CHPATER 3: 20,000
FIN
Shit!!!
“ oo nga siya nga, mag asawa pala. Boss ikaw na lang ang kausapin namin para hindi na namin kulitin ung asawa mo, may utang kasi sila at nag due na kaya baka naman pwede ikaw na lang ang mag bayad para matapos na ito” sabi ng lalaki na naka hawak saakin.
“ magkanu ba?” tanong ko.
“ 20, 000 lang boss” sagot nong lalaki.
“ wala kaming utang----aray!!!” sinabunutan ba naman si carah
“ paano ako mag babayad kung ganyan kayo kaharas” binitawan si carah, tinignan ko ung lalaki saka ako binitiwan.
“ bibitawan ko ito kapag naka pag bayad kana” sabi naman ng lalaki na may hawak kay carah.
“ okay, heto na kaya bitawan niyo na” ibinigay ko ung pera, mabuti na lang hindi ako nauubusan ng cash kasi laging pa libre ung dalawa eh mayayaman naman.
“ salamat boss, mabait naman pala kayo” sabi niya sabay ibinulsa ung pera, binitawan na din si carah.
“ una na kami, salamat sa pagbayad” nag lakad na sila paalis.
“ sira ba ulo ko??!!! Sabi ko wala kaming utang tapos nag bayad ka?!!!” sabi jiya.
“ hayaan mo na, magkanu lang naman iyon” sagot ko, tinaasan ako ng kilay.
“ hintayin mong lumaki at balik balikan ka! Tsk!” nag lakad na ng biglang huminto, punit ung damit niya rinig ko ang buntong hininga niya
“ sakay na, ihatid na kita kaysa umuwi ka ng ganyan na kita na ang---” nilingon niya ako ng masama.
“ alam mo tinulungan na nga kita kanina kaya lubusin mo na dahil may lakad pa ako, dali sakay na” sumakay na ako ng matapos sabihin iyon, natagalan pa siya bago pumasok dahil siguro nag iisip pa.
“ sa may west ville lang” sabi niya, inandar ko na ang sasakyan ko.
Traffic is life ika nga nila, chinat ko si vivian na malalate ako dahil nga traffic at umukay naman siya. Nilingon ko si carah na busy sa phone niya ng maramdaman kong nagugutom ako, mukhang matagal pa naman itong traffic mas okay ata na kumain muna total ganun din naman ang paghihintay.
“ kain muna tayo, nagugutom na ako” hindi siya umimik at busy parin sa phone.
“ kain---”
“ kahit ano na” sagot niya, narinig naman niya pala pero anlayo ng sagot niya
Bumuwelta ako para makaalis at lumiko sakto na malapit lang kami sa resto, okay naman dito kaya kahit dito na kami.
“ baba na” bumaba na ako at mayat maya ay bumaba siya.
Pumasok na kami at sinamahan kami sa mesa namin, umupo na siya at hindi kinuha ung menu. Tinignan ko siya at tumingin din saakin.
“ ikaw na bahala, heavy meal pala sulit” talagang heavy meal pa ang pinili, ako na ang nag order at halata ko ang tingin saamin ng mga tao
“ totoo nga ang balita no na ikinasal na ang taga pag mana ng mozzique”
“ oo pero siya ba talaga ung asawa niya?”
“ siya yan, pagod lang siguro kaya di naka pag ayos” mga naririnig naming bulungan, rinig ko ung buga ng hangin ni carah.
“ fin???” napa tingin ako, kung susuwertehin nga naman may nakakita pa saamin.
“ and she’s??? Wait, siya na ba ang asawa mo??? Mmmmm iba ang taste ah” tinignan ko si carah na napapailing na lang
“ ahm tita----”
“ lets take a picture, come here iha” hinila niya si carah sa kinakaupuan niya tapps inilapit saakin saka kami nag picture.
“ smile naman kayo” ngumiti ako kaya ngumiti din si carah at tama nga ung mga ugok na iyon mas gaganda siya pag naka ngiti.
“ mmmm now I knoe bakit siya ang pinili mo” sabi ni tita habang tinitignan ang picture.
“ okay sige mauna na ako, about your bill ako na ang sasagot okay??? Order what ever you want” sabi niya.
“ no tita its okay” sabi ko, umiling siya.
“ sige na, minsan lang tayo mag tagpo…. Just eat all you can, kakausapin ko na ung manager” umalis na siya. Tinignan ko si carah na tumitingin sa menu, teka oorder pa siya??
“ paki dagdag ito pero for take out” tinignan ko ung tinuro niya
“ mahal ang bayad ng ngiti ko, dapat lang na Mag take out ako total sabi niya eat all you can at libre niya” hindi na ako umimik at kinawayan ko na lang ung waiter saka ko inorder ung gusto niya.
Natapos na kami at kahit papaano ay lumuwang ung traffic kaya naihatid ko na siya, nag madali na din ako na puntahan si vivian dahil baka nag aalburuto na iyon.
“ gosh fin anong oras na! Alam ko ang klase ng traffic at hindi ka aabutin ng ganun!” umupo ako at inilagay ung cake sa mesa.
“ what do you want? Aalis na lang ako??” tinignan niya ako sabay buga ng hangin.
“ okay okay, kukuha lang ako ng plate for the cake” ay buti iniwan ni carah saakin ito.
“ fin about sa babae na---” tumigil siyq dahil tumunog ang phone niya, sinagot niya at ako na ang nag lagay ng cake namin sa plate.
“ fuck you!!!!” pinagpapalo ako ng unan.
“ kaya pala sobra kang late dahil naki pag date ka pa!!!” patuloy siya sa pag papalo saakin.
“ vivian stop” tumayo ako at tumingin sakanya.
“ here!!!” pinakita niya ung picture at hindi ko Inaasahan naman na ipopost ni tita ang picture namin.
“ dumaan lang kami diyan dahil nga sa tagal ng traffic” paliwanag ko.
“ nakita kami ni tita at sinabi--- hindi ko na nasabi na hindi ko siya asawa dahil lagi siya ang nag sasalita. You know her naman” inirapan niya ako.
“ cut that issue already fin or else mag papatuloy lang yan na issue” utos niya.
“ what issue??” tanong ko kasi wala namang issue.
“ that fake bride!” inis niyang sagot, sila lang naman kasi ang nag papa o. a.