PART 7: YOUNG LOVE
Naglakad na pabalik si Kassia sa silid nang matapos siyang makipag usap kay Eliazer. Maraming sinabi si Eliazer sa kanya, at kailangan niya iyong pag isipan ng mabuti. Pero kahit pag iisipan pa niya...
"Hindi ba pwedeng humingi ka nalang ng tulong mula sa mga police? They can help us out here, sabihin mo lang na nandito kami ni Archer." She insisted, with her eyes begging.
Umiling ang lalake, "I am here for my master, at ang utos lang niya ang susundin ko ngayon. Kahit humingi ka pa ng tulong mula sa mga awtoridad, wala pa ring magbabago. Mahirap kalaban si Mr. Chua, kung alam niyang maiipit siya sa situwasyon, mas pipiliin niyang patayin kayo. Kaysa papasok siya sa bilangguan ng talonan. Kaya nasa sa'yo pa rin ang desisyon."
"Masama ang pag patay... Ayoko maging kriminal..." She mumbled, as her eyes watered. Napaka emosyonal niya ngayon. Kahit ang hawak niyang baril ay para siyang napaso at nabitawan niya. Nilukob man siya ng galit kanina, pero kalaunan ay natauhan naman siya.
"Hindi makakatulong sa'yo ang awtoridad, Xen. Kahit ang pamilya mo ay hindi ka gustong tulongan. Ngayon, hindi ka man lang nila hinahanap." Sul-sul ng lalake sa kanya. Kino-konsensya siya sa sarili niya. Na walang-wala siya, at sarili lang niya ang kakampe niya na meron siya na maaasahan niya. Ang pag iling lang ang nagagawa niya. Parang may bumara sa lalamunan niya, at ang isip niya ay nabara rin ng mga salita na sinasabi ng lalake sa kanya. Hindi siya makakapag isip ng tama.
"Walang nagmamahal sa'yo, Xen. Ang nag iisang tao na meron ka ay walang awang pinaslang sa harapan mo mismo. Hanggang ngayon, hindi pa nahuhuli ang may sala. How many years has it been? Three years? Pero hindi pa rin nagkaroon ng hustisya ang kapatid mo. Papayag ka nalang ba na ganoon ang estado ng pagkawala niya habang buhay?" Lumalakas ang pag buhos ng mga luha ni Kassia, dumadaosdos pababa sa madungis niyang mukha. Na sinundan rin ng batang paghagulhol.
"H-Hindi..."
"Papaano ang kaibigan mo? Mamamatay siya ng dahil sa'yo kapag hindi ka--"
Tinakpan ni Kassia ang kanyang tenga gamit ang dalawa niyang kamay, umiiling.
"Hindi! Tama na! Hindi yan mangyayari!" Sunod-sunod niyang sabi.
"Mangyayari 'yan, kapag hindi ka nakapag desisyon kaagad. May posibilidad na ikaw rin ang magiging sanhi ng trahedyang paparating kapag hindi ka mamili ngayon."
"Ayokong maging mamamatay tao, a-ayokong maging kagaya m-mo... Hindi!"
Pinagbuksan siya ng isang tauhan at marahas na itinulak papunta sa loob. Ka-muntikan na kamo siyang madapa at mahalikan ang sahig. Her knees trembles as is grudges by the rough surface. Mariin niyang naipikit ang mga mata ng sumidhi ang sakit sa presko niyang sugat. Gumapang siya imbes na tumayo dahil sa nanginginig niyang mga tuhod. Sa pagtaas niya ng tingin, ay ang pag settle ng mga mata niya kay Archer na ngayo'y binabangungot. Namamawis ang noo at panay ang pag iling.
Parang may matinis na palaso ang tumarak sa puso niya nang masaksihan ang paghihirap nito. Bakit ba kase ang hina-hina niya? Bakit ang bobo niya? Bakit ba siya nalang palagi ang nadedehado? Bakit ang malas niya at parati nalang siya ang dahilan ng paghihirap ng iba? Nagsasawa na siyang masaktan. Gusto niya nalang mawala. Pero may ipagkakaiba ba kung susuko nalang siya at wala siyang gagawin? Wala na rin siyang ipinagkaiba sa mga taong patay kung buhay pa lang siya ay patay na ang kabuoan niya. Kung magpapakamatay rin lang din naman...
"May pitong oras pang natitira bago kayo dadalhin sa bansa ni Mr. Chua. Sa loob ng pitong oras, pwede ka pang makapag desisyon. Pero sa oras na dakpin kayo at isilid sa cargo, hindi ko na kayo matutulongan. Kaya habang may oras pa Xen, mag isip ka ng mabuti bago mawala ang hindi dapat mawala." Yun ang sabi sa kanya ni Eliazer bago niya ito iniwanan.
Nahihirapan siyang mag desisyon. Ayaw niyang maging masamang tao. Ayaw niyang magiging halimaw. At mas lalong ayaw niyang maging Gangster. Sarili na nga lang ang meron siya, pero parang kahit sarili na meron din siya ay gusto din ipagkait? She had learned to love herself, to appreciate her being matapos ang iilang taon na dinagsa siya ng pagkalugmok. Parang pinapatikim lang sa kanya saglit ang pag ahon niyang 'yun.
Bata pa siya, pero bakit ganito ka bigat ang kailangan niyang pagdaanan? Ano ba ang nagawa niya para ilagay siya sa napaka hirap na situwasyon? Bakit kailangan na sa bawat desisyon niya ay may pagpipilian?
Looking at Archer now, is giving her a hard time to choose. Ang sarili ba niya, o si Archer? Ang dignidad tiyaka pride na siyang meron nalang siya o ang kaibigan na naghihirap kasama siya?
Nakakainis, nakakagalit. Gusto nalang niyang biyakin ang ulo niya, baka sakaling may iba pang paraan na papasok bukod roon.
"Xen?" Tawag sa kanya ni Archer, na siyang dahilan para mawala siya sa loob ng mga iniisip niya.
"Hm?"
"Tell me, you're not crying... Are you?" Sinsero nitong tanong. Pinakatitigan siya ng mabuti.
Umiling siya, sabay pilit na ngumiti. "No, I am not. I'm fine." Para kay Archer... Kaya ba niyang sumugal? Tanong niya sa sarili. Kaya ba niyang mawala si Archer na siyang tanging meron siya?
"Your eyes is not telling the same thing that your mouth was speaking... Ano ang ginawa nila sa'yo? Sinaktan ka ba nila?!" Ang boses nitong disappointed nung una, ay unti-unting napalitan ng galit.
Tumayo si Kassia at nilapitan si Archer. Hindi siya nakagapos ngayon. At si Archer ay nakagapos pa rin ang katawan sa silya. "Gusto mo ako, Archer? How much?" Kapagkuwa'y tanong niya rito at huminto sa harapan nito. Gusto niyang malaman kung gaano siya ka gusto nito. Kung sakali man na tatahakin niya ang kabilang daan, matatanggap pa kaya siya nito?
If she will become the worst version of herself, magagawa pa kaya siyang tanggapin ni Archer? She wants to know...
"Anong nangyari, Kassia?" Ang boses nito ay nangangalap. Gustong malaman kung ano ang nangyari.
Umiling si Kassia. "Walang nangyari, Archer. Gusto lang kitang tanongin, gaano mo ako ka gusto?"
Time is running, her and Archer's life is in line. Pero bago 'yun, she wants to know his side. Nagbabaka-sakali na makatulong ito sa pag pili niya ng desisyon. "How much do you like me, Archer?"
Napalunok si Archer, at binisita ng nakakaibang init sa mukha. "It's not just like..." Hindi pa niya gustong mag confess sa totoo niyang pag tingin kay Kassia, dahil malamang iisipin nitong masyado na siyang nangunguna sa pag iisip. Pero ano ba ang kailangan niyang gawin? It was his heart who was telling him, na today is the right time.
Greediness is in her voice, hindi niya alam kung bakit kakaiba ngayon ang kaibigan. He felt like, today is the last. Pero sana huwag naman yun mangyari. Nang makaipon ng lakas na tingnan muli ang mga mata ni Kassia...
"Mahal kita, Kassia. Alam kong bata pa tayo, isipin mo na ring baliw ako. Pero hinahanap-hanap ka talaga ng puso ko. Hindi ako mapapakali kapag hindi kita nakikita sa isang araw, hindi naririnig ang seryoso mong boses, at tiyaka ang mahawakan ang mga kamay mo. I'm seeking for it..." He said meaningfully, and her heart dwells.
"Pero bakit..." Sabi nang hindi maintindihan ni Kassia. Pero gusto niyang malaman ang nararamdaman niya para dito.
"Hindi ko rin alam, basta ang alam ko... Umiba ang klase ng pag tibok ng puso ko, para sa'yo. Kapag kasama ka, masaya ako. Then this," Tiningnan nito ang puso dahil hindi naman siya makakagalaw. "It will go rampant. Kapag kausap ka, mas dumoble pa ang saya na nararamdaman ko. My heart is telling me, na gusto ka niya."
Ang mga mata ni Kassia ay hindi mapapakali. May kung anong tumambol rin sa loob ng puso niya. Giving her butterflies in the stomach. Ang pisngi rin niya ay dinungaw na ng kakaibang init. Para bang nahihiya siya na ayaw niyang magtago?
Napayuko siya, tumabing ang iilang buhok niya sa mukha. "Papaano kung mag iba ako, Archer? Gugustohin mo pa rin ba ako?"
Nalito naman si Archer sa sinabi niya. Pero sinagot pa rin niya si Kassia ng totoo. "When I say, I love you. Kahit sino at ano ka pa. Hindi kita kasusuklaman. Mamahalin ko rin ang lahat ng sa'yo. Your flaws, everything."
Sa sinabi nito, napangiti si Kassia. Hindi lang naman si Archer ang nakaramdam ng kakaiba. Siya rin naman. Excited siyang makita ito, ni kaya niyang gawin ang mga impossible. Ang mag ditch sa klase, ang umunang lumabas sa klase. Pumanhik palabas ng bahay na hindi nagpapaalam, para lang makita ito. Nagagawa niya iyon nang walang kahit na sino ang nag utos sa kanya.
Dahil doon, nakapili na siya ng magiging desisyon niya. 'Gusto rin kita, Archer.' Gusto niya yung sabihin sa lalake. Pero may pumipigil sa kanya na sabihin 'yun.
Imbes na 'yun ang sabihin niya...
"Salamat sa pagmamahal Archer. Sana hindi ka rin magbago." Aniya at umuklo, para halikan ang pisngi nito.
Obviously, nagulat si Archer. Pero kinilig kalaunan.
Lumipas ang limang oras at nakatulog ulit si Archer. May pinag uusapan pa sila na iba kaya natagalan itong makatulog ulit. Habang tulog, inilabas niya ang kutsilyo na meron siya sa likuran niya. Bigay 'yun ni Eliazer sa kanya.
Sa paglabas pa lang niya ng patalim na 'yun. Nagpapahiwatig na, tinanggap na niya ang alok nitong tulong. Alas kuwatro pa lang ng madaling araw. At napapansin ni Kassia na naging busy ang mga bantay nila, iniiwanan sila. Kaya malaya rin siyang pakawalan si Archer mula sa pagkaka-gapos.
"May makikita kang can sa silid mo, barilin mo 'yun para marinig ko ang pagpayag mo sa alok ko..." Lumayo siya kay Archer, tahimik na ikinasa ang baril. May silencer 'yun kaya ang pag putok ay hindi makakagawa ng ingay.
Pinutok niya ang baril, pinapatamaan ang lata ng gasolina. Hindi niya alam na gasolina yun, nun lang niya nalaman ng sumilab ang lugar ng apoy.
Nag panic siya, "bullsh't!" Tiyaka napamura nang mapagtantong nilinlang siya ni Eliazer. "Archer, Archer!" Ginising niya si Archer, pero kay hirap nitong gisingin. Kaya ang ginawa niya, inakay niya ito papunta sa pintuan. Pagka minamalas ba naman siya, napaka tulog pansit ng kasama niya.
Isa pa sa naging problema niya ang pinto. Mahirao buksan. Kinasa niya ulit ang baril at pinatamaan ang knob na natanggal rin naman matapos niyang barilin. Lumalaki ang apoy, at nilukob ang silid na 'yun. Kaya pala mabahong gasolina dahil pinaliliguan ng gasolina ang kabuoan nun.
"Saan kayo pupunta?!" Sigaw ng papapunta pa lang sa kanila na bantay. She gritted her teeth and groaned at the same time dahil sa bigat ni Archer na nasa gilid niya. Walang pasabi na binaril niya ang lalake. Bago nito makasa ang baril na hawak nito.
She's stunned for a moment. Nagulat sa nagawa niya, nanginig ang kamay niya. Pero hindi pa rin binibitawan ang baril. She composed herself, "Hindi pwede, kailangan na nilang makalabas dito." Lumalaki na kase ang apoy at pakiramdam niya'y hinahabol sila. Isang pasilyo lang din naman ang dadaanan.
Nagising si Archer, at nagulat sa nakitang nakahilata na tao. Pagkatapos ay tiningnan ang kamay niya na may hawak na baril. "You... Y-You killed that guy?"He stammered.
"Tiyaka ka na magtanong, at kailangan na nating tumakas!" Aniya at binaril na naman ang sumunod pa na mga bantay na tinangkang harangan sila. Hindi na natatakot si Kassia at madali na para sa kanya ang pag baril. Bagay na ikinakatakot ni Archer, takot pero hindi umalis at humiwalay ng landas kay Kassia.
Hanggang sa naubosan na sila ng bala. Palabas na sila, nang may isa pang humarang. Yun yung lalakeng nang iinsulto sa kanya nung unang araw niya sa lugar na yun.
"A-Ano nang gagawin natin?" Tanong ni Archer sa kanya.
Mariin siyang napalunok, habang sinasalubong ang halimaw na mga mata ng matabang lalake. "Kukunin ko ang atensyon niya, tapos tumakbo ka na palabas." Pabulong niyang sabi, at unti-unting bumibitaw sa magkahawak nilang mga kamay ni Archer.
"P-Pero... Papaano ka?!"
"Gawin mo nalang Archer!"
"No, hindi ko yun gagawin. Hindi kita iiwan!" Sa sinabing 'yun ni Archer. Mas lalo lang niyang gustohin na agawin ang atensyon ng lalake. Marahas na inagaw niya ang kamay mula kay Archer at sinugod ang lalake.
Hinarangan niya ang bantay at tinutulak ito. Para na nga niya itong niyakap. Buong lakas niyang binigay para lang maitulak ito. Swear, napakahirap itulak ng lalake. Hinahawakan siya nito para patigilin.
"Umalis ka na! Takbo na, at huwag ka ng babalik! Bilis!" Sigaw niya para kay Archer. Nung una natatakot, nalilito, at nagtatalo ang isip ni Archer kung aalis ba siya o hindi. But then ended up forcing himself from going out first. Dahil sa apoy. May nahulog kaseng nagbabagang kahoy mula sa likuran niya, at sunod-sunod iyon.
Nang makalabas, ay siyang pagsabog ng de kahoy na harapan ng maliit na warehouse. Nadapa siya. And one thing hit his head ay si Kassia. Nilingon niya ang pinanggalingan. Medyo malayo na siya. Hindi na niya ito makita, at naiiyak siya. Nanginginig ang katawan niya.
Then, sa kalagitnaan ng pag iyak niya ay ang pag litaw ng dalawang pigyura, mag bunyi na sana siya dahil nakikita niya si Kassia. Pero...
"Die, asshole." Kassia whispered as she sat at the man's slightly burned stomach. Tiyaka ito sunod-sunod na sinaksak. Kakaibang aura ang bumalot sa kanya and she was even smiling like crazy habang pinipira-piraso ang katawan ng lalake. Its blood was dripping over her. Bathing from somebody's blood. Para kamo siyang sinapian ng masamang espiritu at patuloy na sinaksak ang lalake. Pati ang mukha nito ay hiniwa-hiwa niya. Ang mga laman loob ay kinkuha niya, just like what the man had told her a week ago. Para siyang nag iihaw ng baboy, na kinakailangan ihiwalay ang laman loob. She was having fun, right in front of the burning warehouse. Hindi siya nalalayo sa isang werewolf na nangangain ng buhay.
Nang magsawa ay, isa-isa niyang pinagtatapon ang mga laman loob nito sa apoy. Sinusunog. Pati ang natira nitong katawan. Bago siya umalis, nang wala sa sarili.
At nakita 'yun ni Archer. He's scared. Kaya tumakbo siya. Hanggang sa makita siya ng police sa hindi kalayuang station. Akalain mo naman, malapit lang ang station ng police pero walang kaalam-alam ang mga ito sa nangyayari doon sa kanila sa warehouse. Too much fear envelopes his whole, lahat ng tao na humawak sa kanya ay nagwawala siya. Iniisip na baka sasaktan a dadamputin na naman siya ulit at ikukulong. Then Kassia... The evil Kassia... Papaanong...
Hindi nagtagal, nawalan siya ng malay.
On the other hand, Kassia went home alone. Tanghali na siya nakauwi. Ang damit niya ay nababahiran ng maraming dugo. Pati kamay niya, mukha at mga binti. Hindi na siya mamumukhaan. Pero ang mukha niya ay wala pa ring ka emo-emosyon. Nagulat ang lahat sa pag uwi niya.
Matagal na siya hinanap ng pamilya niya, pati ang ina sa niya ay nag aalala sa kanya nang hindi niya alam. Sinalubong siya nito ng yakap pero walang buhay na hinayaan lang niya itong yakapin siya. Hindi siya nagsalita at nanatiling tahimik.
"Kassia, where have you been?!" At niyakap na naman siya ng mahigpit ng ina. "You made us worry about you, sino ang kumidnap sa'yo at bakit ka nagkakaganito?!" Saad ng ina. Pero para siyang bingi na hindi nakakarinig. Walang puso, hindi nakakaramdam. Everything is numb to her.
Then her Grandfather, hindi alam ang sasabihin. Maliban nalang sa pag utos sa mga maid na bihisan at paliguan ang apo.
Her Dad, was in pain. Matapos ng lahat ng oras na ginugol nito sa trabaho para makalimutan lang ang masalimuot na nakaraan, ay para itong binigwasan ng malamig na tubig nang makauwi ang anak na inaalala nila nitong mga nakaraan.
However, Kassia did not protest. Para siyang patay na buhay pero nakatanga lang. Pinapaliguan siya, binihisan ulit. Pero wala pa din sa sarili.
Not until her Grandfather from her mom's side, showed up.