PART 6: Gangster
Mabigat ang pakiramdam ni Kassia nang siya'y magmulat ng kanyang mga mata. Ang ulo niya ay kumikirot sa sakit sa hindi maipaliwanag na dahilan. She tried to move but, something is stopping her. Doon lang niya napansin na nakagapos pala ang mga kamay niya sa likuran.
"Please let us go!" It was Archer's voice. Malabo pa ang mga mata niya, kaya hirap siyang makaaninag.
"Pakawalan nito na po kami, maawa kayo!" Pagsusumamo na naman nito. Hearing Archer pleasing to be freed from this dark room is sending an unexplainable pain inside her chest.
"Manahimik ka bata! Ang ingay-ingay mo!" Sigaw ng isang lalake. Lalakeng may malaking boses, maihahalintulad sa boses ng gorilya.
"Pakawalan niyo na po kami! Tulong!" Sigaw na naman ni Archer. Halos paps na nga ito sa kakasigaw. Mukhang kanina pa itow sumisigaw pero hindi pa rin tumitigil. Nagbabaka-sakali na may makakatulong sa kanila.
Bakit sila nandito? Bakit sila dinukot ng mga taong ito? Ano ang dahilan kung bakit sila kinidnap? May nangyari na naman bang hindi pagkakaunawaan sa parte ng lolo ni Archer? Bakit sila? Bakit siya kasama? Nagsimulang mamuo ang luha sa mga mata niya. Nagpa-panic ang kalooban niya. Kinakabahan siya. Nanginginig. Natatakot sa maaaring gawin sa kanila ng mga taong 'to.
Sinubokang kagatin ng kagatin ni Kassia ang mga labi. Nagbabaka-sakali na panaginip lang ang lahat at kinailangan niyang gumising para mahinto na ang kabaliwan na kung saan sila naroroon ngayon. Pero dumugo nalang ang labi niya sa kaka-kagat niya, at nandun pa rin siya. Nanlumo siya nang mapagtantong, hindi panaginip ang situwasyon nila ngayon.
"Sinabi ng tumahimik ka!" Sigaw na naman ng isa, kakapasok lang nito at mabilis na nilapitan si Archer at malakas na sinampal sa mukha. Ang nasasaktan na boses na kumawala sa mga bibig ni Archer ay nagpapaiyak sa kanya.
Tunay silang na kidnap, at hindi man lang nila inakala na mapupunta sila sa ganitong lugar. Parang kailan lang ay masaya silang kumakain. Pero napalitan kaagad ng sakit ang masayang araw na 'yun.
"Tama na po, please po!" Biglang sigaw niya. Para siya'y lingunin ng dalawang naglalakihan na mga lalake.
"Gising ka na pala, babae." Nangungutyang pagbati sa kanya ng isa. Unti-unti siya nitong nilapitan. Pilit niyang igalaw ang sarili. Lalo na ang mga kamay niya. Pero mahigpit ang pagkakatali niya parae siya'y mawalan ng pag asa.
"Xen! No! Huwag niyo siyang saktan!" Umalingawngaw na naman ang pakiusap ni Archer sa mga lalake.
"Kamusta ang tulog mo, prinsesa?" Tiyaka ito lumuhod sa harapan niya at gamit ang hintuturo... Pinadaosdos sa panga niya papunta sa chin niya. "Ang ganda mo. Ang kaloobanemo kaya, presko ba? Pwedeng ibenta? Malaki kaya ang kikitain ko sa'yo hmm?" Sa sinabi ng lalake ay mas lalo siyang natakot. Makailang ulit siyang napalunok habang lumulutan sa isipan niya ang mga sinasabi ng lalake sa kanya. Her being killed by this man and is being chopped into pieces... is creeping her out. Umiling siya ng umiling. Hindi siya nagsasalita at tanging makailang ulit lang na pag iling ang ginawa. Silently crying from within.
Pinagtawanan lang siya ng lalake at ginulo ang buhok niyang medyo magulo na. "Natatakot ka?" Tumatawa pa rin ito habang tinatanong siya. Para bang katatawanan siya? At nasisiyahan ito sa pinapakita niya. "Huwag kang matakot. Hindi mo naman mararamdaman ang sakit. Para ka lang natutulog at nanaginip." Pagkatapos ay umuklo pa papalapit sa kanya, sa tenga niya at bumulong. "Pero hindi na gigising, hahaha!" Dahil roon. Napahikbi siya.
"Hindi! Hindi 'yan mangyayari!" At nagsusumigaw siya sa takot. Nilalabanan ang panunukso ng lalake. Hindi niya gusto ang situwasyon na ito. These people is humiliating her. Nilukob din siya ng galit. Kakaibang galit na hindi niya kailanman pa nasubokan na maramdaman. Ang mga kamay niya ay nagiging kamao, her nails is dugging her palms. Sinusugatan ang sariling palad na hindi napapansin. Ang paningin niya para sa mga lalake ay naging kakaiba, namumula sa galit. Para siyang sinisilaban ng kakaibang init ng apoy.
Naging maamo ang mukha nung nanunukso sa kanya, "Oh? Kakasabi ko lang na huwag kang matakot hindi ba?" Walang bago, tuso pa rin ito. Ang mukha nito ay nang-aasar. Paiba-iba ng emosyon. "Huwag kang magalit, lalaya ka rin. I assure you, sa langit ang punta mo."
"Hahaha! Baliw ka na, George! Masyado mong tinatakot ang bata. Kapag nalaman yan ni Boss. Lagot ka." Sabat ng isa. Matapos lang nito lagyan ng tape ang bibig ni Archer.
"Oh bakit mo nilagyan ng tape?"
"Maingay eh! Nakakarindi kung pakinggan." Kumukuha ito ng sigarilyo, tiyaka inipit sa bibig at sinindihan. Sinulyapan siya nito at nginitian na parang kilala siya nito.
"Tanggalin mo, para may music tayong naririnig kahit papaano."
"Huwag na, napapaos ba 'yung bata." May pinag uusapan pa ang mga ito na hindu niya gets. Hamggang sa umalis ang mga ito at iniwanan sila.
"Archer..." Agad niyang tinawag si Archer at sinubokan na umusog. Nasa sulok lang kase siya, nakaupo sa sahig. Habang nasa gitna naman si Archer, nakaupo sa isang silya. Nakagapos ang paa at kamay. Plus nakapiring ang bibig.
Naluluha si Kassia. She felt so weak at wala siyang ibang ginawa kundi ang umiyak. Natagpuan ni Archer ang mga mata niya, sinusubokann itong magsalita at namumula ang mukha sa kakasubok. Pero Wala pa ring effect kase nga nakapiring ang bibig. Mahirap magsalita lalo na't natatakpan ng tape at nakagapos ang mga galamay nila.
"Huwag ka ng gumalaw. Makakalabas rin ta'yo dito." Pag che-cheer pa niya. Kahit wala siyang kasiguraduhan. "I still don't know how, pero alam ko. Makakalabas din ta'yo dito." Ulit niya. Nabuhayan siya ng lakas ng loob nang tumango ito sa kanya at ngumiti ang mga mata.
Dapat sana ay naging alerto sila sa maaaring mangyari noon. Minsan ng pinagtangkaan si Archer pero nagpakampante pa rin sila na hindi na 'yun mangyayari. Ang bobo lang niya dahil hindi niya naisip na maaari pa rin sila nitong balikan. At nangyari nga sa kanila ngayon. If only she knew that this will happen, at sana naging aware na siya, hindi nalang sana sila pa lumabas.
Ano pa nga bang aasahan sa isang batawna katulad nilang dalawa? Nasa stage pa sila na hanap ay saya at aliw. Pero heto ang idinangat sa kanila ng saya.
Lumipas ang isang araw. Hindi nila namalayan na isang araw na pala silang missing. Wala rin sa isipan ni Kassia ang tungkol sa pamilya niya na mag aalala sa kaniya. Dahil nga, malabo yung mangyari. Her lolo just declared it months ago. Ang inaalala lang niya ngayon ay si Archer. May pamilya ito, at paniguradong nag aalala na ito ngayon.
Tulog ito sa upoan. Napaka nakaka-awang tingnan ang position nito.
Tapos may dumating na mga lalake ulit. May dalang pagkain. Pinatid nito ang upoan ni Archer at nagising ang bata. Tinanggalan ito ng tape sa harsh na pamamaraan. "Ahhh!" Impit na sigaw ni Archer nang maialis ang pagkakadikitwng tape sa labi nito.
Kapareho lang din ang routine sa kanila ng araw na 'yun. Ang kaibahan lang ay pinapakain na sila, pinapapainom. Minsan na lang din sila kung mag ingay. Ipinaiintindi kase niyaw kay Archer ang tungkol sa nararamdaman niya kapag nasasaktan ito sa pagbubuhat ng kamay dito ng lalake. Kaya tumahimik na ito, at nag-uusap lang sila sa mga mata nila kapag nasa paligid nila ang mga bantay.
Hindiwna binalik ang tape sa bibigwni Archer at malaya silang nakakapag usap tuwing gabi. Hanggang sa ang araw ay napakabilis kung lumipas. Isang linggo na silangw nawawala. Wala silang ligo at nangangamoy na.
Noong una, natatakot si Kassia. But then she had Archer. Kaya hindi na siya natatakot. Isa pa sa nagpapalakas sa kanya ng loob ang tungkol sa isang bantay na panay ang silip sa kanya at bigay ng mensahe sa paraan ng pag tingin nito. Hirap siyang intindihin iyon. Ngunit, isa lang ang alam niya. Mabait ang lalakeng 'yun, at sa palagay niya ay tutulongan siya nito.
"Kuya! Naiihi po ako!" Sigaw niya sa isang bantay na kakapasok lang. Nilapitan siya nito.
"Sigurado ka bang naiihi ka na prinsesa?" Ganoon pa man, hindi sila pinapayagan na umihi sa silid na 'yun. Kahit pa na napaka dumi ng silid.
Iginalaw niya ang pwet, para bang nagpipigil. At kagat sa labi niya. Gabi na, at nararamdaman niya iyon sa uri ng lamig na nararamdaman niya. "Opo, please po... naiihi na talaga po ako. Promise po, hindi ako tatakas." Ang plano niya ay hanapin ang bantay na 'yun. Hindi siya tatakas pero hihingi siya ng tulong mula dito. Desidido na siya.
"Osya, sige." Pinakawalan siya mula sa pagkakatali at sinamahan na magpunta sa banyo. Sa paglalakad niya papunta sa banyo, ang mga mata niya ay hindi mapakali. She's trying to find that guy. Kahit na hindi pa siya sigurado sa haka-haka niya rito ay susunggaban na niya ang pagkakataon.
She peed, and when she's done. Lumabas rin siya. Pero ang ikinagugulat niya ay napalitan ang naging bantay niya.
"Hi, princess." Ito yung lalake na hinahanap-hanap niya. Kinindatan siya nito. Bagay na mas nagpapalito sa kanya. Bakit ba siya nito kinindatan? May crush ba ito sa kanya? Kung meron man, hindi na siya pwede. Si Archer na ang gusto niya. Subalit, isa din doon ang pag tawag ng ibang bantay sa kanya na prinsesa. Ano bang meron at bakit iba ang trato nito sa kanya?
"Bakit ka nandito? Nasaan na 'yung matabang lalake?" Nakapirmi at walang ka emo-emosyon ang tono ng boses niya, pati ang mukha niya ay nanatiling blangko.
"Ako ang pumalit sa kanya." Yun lang ang sinabi nito. At tinulak siya papasok ulit sa banyo.
Ano ang gagawin nito sa kanya? Nag panic siya ng pinapapasok siya ulit sa ala-mall na banyo. Madilim nga lang. "A-Ano ang gagawin mo?" Nauutal niyang tanong sa lalake. Umatras siya ng umatras, habang ang lalake ay panay lakad palapit sa kanya. Tumindi pa lalo ang kaba na nararamdaman niya.
"Ano ang gagawin mo sakin, sabi?!" At hindi na nga niya mapigilan ang hindi mapasigaw. Her voice screams authority. Power. Takot man, pero natatabunan ng mga yun ang takot na meron siya ngayon.
Then the guy kneels in front of her. Yung luhod na sinasamba ka, parang prinsipe. Laglag ang panga niya nang yumukod din ito sa kanya, ang kamay ay nasa dibdib. "Ano b-ba ang ginagawa m-mo?" Then her voice lie low.
"Pasensya na kung tinakot kita, prinsesa." Pag paumanhin na naman nito. Nakayuko pa rin. "Nandito ako dahil sa isang utos na mula sa lolo mo."
Lolo? Sinong Lolo? She mean, ano naman ang kinalaman ng mga Lolo niya? At sino sa dalawang lolo?
"I can't understand what you are doing." She said, with laziness evident from her voice.
"Si Archer ay isang apo ng isang Mafia. Hindi naisara ng lolo ni Archer ang deal sa isang Mafia na nagmula sa China. Kaya kayo ngayon ang apo niya ang pinuntirya. Nadamay ka lanh prinsesa at pinapapapunta ako rito ng Lolo mo para tulongan kang nakatakas." Seryoso ito sa mga sinasabi.
Napaupo siya, pumantay sa mukha ng lalake. Para matingnan ito ng maayos. Sincerity is within the eyes of the guy, ibinaba ni Kassia ang maskara nito na binalot ang kalahati g mukha nito. Tiyaka niya ito tiningnan ng buo. Binabasa kung totoo ba ito sa sinasabi.
"Hindi ko pa rin maintindihan. Sinong Lolo?" Kasabay ng bibig niya ay ang mga mata niyang nagtatanong rin. Nalilito. "Magsalita ka ng maayos, at ipaliwanag mo rin ng maayos. Nalilito ako sa'yo." Diretsyahan niyang sabi. Wala na yung takot na kanina niya lang nararamdaman. "At sino ka ba? Bakit mo ako tinatawag na prinsesa? Hindi hamak na isa lang akong walang kuwenta at normal na babae na naninirahang mag isa kahit kasama pa ang pamilya ko." Pagsasabi niya ng totoo. Papaanong naging prinsesa siya?
May saltik ata sa utak 'tong lalake na 'to. Kahit ano-ano nalang Ang sinasabi. Kung prinsesa siya, dapat marangya ang buhay niya ngayon. Hindi piste at nagkanda letche-letche.
"Ako so Eliazer--"
"Tumayo ka nga, masyado kang magalang sa'kin. Bata pa naman ako! Tiyaka magsalita ka ng maayos. Tanggalin mo muna ang manners mo at ipagpaliban yan para sa susunod." She sigh and rolled her eyes before standing up. "Now, talk."
Ang mukha niya ay nabahiran ng pagka inis, nang mahina itong tumawa. "What's the fuss?" Balik na ang mukha niya sa pagiging seryoso.
"Wala. Nga pala, ako si Eliazer. Isa ako sa mga tauhan na pinagkakatiwalaan ng Lolo mong si Titus."
"Ano naman ang kinalaman ng Lolo ko ngayon dito?" Naalala niya, may isa pa pala siyang Lolo. Pero tatlong beses lang niya ata nakikita. Nung two years old siya, four at fifth birthday nila ni Zen. Tapos ngayon... "Papaano mo nakilala ang lolo ko?" Umaandar na Ang pagka kuryuso ni Kassia sa mga sinisiwalat ni Eliazer sa kanya.
"Kilala siyang bilang si Haring Lucifer. He ruled an Empire. Emperyo na naglalaman ng iba't-ibang uri ng tao, isa na roon ang Mafia at Gangster sa kabuoan ng Asya. Pinapapapunta niya ako dahil nag aalala siya sa'yo."
"Kung nag aalala siya, dapat pinasundo na niya ako agad. Hindi yung ikaw lang at pinaglalagi pa ako ng isang linggo!" Galit siya, baliw din siguro ang lolo niya dahil isang tauhan lang niya ang pinadala.
"Hindi ka naman dapat nagtagal dito kung nakuha mo lang agad ang mga sensyales na binigay ko sa'yo." Wow! At siyawpa nga ang nasisi.
"Eh, sabi mo kilalang Hari ang Lolo ko? Edi easy lang sa kanya 'to!" She insisted. Ngayon magpaparamdam ang lolo niya sa kanya, tapos may kulang pa sa tao. Papaano siya makaalis?!
"Hindi iyon dahil sa hindi niya kaya. Kundi dahil gusto niyang papiliin ka."
Doon uli na-kuryuso si Kassia. Ang inis ay napalitan ng pagka kuryuso. Hindi na niya binabara ang lalake. Nanahimik siya.
"Kung gusto mong makatakas. Kailangan mong sumailalim sa pagsubok. Kung gusto mo rin mailigtas ang kaibigan mo. Kailangan mo ring mamili ng maayos.”
"Pagsubok? Ano ang ibig mong sabihin?" Tanong niya.
Kumilos ang lalake, at may kinuha mula sa likuran nito. Nang makuha, inilahad nito ang isang baril sa kanya. Halos mapatalon siya sa nakita. "Ano ang naramdaman mo nang ininsulto ka ng lalake nung una mo rito? Galit? Takot? Suklam? Ano ang gusto mong gawin dito nung mga panahon na 'yun?"
Doon nag flashback sa kukuti niya ang ginawa nitong pananakot sa kanya. Her jaw clenched, as well as her eyes turned sharp. Her hands turned into fists, and her mood became dark and livid.
"Gusto ko siyang patayin sa paraan na sinabi niya sa'kin nung araw na 'yun." Hindi niya makakalimutan ang pananakot nito sa kanya, at ang takot na nararamdaman niya mula rito. Hindi niya yun gusto at gusto niya itong pira-pirasohin.
Ngumis ang lalake na tila nagugustohan ang naging reaksyon niya. Kakaiba ang tawa nito, at parang demonyo na nakasagap ng magiging pa-in. "Kaya mo yang gawin, at sa paraan na yun... maliligtas mo rin ang kaibigan mo."
Napatitig si Kassia sa baril na nakalahad para sa kanya, habang ang puso niya ay binalot ng kadiliman at galit para sa mga lalakeng kumidnap at naglagay sa kanila dito.
"Patayin mo siya, patayin mo rin silang lahat. Ubosin mo ang lahi nila, at nang sa gayun... maipaghiganti mo rin ang kapatid mo." At tuloyan na ngang nasilaban ang nagbabaga pa lang niyang galit ng mapangahas na apoy. Kinuha niya ang baril at walang sere-seremonyang ikinasa. Tinutok kay Eliazer na may malaking ngisi sa mukha.
"Tell me, what I am going to do?" Walang bahid ng pagbibiro ang mga salita na binitawan ni Kassia, at nanlilisik ang mga mata na tinitingnan ang mukha ng mga lalakeng sinaktan si Archer nitong nakaraan na nasa isipan niya ngayon, nagpalutang-lutang. Pati na rin ang mga nakaitim na lalake, na pumatay sa kapatid niya noong araw na 'yun.
"Be a Gangster, Princess."