Chapter 6 Justice

" Ito na yong rest house, Boss, " sabi ni Kirk, pagkahinto nila sa isang beach resort. Bumaba naman sina Nam at Sam sa kotse.

" Are you sure they hid Andrew here? Sa pagkakaalam ko kasi pagmamay-ari ito ng mga Tadamasa, " sabi ni Sam, pagkatapos ay inilibot ang paningin sa buong paligid.

" Hindi ako pwedeng magkamali. I remember it was aired in TV news the other day, " dugtong pa na sabi ni Sam.

" Ibig sabihin ba nito, nagsasabwatan ang dalawang pamilya sa krimeng ginawa ni Andrew? " tanong ni Nam.

" Maybe, we're not sure about that. Mas makabubuti kung ang Tadamasa family ang mismong tatanungin ko pero sa ngayon hayaan na muna natin to, ang mahalaga ay makuha natin si Andrew. " Tumango na lang sina Kirk at Nam sa sinabi ni Sam bilang sagot.

" Give me your gun, Nam, " utos ni Sam kay Nam.

" Don't you have your own gun? Every time we have an operation, you grab my gun, " sagot ni Nam.

" Ang dami mo pang sinasabi, ibigay mo na lang, " sabi ni Sam. Hindi na n'ya hinintay na iabot sa kanya ang baril, hinablot n'ya na lang ito sa tagilirian ni Nam.

Naunang pumasok si Sam sa main entrance ng resort habang hawak ang baril na nilalaro-laro pa n'ya. Kampante lang s'ya at walang anumang reaksyon na makikita sa mukha n'ya.

Pagdating sa mga bantay ay bigla n'ya na lang sinipa ang isa sa mga security guard na nasa main entrance. Tumalsik ito sa sahig dahil sa lakas ng sipa.

Itinaas ni Sam ang hawak na baril at pinaputok ng sunod-sunod.

" Nasaan si Andrew? Ilabas n'yo! " sigaw ni Sam. Dahil sa mga putok ng baril ay nataranta ang lahat ng mga tao sa loob. Kilala pa naman ang beach na ito, pinupuntahan ng maraming mga turista at ginagawang bakasyunan kaya naman nang marinig ang mga putok ng baril ay nagkagulo ang mga tao sa loob. Ang mga staffs naman ng beach resort ay pilit pinapakalma si Sam.

" Ms. Sam, parang awa mo na po huwag kang gumawa ng gulo dito. Natatakot na ang mga guess namin, " awat ng isang staff kay Sam. Medyo kumalma naman si Sam dahil nakikita n'ya ang bakas ng takot sa mukha ng mga kasamahan ng umaawat sa kanya. Lahat kasi sila ay nakapalibot na sa kanya.

" Where is your manager? I have something to say. "

" Y-yes po, Ms. Sam. T-tatawagin ko na po si Sir. "

" Tell him, he should be in front of me in two minutes. I don't want to be kept waiting. "

" O-opo Ms. Sam, " sagot ng isang staff na kausap n'ya, pagkatapos ay mabilis na itong tumakbo paalis.

Sila Sam, Kirk at Captain Nam naman ay dinala muna ng ibang staffs sa tanggapan ng mga bisita. Binigyan muna sila ng pineapple juice habang naghihintay sa manager, ngunit hindi naman ito ininom ni Sam dahil wala s'yang hilig dito.

" The time is u- "

" Ms. Sam! "

Naputol ang sasabihin sana ni Sam nang biglang bumukas ang pinto. Pumasok ang isang lalaki na may salamin sa mata, mataas ang grado nito at pawis na pawis dahil sa pagtakbo. Medyo may katandaan na rin ito.

" Ikaw ba 'yong manager? "

" 0-oo, ako nga. "

" Fix yourself first before you sit in front of me. "

Mabilis namang nagpunas ng pawis ang manager at inayos ang sarili n'ya bago s'ya naupo sa katapat na upuan. Sa gitna nila ay may lamesang babasagin.

"I will direct to the point, I want to tell you and I know that you also have an idea why I'm here. "

Umayos ng pagkakaupo si Sam, naka-cross legs s'ya at naka-cross arms.

" Ibigay mo sa akin si Andrew, kung ayaw mong magkagulo rito sa resort. Hindi ako nakikiusap sa'yo, inuutusan kita, " mariing sabi ni Sam. Habang sina Kirk at Capt. Nam ay nakikinig lang, nasa isang sulok lamang sila.

" P-pero Ms. Sam, w-wala rito si Andrew. Hindi naman s'ya nagpupunta rito. "

" Sa tingin mo ba sasayangin ko ang oras ko na magpunta sa lugar na ito na hindi sigurado kung nandito nga ba ang hinahanap ko? "

" P-pero- "

" Sshhhhh, " pigil ni Sam sa sasabihin n'ya. Tinakpan pa n'ya ang bibig n'ya upang ipakita na tumahimik s'ya.

Itinaas ni Sam ang tatlong daliri n'ya at inumpisahan na magbilang.

" Isa... "

" Ms. Sam, baka po anong-"

" Dalawa! "

" Paano kapag- "

" Tat- "

" Oo! Dito nila dinala si Andrew! " malakas na sigaw ng manager na natataranta na dahil sa kaba at takot.

" Nasan si Andrew? "

" N-nasa VIP room. "

Sumenyas si Sam kila Kirk at Nam pagkatapos ay lumabas na sila. Naiwan naman ang manager na tulala. Sigurado kasi s'yang matatanggal s'ya sa trabaho. Kabilin-bilinan pa naman na kahit anong mangyari ay huwag s'yang aamin na dito itinago si Andrew. Nakakatakot ang pamilya ni Andrew ngunit mas natakot s'ya kay Sam, para kasing may kapangyarihan itong mapaamin ang lahat sa loob lamang ng tatlong segundo.

*****

" Ano ba! Sino ba kayo! " sigaw ni Andrew, sapilitan kasi s'yang kinuha nina Kirk at Nam. Itinali nila pagkatapos ay piniringan ang mata upang di n'ya makita ang daan. Isinakay s'ya sa kotse nilang dala at dinala sa bodega sa bahay ni Sam. Sa likurang bahagi kasi ng bahay n'ya ay may bodega.

" Tanggalin n'yo na ang piring n'ya sa mata, " utos ni Sam.

" S-sam... " gulat na gulat na sabi ni Andrew.

" Why do you all react like that every time you see me? I'm not a demon to scare you like that, " sabi ni Sam na pailing-iling pa.

"Ganito na lang, I will give you a fair fight para hindi naman maging unfair sa'yo, " dugtong pa na sabi ni Sam, pagkatapos ay lumapit kay Andrew. Inutusan n'ya sina Kirk at Nam na kalagan ito at pagkatapos ay hayaan s'ya sa gusto nyang gawin. Tumabi naman sa gilid sina Kirk at Nam, naupo sila sa gilid.

" Mukhang magandang laban ito huh, " bulong ni Kirk kay Nam nang makaupo na sila.

" Anong magandang laban d'yan? Mabubugbog lang naman 'yang si Andrew, " sagot ni Nam.

" Anong malay natin, baka naman may ibubuga 'yang si Andrew. "

" Hay naku Kirk, ikaw nga walang laban kay Sam eh, black belter ka pa naman sa taekwondo at champion pa huh ni wala pang nakakatalo sa'yo pero noong naglaban kayo ni Sam ay nabugbog ka lang hahaha. "

" Tsk! Huwag mo na ngang ipaalala Nam, naiinsulto ang buong pagkatao ko, " sabi ni Kirk na napapakamot na lang sa ulo n'ya.

Nag-focus na lang ulit sila sa panonood sa laban nina Sam at Andrew.

" Hindi ba matapang ka? Ilabas mo ang tapang mo ngayon, " sabi ni Sam kay Andrew.

" What do you need from me? Do you know what you're doing is kidnapping? When my parents find out, you might regret it, I'm sure you'll take responsibility for what you did! "

" Ohh, I'm scared, " sagot ni Sam na naka-poker face pa, kaya naman lalong nainis si Andrew.

" If there's anyone to be afraid of, it's your family. Kinunsinti ka na nga sa krimen na ginawa mo pagkatapos ay itinago ka pa, " dugtong pa na sabi ni Sam, dahil sa sinabi n'ya ay nanlaki ang mga mata ni Andrew.

" How did I know? Are you still asking that? I'm Samantha Freen Takahashi. Kaya naman kung ako sayo gagawin ko ang lahat upang makalaban ka sa'kin. At least, you fight eventhough you knew I would just beat you up. "

" Masyado kang mayabang, akala mo kung sino ka! " sigaw ni Andrew, pagkatapos ay sinugod n'ya si Sam.

He gave it all his strength with strong punches and kicks but all of these only hit the air. That's why he was even more annoyed and angry. All the attacks he was doing were only avoided by Sam, which is why Andrew felt his entire being was filled with shame.

He just stopped when he was tired, his strength was exhausted because no matter what punches and kicks he used and even if he used too much force, it still didn't work on Sam. It's just hanging around or just blocking his attacks. That's why he was impressed by Sam's strength eventhough she was a girl.

Now he knows why Sam is feared because she is not just a woman, she is strong and can protect the entire village. Now he no longer wonders why Sam became the leader of Abundant Harvest Village.

" Hanggang dyan lang ba ang kaya mo? Mahina ka naman pala, " sabi ni Sam, sabay binigyan s'ya ng isang malakas na suntok sa sikmura. Pakiramdam ni Andrew ay isususuka na n'ya maging ang bituka n'ya dahil sa lakas ng suntok ni Sam.

Napaluhod s'ya sa sobrang saki, ngunit hindi pa nakunteto si Sam. Sinabunutan s'ya nito pagkatapos ay pinagsusuntok ang mukha n'ya. Hindi na madama ni Andrew, ang sakit parang namamanhid na ang buong katawan n'ya at ano mang oras ay malalagutan na s'ya ng hininga.

Ngunit si Sam hindi pa rin nakuntento. Nangbitawan n'ya si Andrew, bumagsak ito sa sahig na para bang lantang gulay na pero pinagtatadyakan pa rin ito ni Sam.

Tumakbo sina Kirk at Nam papunta kay Sam para awatin na ito. Pumwesto si Kirk sa likod n'ya at hinawakan n'ya si Sam sa magkabilang balikat. Kinakailangan pang yakapin s'ya ni Kirk upang mapigilan lamang s'ya. Samantalang si Nam naman ay pumagitna, tinignan n'ya kaagad ang kalagayan ni Andrew. Nangingisay na kasi ito dahil sa ginawa ni Sam, naliiligo na rin sa sarili n'yang dugo.

" Sam! Tama na, papatayin mo ba si Andrew, " awat ni Nam.

" Kung hindi n'yo ko pinigilan baka nga napatay ko na 'yan, buhay ang kinuha n'ya dapat buhay n'ya rin ang maging kapalit. "

" Hayaan mo na ang batas ang maningil sa kasalanan n'ya. "

" Dapat lang talaga Nam, dahil kung hindi makukulong ang hayop na 'yan mas mabuti pang patayin ko na lang s'ya. "

" Please kumalma ka na Boss, " pagpapakalma ni Kirk kay Sam.

Kinuha ni Sam ang cellphone n'ya, pagkatapos ay kinuhaan ng picture si Andrew.

" Gusto ko ipaskil n'yo sa buong village ang picture na 'to bilang paalala sa lahat ng mga kabataan dito sa atin at upang hindi na rin tularan ng iba pa. "

" Yes, Boss, " sagot ni Kirk.

" Ako ng bahala kay Andrew, Sam. Magpahinga ka na muna, sinisigurado ko sa'yo na makukulong s'ya at pagbabayaran n'ya ang kasalanan na ginawa n'ya, " sabi ni Nam.

" Pati ang mga magulang n'ya ay kailangan rin na managot. Gusto kong manghingi sila ng tawad doon sa pamilya ng magsasaka. Bigyan nila ng hanapbuhay at supply na makakain dahil s'ya lang nagtatrabaho para sa pamilya n'ya. Ngayong patay na ang kaisa-isang nagtatrabaho para sa kanila, obligasyon ng mga Nakahara Mamoru na bigyan sila ng hanapbuhay. "

" Ako na ang bahala doon, " sagot ni Nam. Tumango lang si Sam bilang sagot, pagkatapos ay umalis na s'ya.

*****