CHAPTER FIVE

“Hi Magnolia,” I smile while greeting her.

“Naks, ganda ng dandelion natin ngayon ma’am ha. Dito muna lang ilagay yan.” I bought dandelion flowers to Enrique. Lagi ko itong ginagawa at minsan may kasama pang cake at chocolate.

“Hindi ‘to para sayo, para to sa soon to be husband ko.”

“Alam ko, kaso papahirapan mo lang akong damputin yan sa basurahan, ee alam naman natin kung saan yan babagsak.” Inirapan ko siya dahil sa sinabi niya. She’s right, ilang beses na akong nagbibigay ng bulaklak kay mylabs pero sa basurasahan lang din ang bagsak. Pati mga pagkain itong si Magnolia lang nakikinabang.

“Ano ma’am, desisyon na habang wala ng laman itong paso kong kasing ganda mo. Saka wag ka mag-alala dito sa side naman ng daanan ni boss ko iyan ilalagay. Pag labas niya ay makikita niya agad yan at dahil dandelion yan ay alam niyang ikaw may bigay niyan. At least wala na siyang itatapon. Wala na rin akong kukunin sa basurahan.”

I have no choice kundi iabot sa kanya ng bulaklak. May tama rin kasi ang sinabi niya. Kaya kahit masama ang loob ko hindi dahil sa presyong 15000 pesos sa isang bouquet kasama na pati design ay binigay ko na lang sa kanya.

“Oh!”

“Yon, ay mali ano nga yong yon mo maam?”

“Yurn.”

“Yurn. Ayurn.”

“Wala pa ba amo mo?” tanong ko. Busy naman siyang ilagay ang bulaklak at hinaplos-haplos saka in-sprayhan.

“Nasa loob, but I suggest na wag kang papasok at lalo ka lang masasaktan.”

“What do you mean?”

“Sasagot pa ba ako? Hoy! Pasaway!” sigaw niya nang nagmamadali akong naglakad. Mabilis kong binuksan ang pintuan ng opisina ni Enrique. My heart aches when I saw him with a woman. Nagbubutones siya ng polo niya at hindi pa nasasara ang zipper at butones ng pantalon. Ang babae naman ay bukas din ang harapan pero nakaayos na ang pang-ibaba.

Tumingin sila sa akin pero hindi ako pinansin. Tumingin ang babae sa akin at saka tumingin kay Enrique.

“I’m sorry, maybe Magnolia wasn’t there,” hinging paumanhin ni Enrique sa babae.

“It’s ok, we’re done by the way.” Para akong estatwa habang patuloy lang sila sa pag-aaayos sa sarili nila. Nang pareho na silang nakaayos ang humalik ang babae sa pisngi niya. “Gotta go, bye.”

“Ingat, thanks.”

“I enjoyed it.” Dumaan sa harap ko ang babae at ngumiti para batiin ako. When the woman left ay pabalibag kong sinara ang pintuan at lumapit sa kanya.

“I am busy.” Hawak niya ang ballpen at papel at hindi ako tiningnan.

“Busy? Sana kung hindi ka nakipag-sex natapos mo na yan.” I feel a lot of arrows pinch into my heart while saying those words. Hindi naman ako bato para hind masaktan. Kaya ko nga pinagsiksikan ang sarili ko kasi mahal ko siya. Kung ako na lang kasi sana ang kinakama niya baka may chance pa na mahulog siya sa akin.

“I can finish this if you weren’t there acting like a fucking girlfriend.”

“I am more than a girlfriend.”

“Childish.” Aba!

“Alam mo bang malas sa negosyo kapag may nagsi-sex sa working place?”

“Nagiging malas lang ang negosyo ko kapag nandito ka.”

“Bakit ba ayaw mo sa akin?” Hinampas ko ang lamesa dahil sa inis. “Bakit ba? Nasasaktan ako sa ginagawa mo.”

“Ask yourself. Masaktan ka lang nang masaktan wala akong pakialam.”

“I already ask, at wala akong mahanap na dahilan na hindi mo ako magugustuhan. I have everything ---almost everything that every woman wants, that every guy likes.”

“Then I don’t like you.”

“At least give me a reason.”

“I already stated.”

“I want enough reason. I am not contented with your answer.” He slammed the table and stares at me.

“I don’t like you. Whatever you do, I will never like you.”

“Yon lang?”

“Umalis ka na at sa iba mo na i-apply yang pagiging brat mo.”

“Paano kung ayoko ko? Ayokong maghanap ng iba dahil ikaw lang ang gusto ko. Ikaw lang at wala ng iba.”

“You’re unbelievable.”

“Yes, I am, at kung feel mo pipilitin kitang gustuhin ako? No way. Magpapansin lang ako sayo at nasa iyo na yon kung papansinin mo ko o hindi. Hindi kita tatantanin hanggang sa magsawa ka at patulan ako. Kalurkey ka, sa ganda kong to as if naman kawalan ka. Hindi ako luluhod sa lalaking ang mahal ay may pito ng anak.”

“Is that so, then why you keep invading my privacy?

“Nagpapansin nga di ba? Bakit, sinabi ko bang pansinin mo ako?”

“You know what’s running on my mind right now, Dandelion?”

“Wow, binanggit mo pangalan ko, mukhang exciting yan. Ano?”

“That you are lack of attention kaya grabe ka magpapansin sa akin.”

“Yan lang ba kaya mong sabihin para ma turn-off ako sayo? Kulang na kulang at hindi makakatotohanan. At saka mas gusto kong tawagin mo akong Dande, my Kisa.”

“Kisa?”

“Knight in shining armour.” He shook his head nang bumukas ang pintuan at pumasok si Magnolia.

“Sir, nandito na po lahat ng papeles. Yong iba pinasa ko na rin kay sir Ervic.”

“Thanks, Magnolia.”

“At saka pala sir, may dalang bulaklak si maam Daze, maganda po parang siya at bagay na bagay diyan sa vase mong galing Thailand. Sakto pa yong design, binigay niya po sa akin yon pero mukhang mas bagay diyan. Gusto niyo po ilagay ko riyan para mabuhay itong opisina niyo sir. Mabango rin po yong bulaklak, para po mawala yong amoy ng Clorox dito.”

“Magnolia.”

“Joke lang, sir, pero totoo sir, bagay dito yong bulaklak.”

“No need, just keep it in your table. I don’t want dirty and mess in my office.”

“Kayo lang naman yong makalat, lalo na pag may babae dito,” bulong niya.

“Did you say something, Magnolia?” tanong niya.

“No, sir, lalabas na po ako at baka nakaka-istorbo na ako.” When Magnolia left Enrique look at me.

“Hindi ka pa ba aalis?” Pinatong ko ang paa ko sa lamesa at sinandal ang likod sa sofa.

“Nope.” He stand and walks towards me. He sat beside me na nagpakaba sa akin. Pakiramdam ko nagwala lahat ng laman loob ko nang tumabi siya sa akin sa upuan. Amoy na amoy ko ang pabango niya na sumusuot sa ilong ko.

Hinawakan niya ang braso ko at hinaplos. Oh damn, parang ang daming paru-paro sa tiyan ko at ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Napalunok ako dahil pakiramdam ko nanuyo ang lalamunan ko.

“A-anong ginagawa mo?”

“Haplos pa lang yan para ka ng hihimatayin.” Oh my God, I did not expect this to happen. ‘Isip Daze, you’re a fucking Dy. Lumaban ka!’

“Nabigla lang ako.” I calm myself at saka siya hinarap. Sige, lalabanan kita ngayon. “I can do better than that woman earlier, Enrique.” He give me a smirk.

“Tell me what you wanted to hear for you to leave me alone?”

“Walang makakapigil sa akin, kahit ano pang sabihin mo hindi ako lalayo sayo. At kahit ano pang gawin mo mananatili ako.”

“Really? Kahit saktan kita ngayon?”

“Yes. Now tell me. Sabihin mo sakin anong dapat kong gawin para bigyan mo ako ng chance? You want me to be your bedwarmer?” Fuck, bahala na, si ate rin naman nabuntis ni kuya Wallace bago ikasal kaya for sure ilang beses na silang nag-eklavoo.

“Wala kang gagawin, and you want to hear a truth?” kalmado niyang tanong.

“What truth?”

“That you’re nothing but a piece of attention seeker.”

“Ganyan ba tingin mo sa akin?”

“Yeah. So no matter what happen I will never fall into your trap. At para matigil ka ay isa lang sasabihin ko sayo.” He push his face closer to me. Malapit na malapit na ang mukha namin sa isa’t isa. “Hindi ikaw ang babaeng gugustuhin kong makasama o maikama kahit birhen ka. I’d rather choose a filthy whore outside and pay them and fuck them nonstop than to have fun with you. You’re nothing for me, Dandelion Daze Dy. Kahit lumunod o gumapang ka sa harap ko ay hinding-hindi kita papansinin. Wala kang pag-asa sa akin dahil mas pipiliin kong tumandang binata kaysa patulan ka.”

“You’re offended me too much, Enrique.”

“My purpose. So leave me alone.” He stand and walk back to his seat. Tumagilid ako para pasimpleng punasan ang luha ko. I took my bag at hindi siya pinansin.

“I will come tomorrow.” Nakatalikod kong sabi kaya hindi ko alam kong anong reaksyon niya. “Tatantanan muna kita ngayon dahil may babae ka at amoy laway ka ng babae.” And I go out to his office. Pagsara ko ng pintuan ay sunod-sunod na pumatak ang luha ko. Apektado ako pero slight ang lang. Dahil alam kong hindi naman totoo ang sinabi niya.

If he thinks he can win? Mali siya dahil sinabi ko na ito noon. Akin lang siya. akin. lang. siya.