Chapter 15 Third Part MY ENEMY, MY LOVER

Hindi maiwasang mapangiti ng palihim si Veron dahil sa sinabing iyon ni Mark. Sa totoo lang, unti-unti ng nahuhulog ang loob niya rito at ayaw niyang lumala iyon dahil ayaw niyang umasa na matutumbasan nito ang nararamdaman niya lalo at babalik rin ito sa Saudi.

Nang marating nila ang Shin's Grocery Store, bumaba si Mark at pinagbuksan siya ng pintuan na ikinangiti niya. Mukhang bumabawi nga ito. Well, wala namang masama na pagbigyan niya ang hiling nito.

Sabay silang pumasok sa loob ng grocery store. Habang papasok ay napapatingin kay Mark ang mga naroon kababaihan. Hindi niya maiwasang mapa-ikot ang mga mata. Kating-kati siya tanggalin ang mga mata ng mga ito. Natigilan siya, anong nagyayari sa kaniya? Nagseselos ba siya?

"May problema ba?" tanong ni Mark na nag-aalala na tumigil rin sa paglakad.

"Naiinis lang ako sa mga tinging ipinupukol nila sa iyo!" prangka niyang sabi na mas lalong nagpatigil at nagpamula sa kaniya dahil huli na ng marealize niya ang sinabi nito. Kitang-kita niya ang pagguhit ng ngisi sa labi nito.

"Nagseselos ka?" tanong nito na kaagad naman siyang umiling.

"Hindi ah! Bakit naman ako magseselos!" Singhal niya at agad na nauna ng naglakad sa binata. Narinig niya ang mahinang pagtawa nito.

"Ano ba itong nangyayari sa'kin!" bulong niya sa sarili.

Sa buong panahon ng paggrogrocery nila ay nakaalalay sa kaniya si Mark na mas lalong nagpabilis ng kaniyang puso. Kahit na pinagtitinginan siya ng mga naroon ay hindi nito binigyan pansin ang mga iyon. Hanggang sa umuwi na sila at maihatid siya nito sa kanila. Tinulungan pa siya nitong maibaba ang mga pinamili niya at maipasok iyon sa bahay.

"Mukhang wala si Tita Verina ngayon," komento ni Mark.

"Kaya nga e," aniya at naupo sa sofa ganoon din si Mark.

"Salamat sa pagsama sa'kin ah," sinserong pahayag niya. Tumingin sa kaniya si Mark at pinakatitigan saka ngumiti.

"You're welcome. Sabi ko naman di ba na babawi ako sa iyo?" tanong nito.

Napatango na lang siya sa sinabi nito. Bumaba ang tingin nito sa kaniyang labi. Hanggang sa unti-unti nitong inilapit ang mukha sa kaniyang mukha. Hahalikan ba siya nito? Wala siyang nagawa kung hindi ang ipikit ang mga mata ng dumampi ang labi nito sa kaniyang labi. Hinalikan siya nito ng buong pagsuyo at ingat. Naipalibot niya ang kaniyang mga kamay sa leeg nito, samantalang hinapit naman siya ng binata palapit sa katawan nito. Kusang gumalaw ang mga kamay ng binata sa kaniyang katawan. Hindi niya mawari pero may kiliti siyang naramdaman ng mga sandaling iyon hanggang sa putulin na ni Mark ang halik nila saka pinagdikit ang kanilang noo.

"I respect you," iyon lang ang sinabi nito at hinalikan siya sa noo saka umalis na. Samantalang siya naman ay pinapakalma ang malakas na kabog ng kaniyang dibdib.

"Lord, in love na ba ako?" aniya sa sarili at mapabuntong-hininga saka inilapat ang daliri sa labi niya.

Nang mga sumunod na araw ay naging mas malapit sina Veron at Mark. Palagi silang magkasama at nang gabing iyon ay may namagitan sa kanila. Masaya si Veron dahil ipinagkatiwala niya ang sarili sa lalaking minamahal kahit na alam niyang wala namang sinasabi sa kaniya si Mark o ipinapangako man pero umaasa siya isang araw na sasabihin sa kaniya nito na mahal siya.

"Babalik ka na niyan sa Saudi?" tanong niya habang nakaunan siya sa braso nito pagkatapos ng nangyari sa kanila. Tinitigan siya nito at bahagyang pinisil ang kaniyang ilong.

"Gusto mo na ba akong bumalik?" tanong nito na may ngiti a mga labi.

"Hindi syempre, gusto pa kitang makasama," sinsero niyang pahayag. Hinalikan nito ang kaniyang noo kasabay ng paghihikab niya hanggang sa tuluyan na siyang igupo ng antok.

"I love you," iyon ang mga katagang narinig niya pero hindi niya alam kung totoo ba iyon o baka nililinlang lang siya ng kaniyang pandinig dahil iyon ang gusto niyang marinig sa binata.

Napabuntong-hininga si Mark ng makitang himbing na himbing sa pagkakatulog si Veron. Masaya siya ng mga sandaling iyon dahil may nangyari sa kanila at kailanman hindi niya iyon makakalimutan. Natatakot si Mark na magtapat sa dalaga dahil baka hindi sila parehas ng nararamdaman.

Pero ipinagkatiwala ng dalaga ang sarili sa sa'yo, aniya sa sarili.

Kailangan niya na magtapat ng nararamdaman para sa dalaga at baka maunahan pa siya dahil hindi niya iyon papayagan. Napakunot-noo siya ng marinig ang pagtunog ng kaniyang cellphone. Iniabot niya iyon sa bedside table at tiningnan kung sino ang tumatawag, si Michelle. Napabuntong-hininga na lang siya. Ano ba ang kailangan nito? Kahit ganoon pa man, sinagot pa rin niya ang tawag nito.

"Michelle," aniya sa matigas na boses. Tiningnan niya si Veron ng bigla itong gumalaw. Kaya bumaba muna siya sa kama para makapag-usap sila ni Michelle.

"I miss you. Kelan ka ba babalik?" tanong nito.

Napailing-iling na lang siya. Kailan ba siya nito titigilan? Kailanman ay hindi siya nagkagusto rito dahil ang puso niya ay nakalaan lamang sa iisang babae, si Veron. Alam nito iyon pero hindi pa rin ito tumitigil sa kasunod sa kaniya.

"Michelle, hindi kita gusto. Tigilan mo na ako dahil kasama ko ngayon ang taong mahal ko at hindi ko alam kung babalik pa ako," aniya saka pinatay na ang tawag.

Iyon din kasi ang balak niya. Ang manatili sa Pilipinas for good. Gusto niyang makasama ang kaniyang pamilya higit sa lahat si Veron. Malaki naman na ang ipon niya, baka magnegosyo na lamang siya rito. Sumampa ulit siya sa kama at niyakap ang dalaga at muling ibinulong ang salitang mahal kita.