CHPATER 4: Husband

CARAH

“ hindi ko aakalain na mag aasawa ka tapos ung lalaki pamg iyon…. Huhuhuhu” napapailing na lang ako sa ka dramahan niya.

Nasa bahay kami at dumito muna siya kasi wala pa naman sila mama at papa kaya sinamahan niya ako with matching fisbol pero heto may pa dessert siyang drama.

“ pwede ba daisy andrama mo” tinignan niya ako ng masama

“ alam mong sangkaterba ang kayabangan non at nuknukan ng babae na naka pigid sakanya” napa kunot ako ng noo.

“ baliktad ata daisy… nuknukan ng kayabangan tapos sangkaterbang babae” pangtatama ko.

“ ganun parin iyon, carah naman bakit ka kasi nag pakasal sa lalaking---”

“ nagpakasal ka carah?!!!!” napa tingin kami sa may pintuan, si mama at papa.

“ ay tita nag---” magpapaliwanag sana itong si daisy pero sinamaan na agad ng tingin hay naku daisy andami kasing alam.

Ganyan yan si daisy puro drama paaano ba naman member siya ng theater kaya lahat na lang ay ginagawang drama.

“ puntahan natin ngayon ung lalaki” mabilis na ibinaba ni mama at papa ung gamit saka ako hinila, tinignan ko si daisy ng masama.

“ ma teka lang…. Hindi---”

“ manahimik ka!!! Dali na samahan ko kami sa asawa mo!!!” sabi ni mama.

“ ma paano ko kayo sasamahan eh wala---”

“ carah!!” sigaw ni papa, tinignan ko sila.

Paano ko sila sasamahan, hindi ako kasal!!!! Ano ba!!!!

“ hindi po----”

“ excuse me” napa tingin kami sa likod, nanlaki ang mata ko.

“ anong ginagawa mo dito??” tanong ko.

“ siya ba?? Ikaw na ba ung asawa ng anak namin??!!!!” tanong ni mama, tinignan ako ni fin kaya inirapan ko siya.

“ ahm tungkol po diyan---”

“ hindi mo man lang kami iginalang! Pinakasalan mo na lang basta ang anak namin!!! Kaya mo na bang bumuhay ng pamilya?? Tignan mo ang katawan mo! Parang hindi alam ang gawaing bahay! May muscle pero walang lakas, may itsura ka pero aanhin yan ng anak ko?!!! Sus apo carah!!!! Itsura na lang ba ang basehan mo?!!!” pag aalburuto ni mama.

“ mahal huwag tayo dito kundi sa loob tayo mag usap” singit ni papa

Pumasok kami sa bahay, hindi pa pala umalis itong babaing ito na napaka lawak ng ngiti na. Napaka tsismosa!

“ ano ang pinag usapan niyo ng anak ko??” tanong ni mama.

“ ho???” tanong ni fin.

“ sus apo carah narinig mo iyon??? Ho???? Aruuuuu aru aruuuuuuu!!!” daing ni mama, haist an drama din ni mama eh

“ ma naman ang drama mo… makinig po kayo, hindi po kami kasal” sa wakas nasabi ko din.

“ carah huwag kami, iho ano na??!!” tanong uli ni mama.

“ ah sus apo kawawa naman ang anak ko, nag pakasal siya sa taong hindi alam kung mahal ba siya o hindi.. caeah!!! Ano ginagawa mo sa sarili mo!!! Ganyan kana ba ka atat sa kasalan!!!! Nag aaral ka pa tapos ganito?? Mabuti sana kung…….. carah! “ pinag hahampas na ako ni mama, napa buga na lang ako ng hangin at tinanggap dahil maski magsasalita ako ay hindi siya makikinig.

“ im here to get her po” huminto si mama at nilingon si fin.

“ kukunin??” tanong ni papa.

“ yes po, ahm carah lets go home” nanlaki ang mata ko, anong home pinagsasabi neto?

“ pasensya na kung hindi namin sinabi but I think im fit to what carah looking for a husband po” sabi pa niya.

“ sorry po nabalewala po namin kayo but pag naka pag tapos kami ay mag papakasal kami kasama kayo at lahat ng mga gustong dumalo sa kasal” ano???!!! Ano ba pinagsasabi neto!!!

“ ayon naman pala may plano ka, okay sige iaayos ko lang ang gamit ng anak ko” teka? Seryoso??

“ teka po…. Hindi---”

“ its okay bhi we can do this being husband and wife” nanlaki ang mata ko, si daisy napaka lawak ng ngiti.

“ baliw ka ba!!!!!” sigaw ko.

“ carah!!!” sita ni papa.

“ pa----”

“ pinili mo ito kaya panindigan mo, sana nag isip ka muna bago ka pumasok sa ganitong sitwasyon” seryosong sabi ni papa.

“ sobra ang pagkaka dismaya ko sayo carah, inisip mo sana ang bawat sakripisyo namin para maka pag tapos ka pero ganito ang ginawa mo. Mabuti ngang sumama kana sa asawa mo at siya na anv bahala sayo” tumayo na si papa at iniwan kami, dumating na si mama na dala ang gamit ko.

Dinala na si fin ang gamit ko, teka naman hindi ako kasal sakanya. Bakit ayaw niyo bang makinig saakin?? Magsasalita pa sana ako pero tinalikuran na ako nila mama at papa, sumakay na kami at ng paalis na ung sasAkyan ng biglang may napansin akong mga lalaki.

“ teka”

“ Teka”

“ teka sabi!!!! Ung mga magulang ko!!!!” tinignan ko si fin.

“ they are okay” sagot ni fin.

“ paanong okay?! Nakita mo ba iyon??!!” Nilingon niya ako.

“ okay sila” walang pakialam na sabi niya, hindi na ako umimik at tinext na lang si daisy kung kamusta ang magulang ko.

“ were here” nakarating na kami sa…….. isang hotel??

“ hotel??? Bakit dito sa hotel?” tanong ko.

“ tara na” nauna na siya kaya sumunod naman ako pero hanggang ngayon wala paring text si daisy saakin.

“ dito ka muna okay? Don’t worry libre lahat dito kaya wala kang pro-problemahin, may isa lang akong rule sumunod ka lagi sa sinasabi ko” ano??? Andaya ng rule niya.

Pumasok na kami at napaka lawak ng lugar, parang hindi ko kayang tumirA dito na mag isa.

“ maiiwan na kita”

“ teka”

“ bakit mo sinabing kasal tayo???”

“ nice topic…. From now on your going to be my fake wife until vivian is ready to get married” napa awang ang labi ko.

“ ano???!!!” hindi ko maka paniwala, fake wife??? Ganun ganun na lang?? Fake wife??? Anong alam ko sa pagiging asawa?? At bakit ako?? Sino sila para tulungan ko.