CHAPTER 4
KINABUKASAN maaga kong dinalaw si Mang Fred sa ospital. May kung anong kumirot mula sa loob ko nang makita ko siyang mahimbing na natutulog habang may posas ang kaliwa nitong kamay. May benda ang balikat nito at mayroong mga gasgas ang braso at mukha niya. Hindi ko inaasahang anak pala niya ang unang naging biktima ng shaft-cutter. Pakiwari ko tuloy ngayon, naging pabaya ako at ubod ng bagal.
Kukumutan ko pa lamang sana siya nang magising siya. "Corporal. N-Narito ka."
Tumango ako bago tuluyang kinumutan ang katawan niya. "Nandito nga ako Mang Fred. Ako naman ang nagdala ng kape para sa iyo. Kaya mo na bang bumangon? Para mainom mo habang mainit-init pa."
Dahan-dahan siyang bumagon at sumandal sa unan na inilagay ko sa likuran niya. Nang mahawakan niya ang kape biglang lumuha ang mga mata ni Mang Fred.
"P-Patawarin mo ako corporal," sabi niya sa pagitan ng mga hikbi. "H-Hindi ko na kasi nakayanan pang pigilan ang sarili ko nang makita ko yung dalaga. Gusto ko sanang humingi ng tawad sa nagawa ko. K-Kung makakalabas ako, personal akong hihingi ng tawad sa kaniya."
Ibinaba ko ang hawak kong kape bago binuksan ng palihim ang recorder na dala ko. Kailangan kong mairecord ang sasabihin niya. Maaari kasi itong gamitin bilang ebidensya. "Papaano mo nasabing siya ang shaft-cutter? Totoong nagulat ako nang makita kita roon. Pero nagtataka ako kung papaano mo nasabing si Vienna ang shaft-cutter."
Mabigat siyang bumuga ng hangin bago sumagot, "Patawarin mo ulit ako Corporal. Hindi ko sinasadyang malaman ang tungkol doon." Bumaba ang tingin niya sa kapeng ibinigay ko sa kaniya bago nagpatuloy. "Nagtatrabaho rin ako sa Peters Mental Hospital bilang janitor. Tuwing hindi ako ang nakaschedule maglinis sa stasyon, doon ako naka-schedule. Nang araw na bumisita ka sa isa sa mga pasyente roon, nagkataon naman na nasa cr ako at naglilinis. Narinig ko ang lahat ng tinanong mo sa pasyente. Nang maghysterical siya at magseizure nakita ko kung sino ang tinutukoy niya sa monitor. Yung kasama ng nobya mo ang pinaghinalaan ko. Sa katunayan, matapos ang programa bumalik nang hatinggabi para tanungin muli ang pasyente. Pinilit ko siyang magsabi ng totoo. Hanggang nauwi ito sa muling pagseseizure ng pasyente at sa pagkatanggal ko sa trabaho."
Nangitngit ko ang ngipin ko nang malaman ko ang totoo. "Ganoon po ba. I'm sorry. I'm too careless. Dapat sinecure ko muna ang lugar bago ko ininterrogate ang pasyente."
"Hindi! Wala kang kasalanan chief. Ako ang may sala dahil nagpadala ako sa galit. Hindi ko muna inalam ang katotohanan bago ako umaksyon."
"Sinubukan niyo na po bang ikumpirma sa anak ninyo kung siya nga ba ang suspect? Sa katunayan, hindi ko inakalang ikaw pala ang ama ng unang naging biktima ng shaft-cutter. Nito ko lang napansin na kaya pala ganoon ka na lang din kung magtanong tungkol sa kaso."
Umiling siya, "Oo, ako ang ama ni Addam. Siya ang nag-iisa kong lalaki sa lima kong anak. Hindi niya alam na hinahanap ko ang suspect. Kaya hindi ko rin nakumpirma sa kaniya. Nagbase lamang ako sa aking nakita."
Pinatay ko na ang recorder na nasa bulsa ko. Humigop ako ng kape bago ako muling nagtanong. "Maayos po ba ang kundisyon ng anak ninyo ngayon?"
Tumango siya, "Kung pangangatawan, malakas naman siya at may kaunting sigla. Kung mentalidad naman ang pag-uusapan, hindi siya maayos." Muling umagos ang luha sa mga mata niya. "Gabi-gabi siyang umiiyak. Sa umaga, nagpapanggap siyang maayos sa harapan namin pero sa gabi, n-nagdudusa siya. Isa rin iyon sa dahilan kung bakit ako pumasok sa PMH. Gusto kong malaman kung papaano ko gagamutin ang anak ko. H-Hindi ko kasi kayang ipadoktor siya. Kulang pa ang sweldo ko sa bayarin sa bahay. Mabuti na lang at ayon sa mga doktor na nakausap ko, hindi malala ang kundisyon ng anak ko."
"Bilang ama, napakasakit para sa akin na makitang nagdurusa ang aking anak. Sobrang sakit marinig ang bawat iyak niya sa hatinggabi, at lalong higit na nagpapadurog ng puso ko, bilang isang lalaki sobrang sakit para sa akin na malamang hindi na siya kailanman magkakaroon ng anak."
Gusto kong ilight-up ang mood pero wala akong maisip na paraan. Ramdam na ramdam ko ang hirap ng kalooban ni Mang Fred sa bawat salitang binibitawan niya. Bilang anak, at bilang lalaki napakahirap makita na nahihirapan ang aking ama, at mas lalong mahirap sa kalooban na mawala ang kaisa-isang bagay na siyang nagpapatunay ng pagkatao mo at magbibigay sa iyo ng silbi rito sa mundo.
Biglang may nagpop-up sa isip ko. "Matanong ko lang po Mang Fred. Tanging ang ulo lamang po ang nawala hindi po ba? May natira pang katawan?"
Nagtataka siyang tumango bago humigop ng kape. "Bakit hindi niyo subukan ang prosthetic? Malay niyo pwede."
Halos maibuga ni Mang Fred ang kapeng iniinom niya. Bigla siyang inubo at sa bawat pag-ubo kasama noon ang daing sa sariwa niyang tahi. "Prosthetic ba kamo? Aba baka mamaya niyan maiwan iyon sa loob! Naku delikado. Imbes na makabuo, naperwisyo."
Napaisip ako sa sinabi niya, and the moment I realize ganon na lang kalakas ang naging tawa ko. "P-Pero alam ko maraming pwedeng gawin para maibalik iyon! Marami akong kilala na mga babae na ngayon ay mayroon ng mga ganon." Natatawa kong sabi.
"Maaari nga kaso wala naman akong pera. Isa pa, baka hindi pumayag ang anak ko sa bagay na iyan."
Matapos kong makumpirma ang mga katanungan sa isip ko, at mapagaan ang kalooban ni Mang Fred nagpaalam na ako sa kaniya at dumeretso sa forensic lab. Kinuha ko ang mga resulta ng lahat ng pinacheck kong gamit ni Dela Pueña. Wala pa ring nakuhang fingerprint sa lahat ng gamit. Nakapagtataka ring walang DNA ng suspect tanging sa victim lang ang nakita. Kung kaya hindi pa rin malinaw kung ano ba talaga ang totoong nangyari. Napanood ko na rin ang mga cctv footage. Walang suspect na nakitang lumabas sa pinangyarihan ng crime scene. Three months pa bago ko makuha ang autopsy report. Wish ko lang na hindi na muling mambiktima ang shaft-cutter dahil baka tuluyan akong maadmit sa PMH kung madadagdagan na naman ang poproblemahin ko.
Ilang araw na kaming hindi nagkikita ni Thraizy. Puro text at tawag lang kaming dalawa. Kaya nang maifile ko na ang mga results sa station umalis muna ako sandali at bumili ng flowers. Gamit ang motor ko tumungo ako sa T'Zy restaurant para puntahan si Thraizy.
T'Zy Restaurant
Pagkapark ko ng motor ko napansin ko kaagad ang kahina-hinalang lalaking nakasuot ng shades at nakasakay sa motor na nakaparada sa harap ng restaurant. Dala ang flowers pumasok na ako sa loob at hindi na pinansin pa ang lalaki, baka kasama ito ng isa sa mga customer sa loob.
Agad kong hinanap si Thraizy. Lumapad ang ngiti niya maging ng mga tauhan niya sa restaurant dahil sa dala kong flowers.
"Napakaswerte talaga ni Mam Thraizy. Pogi na ang jowa sweet pa," sabi ng isa sa mga ito.
Natawa ako sa sinabi niya. Ibinaba ni Thraizy ang apron niya sa loob ng kusina bago kami umakyat sa itaas para doon mag-usap sa sarili niyang opisina.
"I miss you hon," sabi niya sabay yakap ng mahigpit sa akin.
Tell me now again kung gaano ako katibay. How can I stop myself not to turned on if your girlfriend is so clingy like this? Luckily, I believed that patience is a virtue at hindi kabawasan sa isang lalaki ang pagrespeto.
"I miss you more hon. I'm sorry sobrang busy ko nitong nakaraan."
She kissed me and hug me again, "It's okay. Alam ko namang marami kang trabaho. Hindi madali ang maging isang pulis."
Napangiti ako sa sinabi niya. She always relieve me in times of trouble. "Thanks hon."
"For what?"
"For making me happy. Hindi mo lang alam kung gaano na ako kastress sa trabaho. Idagdag mo pa ang dad mo na panay ang check sa hinahawakan kong kaso."
"Napepressure ka na ba kay Dad? Tell me kakausapin ko siya."
"No! Huwag! Hindi naman ako pressured sadya lang talagang mahirap ang kaso sa ngayon. Pero kahit gaano pa man iyon kahirap, walang sukuan. Malulutas ko rin iyon at kapag na-accomplished ko na iyon, siguraduhin lang ng Dad mo na tutupad siya sa pangako niya."
Ngumiti ng mas malapad si Thraizy, "Yes. Dad never break his promise."
I kiss her again, "I'm sorry kung nawawalan ako ng oras ha. Kung kakayanin ko lang talagang galugadin ang buong Jacorta sa loob ng isang araw hindi na sana ako mai-stress ng ganito. Kaso hindi eh, isa lang ang katawan ko."
"Stop saying sorry hon. Take your time. I'm sure malulutas mo rin ang kaso na hinahawakan mo. Wait. I have something to tell you. Look at this!"
Bumataw ako sa pagkakayapos at tinignan ang envelope na hawak ni Thraizy. Ipinakita niya ang isang invitation mula sa isang sikat na hotel. "W-Wait. You're invited? You mean magluluto ka on live? Makikita ka on screen habang nagluluto. Then-OmyGod! Congratulations hon! Being qualified was the greatest achievement!"
Nasiil ko ng halik si Thraizy dahil sa sobrang saya. Alam ko noon pa na pangarap na niyang makasali sa event na iyon. Natupad na iyon ngayon kung kaya sobra akong natutuwa para sa kaniya.
"Yes hon! Sobrang saya ko rin nang makita ko itong invitation. Sa ikatlong araw ang mismong event. Need kong magprepare ng dish na papasok sa criteria. You know what hon, feeling ko talaga naging maswerte ang pasok ng buwan sa akin ngayon. After the grand opening, ito naman qualified ako sa famous cooking competition. I can't wait to see what's next! I'm really excited!"
"Hon, this is the result of your kindness to everyone. From the start that you became the Foundress of Fight For Women Club, upto CEO of T'Zy restaurant and by helping all the beggars and homeless, you truly deserve all of these. Honey I'm so proud of you. I'm so lucky, because you're mine. I'm the luckiest man in this entire world because I had a girlfriend, that is generous and gorgeous. Kaya nga ganon na lang rin ang pagtatiyaga ko para matapos ang kaso. Para naman basbasan na tayo ng dad mo. Makamit ko na ang matamis mong oo. Then magpapakasal tayo sa kahit saan mo man gusto."
"I know you can do it hon. Thanks for waiting. Kung sa iba, marahil iniwan na nila ako pero you chose to stay. Thanks for everything. Thanks for supporting me. Thanks for lifting me up. I can't do all of this without you. You're my strength. You always give me the courage to serve and help people just like what you did. You're protecting our lives, while I'm giving them reason to live. I love you so much honey."
"I love you more honey."
Gamit ang motor ko hinatid ko si Thraizy sa bahay nila. She invited me to go inside but I'm not ready to face his dad. Isa pa may tawag mula sa station. Dumating daw ang isa sa mga magulang ng second victim. Kinakailangan ko siyang makausap kaagad.
Jacorta, Police Station
Nang marating ko ang station naroon nga ang ama ni victim no. 2, Gary Neil Ricafrente. Nanginginig na ang mga kamay nito, sa tingin ko ay may sakit na ito dahil halata sa kilos na may katandaan na ito.
"Kayo po ang magulang ni Gary Ricafrente?" buong galang kong tanong.
"Oho ako ho." Dahan-dahan siyang tumayo.
"Huwag na po kayong tumayo. Umupo na lang po tayo. Ano po ba ang maipaglilingkod ko?" Dahan-dahan ko siyang pinaupo. Parang dinudurog ang puso ko habang hawak ko ang katawan niya. Ramdam ko ang buto sa balikat at braso niya. Malaki lamang pala ang suot niyang damit at may kalakihan ang tiyan kung kaya't hindi aakalaing payat na payat pala ang katawan nito.
"G-Gusto ko sanang ipaalam sa iyo na, na pumanaw na ang anak kong si Gary kaninang alas-otso."
Nanigas ako sa kinauupuan ko nang marinig ko ang masamang balita. Namatay na pala ang ikalawang biktima. Hindi man lang ako nagkaroon ng pagkakataon na makausap siya. Umangat ang nanginginig na kamay ni Tatang. Inabot niya sa akin ang isang sketch pad.
"Bago siya pumanaw gusto niyang ibigay ko sa iyo ang notebook na ito. Sinabi niyang drinawing niya daw riyan ang buong pangyayari bago siya maputulan. Hindi na rin kami mangungulit pa para sa kaso. Inamin sa amin ng anak ko na siya ang unang nangharass kung kaya nang makalaban ang biktima niya hindi niya inaasahang puputulan siya nito. Humihingi ako ng tawad sa inyo, sa ngalan ng aking anak. Patawarin niyo sana kami."
Unti-unting dumaloy ang luha sa mga mata ng matanda. Ito ang kahinaan ko sa lahat. Ang makakita ng matandang nahihirapan at umiiyak. Inilayo ko ang tingin ko at pilit na pinipigilan ang mga luha sa mata ko. Lalaki ako oo, pero pagdating sa ganitong eksena, dinaig ko pa talaga ang babae.
"Maraming salamat po para rito. Nakikiramay po kami sa pagkawala ng anak ninyo. Kahit hindi na po kayo humihingi ng update tungkol sa kaso, sasabihan ko pa rin kayo. Pareho lang silang nagkasala, subalit pareho rin silang naging biktima. Hindi niyo na ho kailangang humingi pa ng tawad, sapat na po itong ibinigay niyo sa akin. Malaking tulong na po ito para sa kaso."
Bago umalis ang matanda nagsolicit muna ang mga kasamahan at tauhan ko sa istasyon para mabigyan ng tulong pinansyal ang matanda. Nakagawian na namin ito sa istasyon. Kahit pa kriminal ang namatay na may napakabigat na kaso, tinutulungan pa rin namin ang mga kaanak nito. Tao pa rin naman sila kahit naging makasalanan. Hindi rin natin maitatangging lahat tayo ay makasalanan, ngunit kahit na ganoon hindi pa rin mawawala sa atin ang pagtulong sa kapwa. Sapagkat ipinaganak tayong balanse sa lahat ng bagay at oras.
Habang nakaupo ako sa table ko sa opisina tinititigan ko ang sketch pad sa harap ko. "Ano ang makukuha kong ebidensya mula sa'yo. Sana naman, makakuha na ako ng hint kahit papaano," sabi ko bago ko dahan-dahang binuksan ang sketchpad.