CHAPTER ONE

DANDELION DAZE

Tinititigan ko ang batang hawak ng babaeng kasama ni kuya Dave. Her name is Dustle Live, named after him and ate Lileth and the worst case is anak siya sa labas ni kuya. Ok fine, anak siya ni kuya at ng stepsister ni ate Lileth. Pero anak pa rin siya sa labas dahil kasal si kuya kay ate Lileth nang mabuo siya. Dy siya pero illegitimate. I think.

I don’t hate her, after all she’s my niece. Let’s just say na na shookt lang ng slight ang alindog ko dahil hindi ako na-inform na may anakan sa labas na palang nangyayari. Nagulat na lang aketch na may kasama kaming unknown woman with a baby sa family dinner only to find out that they will soon to be a part of the family.

Surprised is not new to me. Kagaya ng nasurpresa na lang ako na buntis si ate Dane. Nasurpresa na lang ako na may problema pala si ate Lileth at kuya Dave. Tapos ngayon may surpresa naman na may anak na pala siya sa ibang babae. Everyone already knows what’s happening while me is clueless.

But that’s life. Ganyan talaga pag mamaganda hindi binibigyan ng stress. Ayaw nilang masira ang beauty ko kaya ayaw nilang ipaalam sa akin ang mga problemang nangyayari sa pamilya namin. Prinsesa ako ee.

Back to kuya Dave’s daughter. She really look like him. Parang pinaliit na Dave at ginawang babae. Though, wala pa raw silang formal na relasyon ng nanay ay nag-ko-co-parenting sila para sa pamangkin ko ay dinadala pa rin niya ito dito para ipakilala sa amin. Dapat lang, sayang naman kataksilan nila na nagbunga pa kung pababayaan nila ang pamangkin ko.

We’re gather here in the garden. Kaming mga babae lang ang nandito to entertain Erika----the mother of Dustle. Tulog si Dustle habang karga ng nanay niya. Si Ace ay na kay ate Dane while King is with ate Lauren.

“Can I call you ate Erika?” basag ko sa katahimikan.

“Yeah sure.” Pero nakapansin kong nakatitig lang si ate Dane sa kanya. Kanina ko pa napapansin na titig na titig si ate Dane kay Erika.

“Ate Dane, kanina ka pa nakakatitig kay ate Erika?”

“I think I saw her before with Wallace and Isabelle. Is it you?”

“Yeah.” Ate Dane nod and smile. Pero ang plastik ng ngiti niya. Halatang may something. Paano ko alam? Malamang Dy yan ee, parang ako lang yan, kaso sa kanya hindi obvious at may manners pa rin habang sa akin depende sa kaharap.

“Is there any issue, Diana?” mom asked her.

“No, mom, I just to make sure na siya nga ba yon?”

“Babaero kasi si kuya Wallace dati mom, gusto lang siguro makasiguro ni ate Dane na hindi naging babae ni kuya Wallace si ate Erika. Di ba ate?”

“Daze!” saway sa akin ni ate at pinandilatan ako.

“Why? Babaero naman talaga si kuya Wallace. Sila ni kuya Dylan at Cluster.”

“I am with Wallace but with Isabelle too for fun because Isabelle is my bestfriend. But don’t get us wrong, Dane, Ma’am. Walang namagitan sa amin ni Wallace and never kaming-----you know. I am not into any guy at maipagmamalaki kong si Dave lang ang naging lalaki sa buhay ko. Siya lang at walang akong ibang minahal kundi siya.”

Ate Dane smile at her as if giving her an answer that she believe her.

“I believe you,” sabi ko. “Kasi hindi ka papayag na maging kabit at magpaanak sa lalaking asawa ng kapatid mo kung hindi mo mahal ang kuya ko.”

“Daze,” saway ni mommy.

“Why? O cmon, minasama niyo naman sinasabi ko.”

“She’s right. I am not offended.” Ate Erika said kaya ngumiti ako. “Besides, I know how to place myself. Hindi ko hiniling na mangyari iyon sa kapatid ko but I know God’s do me a favour-----on us. At hindi ko sasayangin iyon.”

“See, mabuti pa siya naintindihan niya.”

“Thank you for bringing back the joy to my son.” Mom’s hold her hand and smile at her.

“The pleasure is all mine, ma’am. Sa ngayon ay masaya akong magkaagapay kami para sa anak namin kahit hindi na namin pag-usapan ang tungkol sa amin.”

“Is it true that you have ate Lileth’s heart?” tanong ko kaya napatingin sila sa akin.

“Yeah.” Humawak siya sa puso at tumingin sa anak niyang natutulog. Hindi ko alam kung matutuwa ako para sa kapatid ko dahil nasa kanya ang dalawang pusong minahal niya. Ang puso asawa niya sa katawan ng kabit niya o maiinis ako dahil pinagtaksilan niya si ate noon. But ate passed away. And I know for sure she is happy wherever she is right now.

“Anong pakiramdam na iba ang puso mo? Is it still normal for you?” Nandito pala ‘tong asawa ni kuya Dale? Akala ko kasi estatwa lang siya dahil kanina pa siya parang kahoy na nanigas sa inuupuan niya at busy kakahaplos sa mukha ni King.

“Normal naman, parang wala lang.”

“Hindi ba scary?” tanong ko.

“Scary?” sabay-sabay nilang tanong at nagtinginan pa.

“Oo, kasi di ba hindi mo puso yan. Tapos dedbols na may-ari. Parang hindi ba medyo nakaka-scare na yong may-ari ng puso mo deds na.” Ngumiti lang siya sa akin saka tumingin sa amin.

“Hindi, kasi alam ko naman kung kanino galing ang puso ko.” Nagtanguan na lang kami dahil sa sagot niya. She’s beautiful pero mas maganda pa rin si ate Lileth. No wonder why baliw na baliw si kuya Dave at kuya sa mukhang yon.

Kung anu-ano na ang naging usapan namin dito at inaantok na rin ako. May lakad pa ako bukas para landiin si mylabs ko pero hindi pwedeng umalis hangga’t hindi natatapos ang boys. Malamang, si daddy kasama nila at kung anu-ano na naman napag-uusapan.

“Dandelion Daze,” napatingin ako kay kuya Dylan na kakarating lang. Kasama niya ang boys at isa lang ang ibig sabihin nito. Tapos na silang mag-usap. Hays, mabuti naman at nang makauwi na ng maaga.

“Vakit, kuya?”

“Anong vakit? Ayusin mo yang bibig mo at daig mo pa na-stroke. Sasabay ako sayo pauwi. Hiniram ni Cluster sasakyan ni Wallace dahil sinundo ang asawa kaya gagamitin ni Wallace sasakyan ko para makauwi sila ni Dane.”

“So pwede na tayong umuwi? Kasi nandito na kayong lahat ee?”

“Mismo.”

“Thanks God!” nauna na akong tumayo at inayos ang sarili. Sayang outfit kong pangmalakasan at hindi ko nairampa. “Nice meeting you ate Erika, pasyal ka minsan sa coffee shop ko at beauty salon para makabonding tayo minsan.”

“I will, salamat.”

“Byers mga ate, byers mom.”

“Mag-iingat kayo, Dandelion, Damon.” We both kiss dad and mom. Ako lang pala kay daddy dahil si kuya Dylan ay kay mommy lang humalik.

Si kuya ang nagdrive. Gusto ko na siyang sawayin dahil ang bilis niyang magpatakbo. Halos liparin niya na ang daan. Kawawa agad sasakyan ko sa kanya.

“Kuya, baka naman pwedeng dahan-dahan noh? Hindi ito sports car, maawa ka naman sa steering wheel ng kotse ko. Kung makaikot ka parang leeg ng kaaway mo yong inikot mo.”

“Wag ka mag-alala at kaya kong palitan ‘to kahit sampu.” Inikot ko na lang ang mata ko saka tumingin sa labas. May point naman siya. Saka siya nga hindi nagrereklamo pag pinapalipad ko kotse niya

“Kuya, is it true that you’re the one who helped ate Erika for the transplant?”

“Yes.”

“And you helped ate Lileth to choose the receivers of her organs?”

“Yes.”

“So you know, who’s her receiver?”

“Not all,”

“Not all?”

“Yup, I know everyone except her eyes.”

“Why?”

“Lileth did not tell me, who is it.”

“Hind mo ba pina-imbestigahan? Don’t tell me kumupas na ang galing mo sa paghahanap ng mga bagay-bagay?”

“I tried. Pero hindi ko alam kung bakit walang lumalabas. The hospital blocked me.”

“And why?”

“May mga bagay na hindi ko na sakop at ayaw ko ng problemahin. Ayaw niyang ipaalam sa akin kaya ayos lang. Choice niya yon kaya nirerespeto ko.” Mabilis niyang pinark ang sasakyan sa mansion niya. Oh! Full moon pala kaya siya nandito. “Ingat ka pauwi.”

“Okiessss.” Bumaba na siya at iniwan ako. “You’re welcome!” Hindi man lang nag thank you.