Chapter 14 Second Part MY ENEMY, MY LOVER

Hindi maiwasang titigan ni Mark si Veron habang kumakain sila. Maganda pa rin ito at mas lalo itong gumanda sa paglipas ng panahon. Sa totoo lang, may gusto siya sa dalaga pero dinadaan niya lang iyon sa pang-aasar. Sa katunayan, excited siyang umuwi dahil kay Veron.

Gusto niya na itong makita. Sana ngayon makuha na niya ang loob ng dalaga. Biglang nag-angat ng tingin ito na naging dahilan para magtama ang kanilang mga mata. Bumilis ang tibok ng puso niya ng mga sandaling iyon pero umirap ito.

"Kailan naman ang balik mo Mark sa Saudi?" tanong ni Tiya Verina sa kaniya.

"May dalawang buwan po akong bakasyon, Tiya," sagot niya.

"Oh, matagal-tagal rin pala. Maganda iyon para makapagpahinga ka," sabi nito.

"Gusto ko rin bumawi kay Veron dahil sa mga pang-aasar ko sa kaniya at gusto ko rin na maging magkaibigan kami," aniya at tiningnan ang dalaga na matiim na nakatitig sa kaniya. Biglang tumayo si Veron.

"Tapos na po ako," anito at lumabas na ng kusina. Samantala, sinundan naman niya ito. At nang nasa salas na sila pinigilan niya ito sa braso. Tumingin naman sa kaniya ito at bumaba sa kamay niya na nasa braso nito ang mga mata nito kaya dagli niya iyong binitawan.

"Bakit mo sinabi iyon? Alam mo Mark kung pinagtritripan mo ako. Huwag mo na ituloy dahil hindi ka na nakakatuwa!" singhal nito at kitang-kita niya ang luha sa mata nito. Gusto niyang punasan iyon pero pinigilan niya ang sarili dahil baka magalit ito sa kaniya.

"Totoo naman iyon. Gusto kong bumawi sa iyo. Gusto kong humingi ng paumanhin sa mga nagawa ko sa iyo noon," aniya sansinserong tinig. Natawa ito ng malakas.

"Hindi ako naniniwala sa iyo!" anito at agad na umalis sa kaniyang harapan.

Huminga siya ng mallaim. Kung alam niya lang na ganito ang magiging epekto ng mga ginawa niya noon, sana hindi na lang niya ginawa ang mga bagay na iyon dito. Minsan kasi napapaiyak niya ito at nasasaktan at pinagsisisihan niya iyon.

"Oh, asaan si Veron?" tanong ni Tiya Verina.

"Umalis na po, Tita. Pasensiya na kayo sa mga nagawa ko noon kay Veron, titya," hinging-paumanhin niya. Ngumiti ito.

"Uso naman ang bumawi eh. Nakaraan na iyon. Iparamdam mo na lang sa kaniya na nagbago ka na. Welcome ka pa rin naman sa bahay," anito na may magiliw na ngiti sa labi. Nagpapasalamat siya dahil sa kabila ng lahat naging mabuti sa kaniya ang ina ni Veron.

Maagang nagising si Veron ng umagang iyon. Masarap ang tulog niya ng nagdaang gabi dahil may bago siyang project. Work from home siya kaya hawak niya oras niya. Agad siyang bumaba ng kaniyang kama at lumabas ng silid saka tinungo ang kusina. Napakunot-noo siya ng may marinig na boses na nag-uusap ng makarating siya sa bukana ng kusina. Parang boses iyon ni Mark.

"Opo, tita. Sobrang hirap po ng maging manager pero kinakaya para sa pamilya," ani Mark.

Napakagat-labi siya ng marinig ang swabe nitong boses. Agad niyang kinastigo ang sarili dahil doon. Ano ba itong nangyayari sa kaniya at pinupuri niya ito? Huminga siya ng malalim at dahan-dahang naglakad papasok sa loob ng kusina. Nang makapasok, tatlong pares ng mga mata ang napatingin sa kaniya pero ang kaniyang mata ay nakatuon lamang kay Mark ng mga sandaling iyon ay nakangiti ng matamis sa kaniya. Pinag-krus niya ang kaniyang braso sa dibdib.

"Anong ginagawa mo rito?" mataray niyang tanong. Ngumiti lamang ito sa kaniya.

"Masama bang bisitahin ang iyong magulang?" tanong nito. Hindi niya alam pero nakaramdam siya ng kirot sa sinabi nito. Akala niya ang sasabihin nito ay binibisita siya.

"Okay," tugon niya at lumapit sa mesa saka naupo.

"Kain na tayo," paanyaya ng kaniyang ina at naghanda na ng pagkain sa mesa.

Nang magsimula na silang kumain, hindi niya maiwasang tingnan si Mark na abala sa pakikipag-usap sa kaniyang ina. Nagtaas siya ng tingin at tiningnan ito. Napatitig siya rito, wala pa rin itong pinagbago.

Mas gwumapo ito at mas kuminis ang balat. Bigla itong bumaling sa direksyon niya at sumilay ang isang matamis na ngiti sa labi nito. Agad siyang nagbaba ng tingin ng biglang bumilis ang tibok ng kaniyang puso. Ano ba itong nararamdaman niya?

"Anak, sasamahan ka ni Mark na maggrocery," sabi ng kaniyang ama na ikinalungkot niya rito.

"Dad, ayoko!" tanggi niya. Pinanlakihan siya ng mata.

"Sasamahan ka niya sa ayaw at sa gusto mo," maawtoridad nitong sabi. Tumayo siya dahil tapos na siyang kumain.

"Punta lang po ako sa kwarto ko para makapagbihis," paalam niya. Gustuhin man niyang talagang tumutol sa pakiusap ng kaniyang ama ay wala siyang magawa dahil talagang ipagpipilitan ng kaniyang ama na sumama ang binata sa paggrogrocery niya.

Pagkatapos maligo ay nagtapi na siya ng tuwalya saka lumabas ng CR. Napatingin siya sa pintuan ng biglang bumukas iyon at nakita niya si Mark na papasok na sa loob. Nanlaki ang mga mata niya at ganoon din ito ng makita siya. Sinuyod siya nito ng tingin mula ulo hanggang paa.

"Anong ginagawa mo rito?!" Singhal niya.

"Sorry! May ibibigay sana ako," anito at agad na isinara ang pinto.

"Buset talaga ang lalaking iyon! Bastos!" sigaw niya habang nagpupuyos sa galit na nakatingin sa may pintuan.

Hindi maiwasang mapangiti ni Mark ng maisara ang pinto nang maisip ang nakita niya sa loob ng silid. Si Veron, na nakatapi lamang ng tuwalya. Mas lalong naging feminine ang pangangatawan nito at kuminis ang balat. Huminga siya ng malalim at napatitig sa hawak na box na ang laman ay isang mamahaling bracelet. Ibibigay niya ito sa dalaga at sana tanggapin nito iyon. Bumaba na lang siya at hinintay ang dalaga sa salas.

Napatingin si Mark sa gawing kanan niya mula sa binabasang magazine nang makita niya si Veron na papalapit sa kaniya na nakasimangot. Tumayo siya para salubungin ang dalaga.

"Tara na," anyaya niya pero hindi siya nito pinansin at tuloy-tuloy lang sa paglakad palabas ng bahay. Wala siyang nagawa kundi ang mapabuntong-hininga na lamang.

Habang lulan sila ng sasakyan patungo grocery story, napatingin siya sa dalaga na nakatingin sa labas ng bintana.

"Sino boyfriend mo ngayon?" tanong niya rito.

"Wala, wala akong panahon makipag-boyfriend," anito. Lumapad ang ngiti niya dahil sa sinabi nito. Ibig sabihin lang nun ay may pag-asa siya.

"Ano ba tipo mong lalaki?" tanong niya. Bumaling ito sa kaniyang na nakasimangot.

"Pwede ba magmaneho ka na lang? Huwag mo akong kausapin dahil naiirita ako sa iyo! Pakielam mo ba sa tipo kong lalaki!" pagsusungit nito at inirapan siya. Bumuntong-hininga siya saka inihinto ang sasakyan sa gilid ng daan.

"Veron, alam ko na hindi naging maganda ang trato ko sa iyo noon pero pinagsisisihan ko na iyon. Can I ask another chance?" pakiusap niya. Tumingin ito sa kaniya saka tinitigan siya saka tinaasan siya ng kilay.

"Seryuso ka? Matatawa na ba—" Pinutol na niya ang iba pa nitong sasabihin.

"Seryuso ako, Veron. Walang dahilan para pagtripan kita," sagot niya habang titig na titig rito.

"Okay, prove to me na nagbago ka," anito at ngumiti. Napangiti na rin siya. Kahit papaano nakakapasok na siya sa buhay ng dalaga. Pinausad na niya ang sasakyan na may matagumpay na ngiti sa mga labi.