Chapter 1: - Prologue: The Past

Kakagising lang ni Xen ng umagang 'yun. Sabado at wala silang pasok ngayon. Mas maaga siyang nagising kay Zen ngayong araw na ikinakatuwa niya.

Kakababa lang niya nang tawagin siya ng kanyang ina. Nagbabasa ito ng magazine habang magkahagpong ang dalawang paa na nakapatong sa ibabaw ng lamesa sa living area. "Xen, ikuha mo nga ako ng juice sa ref." Utos nito sa kanya.

Malapad ang ngiti na tumango siya sa ina, "Opo, mommy!" Kahit na hindi naman siya nito tinitingnan.

"Bilisan mo na, at nauuhaw na ako." Utos na naman nito, para siya'y mataranta. Nagpunta siya sa kusina, at dahil bata pa. Hindi niya abot ang mga baso na nasa itaas nakalagay. Kumuha siya ng upoan at umakyat rito. Maingat na kumuha siya ng baso at maingat rin na bumaba.

"Naku, Xen! Ikaw na bata ka talaga." Turan sa kanya ng isa sa mga ka close niyang katulong na si Manang Hera. "Dapat tinawag mo nalang ako para hindi ka na mahirapan diyan."

Napakamot lang sa ulo si Xen, at ngumisi lang sa katulong. Napakasayahing bata ni Xen, may kakayahan itong magbiro at mang inis sa pagbibiro na pamamaraan. Isa na roon ang Yaya Hera niya.

"Sabi kase ni mommy, need niya ng juice Manang. Kaya ikukuha ko po siya." Tunay na masayahin at hindi marunong kung magalit si Xen. Iiyak lang ito kapag pinagtaasan siya ng boses at pinagbuhatan ng kamay. Kadalasan ay nagmula sa ibang bata. Kapag gusto niya sumali sa laro pero hindi siya nito gustong makalaro.

"Ako na ang magdadala. Baka mabasag mo 'tong baso." Sinserong sabi ng katulong.

Mabilis na umiling ang inosenteng bata na si Xen. Hindi sumasang-ayon sa sinabi ng yaya sa kanya. "Pero ako po ang inutosan ni mommy, Yaya Hera. Kaya ako na po, sige na please!" Pangarap ng batang 'to ay ang mapansin ng ina niya. At ngayon na tinawag siya nito, gusto niyang sundin ang mga sinasabi at inuutos nito sa kanya.

Napabuntong hininga nalang si Yaya Hera at ibinigay kay Zen ang nasalinan na niyang baso. "Osya, basta mag ingat ka sa nilalakaran mo ha? Mag dahan-dahan ka at hawakan mo ng mabuti ang baso."

Masunorin na tumango si Xen. "Okay po!" Tinitingnan ng katulong mula sa malayo si Xen. Habang sinunod rin nito ang mga sinabi niya. Alam kase ng katulong ang maaaring mangyari kapag nagkamali ito. Nang makitang maayos na nalapitan ni Xen ang ina. Saka lang ito tumalikod para bumalik sa napag-iwanan na trabaho.

"Ito na po ang juice na hiningi mo po mommy." Magalang na sabi ni Xen.

Nasa magazine pa rin nakatuon ang atensyon ng mommy ni Xen habang ng tinanggap nito ang juice na binigay ng anak. "Masarap po 'yan mommy." At sa sinabing 'yun ng bata. Biglang nasalinan ng juice ang binabasa nito. Bagay na hindi nito napansin na tumabingi na pala ang basong hinahawakan.

"Bullshit!" Mura ng ina.

Ang masayang mukha ni Xen ay unti-unting nalukot at nauwi sa hikbi. "Tumahimik ka nga!" Ngayon ay sumigaw ito, umusbong ang matinding kaba sa puso ni Xen at dahil nga bata, madali itong ma-apektuhan. "Shut up, Xen! Kasalanan mo na nga na nabasa ang dress ko, ikaw pa 'tong maingay!" Padaskol na tumayo ang ina at itinulak siya pagilid.

Iniwan nito ang luhaang si Xen, para magbihis nang dumating ang Abuelo at ang Ama niya.

"Anong nangyari dito?" Hindi nagsalita si Xen at hininaan ang pag iyak. Takot na baka siya na naman ang pagagalitan.

"Therese? Bakit umiiyak ang anak natin?" Ang ama niyang si Alex ang nagsalita at tinaponan siya ng tingin.

"Binasa lang naman ako ng magaling mong anak, Alex." Asik ni Therese at tiningnan ng masama ang anak. "Tingnan mo nga ang ginawa niya sa dress ko! Basang-basa na!" Pagkatapos ay sumibat ito paalis at nagpunta sa ikalawang bahay na may mabibigat na mga paa.

Nakayuko si Xen nang lapitan siya ng ama, masuyo siya nitong tiningnan habang nakaluhod ang isa nitong tuhod para mag pantay ang height nila. "Pag pasensyahan mo na si Mommy mo, Xen ha? Sadyang hindi lang maganda ang araw ng mommy."

Noon pa man at, parati ng naiinis ang ina sa kanya. Hindi niya alam, pero mabilis kumulo ang dugo nito kapag siya ang kaharap. "Hindi ka naman galit kay mommy di'ba anak?" Wika sa kanya ng ama, nang mapansin siya nitong tahimik na umiiyak. Pinunasan nito ang basa niya pisngi pati ang ilong niya na may sipon, gamit mismo ang kamay nito.

Umiling si Xen, "I'm not mad with mommy..." tiyaka ito yumakap sa ama. Muli na namang umiyak. "Hindi po ako galit, daddy."

Sa bahay na 'yun, tanging kapatid lang at ama niya ang nagpapahalaga sa kanya. Yun nga lang, minsan lang kung naroroon ang ama sa bahay nila dahil sa trabaho, kaya minsan lang din sila kung mag bonding. Kagaya ngayon, paalis na ito para sa isang hearing. Abogado kase ito at bawal itong umabsent.

"Oo anak, alam ko." Hinalik-halikan nito ang buhok na nasa gilid ng tenga niya. "Mahal mo si mommy kaya hindi mo kayang e hate siya." Her dad is as always loving and sweet to her. Kahit sa ganoong bagay, nakakabawi man lang.

Unang umalis sa yakap si Alex, at hinawakan ang maliliit na balikat ng anak. "Kailangan nang umalis ni Daddy, Xen. Mag behave ka okay? Uuwi ako kaagad mamayang hapon. Maglalaro tayo, Basta promise mo sa'kin, magpapakabait ka."

Suminghot-singhot si Xen habang masunorin itong tumango. "Yes, daddy. I love you, daddy!" At pinupog ng halik ang mukha ng ama.

Napatawa ang ama sa ginawa niya, "Daddy loves my princess too." Tiyaka hinalikan ang noo niya at tuloyan na ngang umalis ang ama.

Nang mag agahan, asikasong-asikaso si Zen sa mommy nila. Ito ang nagpapakain. Habang siya ay mag isa lang. She envy her twin sister, dahil malapit ito sa mommy nila. Kahit nga naiinggit siya, hindi niya inilalabas ang saloobin na 'yun at itinago nalang sa sarili niya. Kapatid rin niya naman kase si Zen at mahal niya ito.

Xen compare to Zen is chubby. Hindi ganoon ka talino. At active sa outdoor activities. Samantalang si Zen ay mabilis mapagod pero payat, matalino at matapang. Parati siya nitong pinagtatanggol. Mahal siya ni Zen kaya hindi niya kayang kamuhian ito. Zen is her friend, her sister, and her companion. And she adore her. She loves Zen.

Kahit sa pag ligo ay ganoon pa rin ang ganap. Siya lang ang naligo, at nag asikaso sa sarili niya. Walang tulong mula sa mommy niya. She enjoys it too naman. Ang pag iisa ay nagbibigay rin sa kanya ng katahimikan at kakaibang saya na maka bonding ang sarili.

Nang matapos rin silang mag tanghalian ay sabay na nag aaral si Zen at Xen. Tinuturoan siya ni Zen kung papaano mag kulay, at natutuwa siya dahil hindi na ganoon ka rumi ang pag kulay niya. "Anggaling! Ang neat na ng sheet ko, Zen!"

Pinalakpakan siya ni Zen, "You did a great job, Xen! Same na ta'yo oh. Look!" At pinakita rin ni Zen ang kinulayan.

"Yey! Ang galing natin!" Sabay apie nilang dalawa. They're both giggling, at na inspire pa na magkulat ng marami.

Isang oras ang nakalipas, dumating ang ina nila na may dalang snacks. "Mom!" Tawag ni Zen tiyaka tumayo para lapitan si Therese.

"Yes, baby?" Nilagay nito ang dalang cookies at juice sa lamesa malapit sa pinto, bago hinarap Ang anak.

"Tingnan mo, di'ba ang ganda?" Maligalig na pinakita ni Zen ang activity ni Xen.

"Wow, angganda naman." Tiyaka kinuha ni Therese ang sheet at may namamanghang ngiti sa labi.

"Si Xen po ang nag kulay niyan mommy, hehe!" Zen giggles.

Awtomatikong nabura ang ngiti na meron si Therese kanina, at isinauli sa anak. "Yeah..." Nakita ni Xen kung papaano nagbago ng reaction ang ina. She's hopeless. Ayaw pa rin sa kanya ng ina.

Kumain sila ng snacks, ang kambal at ang ina lang ang nag uusap habang siya ay tahimik na inubos ang cookies na hawak at ang juice.

"Ang sarap ng cookies! Thank you, mommy!" pagpapasalamat ni Zen tiyaka niyakap ang ina mula sa gilid. Magkatabi kase ito na nakaupo. Siya naman nasa kabila.

"Basta ikaw, anak. Mommy can do everything for you!"

Lumungkot ang mukha ni Zen, "Bakit sa'kin lang? Papaano naman si Xen mommy?"

Xen has nothing to say, it was her sister's own words. Wala siyang kinalaman doon. Kung magalit man ito. Wala din siyang pagkakamali.

"Salamat po sa cookies." Malumanay na sabi ni Xen at bumalik na sa ginagawa. She's sad. Kase hindi man lang siya magawang magustohan ng mommy niya. Kahit na anong papansin niya noon.

"Of course, for you and Xen." Maasim ang salita nito. At nag aalangan. Hindi seryoso. Hindi man siya gusto ng ina, ay hindi naman siya nito pinagbubuhatan ng kamay. Pero hindi pa rin naman mailalayo sa katotohanan na hindi siya nito magawang magustohan.

Nang mag hapon, dumating ang kanyang ama at naglalaro silang tatlo sa bahay-bahayan na bagong bili ng mommy nila para sana kay Zen. But Zen likes playing with her sister at hindi ito maramot.

"You two, may sasagotin lang na tawag si daddy. Dito lang kayo ha? Huwag mag likot. Bawal kayo magpunta sa kalsada."

Ang bahay nila ay nasa isang village nakatayo. At malapit lang din sa kalsada. Ngayon ay nakaupo sila sa isang picnic cloth sa garden ng bahay nila, makikita lang ang kalsada at ang nagsisilbing hawla ng bahay ay average height lang na woods na pinagdidikit-dikit. May nakikita rin silang mga bata na naglalaro mula sa kabilang bahay. Nag hahabol-habolan. Jack en'poy at lupa-langit. Kasama nito ang mga yaya na nakatingin lang sa malayo.

"Okay po, dad!"

"Balik ka po agad, daddy!" sabay-sabay nilang sabi sa ama.

"I will." At binigyan sila ng mga halikw sa noo bago umalis ang ama para sa isang importanting tawag. "Yes, hello..."

"Xen, bahay-bahayan tayo? Okay ba?"

Lumiwanag ang sa galak ang mata ni Xen, "Kapareho ba 'yun ng nilalaro natin last week?"

"Yup!"

"Wow! Sige!" Pumayag si Xen at tinanggap ang mga kamay ng kapatid na nakalahad para sa kanya.

"Yepeey! Iikot mo ko, Xen!" At nag iikot-ikot nga silang dalawa. Magkahawak ang kamay at magkaharap. May mga tawa ring umaalpas sa mga labi nila.

Hanggang sa mapagod ay tumigil silang dalawa. Hinihingal at nahihilo. Sabay na bumagsak sa Bermuda grass. "I'm feeling dizzy." It was Zen.

Ang mga ulo nila ay magkalapit lang, ang mga katawan ay nasa iisang direksyon. Ang mga braso ay parang ano ng kotse na itinaas-baba, sinabayan rin ng kanilang mga binti.

"Me too." Sagot ni Xen, pinahuhupa ang malakas na paghinga.

Nang makaraos ay, "Xen, you are my baby and I am your mom. Understand?" Balik sila sa napagkasundoan.

"Okay! And babies stay at home right, momma?" At naghahagikhikan na naman sila.

"It is, haha!"

"Then what will my momma do now?"

Nag isip si Zen, nakaturo ang point finger sa chin. "Hmm, I will do groceries!"

"Huh? Pupunta ka sa grocery, Zen? Hindi ta'yo allowed dun." Tumalima kaagad si Xen at sinabihan si Zen na hindi pwede.

Humagikhik si Zen, mukhang nalinlang niya ang kapatid. "Hindi, its as if na may grocery store ta'yo dito sa garden. Soon ako pupunta. Yun ang magiging grocery store natin." Anito at tinuro ang isang malaki na vase na may malaking tanim.

Naging maamo ang mukha ni Xen, at inintindi ang sinabi ng kambal. Bago sumang-ayon. "Okay, so you will go there and pick some leaves?"

"Correct!"

Yun nga ang ginawa nila, si Xen ay nanatili sa bahay-bahayan nila habang tinatanaw si Zen na namimili daw ng pagkain nila. Maganda ang handog ng panahon ngayong araw. Peaceful at walang delubyo. Hindi mo mahihimigan ang kung ano mang darating.

"I'm coming home!" Sigaw ni Zen mula sa malayo. Iwinagayway pa nga nito ang nakuhang mga dahon sa kanya. Siya naman ay nag flying kiss sa kambal. Smiling all wide and grinning her teeth.

Mabilis ang naging pangyayari, pabalik na si Zen nang may maiingay na motor na dadaan. Pero ang inakalang dadaan lang ay huminto sa harap ng bahay nila. Naglabas ng baril.

Zen was shock, it drawns to her face. Alam niya kase kung ano ang bagay na 'yun. Nakakasakiy yun at madalas nakikita sa pag patay ng tao. Si Xen ay walang kaalam-alam, at nakangiti lang sa kapatid. Ang atensyon nito ay na kay Zen lang. Ni hindi ito tumingin sa direksyon ng mga lalake.

Nabitawan ni Zen ang mga dahon na kinuha at tumakbo papunta sa kapatid. Lalo na't nakita niya na itinutok 'yun kay Zen. Nag aalala siya, at natatakot. Kaya umiiyak na rin siya habang tinatakbo ang pagitan nila ni Xen.

Ang mga armadong lalake na 'yun ay mga naka maskara. Dalawa ito. Ang isa ay driver habang ang isa ay hit man.

"Xen, run!" Nagtaka si Xen sa sinabi ng kapatid. Tumayo rin.

"Ha? Why?" Inosenteng sabi ni Xen kay Zen. Mas lalong naiyak si Zen. Kasunod nun ay ang pag alingawngaw ng malakas na putok ng baril.

Zen was able to reach Xen's place at mahigpit na niyakap ang kapatid. May ngiti sa kanyang labi, na kasunod nun ay ang paglabas ng preskong dugo. "Sister loves you, Xen." Sabi ni Zen kay Xen na ipinagtataka ni Xen.

Xen hugs her sister back. Pero may nahawakan siyang malapot na parang tubig at binasa ang mga palad niya.

"Ahhhh!!!! Daddy!!!" Sigaw ni Xen nang mapagtantong dugo ni Zen ang nahawakan niya. Sa oras na yun ay siyang pag alis ng mga armadong lalake.

Naalarma ang pamilya na nasa loobwng bahay at tumakbo papunta sa garden.

Nanginginig si Xen habang humihiyaw sa pag iyak. Namumula at natatakot. "Mommy!" Sigaw na naman ni Xen nang makita ang mommy nila na lumabas.

"Oh my god, Zen!"