EPILOGUE

Bahagyang mainit ang panahon. Dala ang ilang sako ng bigas at kasama si Mikee, ibinigay namin ang mga ito sa kabahayan sa ilalim ng tulay. May kasama rin itong ilang pang-ulam na sasapat sa ilang araw. Matapos naming masagawa ang mga ito umalis na kami ni Mikee dala ang Toyota Vios na sasakyan.

Bumaba si Mikee sa prisinto. Habang ako naman ay nagpaalam na munang aalis para puntahan si Sergeant. Dala ang basket ng prutas at mga pagkain, tinungo ko ang Peters Hospital at binisita siya rito.

Gaya ng kinagawian. Nakangiti siya ng malawak sa akin. Wala siyang tigil sa pagkukwento tungkol sa mga experiences niya. Hanggang sa mapagod siya at titigil para kumain. Limang taon na rin ang nakalilipas. Limang taon na rin siyang nakulong sa ward na ito. Awa ang totoong nararamdaman ko sa kaniya. Lalo na tuwing umiiyak siya ng sobra kapag naaalala niya si Thraizy.

Tumawag sa akin si Vienna. Eksaktong alas-onse na rin ng tanghali. Nagpaalam ako kay Sergeant pero ayaw niya akong paalisin. Inabot pa ako ng halos thirty-minutes bago tumalab ang pampatulog para sa kaniya. Nang makasigurong tulog na siya, rito na ako um-exit sa ospital. Nakita ko ang mga admin ng ospital. Lahat sila ay sumaludo at bumati sa akin. Sandali ko munang chineck ang lagay ni Sergeant bago ako umalis papunta sa day care center.

Habang nasa byahe inabot ako ng traffic dahil sa aksidente sa crossing. Nakita kong isang lalaking nakamotor ang aksidenteng nag-slide sa gitna ng intersection. Mabuti na lang at nakarating din kaagad ang traffic enforcer na nag-lunch break ata sandali. Naayos ang traffic at mabilis na akong nakarating sa destinasyon ko.

Hope Day Care Center

Nakangiti akong pumasok sa loob nito. Mas lumapad ang ngiti ko nang makita ko ang dalawang babae na nakaupo at naglalaro. Kinatok ko ng marahan ang bintana para makuha ang atensyon nila. Mabilis na lumakad ang batang babae palabas ng room at yumakap sa akin.

CARRYLE RAIZE. Ito ang malapad na nakasulat sa nametag ng batang karga ko.

“Naging-good girl ba ang baby princess ko?” Nakangiti kong tanong.

Ilang ulit itong tumango habang nakayakap at may malapad na ngiti. “Opo! Daddy, are we going to mommy?” tanong niya.

Marahan akong tumango bago ako nagpaalam kay Vienna at umalis.

“Mommy, look I had lots of stars. I also recited a poem. Tita Vienna took care of me before and after the recess and my other classmates played with me.” Bibong-bibo ang anak kong si Carryle habang binibida sa harap ng mommy niya ang achievements niya.

Lumuhod ako para matapatan ko ang anak ko. Inilapag ko ang bulaklak na binili ko sa ibabaw ng lapida ni Thraizy. Ngayon ang fifth death anniversary niya, kahapon naman ang fifth birthday ni Carryle Raize.

They decided to sentenced her after she gave birth. To be honest, hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko ng araw na iyon. Halo-halong emosyon ang naramdaman ko, lalo na nung una pa lang na malaman kong buntis siya. That was our biggest dream, to build a strong and happy family. But after she gave birth to our beautiful princess, kinuha na siya sa akin. It seems that we had different paths in our lives. Just like my princess, after the day she was born, her beloved mother died. Hoping that she inherited Thraizy’s generosity, and people never take a bad look at her. Also speaking of generosity, we continue feeding those people living below the bridge. Ito kasi ang huling hiling ni Thraizy, ang hindi ako tumigil sa pagtulong.

Ako na rin ang nag-manage ng T'Zy restaurant. Inaasahan kong mawawalan na ito ng customers pero nagkamali ako dahil matapos maisabalita ang naging hearing ni Thraizy, marami ang mas lalo pa siyang minahal. Ang mga taong nang-abuso ay humingi ng paumanhin at maraming kalalakihan ngayon ang nakita kong natuto kung paano rumespeto ng tama sa kapwa nila.

Iba-iba naman kasi ang uri ng pag-respeto, nilulugar natin ito madalas sa uri ng tao nakakasalamuha natin. Pero pagdating sa usapang sekswal, hindi maaaring alisin sa salitang ito ang salitang iyon. Sapagkat lahat ay may karapatang respetuhin. Mapa-ano man ang iyong katayuan sa buhay, walang sinuman ang may karapatan na bastusin, harasin, sabihan ng malalaswang salita ang kahit na sino.

At bilang isang magulang, lahat ng pag-iingat ay gagawin ko. Hangga’t naaabot ng mga mata ko. Pero hindi natin hawak sa leeg ang mga anak o mahal natin sa buhay kaya ang lahat ay ialay na lang natin sa Maykapal.