Chapter 5
*****Please spare me...*****
Kirk violently pulled Rex up from the bed and covered his face with a blanket. He's only wearing boxer shorts and sando shirt. Rex can't do anything because Kirk was strong and taller than him, he's just a high school student.
Kirk dragged him in front of Sam, sinipa n'ya ito sa binti para mapaluhod.
" Sino ba kayo! " sigaw ni Rex.
Sumenyas naman si Sam na tanggalin ang kumot na nakabalot sa mukha nito na mabilis namang sinunod ni Capt. Nam.
" S-sam... "
Nanlalaki ang mga mata ni Rex habang nakatingin kay Sam.
" A-anong kailangan mo? " dugtong pa na sabi ni Rex, ngunit hindi s'ya pinansin ni Sam. Sumenyas lang ulit s'ya at para bang isang magic word na naintindihan ito nina Kirk at Capt. Nam. Sapilitan nilang iniupo si Rex sa isang upuang bakal at itinali ang mga paa at kamay nito.
Sam stood up to go to the window, she opened the curtain and looked outside.
She left Kirk and captain Nam to take care of Rex, first.
" Tell me where we can find Andrew. Where did they take and hide him? " tanong ni Capt. Nam kay Rex, pagkatapos ay tinutukan ito ng baril.
Mukhang alam na kasi ng Nakahara Mamoru family na hinahanap ni Sam ang anak nilang si Andrew kaya naman ay itinago na nila ito. Si Rex lang ang tanging paraan upang mahanap nila ito, alam ni Sam na hindi ito makakalabas ng village nila dahil pinag-utos na n'yang harangan ito sa bukana pa lamang dahil na i-report na n'ya ito sa mga pulis. Nakapakalawak ng Abundant Harvest Village kaya naman maraming matataguan dito.
" Saan nagtatago si Andrew! " inis na sabi ni Capt. Nam, dahil hindi sila nito iniintindi. Nakangisi lang ito sa kanila.
" Akala n'yo naman may mapapala kayo sa'kin? " sagot ni Rex na para bang nang-iinsulto pa.
" Hindi ako nakikipagbiruan sa'yo, Rex! Sabihin mo na kung saan nila itinago si Andrew! " galit na sabi ni Capt. Nam. Bahagya n'ya pang hinila ang sando na suot nito pataas, ngunit si Rex ay nakangisi pa rin sa kanya.
Samantalang napabuntonghininga naman si Sam habang nakadungaw pa rin s'ya sa bintana. Pakiramdam n'ya kasi nasasayang lang ang oras n'ya kakahintay na magsalita itong si Rex. Kanina pa rin nakatingin si Sam sa katabing lamesa nina Kirk dahil may nakapatong ditong four fingers. Ayaw pa naman n'yang nasasayang ang oras at napipikon na s'ya, hindi n'ya nakokontrol ang emosyon n'ya.
Lumapit s'ya sa lamesa at isinuot ang four fingers sa kamay, tinabig n'ya sina Kirk at Capt. Nam na ikinagulat naman ng dalawa.
Mabilis n'yang binigyan ng isang malakas na suntok sa mukha si Rex na s'ya namang ikinagulat nito. Halos mapasigaw s'ya dahil sa sobrang sakit. Itinaas baba lang ni Sam ang kilay n'ya kay Rex, pagkatapos ay pinalobo ang pisngi gamit ang dila n'ya.
Muling nagbuntonghininga si Sam bago s'ya nagsalita.
" Magsasalita ka ba o hindi? "
" S-sam..." nauutal na sagot ni Rex, dahil duguan na ang mukha n'ya.
" You know that I don't want anyone to waste my time, so speak up! Don't wait me to get angry because you won't like to see it. Ngayon sasabihin mona ba kung saan nila itinago si Andrew! " sigaw ni Sam, sabay suntok ulit sa mukha ni Rex.
" P-please spare me... " pagmamakaawa ni Rex dahil sa sobrang sakit na nararamdaman n'ya. Duguan na kasi ang buong mukha n'ya.
" Are you kidding? Maawa? Did you feel pity while you were torturing and slowly killing an innocent farmer! " sigaw pa rin ni Sam. Hinila n'ya ang sando na suot ni Rex upang mapalapit ito sa kanya pagkatapos ay sinampal-sampal n'ya ng mahina.
" I strictly order that here in the village it is forbidden to use violence and murder, right? " bulong ni Sam sa tenga ni Rex, ang nakakatakot na boses n'ya ay bumalot sa buong katawan ni Rex kaya naman bigla s'yang kinilabutan. Halos pikit na rin kasi ang mata n'ya sa lakas ng suntok ni Sam sa mukha n'ya, tumutulo ang masaganang dugo pababa sa sando n'yang suot.
" Oo pumapatay ako, but the ones I kill are only evil people. That's why if I were you, magsasalita na ako habang itong mga kamay ko ay hindi pa nangangati para patayin ka. I guess you're forgetting that I'm Samantha Freen Takahashi and I'm not afraid of anyone even in your clan because I can put them all down. "
Dahil sa sinabi ni Sam ay bigla s'yang natakot para sa buhay n'ya.
" K-kapag sinabi ko ba kung saan nila tinago si Andrew, hindi mo ba ako papatayin? "
" Depende kung patatapusin mo akong magbilang, kasi kanina pa ako napipikon sa'yo sinasayang mo ang oras ko, " sagot ni Sam, pagkatapos ay itinaas n'ya ang tatlong daliri. Senyales na handa na s'yang magbilang at alam nilang lahat na kapag natapos ang bilang nito na hindi nagsasalita si Rex ay ito na rin ang magiging senyales ng katapusan na ng buhay n'ya.
" Isa! " bilang ni Sam sabay baba ng isang daliri, kaagad namang nataranta si Rex.
" Dalawa- "
" Sa rest house nila! D-doon nila itinago si Andrew, parang awa mo na Sam huwag mo akong papatayin, " halos naiiyak na pagmamakaawa ni Rex.
" Kirk, hanapin mo 'yong rest house kung saan nila dinala si Andrew, " baling ni Sam kay Kirk.
" Yes, Boss. "
" Nam, let's go, " sabi ulit ni Sam, pagkatapos ay lumabas na sila sa apartment.
Si Rex naman ay naiwang takot na takot, naihi pa nga ito sa salawal pagkalabas nila Sam dahil sa sobrang takot na nararamdaman.
Samantala, sa loob ng kotse...
" Ano na, Kirk? Ang tagal mo naman, hanggang ngayon hindi mo pa rin nate-trace kung nasaan ang rest house nila Andrew? " sabi ni Sam kay Kirk, habang nasa loob na sila ng kotse. Si Nam ang driver nila samantalang si Sam naman nakakalumbaba lang habang nakabukas ang bintana at ninanamnam n'ya ang hangin.
Hindi kasi alam ni Rex ang eksaktong lugar kung nasaan ang rest house, maging s'ya kasi ay hindi pa nakakapunta rito.
" Kala ko ba magaling kang hacker? Ilang minuto na ang lumipas, wala pa rin namang nangyayari? " nakangusong dugtong na sabi pa ni Sam habang naka-pout.
" Saglit lang naman, Boss. Nape-pressure ako sa'yo eh, " sabi ni Kirk, pagkatapos ay nag-focus na ulit sa ginagawa n'ya.
" Sam... " sabi ni Capt. Nam.
" Bakit? "
" Kanina parang masyado ka naman yatang naging malupit don sa bata, " sabi ni Nam na ang tinutukoy ay si Rex.
" Dapat lang 'yon sa kanya, habang bata pa kailangan nang disiplinahin para hindi maligaw ng landas. Kapag nakita natin si Andrew, hindi lang gan'on ang mangyayari sa kanya. Sisiguraduhin kong makukulong s'ya para pagbayaran ang kasalanan n'ya at para na rin huwag s'yang tularan ng iba. "
" Sabagay may point ka naman. Kaya lang, parang nasobrahan naman yata ang pagdidisiplina mo. "
" Kung hindi ko yon ginawa hindi s'ya magkakaro'n ng takot, ipagpapatuloy n'ya pa rin ang maling gawain n'ya. Mas mabuti na rin na binugbog ko s'ya at least nagkaro'n s'ya ng takot at itatatak na n'ya sa isip n'ya na hindi na s'ya muling gagawa ng kasamaan. "
" Tama ka naman don, " sang-ayon na lang ni Nam, hindi na s'ya sumagot pa dahil alam n'ya namang hindi s'ya mananalo.