Chapter 49: SECRET-FLAVORED LUNCH
“MAGKAMUKHA KAYO NG KATULONG MO kapag nakasimangot ka...”
Kinagat ni Margaux ang kanyang labi para pigilin ang pagmumura. Wala siya sa mood para makipagbiruan at kanina pa sumasakit ang ulo niya.
It was almost noon. Pabalik na sila sa villa, at si Rome ang nagmamaneho ng kanyang kotse. Hours had passed since their odd morning, pero hanggang ngayon ay wala pa rin siyang naiintindihan sa mga nangyayari.
‘Bakit ang dami niyang fake IDs?’ Her teeth sank harder into her lips. Wala na siyang pakialam kahit mamutla ang kanyang bibig dahil sa diin ng pagkakakagat niya. Something was definitely not right. May nililihim ang kanyang caro, at hindi basta-basta ‘yon. She wasn’t born yesterday, sino ba namang normal na tao ang palaging may dalang baril at fake IDs sa jacket nito?
“Listen to this, cara. And listen well...” Sandaling lumingon sa kanya si Rome, bago binalik ang tingin sa kalsada. “Oras na lumabas ang panganay natin na mukhang ampalaya, magbabayad ka ng tatlo pang anak sa’kin.”
“Can’t you just freaking shut up?!” Dumagundong sa buong kotse ang kanyang boses nang putulin ang sinasabi ni Rome. Kaso ang loko, kaysa manahimik ay natawa pa nang lingunin siya ulit.
“Ang sungit maglihi,” she heard him muttered under his breath before kicking the gas pedal harder. “Nakakatakot.”
Kumpara sa sobrang stress na itsura niya ay relax na relax lang ang binata. Mukhang nag-e-enjoy pa nga ito sa pagmamaneho at manakanakang sumisipol kasabay ng tugtog sa stereo.
He was back in his white shirt and jeans, habang kandong naman niya ang jacket nito. Bakit nasa kanya ang damit ng binata? Kasi kinumpiska niya. Oddly, ni hindi man lang ito umangal nang ibigay sa kanya lahat ng gamit nito.
“Tsk! Why are you so stress, Mrs. Scum?”
“I. Don’t. Talk. To. Strangers.” Kung pwede niya lang sanang paliparin ang bawat tuldok ng kanyang sinabi sa direksyon ni Rome ay ginawa na niya. Kaya lang hindi naman niya pwedeng gawin ‘yon kaya pinanggigilan na lang niya ang jacket na hawak.
She was more than sure that she would feel better if she could at least claw him once. Kaso nang maalala niya kung paano ito mag-execute ng spin-kick na gadali na lang ay halos tumama sa kanyang mukha ay natameme siya. Her caro isn’t the type of man to violently mess around with. ‘Fudge! Bakit ba ako nalagay sa sitwasyon na ‘to—’
“Estranghero na ba ko sa’yo, aking esposa?”
“Lasing ako noon,” she defended before looking away from him. Tulad kanina ay nagsisimula namang mapuno ng tensyon ang paligid. Napabuntong-hininga siya. “FYI. Hindi legal ang kasal na ‘yon sa bansang ito, Romano.”
“Talaga?” Her caro just looked at her. Pagkatapos ay bigla itong tumawa, bago siya nginisian. “Base sa nakita mo, mukha ba akong sumusunod sa batas, Margaux?”
‘Shit!’
“Sino ba ang nagsabi sa’yong legal ako maglaro?”
Natahimik si Margaux dahil tama si Rome. Mula nga namang magkita sila sa loob ng opisina ng kanyang papa ay permanente nang may nakapalibot na panganib sa katauhan nito. Wasn’t he brutally shot that day?
‘At kahit ganoon ay minahal mo pa rin siya, Margaux. You even did it with both of your legs wide open. Ang galing mo talaga—’
“Huwag mo akong simangutan nang ganyan. Hindi mo gugustuhing ako ang magdiretso ng mukha mo.”
“Ano bang pakialam mo sa mukha ko?”
“Mamanahin pa ng anak ko ‘yan!” Ipinilig nito ang ulo kasabay ng pagkunot ng noo.
“Walang baby, Romano!”
“E ‘di, igagawa kita!” Sumimangot ito at sinipa ulit ang gas pedal ng kotse. Halatang naiinis na rin ito sa kanya nang paulit-ulit na umiling at magsalita. “Iyon lang pala ang pinoproblema. Tsk! Galingan nating gumawa mamaya.”
THE ROAD BACK TO THE VILLA had been peaceful. That is, if peaceful meant two angry people doing their best not to rip each other's genitals off.
Tuluyan nang nahawa na sa kanyang mood ang kanyang caro. Kinairita kasi nito nang todo ang paulit-ulit niyang pagtawag dito ng estranghero. Kaya lang ay ano naman ang itatawag niya rito kung hindi niya naman ito lubusang kilala? Well, sorry to him. Hirap na hirap pa rin siyang iproseso sa isip ang mga natuklasan niya rito.
“Get out.”
“Excuse me?” Bumakas ang iritasyon sa mukha ni Margaux nang marinig si Rome. Did she hear him correctly? Pinalalabas ba siya talaga nito sa sarili niyang kotse? Kahit nadadaanan na nila ang napakahabang pader ng villa ay nasa limang-daang metro pa ang layo nila mula sa gate. Anong naman ang gusto nitong gawin niya? Maglakad pauwi?
Margaux cleared her throat. “Mister, just in case you forgot, kotse ko ‘to.”
“Great! O sino ang nasa shotgun seat?”
“Ako.”
“Sino ang nagda-drive?”
“Ikaw”
“Cool! O ngayon kanino bang kotse ‘to ulit?”
“Mine.”
Tumango-tango si Rome na kunwari ay sumasang-ayon sa kanya. Mayamaya pa ay eksaherado itong ngumiti kaya nalito tuloy si Margaux. “Eh sino pala dapat nagda-drive kung sa’yo naman pala ito, mio preciosa?”
“Ako?” Okay. Mukhang may mali sa nasabi niya. Napatunayan niya ‘yon nang biglang humagalpak ng tawa ang kanyang caro bago umibis ng sasakyan. “Wait! Ano ng kalokohan na naman ba—”
Kalabog ng sumarang pinto ang sumalubong sa tanong ni Margaux. Pambihirang lalaki, nakuha pa talaga siyang pagdabugan. She let out a loud sigh before getting out of her car. Pagkatapos, as if makakaganti siya sa ginawa nito, ay binalibag niya rin ang pintuan ng kanyang kotse, bago lumigid papunta sa driver’s seat.
‘Pinakasalan ko ba talaga ‘ang kapreng ‘yon?’ Akma siyang bubuksan ang driver’s seat nang bigla siyang matigilan.
Confusedly, she turned to the direction Rome took and blinked her eyes. Damn it! May mali naman sa sitwasyon. Ni wala pang isang minuto mula nang lumabas si Rome ng sasakyan pero hindi na niya ito agad makita!
‘Shit?’ Nanlalaki ang mga mata ni Margaux nang taranta siyang magpalingon-lingon. Bukod sa matataas na punong unti-unting nalalagasan ng dahon sa magkabilang gilid ng daan ay wala na siyang ibang makitang buhay sa paligid.
“Hindi ito nangyayari...” nagtatakang naihinga niya nang mapansin ang mga tuyong dahon na gumagawa ng tunog sa ilalim ng kanyang sapatos. May mangilan-ngilan ding maliliit na sangang nakakalat sa kalsada na hindi maiiwasang maapakan kung normal na tao ang lalakad dito.
Impossibleng lumakad doon ang isang lalaking kasing tangkad at sing-bigat ni Rome nang hindi man lang gumagawa ng ingay!
And worse, nagmistulang multo ang kanyang caro— bigla na lang itong naglaho.
KUMAKALABOG PA RIN ANG DIBDIB ni Margaux nang makarating siya sa villa. Actually, hindi na talaga huminto ‘yon mula nang mawalang parang bula si Rome.
Wala siya sa sarili nang iparada ang kanyang kotse sa harap ng malaking bahay. Ni hindi nga niya matandaan kung papaano ba siya nakaakyat sa kanyang kwarto para magkulong doon.
What happened earlier surpassed all she had imagined of him. Kahit matagal na niyang napansin na may kakaibang paraan ng paglalakad si Rome ay ibang lebel pa rin ng pagkamisteryoso ang pinamalas nito kanina. Who the hell person can disappear that quickly?! Ito lang— siya lang na naman ulit.
‘Paano kang nawala? Ano ka ba talaga, caro—’
“M-Mada’am?”
Magkakasunod na katok sa pintuan ang nagpalingon kay Margaux sa pintuan. Kasalukuyan siyang patamad na nakaupo sa couch nang mabosesan ang bago nilang katulong. “Ano ‘yon, Monique?”
“T-Tanghalian na po.”
“So? Ano ngayon kung tanghalian na?” she spat disinterestedly before pushing her head to the backrest of the couch. Sandali pa ay inaantok na ipinikit niya ang kanyang mga mata. Hindi niya alam bakit sumusobra ang sungit niya.
Well, she was sure that she was irritated with her caro. Pero wala naman sa plano niya na iparamdam ‘yon pati sa mga inosente nilang kasambahay.
“Inaantok na ‘ko. Sabihin mo na ang sasabihin mo, Monique!”
“Umh. A-Ano kasi...” nagkanda-utal ang katulong nila nang sigawan niya ito. It took a good five seconds before their maid talked properly again. “Inutusan po kasi ako ni Madam Alberta na tawagin kayo. Gusto niya raw po kayong makasabay sa hapag.”
“Sabihin mo sa kanya, ayoko siyang makita!”
“P-Pero sabi po ni Madam Alberta...” Unti-unting humina ang boses nito bago pa man nito matapos ang sinasabi. Lalo tuloy uminit ang inaantok na ulo ni Margaux habang hinihintay ang mga sasabihin pa nito. “Ang sabi ni Madam Alberta, huwag daw akong bababa ng hindi kayo kasama. Ang sabi pa ng Madam—”
“Utang na loob! Hindi mo siya madam!” Margaux didn’t know where she got the energy to scream so loudly. Bumibigat na talaga ang kanyang pakiramdam at gusto nang bumigay ng kanyang wisyo.
Nonetheless, hindi nakatakas sa kanya ang pagtawag ni Monique ng madam kay Alberta. Diyosme! Lahat ba ng bagong katulong nila ay inutusan nitong tawagin ang sarili nitong ‘madam’? How ambitious!
“She’s nobody’s madam...” halos mabulol na sabi ni Margaux kasabay ng paglundo sa upuan. Her body was growing heavier every second, hanggang sa tuluyan siyang dumausdos sa sandalan at mapahiga sa couch.
She just stayed slumped there while breathing deeply. Hindi niya alam kung bakit pero bigla ay parang napakasarap sa higaan ng kanyang couch.
‘Talaga, Margaux?’ Napahikab pa siya bago inosenteng tinakpan ng braso ang kanyang mga mata. She couldn’t take her drowsiness anymore. Mayamaya pa ay lumaylay na sa upuan ang isa sa kanyang mga braso kasabay ng mahihina niyang paghihilik.
“M-Madam? Madam? Madam Margaux...”
All the sounds surrounding her were muffled as her breath deepened one after the other. Pagod na pala siya. Sobra-sobra na ni hindi na niya narinig ang paulit-ulit na pagtawag ng katulong mula sa labas.
“HINDI MAKAKADALO SI MARG—a-ang ibig ko pong sabihin, si Madam Margaux sa hapag.”
Gumawa ng tunog ang tinidor ni Rome sa pinggan nang walang-ganang bitiwan niya ‘yon.
Matapos iwan ang kanyang cara sa kotse nito ay kinailangan niyang takbuhin ang firewall ng villa para makapasok. Nakunan kasi ng CCTV ang mag-isang paglabas ng villa ni Margaux, at paniguradong magsusupetsa ang mga gwardiya kung bigla silang magkasabay na uuwi.
“Sandali, señorito. Saan kayo pupunta?” Ang walang kabuhay-buhay na boses ni Alberta ang nagpatigil kay Rome mula sa pagtayo. Napakunot-noo siya nang lingunin ang matanda.
Ang yabang ng dating nito habang nakatitig sa kanya. Pagkatapos ay bumaba ang tingin nito sa kaharap niyang pinggan ng pagkain na hindi man lang niya nagalaw.
“Hindi kayo kumain.” Her voice sounded commanding, rather than confirming. Kasunod noon ay tumiwid ito ng upo, bago siya harapang inutusan. “Umupo kayo.”
That made Rome sarcastically shake his head. Bagkus na sumunod ay mas tinulak niya pa palayo ang kanyang pinggan, tinupi ang napkin na ginamit niya, at mapanghamon na binato ang kanyang hawak sa kanyang pagkain.
His outright rudeness made Alberta frown. Pero sa halip na makaintindi ay mas naging maotoridad pa ang dating ng katulong ni Margaux at naninindak na nagtanong, “Ayaw ninyo ba ng pagkain ninyo?”
The old woman continued to stare at his face after not getting any response. Mayamaya pa ay binalingan naman nito ang bagong katulong na nakatayo pa rin sa harap ng mesa at sinabing, “Monique, ipagluto mo ng ibang pagkain ang señorito—”
“Huwag na. Wala akong gana,” he cut Alberta’s order off, and gestured for the new maid to leave. Sa kaayawang makita pa ang inaasta ni Alberta, tinalikuran niya na rin ito at nagsimulang lumabas ng dining room.
Isa lang ang nasa isip ni Rome habang walang ingay siyang naglalakad—si Margaux.
Napakarami ng napansin niya rito kagabi, and only God knew how every second of noticing them got him both awestruck and petrified. Napakalambot ng katawan ng kanyang cara habang inaankin niya ito. On top of it, hindi rin nakatakas sa kanya ang kakaibang init ng pagkababae ni Margaux.
She was wetter, hotter, tighter, and even a whole lot wilder compared to how she usually was. Kaunting haplos lang ay nag-o-orgasmo na ang dalaga. He could have banged her pussy to death last night, kung pinagbigyan niya ang sarili. Kaya lang ay naramdaman niya na parang napakaselan ni Margaux, natakot tuloy siya na baka may masamang mangyari kapag tinodo niya ang pag-ulos dito.
‘Maaari ba na...’ Nanuyo ang bibig ni Rome nang may kung anong ideya na pumasok sa kanyang isip. Then, as if in disbelief, he slowly shook his head to clear his mind. ‘Pero... Damn it! As far as I remember, may hormonal imbalance si cara. She is irregular. That’s why we never really thought of it. Pwede ba talagang—’
“May problema ba at hindi kayo makakain, señorito?” Ang nagsusungit na si Alberta na naman ang bumulahaw sa kanyang pag-iisip bago niya marating ang pinto. Halatang ginagawa nito ang lahat para pigilan siyang lumabas. “Kung hindi mo gusto ang pagkain ay sabihin mo sa akin ang gusto mo.”
“Wala akong gusto.”
“Hindi maaring wala!” Tumayo na rin ang matanda. Lumalalim ang mga gitla sa noo nito at nararamdaman ni Rome na malapit na rin itong magalit. “Kailangan kong masigurong kumain kayo dahil kabilin-bilinan ng Don na—”
“Huwag mo ‘kong manduhan nang tulad ng ginagawa mo kay Margaux.” He squared his shoulders defiantly before turning back to the maid. Pagod siya at sa kaparehong oras ay nag-aalala sa kalagayan ng kanyang cara. He just wanted to be next to her right now, and verify his hunch. “Hindi ako ang anak mo, Alberta.”
“A-anong sinabi ninyo?“
“Ano? Kailangan mo ba ng hearing-aid?” Rome angrily snapped at the maid and watched confusion flood her face. Namulta ito nang todo at alam na alam niya kung bakit. "Kung may problema ka sa nag-iisang anak mo, labas na ako roon. Fix your problem with her. Huwag mo sa akin ibunton ang galit mo.“
“Hindi ka dapat nakikialam sa pribadong buhay ng ibang tao.” Nanginig ang dalawang braso ni Alberta habang nakatingin sa kanya.
Napaingos naman si Rome bago balewalang tumalikod at itunuloy ang paglabas. He was already halfway out of the door, nang matigilan siya at pagkuwa’y kaswal na hinarap ulit si Alberta.
He almost laughed upon seeing the old woman clutching her chest. Sigurado siyang malapit na itong atakihin sa puso dahil sa sinabi niya. Ganoon pa man ay wala siyang madamang awa rito matapos niyang malaman ang mga lihim nito at Margaux mula mismong sa espiya ni Alejandro.
“By the way, sa susunod na gawin mo ulit sa akin ito, o higit pa, ay pagbuhatan mo ulit ng kamay si Margaux.. " sinadya niyang bitinin ang kanyang sinasabi, bago makahulugang ngumiti sa katulong at malumanay na magsalita, "Kakalimutan kong ikaw ang tunay na ina ng minamahal ko at papatayin kita. Naiintindihan mo ba?”