PART 2: The Pain
Kakalabas lang ni Xen sa kuwarto nila ni Zen, nang makita niya ang ina na naglalakad papunta sa hagdanan.
"Mom, I'm sorry... I do not--" Humihingi ng tawad si Xen nang binara siya ng kanyang ina at puno ng pagka sukmal na tiningnan. Pagkatapos ay dinuro. Therese is greeting her teeth. Gumagalaw ang panga.
"Its your fault! Your fault!' At napaiyak ulit, lalo na't naalala nito ang sinabi sa kanila ng doctor nang maisugod sa hospital si Zen. Ang sakit ay hindi mawala-wala sa puso niya. Hindi niya rin malimutan.
"Pinatay mo ang kapatid mo! Ikaw Ang pumatay sa kanya! Curse you! Isa ka talagang malas sa buhay ko, Xen!" Malakas at malutong na sampal ang dinangat ni Xen sa ina. The pain, it's soothing. Tumitibok ang balat niya sa natanggap na sampal. umiinitw pagkatapos. Panay pa rin ang iyak nito, at wala ring pahinga. Hindi umiyak si Xen at tinanggap ang hagupit ng pananakot sa kanya ng ina. Tinitiis ang hagupit na dala ng pag ma-maltrato sa kanya ng sarili niyang Ina. Pinagtutulak siya nito at sinasabunotan habang nasa kalagitnaan sila ng engrande mahaba at malapad na hagdan.
"Ikaw nalang sana ang namatay, at hindi nalang si Zen!" Sigaw nito na ikinadurog ng puso niya. Kusang tumulo ang mga luha niya na animo'y water falls na walang tigil sa pag bagsakan ng tubig. "Isa ka talagang malas! Sana hindi na kita iniluwal at pinatay noong hindi ka pa lumaki sa tiyan ko!" Parang hinahati-hati, tinatadyakan, at pinipira-piraso ang bata niyang puso sa narinig. Tumatagos ang sakit at dumarami ng ilang bilyong volts na hatid nito sa kanya. Para siyang nawalan ng lakas at nanghina. Lalo na't nalaman niya kung gaano siya ka hate ng ina at gusto pa siya nitong patayin. Mas masakit pa sa sakit ng pananakit nito sa kanya.
Noon ay hindi niya naiisip ang ganoong bagay, pero ngayon na ang mismong ina na niya ang nagsabi... Ay gusto na lang din niyang mamatay. Ano pa nga ba ang halaga ng buhay niya kung sa una pa lang ay hindi na pala siya nito gusto ni kailanman ay hindi siya minahal at pinahahalagahan? Bakit pa ba siya nabuhay kung wala namang may gusto sa kanya na mailuwal sa mundo?
Dalawang araw na ang nakakaraan matapos mangyari ang trahedya. Wala pa rin sa kanyang sarili si Xen, kagaya ng ina ay nasasaktan rin siya. Sobra-sobra pa sa sakit na dinaranas na meron ang ina niya. Ang nangyari ay binalik-balikan siya kahit pa man sa panaginip. Ang bahid ng dugo na nahawakan niya noon ay ramdam pa rin niya sa balat at palad niya. Ang takot at ang pagka-balisa... Ay hinahabol siya. Hindi pinatatahimik at na trauma sa naganap. Kay bilis ng pangyayari, parang kahapon lang ay masaya siyang naglalaro kasama ang kapatid. Pero ngayon...
Naghihinagpis ng mag isa at tahimik na sinisisi ang sarili sa nangyari, dahil sa biglaang pagkamatay ng kapatid. Ikalawang araw na, pero wala pa rin siyang tulog. Minsan lang kung kumain, at kung kumain man, maliit lang.
She's pale, and cold. Pero hindi niya 'yun alintana. Wala rin naman siyang mararamdaman na sakit galing sa physical na pang aabuso. Para na rin siyang nawalan ng kakayanan na masaktan and everything turned numb. Kahit na inalipusta na siya ng ina niya ay sige pa rin siya. Makailang ulit na dinudurog ang puso niya, dahil mismong magulang niya ay gusto siyang mawala.
Gusto niyang malaman, ano ba ang nagawa niya para siya'y tratuhin ng ganito? Bakit ganoon nalang ang galit ni Therese sa kanya? Biktima lang din siya...
Alam niyang nagluluksa ang pamilya niya, pero hindi man lang ba nito naisip na, nasasaktan din siya? Na double ang dulot sa kanya about sa nangyari? Wala siyang kasalanan, pero bakit sa kanya ibinunton ang sisi. Wala siyang alam na mangyari 'yun at nagulat rin siya dahil sa bilis ng pangyayari. Bakit lahat nalang ay siya ang mali? Hindi niya maintindihan...
Masyado ba siyang pabigat? Masyado na ba siyang naka-perwisyo sa pamilya nila?
"Tama na 'yan, Therese!" Dumagundong ang mala-kulog na boses ng kanyang ama. Nasa tuktok ito ng hagdanan at ngayo'y naglalakad na papalapit sa kanilang dalawa.
Mapaklang tumawa ang ina niya, "So pinagtatanggol mo ang anak mong krimenal, Alex?!" Bulyaw na naman nito. At basta-basta siyang tinulak sa hagdanan.
She groaned, by the time that she fell at iniwasang hindi mapahikbi. "What the fvck, Therese! Anak mo rin si Xen! Hindi niya kasalanan ang nangyari at pare-parehong alam natin yun!" Agad na tumakbo si Alex para puntahan ang anak na ngayo'y gumugulong sa kahabaan ng hagdanan. "Damnit! Pwede ba, tumigil ka na?!" Tila ba nauubosan na ng pasensya si Alex sa asawa nang pigilan siya nito sa braso.
"So ano naman ngayon kung hindi siya ang bumaril?! Ano naman ngayon kung anak ko siya? Ha, Alex?!" Binaklas ni Alex ang pagkakahawak ng asawa niya sa braso niya.
"Baliw ka na." Tiyaka tinakbo ang anak na ngayo'y nasa dulo na ng hagdan.
Kassia's head is bleeding. At nawalan ng malay sa ginawang pagtulak ni Therese. Makailang ulit na napamura si Alex, bago kinarga ang anak at itinakbo sa hospital. Nag-aalala.
Nagluluksa man at galit sa nangyari si Alex. Hindi niya rin maiiwasan na hindi magalit. Magalit sa sarili niya, pati na rin sa anak niya na wala namang ginawang mali. Biktima lang din si Kassia. Kagaya lang din siya ni Therese. Pero hindi kagaya ni Therese ay ibinunton niya ng harap-harapan ang sakit na dinulot sa kanya ng isa niyang anak.
He just realized, kung mawala pati ang isa niyang anak. Baka mamatay na talaga siya. Kaya ganun nalang ang pag-aalala niya nang makita ang mag ina niya sa gitna ng hagdanan kanina. At narinig ang mga pinagsasabi ng asawa niya sa anak nila. Kung may sisihin man sa nangyari, dapat siya 'yun dahil iniwan niya ang mga anak na naglalaro sa garden.
Isang araw ang inilagi ni Kassia sa hospital, at kinabukasan rin ay umuwi sila ng daddy niya. Sa biyahe ay wala itong imik hanggang sa marating ang bahay nila. Naninibago si Kassia, at maiiwasan na baka... Baka kaparehas na ito ng ina niya na hindi siya mahal. Kung titingnan ang mukha ng ama ay para itong papel na walang sulat at blangko lang.
"Bakit mo pa 'yan inuwi dito?" Nasa sala ang ina nang makauwi sila ng daddy niya. Ang mga mata nito ay nagsusumigaw sa galit, puot, at sakit. Ayaw siya nitong makita. At ang pag uwi niya ay hindi maganda.
"Kung hindi mo gusto si Kassia, Therese. You can just ignore her." Napatingala si Kassia sa ama. Lalo na ang marinig ang katagang 'yun. Ano ang ibig sabihin ng ama niya sa kanya? "Huwag mo siyang pansinin at mag focus ka sa ginagawa mo. Pagsalitaan mo siya ng kahit ano, basta huwag mo siyang sasaktan sa pisikal na pamamaraan. Magalit ka hangga't gusto mo. Mangsuklam ka, hangga't feeling mo maging. Basta huwag mo siyang sasaktan." Nakapirmi ang boses ng kanyang ama. Habang kinakausap ang ina na nasa malayo.
Mayroong hindi makapaniwala na tingin at ngisi. "Tapos, gusto mo siyang tanggapin ko Alex? Siya ang pumatay kay Zen! Siya ang dahilan kung bakit namatay si Zen! At si Zen lang ang mahal at ang anak kong babae, Alex! Wala akong anak na krimenal!" Sigaw nito pabalik. Ang dibdib nito ay tumataas-baba.
Nagsimula na namang maghulogan ang mga luha sa matawni Kassia nang makarinig ulit ng masakit na salita mula sa mismong nanay niya. Her lips tremble as she keeps her sobs only to her.
"Oh, bakit ka na naman umiyak Xen? Di'ba ito ang gusto mo, ang mapansin kita?! Heto na, napansin na kita! Masaya ka na dahil wala na Ang kakambal mo na karibal mo rin sa'kin?!" Tapos naglakad ang ina niya sa pwesto nila. Habang si Alex ay humihigpit ang pagkakahawak sa maliitwna kamay ni Kassia. Nagpipigil sa sariling temper na huwag sumabog.
Parang wala sa sarili na tumawa ang ina niya, at umuklo para magpantay ang mukha nila. May nang-iinsulto ito na mukha. "Galit ka? Galit ka sa'kin? Hindi mo ako mahal? Hate mo ako? Sige! Hate me all you like! To hell I care about you, Kassia!" That's the first time that her mom called her in her second name. It must be nice to hear that, pero nasa situwasyon sila na hindi maganda. "Magalit ka Kassia, gawin mo rin ang ginawa ko sa'yo! Patayin mo na rin ako! Is that what you to do with me, dahil hate kita?! Sige!" Kinuha pa nga nito ang kamay niya at ito mismo ang sumampal sa sarili.
"Tama na!" Sigaw ni Alex at inilalayo si Kassia kay Therese. Para hindi masaktan ulit. "Pwede ba, Therese! Tumigil ka na?! Kahit na ano pa ang gagawin natin, hindi na maibabalik si Zen! Naiintindihan mo?! Hindi na! Dahil hindi na babangon ang patay! Gusto mo subokan?" Galit na galit si Alex sa asawa at malabong papanaog yun kaagad. Punong-puno na ito sa kaingayan at paulit-ulit na paninisi ng asawa sa anak.
Tinuro ni Alex ang lugar kung saan pinaglamayan ngayon ang anak na hinahanap-hanap ni Therese. "Pumunta ka roon, at gisingin mo si Zen!"
Ang matapang at kaninang galit na mukha ni Therese ay napalitan ng pagkalungkot. Umiiyak ito at hanggang sa hindi nito kinaya ay napadausdo ito sa sahig. Tinatakpan ang mukha. And that was the one of the most painful scene na nakita ni Kassia. Gusto man niyang lapitan ang ina at patahanin ito, ay hindi niya magawa dahil sa takot na baka sasaktan na naman siya ulit.
"Ano ba ang mahirap sa pag iintindi, Therese! Walang may kasalanan sa'tin dito, kaya wala rin dapat tayong pinagbuntonan ng sisi dahil wala naman satin ang kriminal na bumaril sa anak natin!" Ang boses ni Alex na kanina lang ay parang kulog ay humina. Tila nauubosan na rin ng lakas sa mga pangyayari. "Ano bang mahirap intindihin na anak mo rin si Kassia? Nanggaling siya sa'tin, tayo ang gumawa sa kanya at ikaw rin ang nagluwal pati na rin ang nag alaga. Bakit hindi mo ba makuha at naging unfair ka na?" There's disappointment in Alex's voice. Making Therese quiver in sadness more.
"So, ano ang gusto mong gawin ko, Alex? Ni hindi ko nga alam kung papaano ko kontrolin ang sakit na tumatarak sa puso ko bawat segundo." Humihikbi na ang ina pero ang ama niya ay nanatili pa ring matigas. Hinahayaan na magdusa ang ina niya sa sakit na dinadamdam nito.
"Daddy..." Tawag niya sa ama, niyuyugyog ang kamay nito.
Nilingon siya ng ama, tiyaka nito napansin na mahigpit na pala ang pagkakahawak sa kamay nito. Lumuhod si Alex sa anak, at niyakap ito. "Sorry, Kassia. Patawarin mo 'ko."
Hindi alam ni Kassia kung bakit humihingi ng tawad ang ama niya, samantalang wala naman itong ginagawa sa kanya na ikakasakit niya. "Kung naroon lang sana ako at hindi ako umalis... Sana hindi na 'yun nangyari at hindi ka naipit sa situwasyong ito..."
Hindi magawang maintindihan ni Kassia kung ano ang gustong iparating sa kanya ng ama, kahit sa mga sumunod pa na mga away na narinig niya mula sa mga magulang niya ay hindi niya rin magawang maintindihan. At dahil bata pa, at wala pang masyadong alam sa mundo. Natural na magugulohan siya.
Sa huling araw ni Zen sa kanila, halos hindi na lubayan ni Xen ang kabaong na pinaglalagyan ng kambal. Hindi rin siya natulog at nanatili sa tabi nito. Kinakausap at sinusubokan na gisingin ito. Kagaya ng sinuhestiyon ng ama niya sa ina niya.
"Zen, wake up ka na please... I know you are just sleeping... You are not dead, are you? Hindi mo ako iiwanan di'ba? Yun ang sabi mo sakin. And promises should stick within us. Kaya gising ka na diyan please... Please Zen. Sorry na kung pabigat ako sa'yo. Sorry kung dinadala kita sa mga troubles." Hinahaplos-haplos ni Xen ang see through window ng kabaong kung nasaan mahimbing na natutulog si Zen.
"Zen, sige na! Do you know how many days and hours you are like that? Come on, let's play again. Let's laugh and be happy again. Mommy... She's sad... and I do not know how to make her unsad." Pag amin ng batang si Xen. "And I do not know why Daddy and mommy keeps on fighting..."
Pero kahit anong subok ni Xen na gisingin ang kapatid... Hindi pa rin ito bumabangon. Bagay na nagpapaiyak sa kanya ng husto. Lalo na nung kailangan na nilang ilibing si Zen.
"No, no! Please, don't put Zen there!" Papanaog na kase ang kabaong sa lupa. At gusto ni Xen na huwag itong ilagay doon dahil ma-trap si Zen roon. "No!" Hawak siya ng ama, at nagpupumiglas. Pumapalahaw na siya sa pag iyak lalo na nung tinaponan na ng bulaklak ang kabaong.
"Zen! Bumangon ka na kase!" Sigaw niya at napatigil ang lahat sa pagtapon ng mga puting bulaklak. "Hindi patay ang kambal ko, she's just... sleeping! So please, take her up again!" Pagmamakaawa niya ulit at tumakbo sa may butas. Ka-muntikan pa nga siyang mahulog, mabuti nalang at mabilis ang kanyang ama na mahuli siya.
"Zen is dead, Kassia. Hindi na siya gigising, and I want you to accept that. Kahit mahirap." Makahulogan na sabi ng ama niya sa kanya. Sa malumany na paraan.
"Hindi daddy, she's alive! She's strong!" Pagpupumilit ni Kassia habang panay ang pagtulo ng luha sa mga mata niya. Ni hindi na nga siya halos makahinga dahil sa sipon na bumabara sa ilong niya. Na dinagdagan pa ng pag hikbi niya.
"And stronger ones can't conquer death. If it was there calling time with the reaper, they will die. No matter what."
Sabi yun ng isang batang lalake. Dahilan para mangalaiti sa galit si Kassia at sinugod ito. Inaway at pilit na sinabing bawiin ang sinabi nito. Dahil nga hindi pa patay ang kapatid niya.
Meanwhile…
"How's the job I order from you, Eliazer?" Tanong ng isang hindi kilala na lalake.
"Success, boss. I have here your request. Alive."