Chapter 13
-Spencer POV-
Napakaganda ng aking umaga lalo na't bubungad sa akin ang mukha ng dalawa kong prinsesa.
Watching them peacefully sleeping makes my heart melts.
Hinalikan ko pa ang noo nilang dalawa bago ako dahan-dahang nagpalakad palabas upang magluto ng umagahan.
Buti nalang at may karne pa rito sa ref. Maka-pagluluto pa ako ng adobong karne na paborito ng taong mahal ko.
"Kaya pala wala ka na roon sa tabi ni Phyra dahil nandito ka sa kusina na nagluluto." Napalingon naman ako sa aking likuran at agad na ngumiti nang masilayan ko ang mukha ng napakaganda kong asawa.
"Miss mo naman ako agad." Pagbibiro ko naman sa kaniya.
Bigla namang hindi maipinta ang mukha niya, "Asa!"
Ngumisi nalang ako sa kaniya bago ko tinuon ang pansin ko sa aking niluluto.
Naramdaman ko naman ang knaiyang yapak palapit sa akin.
"Marunong ka na palang magluto." Singhal niya sa aking tabi, Sumulyap naman ako sa kaniya at nakita kong nakatuon ang pansin niya sa niluluto ko.
"Oo, nag-aral akong magluto magmula no'ng iniwan mo ako." Tugon ko naman sa kaniya, habang nakatingin pa rin sa kaniyang mukha.
Liningon naman niya ako at agad na kumurba ang kaniyang kilay, "Hindi naman siguro kita iiwan, kung hindi ka nagloko." Saad niya tsaka pekeng ngumiti.
"Si Phyra pala?" Pag-iiba ko nalang sa usapan.
It feels so awkward talking to our past.
"Tulog pa." Tipid naman niyang sagot sa akin.
Pinatay ko naman ang gasul at agad na nilagay ang ulam sa hapagkainan.
"Hintayin nalang natin si Phyra rito. Ayaw pa naman niya ang may gumigising sa kaniya." Singhal naman agad ni Khyra.
Kaya naman umupo nalang kami rito habang hinihintay na magising ang anak namin.
"Uhmm, kumusta pala yung pagtawag mo kay Camille?" Pagbasag naman niya sa katahimikan.
"Pinapauwi ko siya rito ngayon."
"Ahh." Tipid naman niyang anas, tsaka kinagat niya ang kaniyang pang-ibabang labi.
Fuck! She's so sexy biting her lips. Her kissable lips.
"I wanna kiss you right now. You're tempting me." Singhal ko at gagawaran ko sana siya ng halik, ngunit agad niyang hinawakan ang mukha ko at inilayo iyon sa kaniya.
"Hindi pa kita pinapatawad kaya h'wag kang feeling na napatawad na kita, h'wag kang feeling na parang wala kang kasalanan sa akin."
Ngumuso naman ako sa harapan niya, "Hindi mo pa ako napatawad? Kaya pala lumaban ka kagabi sa halikan nating dalawa. Siguro kung hindi umeksena yung anak natin baka sinisigaw mo na ang pangalan ko kagabi. Uhh Spencer I want you." Pang-aasar ko pa sa kaniya. Napansin ko naman agad ang pamumula ng kaniyang pisngi.
"You're blushing." Anas ko pa sa kaniya, ngunit agad siyang tumayo at padabog na umalis sa aking harapan.
"Where are you going?" Takang tanong ko pa habang pinipigilang tumawa.
"Gigisingin ko nalang si Phyra. Kaysa naman magtiis akong kaharap 'yang pagmumukha mo!" Pasigaw naman niyang sambit sa akin. Tsaka mabilis na tumakbo papasok sa kwarto namin at padabog itong sinara. Napangiti nalang ako sa naging reaction niya.
Agad ko namang kinuha ang cellphone ko ng maramdaman kong mag vibrate ito sa aking bulsa.
I received a text to Camille.
From Camille:
-Nasa airport na kami, in just an hour nariyan na kami. Ihanda mo na ang perang pamalit sa mga nagastos ko.-
To Camille:
-Okay! Hintayin kita sa seabay, sa harapan ng coast call.-
Mabilisang pagreply ko naman sa kaniya. Sakto naman ang pagpunta rito sa kusina ng mag-ina ko.
"Wow! Adobo my Mom's favorite." Singhal naman agad ng anak ko tsaka siya umupo sa aking harapan.
Naramdaman ko naman ang pag-upo ni Khyra sa aking tabi, "Let's pray!"
Agad naman kaming nagdasal, tsaka kami kumain. Wala namang umimik sa amin hanggang sa matapos kaming kumain.
"Oh Dad, your adobo is so delicious." Anas pa ng aking anak, nang matapos kaming kumain.
"Thanks." Tugon ko naman sa kaniya, tsaka ko sinulyapan si Khyra.
"Khyra susunduin ko si Camille sa coast call."
Agad naman siyang napalingon din sa akin, "Ohh."
"Gusto ko sanang puntahan mo si Zach at kumbisihin mo rin siyang pumunta roon."
"So you have a plan huh." Singhal naman niya.
"Yeah, I have a plan for them. Gusto kong itama ang nagawa kong kasalanan noon kay Zach."
"Sure, tutulungan kita."
"Khyra sasama ang anak natin sa akin." Singhal ko pa, ngumiti naman siya sa akin at tumango.
-Camille POV-
"Mommy what is this place?" Tanong agad sa akin ng aking anak, nang makarating kami rito sa Coast call.
Tsk! Nasaan na kaya si Spencer?
"Camille!" Bigla naman akong lumingon sa hindi kalayuan at doon ko nakita si Spencer na may kasamng batang babae. Ka-edad lang ng anak ko ang kasama niya ngayon.
"Mommy who is them? Is he my daddy?" Tanong naman sa akin ng aking anak.
"No he's not your Daddy. He's a friend of mine." Sagot ko sa aking anak, tsaka kami naglakad papunta sa kinauupuan ngayon ni Spencer.
"Have a sit." Saad naman ni Spencer.
Umupo naman ako at ang anak ko. Nakaupo ako sa harapan ni Spencer at nakaupo rin ang anak ko sa harapan ng batang kasama ngayon ni Spencer.
Napansin ko naman ang pagkunot ng noo ng batang babae sa aking anak. Sumulyap naman ako sa anak kong nakangisi ngayon sa harapan ng babaeng nasa harap niya.
Something fishy!
"Camille, mag hintay muna tayo rito ng ilang minuto."
Napalingon naman ako kay Spencer, "Bakit mo ba ako pinauwi ngayon dito? Anong meron? Naguguluhan ako sa'yo!" Inis na singhal ko. Liningon ko naman nag mga bata pero ganoon parin ang reaction nila sa isa't isa.
"Maghintay ka nalang." Tugon naman ni Spencer. Kaya naman hindi ko nalang siya pinansin at nanatiling tahimik.
"Mommy I want to pee."
Napalingon naman ako sa aking anak, "Sasamahan ba kita baby?" Tanong ko sa kaniya.
Sumulyap naman ang anak ko sa batang babae na nakangisi ngayon, "No Mommy, I can pee by myself. But where's the comfort room?"
Kumunot naman ang noo ko bago ko nginuso ang pwesto kung saan ang CR.
"Okay." Saad pa ng aking anak, tsaka naglakad mag-isa papunta sa Comfort Room.
Nakapagtataka lang na iba ang kinikilos ng anak ko ngayon!
As far as I remember gusto niya yung may kasama sa pag-ihi. Uh weird.
"Daddy I wanna pee too." Napalingon naman ako sa babae. Tsaka ako napalingon kay Spencer na tinanguan lang ang bata.
Napansin ko naman ang pagtakbo ng batang babae sa CR. Siguro ay ihing-ihi na 'yon.
"Anak mo?/Is he your son?" Sabay naman naming tanong sa isa't isa.
"Yes/Oo!" Sabay rin naming sagot, kaya naman napangisi nalang kami.
"Kamukha ni Zach ang anak niyo." Singhal naman niya.
"Magtaka ka nalang kung ikaw ang kamukha ng bata hahaha." Pagbibiro ko pa sa kaniya. Ngunit lumungkot ang kaniyang mukha imbes na tumawa siya.
What's wrong? Mali ba ang sinabi ko?
"Charot lang Spencer! Masyado kang seryoso hahaha. Pero alam mo? Kamukha mo yung anak mo." Pag-iiba ko naman ng usapan.
"Magtaka ka kung kamukha ni Zach ang anak ko." Anas din niya sa akin.
Bigla tuloy kaming natawa sa isa't isa. Hayst! Ayos din pala kung ganito nalang kami noon. Hayst! Past is past! Nangyari na yung nangyari noon sa amin, pero kung may time machine lang babalik ako sa nakaraan at itatama ko ang lahat.
"Daddy!" Napalingon naman ako sa anak ni Spencer at nakita ko na nakasunod lang sa paglalakad ang anak ko sa anak ni Spencer.
Nilingon ko rin ang paligid namin na napakatahimik, dahil kami lang ang tao na narito.
Papadyak-padyak naman ang anak ni Spencer habang nakabusangot, "Daddy that boy!" Tinuro naman niya ang anak ko na nakangisi ngayon, "He let me see his dick!" Dagdag pa niya.
Lumaki naman agad ang aking mata at matalim na tinitigan ang aking anak na nakangisi pa rin hanggang ngayon.
"Zachary Miles! What did you do?!" Pagalit na singhal ko sa aking anak. Napansin ko naman ang pagtahimik ni Spencer at parang hindi makapaniwala sa sinabi ng kaniyang anak.
"Mommy it's not my fault. She is the one who open the door while I'm peeing."
"It's your fault 'cause you didn't lock the door!"
"It's not my fault!" Pagmamatigas naman ng aking anak.
"It's your fault! You let me see your small dick! You just pee in the girls comfort room!"
"I didn't notice it! Tsk! As far as I know, you enjoyed looking at my dick." Ngising sambit naman ng anak ko.
Ang babata pa nila!
"Duh! Your dick is so small like peanut, I didn't enjoyed looking at it! You're so feeler!" Matapang naman sumbat ng anak ni Spencer.
Hindi ko alam kung matatawa ako o maiinis sa kanila.
"Daddy I need holly water!"
Nakita ko naman ang pagtataka ni Spencer, "Why?"
" Cause I saw his fucking peanut! My eyes is not a virgin na!"
Pinigilan ko naman ang aking pagtawa.
"Psh! So maarte, did you know that saying bad words is——" sabat naman ng aking anak, ngunit agad ding nagsalita ang anak ni Spencer.
"Bad! I know!" Pgpapatuloy niya sa sinabi ng anak ko.
"You know that bad words is bad, but you——"
"Shh! Stop talking some shits! You have a bad breath you know that? And are you really a boy? Fuck! You're so talkative like a parrot!"
Magsasalita pa sana ang anak ko, ngunit hinila ko na siya papunta sa tabi ko at tinakpan ko ang bibig niya gamit ang dalawa kong kamay. Dahil alam kong hindi papatalo ang anak kong ito.
"Hindi na ako magtataka kung sila ang magkatuluyan sa huli." Singhal ko naman kay Spencer.
"I agree!" Tugon din naman niya sa akin.
"No way!" Sabat naman nila pareho. Kaya natawa nalang kami ni Spencer. Ngunit bigla napawi ang aking pagtawa dahil napalingon ako sa gilid ko kung nasaan ngayon ang lalakeng pinakamamahal ko.
Dahan-dahan ko namang natanggal ang kamay ko sa pagkakatakip sa bibig ng aking anak.
Si Zach? Naglalakad siya palapit sa amin at kasama niya ngayon si Khyra na kaibigan ko noon.
Hindi! Hindi maari!
Napalingon naman ako kay Spencer na nakatitig sa akin ngayon, "What is happening? Bakit nandito si Zach?" Takang tanong ko sa kaniya.
"Zach is the person who really wants to meet you."
Napapikit naman ako dahil sa halo-halong emosyon na nararamdaman ko ngayon. Nakapikit lang ang mga mata ko hanggang sa maramdaman kong nakalapit na ang dalawa rito sa amin.
"Hi what's your name?" Rinig ko naman ang boses ni Zach.
Yung boses niya na hinding hindi ko makakalimutan. Yung boses niyang napakalalim pero napakaganda sa pandinig.
Nanatili naman akong nakapikit dito, dahil ayaw kong tumingin kay Zach. Nahihiya ako hanggang ngayon sa kaniya.
"I'm Zachary Miles." Rinig ko namang sambit ng aking anak.
Napagtanto ko naman na kinakausap ni Zach ang aming anak. Naramdaman ko rin ang paglapit niya sa amin. Dikit na dikit tuloy ang kamay ko sa kamay niya.
Para akong nakukuryente dahil sa kaniya!
"Are you my Daddy?"
Napakagat naman ako sa labi, nang marinig ko ang tanong ng aking anak kay Zach. Hindi ko alam kung ano ang expression ngayon ni Zach dahil nakapikit ako. Hindi ko rin alam kung ano ang expression nila Khyra at Spencer ngayon.
"Yes."
Bigla naman akong nawalan ng hininga dahil sa sinagot ni Zach. Hindi ako makagalaw at makapagsalita dahil sa sinagot niya.
"Really? What's your name?" May pagtataka pa sa Boses ng aking anak.
"I'm Zach."
"You are really my Father. My Mommy said before that my Daddy's name is Zach!" May tuwa at galak naman sa boses ng aking anak. Guto kong tignan ang aking anak ngayon pero pinanatili konc pikit pa rin ang aking mga mata.
Nahihiya talaga ako!
"Mommy! Daddy is here, why are closing your eyes?" Niyugyog naman ako ng aking anak, ngunit mas pinikit ko ng maayos ang aking mga mata.
Paano nalang kung biglang magsalubong ang aming mata ni Zach? Nahihiya ako sa kaniya! Sobrang hiya!
"Camille open your eyes." Rinig ko namang bulong sa akin ni Zach sa aking tenga.
Bigla tuloy akong na kuryente sa pagbulong niya.
"Imulat mo na ang iyong mga mata. Matagal na kitang pinatawad." Bulong pa niya, ngunit nanatili pa rin akong nakapikit.
Oo napatawad na niya ako, ngunit nahihiya pa rin ako sa kaniya.
"You don't want to open your eyes huh." Bulong pa niya.
Nagulat naman ako nang may malambot na dumampi sa aking bibig, kaya naman agad akong napamulat.
Oh ghad! Zach is kissing me right now!
Agad din naman niyang nilayo ang labi niya, nang imulat ko ang aking mga mata.
"Halik lang pala ang makakapagmulat sa'yong mga mata." Singhal pa niya. Naramdaman ko naman ang pag-iinit ng aking pisngi.
"Aish! There's baby here like me, so no kissing please." Napalingon naman kaming lahat ng magsalita ang anak nina Spencer at Khyra.
"You're a baby? Okay! I call you baby." Sabay-sabay naman kaming napalingon sa aking anak na nagsalita ngayon.
"Yucks!" Singhal naman ng anak nina Spencer at Khyra. Kaya natawa nalang kaming lahat.
"May uuwian ba kayo ngayon?" Napalingon naman ako kay Zach.
"Wala." Nahihiyang anas ko.
"You can sleep in our own house."
"Pero."
"No more Pero-pero. Magsimula ulit tayo."
"Kaso may kasalanan pa ako——"
"You're forgiven my love. Past is past!"
Napangiti naman ako sa kaniyang sinabi. At agad ko siyang ginawaran ng halik.
"I said no kissing!" Rinig ko pang sigaw ng batang babae.
"You're just jealous 'cause my Mom and Dad are kissing. You want me to kiss you too?" Napatigil naman ako sa paghalik kay Zach, tsaka lumingon sa batang babae na naka middle finger ngayon sa harapan ng aking anak.
Nagsitinginan tuloy kaming apat maliban sa dalawang bata na busy sa pagsusumbatan. Wala sa sariling napahalakhak kaming apat.