Chapter 8: Accidental Kiss
"Aspen! Late na tayo!" may naramdaman akong tapik sa aking mukha pero hindi ko iyon pinansin.
"Riz, Sabado ngayon. Walang pasok..." inaantok na sabi ko saka tumalikod. Alas kwatro na kasi kami natulog dahil nag-movie marathon kami kagabi. Dito natulog si Riz dahil mas gusto niya raw dito kaysa sa bahay nila.
Nagulat ako nang maramdaman kong sumipa sa likod ko dahilan para mahulog ako sa kama. Napakalakas niyon kaya tumalsik ako.
Kahit nahihilo ay sinubukan kong bumangon. Tiningnan ko si Riz na naka-peace sign sa akin. Nakakapagtaka na nakabihis siya na parang may pupuntahan.
"Aray... Ano bang kailanga----" naputol ang pagsasalita ko nang may maramdaman akong tumutulo. Hinawakan ko ito at nagulat nang makitang dugo ito. Mukhang tumama pa ata ako sa dingding dahil nakita kong may dugo rin iyon.
"Hehe sorry pero male-late na kasi tayo." sabi niya. Nagtaka naman ako sa sinabi niya.
"Huh? Anong late? Sabado kaya ngayon." sabi ko dito saka dumiretso sa cabinet kung saan nakalagay ang aking first aid kit.
"Duh? Nagtext si Colden na may pupuntahan tayo ngayon. Doon na lang daw tayo magkita-kita. Tinext na rin niya sa akin yung location." Napatigil ako sa pagkuha ng first aid kit dahil sa sinabi ni Riz.
"E bakit ngayon mo lang sinabi?!" sabi ko saka binitiwan ang first aid kit at kinuha ang aking tuwalya. Nagmamadali akong pumasok sa banyo at naligo.
"Bakit ba walang sasakyan na dumadaan? Maaga pa ah." Sabi ni Riz habang naglalakad kami. Tama siya. Alas nuebe pa lang ng umaga pero napakadalang ng sasakyan na dumadaan ngayon.
"Huh? Hindi niyo ba nabalitaan na may strike ngayon? Ipinalabas iyon sa Tv kagabi." sabi naman ni Demi.
"Magtawag na lang tayo ng taxi." suggestion ko at tumango naman sila.
Nang makakita ako nang taxi ay agad akong pumara. Maglalakad na sana ako nang may babaeng tumakbo papunta sa taxi.
"Thank God at may nakita akong taxi." sabi ng babae saka binuksan ang pinto.
Hinawakan ko ang braso niya.
"Ako ang unang nakakita niyan kaya kami ang sasakay! Naiintindihan mo?"
Tinaasan niya ako ng kilay.
"So? Ako naman ang naunang nakarating sa pinto kaya tabi." Aniya saka niya ako tinabig. Hindi na ako nakagalaw dahil sa pagkabigla.
Agad akong dinaluhan ni Riz at Demi.
"That b*tch! Magkita lang kami at sasabunutan ko ang babaeng yon!" sabi ni Riz.
Agad siyang inawat ni Demi. "Hayaan niyo na. Meron pa naman sigurong taxi na dadaan." Agad na huminahon si Riz dahil sa sinabi ni Demi. Hindi naman nagkamali si Demi dahil pagkalipas lang ng ilang minuto ay may dumating na taxi.
"Bakit ang tagal niyo?" Salubong sa amin ni Kright. Nasa tapat kami ngayon ng isang all-girls school. Bexley All-girls School.
"May papansin kasing babaeng nang-agaw ng taxi kaya na-late kami." paliwanag ni Riz. Mabuti at hindi niya sinabi na late ako.
Napabuntunghininga si Kright. "Nasa loob na si Pres. Ipapaliwanag niya sa inyo ang tungkol sa misyon natin ngayon." Nagsimula na siyang maglakad papasok sa school.
Pagkapasok namin sa school ay agad akong namangha sa loob. Nagkalat ang kulay pink sa loob. Kahit saan ka rin tumingin ay may makikita kang bulaklak. Halatang puro babae ang mga estudyante dito.
Napahinto ako nang mauntog ako sa pader -- hindi, dibdib pala. Nang tingalain ko ito ay nagulat ako.
"S-Sir Caspian?!" Napatingin ang mga estudyante sa akin dahil sa pagsigaw ko.
Alanganin akong ngumiti saka nag-peace sign sa kanila.
Biglang sumulpot sa likod ni Sir si Ethan. "Oo nga pala! Si Sir Caspian ang itinuturing namin na 'Big Boss'. Siya ang guardian natin sa club. Siya rin ang nagbibigay ng mga misyon sa atin." Ngiting ngiti si Ethan habang nagkukwento. Lutang ako kaya hindi ko masyadong maintindihan ang mga pinagsasabi niya.
Huminto na kami sa paglalakad nang makarating kami sa kinaroroonan nina Colden.
Agad kong nilapitan si Jethro. Nagtataka siyang tumingin sa akin. Tinuro ko naman ang sugat ko. "Gamutin mo nga sugat ko." Utos ko sa kanya dahilan para tumaas ang kilay niya.
"Who do you think you are to order me just like that?" Masungit na sabi niya pero hindi ako nagpatinag. Aksidente akong napatingin kay Demi na nakikipag-usap kay Riz at parang may light bulb na lumitaw sa isip ko. Tama! Bakit ba hindi ko kaagad naisip iyon?
Agad akong tumalikod kay Jethro upang maisagawa ko ang plano ko.
Pasimple akong lumapit kay Demi saka umarteng masakit ang ulo.
"A-Aray... Ang sakit ng ulo ko..." Diniinan ko ang sugat ko dahilan para makaramdam ako ng sakit.
As expected, agad akong dinaluhan ni Demi. Nag-aalalang tumingin siya sa akin. Nagi-guilty tuloy ako. Hay.
"Akala ko ba ay ginamot mo na iyan? Bakit dumugo pa rin?" Mas lalo akong umarteng nasasaktan upang mapaniwala lalo si Demi.
"Gusto ko sanang ipagamot ito kay Jethro kaya lang baka sungitan niya ako. Lam mo na, hate na hate niya ako." Nagpapaawang sabi ko.
Hinawakan ako ni Demi sa kamay.
"Halika. Sasamahan kita kay Jethro." Napangiti naman ako saka sumama sa kanya.
Nakangiti akong lumapit ulit kay Jethro. Kung nakakamatay lang ang tingin ay siguradong patay na ako. Magsasalita na sana siya kaya lang hindi natuloy dahil nakita niya si Demi sa likod ko.
"Jethro, gusto ko sanang ipagamot sa iyo itong sugat ko. Pwede ba?" Malambing na tanong ko. Gustuhin man niyang humindi ay alam kong hindi niya kaya dahil nasa likod ko si Demi. Sinamaan niya muna ako ng tingin bago hawakan ang sugat ko. Nang matapos niyang gamutin iyon ay ngiting ngiti akong nagpasalamat sa kanya.
"Aspen! May sasabihin si Pres!" Agad akong lumapit kay Kright nang sabihin niya iyon. Pagkalapit namin kina Colden ay nakita kong may kasama na siyang babae. At take note, nakahawak sa braso niya.
"Dapat magpakabait ka na sa amin Colden." sabi ko dahilan para kumunot ang noo niya.
"What the hell are you saying?" Tanong niya. Tinuro ko gamit nguso ang babaeng nakakapit sa braso niya.
"Hindi ba dapat pag may girlfriend na e good mood lagi? Kaya dapat talaga ay magpakabait ka na sa amin." paliwanag ko sa kanya. Magsasalita pa sana siya kaya lang ay dumating na si Sir Caspian.
"Ayon sa headmistress ng school na ito, sunod sunod daw ang pagkamatay ng mga estudyante dito. Nahihirapan ang mga pulis sa paghahanap sa suspek dahil wala silang makitang kahit anong ebidensya." Mahaba ang sinabi ni Sir pero isa lang ang naintindihan ko. May bago na naman kaming misyon.
Sunod na nagsalita si Colden. "Until may lumitaw na witness." Sinenyasan niya ang babae na magpakilala at agad namang sumunod ito.
Nanlaki ang mga mata ko nang makita kung sino ito. Siya yung babaeng magnanakaw ng taxi! Nilingon ko saglit si Riz at nagulat ako dahil parang papatay ang itsura niya. Patuloy naman siyang inaawat nina Nach at Demi.
Ngiting ngiti ang babae habang nagpapakilala.
"Hi! Ako nga pala si Sandalia Roque." Ang kaninang malditang mukha ay naging maamo.
"Sandalia... Sandals..." Bulong ko.
Lumingon naman sa akin ang babae.
"Are you saying something?" Nakangiti siya pero pakiramdam ko ay pinapatay na niya ako sa kanyang isip.
Pinagpapawisan ako. "W-Wala. Ahm by the way ang ganda ng name mo. Bagay sa iyo hehe."
Napangiti siya. "Really? Thanks!"
Ngumiti na rin ako. "Oo naman. Mukha ka kasing paa." Napahawak ako sa bibig ko nang ma-realize ko ang sinabi ko. Dinig na dinig ko ang mahinang pagtawa nina Kright, Ethan at Nach. Napansin ko ring nagpipigil ng ngiti sina Athena at Jethro. Nagulat ako nang mapansing pati si Sir Caspian ay nagpipigil rin ng ngiti. Si Riz naman ay malakas na tumawa kaya napatingin sa kanya ang mga estudyante.
Nakaramdam ako ng kaba nang makitang masama ang tingin sa akin nina Sandalia at Colden. Hala! Lagot ako! Nag-peace sign lang ako saka dahan-dahang humakbang palayo. Nang makalayo ay saka ako tumakbo nang mabilis.
Sa sobrang bilis ng takbo ko ay hindi ko napansing naligaw na ako. Sinubukan kong humanap ng daan pabalik kaya lang ay puro lumang building na ang nakikita ko. Lalo pa akong kinabahan nang maalala ang sinabi ni Sir kanina. Kung nakaligtas ako sa una kong misyon, sigurado na akong dito ako mamamatay.
Nararamdaman ko na rin ang pagkalam ng sikmura ko at panunuyo ng lalamunan ko. Huhu gutom na ako at uhaw.
Tiningnan ko ang relos ko. Alas Dos pa lang ng hapon kaya safe pa naman siguro.
Habang nakatingin sa relos ay bigla akong napatigil nang mabangga ako.
Inangat ko ang tingin ko. "Waah!" Sigaw ko dahilan para mapasigaw din siya. "What the hell?!" Iritang aniya. Hehe. Si Athena lang pala.
"Ano nga pala ang ginagawa mo dito?" Tanong ko. Hindi naman siya sumagot at sa halip ay binigyan niya ako ng isang maliit na eco bag.
"Wow! Foods!" Tuwang-tuwa na sabi ko. Agad ko itong inilabas saka sinimulang kainin.
Nilingon ko si Athena na tahimik lang.
"Uy! Bakit mo ko hinanap ha? Nag-aalala ka siguro sa akin noh? Yiee~ friends na ba tayo?" Pabirong sabi ko sa kanya.
Inirapan niya ako. "That's my way of saying thanks." Nagtaka naman ako sa sinabi niya.
"Huh? Ano bang nagawa ko para mag-effort ka pang dalhan ako ng pagkain bilang pasasalamat?" Tanong ko.
Sumimangot siya. "That Sandals girl. I really hate her guts. I just asked her something but she acted like I had hurt her. What a two-faced b! tch. That's why I'm really happy because you managed to annoy her." Sabi niya. Napangiti naman ako. Marunong naman pala siyang magpasalamat.
Tumango tango ako. "Ah. Maldita ka naman e. Bakit hindi mo siya nagawang patulan?" Tanong ko. Ako nga nagagawa niyang malditahan e.
"Colden said that she's the witness so we must take care of her. Which means I can't be mean to her." Paliwanag niya. Ah ganon pala. Nang matapos akong kumain ay ibinigay ko na sa kanya ang maliit na eco bag. Tinanggap naman niya ito saka tumayo. Pero bago siya maglakad ay lumingon muna siya sa akin.
"Hindi ka ba sasabay sa akin pabalik?" Tanong niya.
Ngumiti ako saka umiling. "Hindi na. Baka sabunutan ako ni Sandalia e. Mauna ka na. Okay lang ako dito."
Tumango siya saka may kinuha sa kanyang bulsa. "Here. Take this." Inabot ko naman iyon. Isang papel -- ay hindi, isang mapa pala.
"Para saan ito?"
"Para hindi ka maligaw. Since alam kong wala kang sense of direction."
"Wow! Paano mo nalaman iyon?" Manghang sabi ko pero hindi niya ako pinansin at sa halip ay nagsimula na siyang maglakad.
Bumalik na ako sa upuan ko saka tinignan ang mapa. Wow! Ang laki pala ng school. Sinubukan kong hanapin kung anong lugar itong kinaroroonan ko at hindi naman ako nabigo. Ayon sa mapa, nasa lumang dormitory building ako na malapit nang gibain. Sinubukan ko ring maghanap ng mga lugar na mapapasyalan malapit dito.
Merong maliit na park sa likod ng building na ito kaya nagdesisyon akong puntahan ito.
"Ang ganda!" Natutuwa akong hinawakan ang mga bulaklak. Kahit mukhang abandonado na ito ay maganda pa rin ito. May nakita akong maliit na pond kaya pinuntahan ko ito. Nakaka-relax ang magpahinga dito dahil malakas ang hangin. Nagdesisyon akong humiga sa isa sa mga bench saka ipinatong ang mapa sa ibabaw ng tiyan ko.
"Hay ang sarap namang matulog." inaantok na sabi ko. Napapikit ako nang maramdaman ko ang malakas na hangin pero agad din akong napadilat nang maramdamang nilipad ng hangin ang mapa.
"Ang mapa!" natatarantang sabi ko saka hinabol ito. Nakahinga ako nang maluwag nang makitang lumapag ito sa ugat ng malaking puno.
"Whooh! Grabe, pinagod mo ako. Mabuti na lang at hindi ka lumapag sa pond." Nakangiti kong pinuntahan ang mapa pero agad ding napawi ang ngiti ko nang maramdamang humangin ulit pero this time, mas malakas na.
Kitang kita ko kung paano nilipad ng malakas na hangin ang mapa dahilan para mapunta ito sa pond. Mangiyak-ngiyak ko itong pinuntahan at doon ko nakita kung paano lumubog ang kawawang mapa. Tulala akong bumalik sa bench na hinigaan ko kanina habang pinaprocess ng utak ko ang mga nangyari.
Wala na.
Wala na ang mapa.
Naiiyak kong tiningnan ang relos ko. Alas kwatro na ng hapon. Ilang oras na lang ay magga-gabi na. Hindi naman talaga ako takot magpagabi dito dahil sanay ako noong umuwi nang madaling-araw. Kaya lang knowing na may gumagalang killer, nakakatakot.
Agad akong nabuhayan ng loob nang may makitang tao. Ayos! Hindi naman pala ako nag-iisa dito. Nakangiti ko itong pinuntahan.
Babae siya na nakasuot ng uniporme katulad ng mga estudyante dito. Mahaba ang buhok niya at maputi ang balat. Parang nag-gluta. Kinalabit ko siya pero hindi siya lumingon.
"Ahm ate, alam mo po ba kung saan ang daan papuntang headmistress' office?" Kung hindi ako nagkakamali, sa headmistress' office kami nag-usap kanina. Napangiti ako nang ituro niya nag daan. Yes! Makakabalik na ako! Agad akong nagpasalamat at mabilis na pinuntahan ang itinuro niyang daan.
Itinigil ko muna ang paglalakad upang tingnan ang oras. Quarter to six na pala. Kailangan ko nang bilisan dahil baka makasalubong ko yung killer. Wala pa naman akong superpowers.
Nakaramdam ako ng kaba nang makarinig ako ng kaluskos. Waah! Mamamatay na ako! Gustuhin ko mang tumakbo ay hindi ko magawa dahil nanginginig ang mga tuhod ko sa takot. Muntik na akong mapasigaw nang may masalubong na matangkad na lalaki na may suot na itim na cloak.
Dumoble ang takot na nararamdaman ko nang lumingon siya sa direksyon ko. Lola! Lolo! Ayoko pa pong mamatay! Habang tumatakbo ako ay naaalala ko ang mga memories ko nung bata pa ako. Kasama na doon ang embarrassing moments ko.
Waaah! Eto ba yung sinasabi nilang 'life flash' ?
Ang takot na nararamdaman ko kanina ay naging triple nang may biglang humila sa akin. Bukod sa masyadong malakas ang pagkakahila niya sa akin, masyado ring mahina ang katawan ko kaya pareho kaming babagsak sa sahig. Pumikit na ako habang inihahanda ang sarili sa malakas na pagbagsak pero walang nangyaring ganoon. Bumagsak ako pero wala akong naramdaman na masakit. Sa katunayan pa nga ay napakalambot ng kinabagsakan ko kaya napadilat ako. Kaya pala hindi ako nakaramdam ng sakit ay dahil sa katawan pala ako bumagsak. Pamilyar ang lalaking nasa ilalim ko kaya ikinurap ko ang aking mga mata. Si Colden! Kaya lang ay nakakapagtakang para siyang natulala habang namumula ang mukha at nanlalaki ang mga mata niya. Kaya siguro siya namumula ay dahil sa pagkakadikit ng mga katawan namin.
Pero teka, ano ba itong malambot na bagay sa bibig ko? Tiningnan ko ang labi ko at pakiramdam ko ay para akong nilayasan ng kaluluwa ko.
Akala ko ang mga katawan lang namin ang magkadikit,
Pati rin pala ang mga labi namin.