CHAPTER 11

CHEF THRAIZY AMBROSIO

aka. IXIE POINT OF VIEW

ISANG LINGGO na ang nakakalipas. Nananatili ako rito sa loob ng lounge na pinagawa ko matagal na panahon na ang nakalilipas. Ito sana ang lugar na napili kong pagdadausan namin ni Lucas ng 7th anniversary namin. Pero mukhang hindi ko na maaabot pa iyon dahil dumating na ang oras ng paniningil para sa mga nagawa kong kasalanan.

I know I don't have any rights to cut anyones life. Pero anong magagawa ko kung naka-destined na silang mamatay. Ah mali, oo mali dahil ako ang nagbigay ng dahilan para malagay sila sa alanganin. Pero lahat naman ng ginawa ko sa kanila ay nararapat lamang sa kanila. Oo, hindi tamang tayo mismo ang maglalagay ng batas sa ating mga kamay. Pero paano kung ayaw kumilos ng batas? Hindi ko kayang balewalain ang mga taong humihingi ng tulong, dahil alam ko ang pakiramdam ng binalewala.

Alam kong ngayon na ang release ng arrest warrant. Noon ko pa naman alam na ako ang hinahanap ni Lucas. Narinig ko si dad minsan na kinakausap ang isang officer at humihingi siya ng update tungkol sa shaft-cutter. Ako ang shaft-cutter. Pero sinong kriminal ang susuko kaagad. Hindi ko pa naaabot ang lahat ng pangarap ko. To be honest, inaasahan ko naman na ang pagbagsak ko noong una pa lang na gawin ko ang krimen, but it seems that door of prosperity opened wider and they lift me up to the sky. Natupad ko ang mga pangarap ko sa sandaling panahon lang. But there's a saying, kung gaano kataas ang paglipad mo, ganoon din kataas ang magiging bagsak mo, and I know that today is my downfall.

Everything seems to be complicated when Dad wanted Lucas to catch me before marrying me. Now that they know it, how can he marry me if I will be put behind the bars tonight? I love Lucas. I really do. But now that he's suffering because of me, I can't take it anymore. The night when he's drunk and I heard everything, I decided to give myself, my everything. This is the only way I can do just to prove my everlasting love for him.

He does respect me. Even though he had lots of chances of owning me, he controlled himself. He never dared to ask me again if I said no. He's the most amazing guy I ever knew. He saw me as an angel without knowing that I had fallen. He supports me and gives his best to make me happy. He sacrifices his duties sometimes just to arrive on our date on time. That's why now, I can tell myself that he doesn't deserve me anymore.

I decided to hide, but not to escape but to think. Think about what I should do next. I can't help people if I drag inside the box anymore. I don't want to see them crying again because of hunger. Chasing vehicles just to ask for some coins. I can't take every time I see homeless people contemplating not about their future but about their deaths. Papaano na sila kung makukulong na ako? So I fixed everything before the time ended.

About the club, they are women crying because of abuse. Some of them are rape victims and single mothers. They give me strength to go through it. They're one of the reasons why I kept doing this. I hope if they knew everything, they would understand that I did it for them, to take revenge for what others do.

I don't want to be like this, evil society does. I used to be a generous person who only wanted to serve people by filling their stomachs. But because of their overflowing lust, the monster inside me wakes up and takes action. Cutting their needles is enough. To kill a soldier you need to get all his weapons rather than hurting them. Just like them, to stop the lust running in their veins we need to remove their tool. We need to cut their needles.

“Miss Thraizy, narito na po ang damit na pinalabhan ninyo,” sabi ni Hannah habang inaabot ang damit sa akin.

“Thanks. Thanks for everything. You may now leave.”

“A-Are you sure mam? B-Buo na po ba ang loob mong gawin ito?” Naluluha niyang tanong sa akin.

Tumango ako sa kaniya at ngumiti, “Yes, I am. Everything will be fine. Don't worry.”

Umiiyak siyang lumabas ng lounge. She's been taking care of this lounge for so long, and today I'm sure that this lounge will be empty for a long time, hoping that I can go back here someday.

Mapakla akong ngumiti habang hawak ang puting dress. Ito ang damit na suot ko noong una kong nakilala si Lucas, at ito ang damit na suot ko nang mangyari ang kahindik-hindik na pangyayaring iyon. Lots of memories are written in this shirt. I want to bury them, but not now, not now.

I was hoping that Lucas would show up here and ask me to hide or escape or surrender. But based on my other staff, he's busy finding me because dad filed me as a missing person.

My mind keeps telling me that he forgot about me, because this is the place where we build a lot of memories. If he starts finding me, he must find me here first, but it seems that those memories aren't enough to remind him about this precious place. But I'm still hoping. I wore a dress and went to the riverside. I will wait again for hours. If he doesn't come until four, I will take action.

In the past few days, I have been thinking about what others think about me. If they knew that I am the shaft-cutter I was thinking if what will be their reactions, but those over thinks my mind gets tired and I ended up thinking about doing this. I will surrender. I had lots of money, I know I can defend myself. I can say that I just do that for self-defense, but it seems that I am so tired of defending myself. If they catch me, I will reveal everything. The reason why I became like this.

* * *

Ten years ago, my uncle raped me. Hinding-hindi ko makakalimutan ang gabing iyon. Ang bawat dampi na nagmistulang maiinit na baga. Ang bawat halinghing, ang bawat daing. Ito ang nagbigay ng daan sa akin para gawin ang lahat ng ito.

Noong unang pagkakataon na makilala ko si Addam, buong akala ko ay mapagkakatiwalaan na ang kalalakihan. Sapagkat pinatunayan na sa akin ni Lucas na marunong rumespeto ang kalalakihan. Pero nagkamali ako.

Matapos naming makuha ang loob nina Mr. Han, Mr. Lee at Mr. Park inaakala kong sapat na ang pagbayad ko sa kaniya ng pera. Pero hiniling niya sa akin ang katawan ko. Huli na para sa akin na pumalag dahil umepekto na ang gamot na lihim palang inilagay ni Addam sa ininom kong juice. Mabuti na lang at nakaya kong kontrolin ang sarili ko at hindi siya nagtagumpay na maangkin ako. Ako ang nagtagumpay, dahil nagawa kong putulan si Addam. Inaakala kong hindi na siya makakaligtas, pero nagkamali ako.

Ang ginawa ko kay Addam ay hindi ko inaasahang muli kong magagawa. Nang makilala ko si Gary sa isang book shop, akala ko ay mabuti siyang tao. Nerdy ang style ng pananamit niya at halatang matalino. Nagkataong hindi ko ma-contact si Lucas at sobrang lakas ng ulan nang gabing iyon. Nahirapan din akong kumuha ng taxi pauwi. Gary offer me a ride. Ayoko sana pero wala akong choice. Gustong-gusto ko ng umuwi. Sumakay ako sa sasakyan niya. Mataas ang trust issue ko pero nagbigay ako ng kaunti para sa kaniya. Ngunit ang tiwalang iyon ang pinagsisisihan kong ibinigay.

He told me that we’re heading a shortcut but he suddenly stop the car in the middle of nowhere and unzipped himself. The trauma from Addam’s scene suddenly appeared on my mind, and that night he became my second victim. The third victim also did the same, but we met on J & J.

The same as other victims, it all started because of lust. Action to others without thinking and respect. When they’re captured, they always blame our outfits. But, I never wear daring clothes, as well as Vienna.

Speaking of Vienna, she’s here. To be honest, she’s crying. After she heard my statement why I became like this, tears in her eyes kept on falling. She witnessed how I tried to kill her rapist, and years after I succeeded. I told her not to go here, but she said she owes everything she had today to me. I told her not to, but she insists. Wala raw siya ngayon kung hindi dahil sa akin.

I know I can stand and defend myself because I’m also a victim. I can call it self-defense but I killed them, and I admit it. The court charged me with life-time detention. For me it wasn’t enough for a prisoner like me, but for now it will be better if I stay and wait for months. If the court released an order to kill me, I will make sure first that my little angel is safe.

You heard it right, I am two months pregnant.

LUCAS POV

Nasa labas ako ng courtroom kung nasaan si Stacy. I asked Vienna to call me if the trial starts. Hindi ko kayang makita siyang umiiyak. Ayoko ring makita niya akong nahihirapan. Nang magsimula na ang trial sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko. Hindi ako mapakali sa kinatatayuan ko na tila ba sinisilihan ako. Pinipigilan ko ring maluha ang mga mata ko.

Nagsimulang magtanong ang prosecutor. Seryoso akong nakikinig nang dumating si Mikee. Sinabi niyang nasa labas ang mga kamag-anak ng mga biktima. Gusto rin daw ng mga itong malaman ang side ni Thraizy. Inasikaso sila ni Mikee habang ako ay mataman pa ring nakikinig. Alam kong ngayon ay maririnig at malalaman ko na ang dahilan kung bakit siya nagkaganito. Kung bakit niya nagawa ang lahat ng ito, at hinihiling ko rin sa puso ko na sana ay walang magbago.

Habang pinakikinggan ko ito, tugma ang lahat sa nalaman ko. Mula sa unang naging biktima hanggang sa huli. Lihim akong napapailing nang maalala ko lahat ng hirap na pinagdaanan ko. Nilamon ng matinding stress ang buong katawan ko sa paghahanap ng ebidensya, at hindi ko lubos akalain na si Thraizy nga talaga ang suspect.

Nanigas ako sa kinatatayuan ko nang marinig ko na ang huling statement niya, ang statement na sumagot sa lahat ng tanong sa isip ko. Ang tunay na dahil kung bakit siya naging shaft-cutter. Kaagad kong itinext si Vienna para malaman ang info na kailangan ko at nang mapagtanto ko, halos lamunin ako ng lupa ng maalala ko ang mga nangyari noong nakalipas na sampung taon.

* * *

Malakas na ang putukan sa labas ng bahay. Maraming tao sa bahay at lahat ay naghahanda para sa pagsalubong sa bagong taon. Sa sobrang busy nila, nakatakas ako sa bahay dala ang isang box ng picollo. Matagal ko nang gustong masubukan ito pero hindi ako mabigyan ng pagkakataon.

Tagumpay akong nakalabas ng bahay na hindi nila napapansin. Sobrang lakas ng karaoke sa labas at maging sa ibang mga bahay. Tinignan ko ang mga kaibigan ko kung paano nila pinapaputok ang piccollo. Nang malaman ko kung paano, sumubok na ako ng ilan.

Nag-decide akong lumayo ng kaunti sa amin para siguradong hindi ako mahuhuli. Sa edad kong 16 ay masyado pa rin akong bata kung ituring ng mga magulang ko. Hindi ko naman kinaiinisan iyon ng sobra, katunayan nga gusto ko iyon dahil ramdam ko palagi ang pagmamahal at suporta nila. Pero dumarating din ako madalas sa point na sumusuway sa utos at rules nila.

Wala na akong makitang mga tao. Napangisi ako dahil nakatiyak akong magagawa ko ng magpaputok ng hindi matatakot kung may madadamay ako. Inilabas ko ang picollo kasunod ang sinulid. Gusto ko kasi itong gawing sinturon ni hudas na maliit. Titignan ko kung magiging effective. Habang inaayos ko ang mga ito sa gitna ng kalsada kasama ang sinulid nakarinig ako ng malakas na sigaw mula sa isang lalaki.

In-ignore ko ito dahil baka lasing lang ito na nagwawala. Nang maiayos ko na ang lahat sinimulan ko ng magsindi ng posporo. Nakailang uit na ako pero hindi ko pa rin masindihan ang sinulid. Nagulat ako ng makita ko ang isang babae na parang humahangos. Nagtago ako sa likod ng van para tignan kung ano ang gagawin nito. Nagtago siya sa kalapit kong na walang imik. Sa hindi malamang dahilan nakaramdam ako ng kakaibang kaba nang marinig ko siyang umiyak, at mas nadagdagan pa ang takot na nararamdaman ko ng marinig ko ulit ang malakas na sigaw mula sa isang lalaki.

Nang ibaba ko ang tingin ko sa kalsada nakita ko ulit ang ginagawa ko. Umupo ako para sindihan ulit ito. Nakakailang ulit na ako ng marinig ko na ang lalaki sa malapit. Lasing na lasing ito at mahahalata sa pagsasalita nito. Sumubok akong sumilip sa gilid ng van. Nanlaki ang mata ko nang makita kong ang babaeng nakita kong nagtago ang kinakausap nito at ilang sandali nga lang nasaksihan ko ang isang kahindik-hindik na krimen. Kasunod nito ang pagsabog ng piccollo sa harapan ko.

* * *

Ang pangyayari nang gabing iyon ang nagtulak sa akin para magpulis, at hindi rin ako makapaniwalang ang pangyayaring iyon ang nagdala kay Thraizy para maging shaft-cutter. Lihim kong sinisisi ang sarili ko dahil naging duwag at mangmang ako. Kung tinulungan ko siya at iniligtas sa lasing na iyon, wala sigurong shaft-cutter ngayon. Ngayon ko rin na-realize, hindi tamang magreklamo ako dahil para sa akin, ang karuwagan ko ang naging sanhi ng kinaharap ko ngayon.