CHAPTER 48: THE DEVIL GOES BY CARO

KABALIGTARAN SA KUNG PAANO nagsimula ang umaga ng kanyang cara ay mabigat ang tensyon nang magising si Rome. Malamig ang pakiramdam niya kahit tirik na tirik ang araw. Hindi naman sa hindi siya sanay sa ginaw, nagkataon lang na hindi ito ang eksenang inaasahan niyang magisnan pagkatapos niyang mahalin nang buong gabi si Margaux.

“Ano ang mga ito, caro?”

Still dazed, Rome looked down at the things she had lined up on the floor. He could have laughed at how Margaux arranged what seems like a red carpet welcome for him.

Kanina pa ba nito hinhintay ang paggising niya? That was cute, kung hindi lang sana nakakalat sa sahig ang mga gamit niya: ang susi ng kanyang Ducati na ginagamit niyang escape vehicle, ang nakabuyangyang niyang wallet, ang magkakahalo niyang tunay at mga fake IDs, ang pocket-sized picture ng kanyang ina, at higit sa lahat, ang kanyang gold-plated señorita gun na pinakamalapit ngayon sa kanyang cara.

“Perfect killing set. Ayaw mo ba?” sinubukan niyang magbiro, bago iniwasan ang suspetyosang tingin ni Margaux. Pagtapos niyon ay bumangon na siya na parang walang pakialam sa kanyang kahubadan nang malaglag sa sahig ang kanyang kumot.

May kakaiba sa kanyang cara ngayong umaga. Base sa talim ng pagtitig nito sa kanyang mga paa, pakiramdam niya ay hindi magiging kasing ganda ng kagabi ang buong araw nila.

“Tigilan mo na 'yan, lalo kang gumaganda,” He attempted to lighten the mood for the second time. Mukha pa rin siyang kalmante nang matamis na ngitian ang kaharap. “Wala ka ba sa mood? Kulang pa ba ‘yong ginawa natin kagabi?”

Ni hindi nagbago ang ekspresyon ni Margaux. Bagkus ay lalo pang kumunot ang noo nito habang naka-focus sa tingin sa kanyang mga paa.

Doon na nagsimulang kabahan si Rome. He raked his messy hair with his fingers and said, “Well, good morning anyway, love—”

“Anong maganda sa umaga, Rome?”

“Ikaw,”mabilis na sagot niya, bago binaba ang tingin sa mga hubad na dibdib ni Margaux. “At silang dalawa—”

Hindi na natapos ni Rome ang sinasabi nang biglang may nakakarinding tunog na pumailanglang sa paligid. He quickly searched for the source of it, and found his phone partly hidden behind Margaux.

‘Anak ng puta!’

“Tinatawagan ka ng tatay ko.” Hindi gumalaw ang kanyang cara mula sa pagkakaupo sa sahig. Sandali lang nitong nilingon ang kanyang gadget, bago nanghahamon na ibinalik ang tingin sa kanya. “Hindi mo ba lalapitan itong phone mo, caro?”

“Cara mia... “

“O mas gusto mo na ako na lang ang sumagot sa kanya para sa’yo?” His woman sexily cocked her head to the side. Pakiramdam niya ay natutupok siya sa titig nito bago nito inutos na, “Lumakad ka, Romano Moretti Saavedra.”

‘LUMAKAD KA, ROMANO MORETTI SAAVADERA.’

Napangiwi si Margaux matapos tawagin ang buong pangalan ni Rome. It was the first time she did it, and his full name tasted like Italian poison— strong and deadly.

Magkakahalo ang nadarama niya habang tinititigan ang kanyang caro; takot, galit, at higit sa lahat, pagkalito.

“Hindi ka ba lalakad?” she asked again, straightening her back but not moving her gaze from his feet. May gusto siyang makita, iyong nag-iisang bagay na ang kanyang caro lang ang nakakagawa.

“Ayaw mong lumakad? So ibig sabihin, ayos lang na ako ang sumagot?” Margaux lifted her hand slowly, giving her caro some precious time to decide. Nagkukunwari siyang kalmado kahit ang totoo ay lumalagabog ang kanyang puso. Her fingertips were trembling when she finally touched his cellphone. Ganoon pa man ay gusto niya pa ring i-congratulate ang sarili nang buong lumabas ang kanyang boses. “Anyway, tatay ko naman ‘to 'di ba?.” She faked a smile. “Wala naman sigurong masama kung—”

“Huwag mong sasagutin.”

“Hmm?”

“Iabot mo sa ‘kin ‘yan, cara.”

Tinaasan niya ito ng kilay. Pagkatapos ay dahan-dahan niyang nilapit sa kanyang tainga ang telepono. “Bakit namumutla ka, caro? May sekreto ba kayo? Tatay ko naman ‘to, di ba? Bakit hindi ko siya pwedeng kausapin—”

“Cara!” Umigting ang boses ni Rome nang naghahamon na ilapit niya ang kanyang hinlalaki sa answer button. He squared his shoulders, but still didn’t lift his foot. Mayamaya pa ay nilahad nito ang kamay sa kanya, bago seryosong nagbanta, “Hindi mo magugustuhan ang susunod na mangyayari kapag ginawa mo ‘yan. Iabot mo sa akin ang telepono ko.”

“Paano kung ayaw ko—Shit!”

Hindi nakapaghanda si Margaux para sa sumunod na nangyari. One moment, she was holding his phone. And the next, umitya na pataas ang kanyang hawak nang biglang bumuwelo ang kanyang caro at ekspertong sipain ang gadget mula sa kanyang kamay.

She had never seen such mad accuracy in her entire life! Sigurado siyang spin kick ang ginawa ni Rome, pero nakakapagtakang ni hindi sumayad ang dulo ng paa nito sa kanyang kamay. Her caro wasn’t normal! Who in this crazy world could do that?!

Kahit hindi siya nasaktan ay naiwan siyang nakanganga habang sinusundan ng tingin ang paglipad ng telepono sa ere. Then as if his deadly accuracy wasn’t shocking her enough, eksaktong nag-landing sa nag-aabang na kamay ng kanyang caro ang cellphone na tila ba kalkulado nito pati ang anggulo at oras ng pagbagsak niyon.

“What the—”

“Sinabi ko naman sa’yo eh, hindi mo magugustuhan...”

‘DAMN. I’M SORRY! I’m really sorry, cara.’ Rome missed voicing out those words when the phone he kicked landed perfectly on his hand.

Ayaw niyang gawin ‘yon. He swore, that doing that was the last thing he wanted. Kaso ay nagmatigas ang kanyang cara at ginawa niya lang ang dapat niyang gawin. Hindi naman niya pwedeng ipaalam dito ang totoong transaksyon nila ni Alejandro, di ba?

Worriedly, Rome looked at the phone on his hand before lifting his gaze back to Margaux. “Nasaktan ba kita?”

Hindi agad nakasagot ang dalaga. Nanigas na lang sa ere ang kamay nito na tila hawak pa rin ang teleponong inagaw niya. Her expressive eyes were wide open, ganoon din ang bibig nito.

Tuloy-tuloy ang pag-iingay ng cellphone na nakalimutan niya pa lang ilagay sa silent mode. Natuturete na siya!

The air between him and his cara wasn’t just cracking anymore — it was already ticking like a bomb!

“S-sinabi ko na kasi sa'yo. Hindi mo magugustuhan—”

“SINO KA?!”

Rome was a man, not to mention the alpha type of it. Pero nang makabawi si Margaux at damputin ang señorita gun sa sahig ay nataranta siya. The fuck! Bigla nitong itinutok ang baril sa kanyang mukha!

“Sagot!” Kinasa ni Margaux ang baril nang hindi inaalis ang pagkakaturo sa kanya. It made that short but very familiar click, at mas lalong nanlisik ang mata ng kanyang cara.

‘Putangina...’ Rome was stunned. For a while, napaisip siya kung tulad ng naradama niya ang nadama ng mga taong nabaril niya. Ganito rin ba kabilis ang tibok ng mga puso nila? He had been through dangerous situations more than enough times, pero pinagpawisan siya nang si Margaux na ang kanyang kaharap!

“Uulitin ko, sino ka?”

He didn’t answer. Bagkus ay pinindot niya ang answer button ng kanyang telepono nang hindi inaalis ang tingin sa baril na nakatuon sa kanya.

Hindi niya pinahahalata sa kanyang cara, pero ang totoo ay kinakabahan siya nang ilagay niya sa loudspeaker ang tawag at dahan-dahang ibaba sa sahig ang kanyang telepono.

[Mio figlio!] sumabog mula sa telepono ang masayang bati ng Don. Sigurado si Rome na hindi iyon ang tonong inaasahan ni Margaux mula sa ama nito dahil bigla itong napaigtad sa pagkakaupo bago nagtatakang napatingin sa kanya. [Come stai? Hai dormito bene?]

“Opo, Señor. Maayos ang naging tulog ko.” Noon pa lang kumalma ang dibdib ni Rome. Nakita niya kasi kung paanong nagbukas-sara ang mga labi ng kanyang cara habang litong pinagpapalipat-lipat ang tingin sa telepono at sa kanya.

That was good. His woman was reacting the way he wanted. Alam naman niyang magugulat ito sa kung paano sila mag-usap ng isa sa pinakamayaman at kinatatakutang tao sa siyudad na ‘yon.

Actually, alam rin niya na hindi kayang iputok ng kanyang cara ang baril na hawak nito habang kausap niya ang mismong ama nito.

Nakahinga siya nang maluwag nang makitang binaba ni Margaux ang hawak na baril. She was suddenly looking at him like a lost child.

“At salamat sa pagtatanong. Naging napakaganda po talaga ng buong gabi ko.” Nang-aasar na kinindatan niya ang kanyang cara nang sabihin niya ang salitang, napakaganda.

Umingos naman ito. Naintindihan kasi nitong ito mismo ang sinasabihan niya ng maganda at hindi ang gabi. “Sa sobrang ganda nakalimutan ko pangalan ko, Señor...”

[Buona! Buona! Buona! Allora, cosa stai facendo adesso?]

“Wala po akong masyadong ginagawa ngayong umaga, Señor.” Sandaling huminto sa pagsasalita si Rome, at binigyan ng makahulugang tingin si Margaux. He saw his cara swallowed hard, and damn how it made him want to fuck her non-stop again. “Actually, I'm just playing with a pussy cat.”

[Gatto figa? Naglalaro ka ng pusa, Romano?]

“Opo.” He let out a triumphant chuckle. Pagkatapos ay nakakalokong nginisian niya ang kanyang natulalang cara, bago dinagdag, “A pussy cat, indeed, Señor. Napakaganda at sa wakas ay tinutubuan na ng pangil.”