinatay na niya ang tawag. Napahigpit ang hawak ko sa cellphone. Bastusan lang? F*ck! Naiirita ako. Lumabas ako ng kwarto at tinungo ang sariling kwarto. Kinuha ko ang cellphone na nasa cabinet at tinawagan si Ate Tessa. Ilang ring lang ay sinagot na niya ang tawag.
"Yes. Sir Jarred?" tanong niya. Si Ate Tessa ay pansamantalang naging kasambahay ko noong inaasikaso ko ang mga dapat gawin para sakin magtrabaho si Jasmine. Ngayon, binigyan ko siya ng mapagkakakitaan. Pinagpatayo ko siya ng sari-sari store.
"Okay lang ba Ate Tessa, kung ikaw muna ang gagawa ng gawaing-bahay. Ngayon at hanggang bukas. Depende po kapag ayos na po ang pakiramdam ng kasambahay ko." ani ko.
"Oo naman po Sir! Walang problema po sakin iyon! Pupunta na po ako ngayon, ipapasuyo ko nalang sa kapatid ko ang tindahan." aniya sa masiglang tinig.
"Salamat Ate Tessa. Hintayin po kita." ani ko at pinatay na ang tawag. Ibabalik ko sana sa cabinet ang cellphone ng makarecieve ako ng voice mail galing kay Beatriz. Out of curiosity, I open it.
(Note : slanting) Sisiguraduhin ko na Babalikan mo ako Jarred! Hindi ako papayag na sa ganun lang magtatapos ang relasyon natin! I swear!
Napabuntong-hininga ako at ibinalik sa cabinet ang cellphone. Ito na nga ba ang sinasabi ko eh. Ayaw niya tumanggap ng break-up, noong minsang binalak ko makipaghiwalay sa kaniya. Nagtungo siya sa opisina para lang suyuin ako and I gave her another chance. Pero nakakapagod na at nakakasakal. Hindi ko nalang pinansin ang sinabi niya.
Bigla ako nakarinig ng pagtunog ng doorbell. Dahil sa isiping si Ate Tessa na iyon. Lumabas ako ng kwarto at tinungo ang front door. Binuksan ko iyon at nagulat ako nang mapagsino kung sino ang taong nasa labas. Walang iba kundi si Vince. Si Jasmine ba ang sadya niya?
"Bro. May nakalimutan ka ba?" tanong ko. Nakatitig lang siya sa akin. Yung titig na nakakamatay. Patungkol na naman siguro ito kay Jasmine.
"Bibisitahin ko si Jasmine, Jarred." aniya.
"Ayos lang siya Vince. Umuwi ka na. Magiging maayos din ang lagay niya. Kailangan lang niya ng mahabang pahinga." ani ko para kumalma siya.
Niluwangan ko ang pagkakabukas ng pintuan para makapasok siya. Kahit medyo naiinis ako sa kaniya, kailangan ko maging hospitable. Pumasok siya pero hindi nag-abalang umupo. Tinitigan niya ako at nakipagtitigan rin ako sa kaniya.
"May problema ba Vince?" tanong ko.
"Ikaw ang problema ko Jarred. Hindi sana mangyayari yun kay Jasmine kung maayos ang pakikitungo mo. Diba? Hindi man sabihin sakin ni Jasmine, ramdam ko na ganun ang trato mo. Ano ba ang dahilan kung bakit mo siya ini-hire na katulong mo kung kaya naman niya magkaroon ng magandang trabaho o kaya ay sa kompanya nila siya magtrabaho diba?" aniya na nagtatagis ang bagang.
Hindi ko maiwasang mainis sa inaakto niya. Ano ang karapatan niya na tanungin sakin ang bagay na yun? He's in my house! Sinalubong ko ang matiim niyang titig sakin.
"Baka nakakalimutan mo Vince nasa pamamahay kita. Kaya dahan-dahan ka sa pananalita mo." ani ko. Oo at magkaibigan kami, pero hindi yun dahilan para hindi ko patulan ang mga sinabi niya.
"Alam ko Jarred na nasa pamamahay mo ako, hindi ko nakakalimutan yun. Maayos ang mga taking ko sayo. Hindi kita pipilitin na sagutin ang mga tanong ko. Tiyak na malalaman ko rin iyon. Kapag nalaman ang dahilan Jarred, sisiguraduhin ko na kukunin ko si Jasmine sayo." aniya at tumalikod na at naglakad patungo sa pintuan. Tumawa ako ng mahina.
"Handa ka talagang kalimutan ang pagkakaibigan natin nuh para kay Jasmine? Ganun mo ba talaga siya kung pahalagahan?" tanong ko. Pakiramdam ko may pumipiga sa puso ko dahil sa mga sinabi ko. Noon, wala akong kaagaw sa atensiyon ni Jasmine. Pero ngayon meron na. Tumigil siya sa may pintuan.
"Hindi ko nakakalimutan na magkaibigan tayo, Jarred. Pero ibang kaso si Jasmine. Why? Because she is special for me."—lumingin siya sakin.—"Sana nasagot ko mga tanong mo." tanong niya at tuluyan nang lumabas ng bahay.