CHAPTER 5

NAKAHIGA ako sa kama habang pinagmamasdan ang board kung saan nakidikit dito ang picture ng lahat ng mga nabiktima ng shaft-cutter. Ilang buwan na rin ang kaso pero hanggang ngayon wala pa ring progress. Nakakakuha man ako ng hint pero napakalabo. Minamadali ko ang kaso, hindi lang dahil gusto ko ng makasal kay Thraizy, kundi para mahuli na ang namumutol. Matinding trauma na ang binibigay nito sa karamihan. Isama na rito na maaaring mas lumala ang karahasan gaya na lamang ng nagawa ni Mang Fred. Karamihan kasi sa mga naging victim ay binata at bread winner ng pamilya. Maliban lang kay Vergel na matandang businessman.

1. Addam Jones Orlean 25,

November 8, 2021

Crime scene: J & J Club, Ozaka

Statements: Body built and unrecognized face

2. Gary Neil Orlan Ricafrente 28

December 21, 2021

Crime scene: 347 TZE Pajero Grand Parriot Hi-Way, La Costa

Confined at Peters Mental Hospital

Statements: None

Date of death: March 28, 2022

3. James Hermoso Balbegoso 32

January 25, 2022

Crime scene: J & J Club, Ozaka

Statements: unclear

4. Vergel Fuentes Dela Pueña 47

March 23, 2022

Death: March 23, 2022

Blk 7 Lot 21, Vercundi Homes, Jacorta

Statements: None

"Aish! Bracelet at sketchpad pa lang ang ebidensyang sinasabi sa akin ng mga witness. Napakarami naman ng taong may ganoong klase ng bracelet."

Bumangon ako para kunin ang sketchpad at muling tinignan ang mga nakadrawing doon. "Comics, gumawa siya ng comics para ikwento ang nangyari. Kakaiba rin siya."

Pilit kong inintindi ang bawat frame. Pero kahit anong basa ko wala akong makuhang kahina-hinala rito. Paglipat ko sa huling pahina napansin kong doble ang pahina. Nang buksan ko ang pahina nanliit ang mata ko nang makita ang larawan ng isang ward at naroon siya na nakahiga. Nakaguhit doon na binato niya ng baso ang monitor at sumabog iyon. Nadismaya ako nang makitang hindi na nasundan ang frame.

"Monitor. Vienna at Thraizy. Bakit pareho sila ni Balbegoso? Hindi! Imposible. Kung si Vienna nga iyon, maaari kayang kasinungalingan lahat ng sinabi niya sa akin? Kasi kung si Thraizy-" Lumakas bigla ang kabog ng dibdib ko. "Hindi! Imposible! Aish! Hindi! Mali ang iniisip mo Lucas! Imposible!"

Itinago ko ang sketchpad at dumeretso ng banyo para maligo. Nagbabad ako hanggang sa tablan na ako ng lamig. Maling isipin na si Thraizy ang killer, dahil wala siyang dahilan. Si Vienna! Maaaring si Veinna, dahil siya ang may history ng attempted rape noon. Matapos matuyo ng buhok ko natulog na ako habang nakakulubong ng kumot.

Grocery Store

Two days na lang simula na ng cooking competition. Abala ngayon si Thraizy sa pagluluto at pagsubok ng iba't-ibang cuisine para sa laban. Habang sinasamahan ko siyang bumili ng items sa grocery store, nakita ko ulit ang lalaki sa restaurant. Nakasuot ito ng itim na mask, black cap at black shirt.

"Hon, napapansin mo ba yung lalaking nakaitim malapit sa may counter?" tanong ko kay Thraizy na abala sa pamimili ng lettuce.

"Hmm? Nasaan?" Tinignan niya ang direksyon na tinuturo ko. "Nakita ko na siya bakit? Anong meron?"

"Nitong nakaraan kasi nakita ko rin siya sa restaurant. Then ngayon, nandito rin siya. Para kasing sinusundan ka niya?"

Tumawa ng mahina si Thraizy. "Hon, hindi na bago sakin ang stalker. Remember paano tayo nagkakilala? Inakala mong ako yung nangnakaw ng pagkain sa convenience store, samantalang kinuha ko iyon sa bata kasi expired na. Then sinundan mo ako noon hanggang sa bahay para malaman kung saan ko dadalhin ang pagkain. Stalker ka rin that time diba?"

Natawa ako sa sinabi niya. "Aish pinaalala mo pa yung epic fail moment ko eh. Pero seryoso hon, iba ang kutob ko sa kaniya eh."

Ibinaba ni Thraizy ang lettuce sa cart bago lumingkis sa braso ko. "Hon, bakit ka ba natatakot? Ako yung sinasabi mong sinusundan pero ikaw ang natatakot. Ikaw ang protector ko diba? Dapat hindi ka ganiyan. Isa pa, malay mo isa lang siya sa spy ng makakalaban ko sa cooking competition. Kaya hayaan mo na lang siya. Tulungan mo na lang akong tapusin ang mga bibilhin ko."

Ngumiti na lang ako sa kaniya at tinulak ang cart papunta sa isa pang stall. Binalikan ko ang pwesto ng lalaki at ganon na lang ang gulat ko nang makitang wala na ito roon.

"Nasaan na iyon?"

Ambrosio's Residence

Pauwi na kami ni Thraizy. Kotse ang dala ko ngayon dahil marami ang pinamili niya. Pagdating ko sa kanila eksaktong naroon sa harapan ang dad niya. Abalang kino-command ang mga hardinero.

"Oh Lucas narito ka. Mabuti at nakita kita. Halika rito. May pag-uusapan lang tayong mahalaga."

Ngumiti sakin si Thraizy bago ako binulungan, "Goodluck. Wag kang kakabahan ha."

Mas lalo akong kinabahan dahil sa sinabi niya. Sumunod ako sa kaniya na patungo sa bench sa may garden.

"Manang, paki-kuha yung envelope na nasa ibabaw ng table ko sa opisina," utos nito sa isa sa mga katulong niya.

"Ano po ang pag-uusapan natin?" Magalang kong tanong.

"Hindi ba, bago kita ilagay sa Jacorta station, isa pa lang ang nabibiktima ng shaft-cutter? O dalawa na?" tanong niya sa akin.

"Dalawa po. Bale po pagdating ko roon, ipinasa na po sa akin ni PO3 Velasco ang kaso ni Ricafrente."

Dumating si Manang dala ang brown envelope. "Heto, tignan mo ito. Nariyan ang files na ibinigay sa akin noon ni Chief Velasco. Tignan mo baka sakaling may makuha kang hint. Mayroon akong napansin nang binabasa ko ang mga file. Lalo pa nang idadagdag ko yung huling file na hiningi ko kay Mikee. Ikaw na ang bahalang kumimpirma kung mapapansin mo rin ang napansin ko."

Inisa-isa ko ang file. Binasa ko ito ng dahan-dahan. May mga nakabilog na kulay pulang marka sa ilang papel. Patuloy ako sa pag-aanalyse hanggang sa mareach ko ang huling file ni Dela Pueña.

"Wala po akong napansin dito. Lahat ng cctv footage ay clear, walang-"

"Makipagkita ka kay Chief Velasco. Tatawagan ko siya para isama niya si Officer Vargaz. Natatandaan kong may nireport sa akin si Officer Vargaz na nagpagulat din sa akin. Kapag nalaman mo iyon, gusto kong aksyonan mo kaagad. Iba na ang kutob ko sa kaso."

Habang nasa loob ako ng kotse, napapaisip ako sa sinabi ni Sergeant. "Iba na ang kutob? Bakit?"

Nang maisend sa akin ang lokasyon ng meet-up, dumeretso na ako agad doon.

10:30 AM | J. Rod Park,

Metro Ville, Velacosta

Pumasok sa coffee shop na nakalagay sa location. Pagpasok ko roon kaagad kong nakita si Chief Velasco. May katabi itong lalaki na halos kasing-edad ko lang, marahil siya si Officer Vargaz.

"PO3 Velasco, at ito nga pala si Officer Vargaz. Kami ang dating humahawak ng kaso."

"Keifer po PO3 Steinford."

Nakipagkamay ako sa kanila bago umupo sa tapat nila. Walang gasinong tao sa shop. Kaya safe para sa amin na pag-usapan ang nasabing kaso.

"Dalawang kaso ang nareport sa amin, kaso ni Orlean at Ricafrente. Kay Orlean lang ang nahandle ko dahil ipinasa ko na sa iyo ang kay Ricafrente. Pero itong si Keifer, kahit hindi na namin hawak patuloy pa rin siyang nag-imbestiga."

"Kung ganoon, hanggang sa kaso ni Dela Pueña alam mo?"

Tumango ito. "Opo chief."

"Kanino ka nakakakuha ng info?"

"Sa tv lang po muna. Tapos kay Mikee. Magkaibigan po kasi kami matagal na. Pero tanging crime scene lang naman po ang hinihingi ko sa kaniya. Bukod don, wala na po akong alam."

Gumaan ang loob ko kahit papaano. "Maging yung tungkol sa naganap na hostage taking noon sa Ozaka, alam mo rin hindi ba?" tanong ni PO3 Velasco.

Tumango siya, "Opo chief. Nagkataon po kasing may binibili ako roon. Palaisipan po sa akin kung papaanong napagkamalan si Mam Vienna bilang shaft-cutter."

"Kilala mo si Vienna?" tanong ko.

"Opo. Minsan ko na siyang nakausap noong nagkaroon ng event sa Peters Hospital."

"Okay. Ahm, may sinabi si SPO2 sa akin. May napansin pa ba kayong iba o kakaiba sa kaso? O kahit na anong kahina-hinala or constant na pangyayari na maaaring makatulong sa kaso."

"Meron po ako chief," sagot ni Keifer.

"Ano?"

"Humingi ako ng lahat ng footage mula kay Mikee. Inisa-isa ko at ang napansin ko, laging may cut ang video."

"May cut?" Kinuha ko ang phone ko at kaagad na isinalpak ang footage na ibinigay sa akin ni Mikee. Footage ito mula sa bahay nina Dela Pueña. Dineretso ko ang video at nagfocus sa oras. Maya-maya lang, "Oh! Oo nga! 15 minutes ang nawala."

"Pinuntahan ko ang bawat taong nagbigay niyan kay Mikee para tanungin sila pero ayaw nilang magbigay ng komento. Sinasabi lang nila na hindi raw nila inedit ang video."

"Kung ganoon, papaanong naputol ang video kung hindi nila ineedit. Nagsisinungaling sila kung ganoon."

"Maaari, at ang hinala ko, may kung sinong nagbayad sa kanila para icut ang video at manahimik."

"Mukhang kailangan kong puntahan sila isa-isa at siyasatin ang background."

Biglang naglabas ng envelope si Keifer at ibinigay ito sa akin. "Nagawa ko na po. Narito po ang lahat ng profile nila. Maging ng mga kamag-anak nila."

Binuksan ko kaagad ang file. Siniyasat kong maigi ang bawat file. Nanliit ang mata ko nang makita ang pagkakapare-pareho sa file.

"Sandali, lahat sila ay-"

"Opo. Lahat sila may mga kamag-anak na naka-confine sa PMH."

Jacorta Police Station

Bumalik ako sa station para mas lalong mapag-aralan ang files na hawak ko.

"Lahat sila, may kaaanak na naka-confine sa PMH. Kung ganoon maaaring isa sa mga naroroon ang may kagagawan kung bakit naputol ang video."

Sinearch ko ang lahat ng members ng PMH sa computer ko. Bawat isa ay pinaasikaso ko kay Peter, ang hinire kong private investigator para sa profile noon ni Vienna. Nagtext sa akin si Thraizy. Sinabi nitong kailangan niya ako dahil mamimigay siya ng pagkain sa mga pamilyang nakatira sa ilalim ng tulay.

Pagdating ko sa restaurant nakangiti siyang sinalubong ako. Isinakay namin ang mga pagkain at tinungo ang tulay. Pilit ko munang inalis sa isip ko ang mga nalaman ko tungkol sa kaso. Namahagi kami sa bawat bahay at labis ang tuwa nila dahil masasarap ang pagkain na ibinibigay ni Thraizy para sa kanila. Matapos naming makapamahagi, humiling si Thraizy na pumunta muna kami sa mall dahil bibili raw siya ng bagong set ng kitchen knives.

Habang abala si Thraizy sa pagpili, nagtext sa akin si Peter. Nakuha na raw niya ang profile ng kalahati at sinend na niya ito sa email ko. Out of town siya ngayon kaya hindi niya ito maaabot sa akin ng personal. Binuksan ko na ang file. Inisa-isa ko ang bawat detalye, wala akong makitang butas o kahina-hinalang detalye. Sinara ko na ang file nang makita ko si Thraizy na papalapit na sa akin.

"Nakapili ka na?" tanong ko.

"Hindi pa. Magaganda lahat eh. Hindi ako makapili," sabi niya sa akin.

"O sige tulungan kitang mamili."

Habang pinagmamasdan ko ang bawat knives. Kapansin-pansin ang kakaibang kilos ni Thraizy. Laging napopokus ang tingin niya sa set ng kutsilyo na nasa kusina niya ng matagal na panahon.

"Hon? Why don't you buy that one? Hindi ba iyon ang set na meron ka sa restaurant maging sa inyo?"

Tinignan niya ang mga ito at kinuha ang isa nito. "Okay sana sila, kaso gusto ko naman sanang maiba. Gusto ko yung expensive at ginagamit ng iba pang mga chef tuwing nagluluto sila on screen."

Tumango ako sa sinabi niya. Sinabi ko iyon sa sales lady at isa-isa na nilang inilabas ang mga mamahaling set ng kitchen knives.

Habang nasa kotse kami pauwi bigla kong natanong si Thraizy, "Hon, if you don't mind, what's the reason why you build Fight For Women Club?"

"Hmm? Bakit mo natanong?" balik niyang tanong sa akin.

"Wala lang. Nakakapagtaka lang. Those women are victims of rape and abusive partners. Have you been a victim before?"

Biglang nagbago ang expression ng mukha niya. Namutla siya at namawis ang ilong niya. This is Thraizy kapag kinakabahan. I guess, I already got the answer.

"Nagugutom ka ba? Saan mo gustong kumain?" Pag-iiba ko sa topic.

"H-Huh? Hindi. Hindi ako nagugutom. Siguro better kung iuwi mo na muna ako. Doon ko na lang susubukan ang dish na naisip ko para sa competition. Isa pa nababanyo ako, gusto ko nang makauwi para makaraos."

Inuwi ko na siya sa kanila. Balak ko na rin sanang kausapin si SPO2 pero hindi ko na lang muna itinuloy. Kakausapin ko na lang siya kapag nasolve ko na ang nalaman ko mula kina Keifer. Ang reaksyon ni Thraizy ang nagpalakas ng hinala ko para sa kaniya. Classmate ko siya since high school, wala naman akong natatandaang nasangkot siya sa kahit na anong karahasan, maliban na lang kay Vienna na nalaman kong may history noon sa Velacosta. Classmate namin siya noong third year hanggang fourth year. Maliban sa kaso sa Velacosta, wala na akong natatandaang kinasangkutan niyang krimen.

Kinagabihan pauwi na sana ako nang biglang dumating sa amin ang isang duguang lalaki. Hawak nito ang ibabang bahagi ng katawan niya at mula rito dumadaloy ang maraming dugo.

"Anong-Officer Brent! Ihanda niyo na ang patrol! Dadalhin natin siya sa ospital!" sigaw ni Mikee.

Gulat na gulat ako nang makita ko ang isa sa mga tauhan ko na nanghihina habang patuloy ang pag-agos ng dugo mula sa gitnang bahagi ng slacks nito.

"Chief! C-Chief t-tulungan mo ako! Yung shaft-cutter! S-Si Ixie! S-Si Ixie s-siya ang shaft-cutter!"

Pag-alis nang patrol tulala akong naglakad papunta sa kotse ko. Muli na namang nambiktima ang shaft-cutter. Iniisip ko rin kung sino ang tinutukoy niyang Ixie. Si Officer Brent ay isa sa mga kaklase ko mula first year hanggang fourth year high school. Natatandaan kong mayroon kaming kaklaseng Ixie ang nickname, pero kahit na anong isip ko, hindi ko matandaan ang mukha nito at ang buong pangalan.

Tinext na sa akin ni Mikee ang information na kailangan ko.

From: Officer Mikee

BRENT LAURENCE DELA CRUZ, 30

March 29, 2022

Crime scene: J & J Club, Ozaka

Tinawagan ko si Mikee para itanong kung may statement bang naibigay si Officer. "Wala? Nawalan na ng malay? Okay sige. Salamat." Ibinaba ko ang phone ko at ibinato sa loob ng kotse ko. "Sa J & J na naman! Mukhang kailangan na naming ipasara ang club na yon."

J&J Club Ozaka, Jacorta

Sumakay ako ng kotse ko at tinungo ang J & J Club. Pagdating ko roon naandoon na ang ilan sa mga tauhan ko at kinakausap ang mga staff. Papasok na sana ako ng club nang mapansin ko ang pamilyar na kotse na nakapark sa tapat ng club.

"Kotse ito ni Vienna ah," bulong ko. Papunta na sana ako nang makita ko si Thraizy akay-akay si Vienna na halatang lasing na lasing.

Bigla kong naalala ang sinabi ni Brent kanina, "Chief! C-Chief t-tulungan mo ako! Yung shaft-cutter! S-Si Ixie! S-Si Ixie, s-siya ang shaft-cutter!"

Nanlalaki ang mga mata kong nakatingin kina Thraizy at Vienna. Nakuyom ko ang kamao ko sa galit. Thraizy Ambrosio at Vienna Laurenzy Arcalanza. Sino sa inyong dalawa noon ang tinatawag na Ixie noon?

Lalapitan ko sana sila nang biglang dumating ang isa sa mga officer at kinausap ako. "Chief, may isa pa pong nabiktima ang shaft-cutter."

Nagmamadali akong pumasok sa loob ng club. Nakuyom ko ang kamao ko nang makita ang itsura ng matanda. Nakatape ang bibig nito at may tali ang dalawang kamay habang nakaupo sa bowl. Wala na itong buhay, ngunit patuloy pa rin ang pag-agos ng dugo mula sa gitna ng hita nito.

"Shaft-cutter!" Malakas kong sigaw na nagpagulat sa lahat ng naroroon.