Chapter 33
Magkaharap sina Niam at ang ama ng nobyo. Napadili-dili siya nang saglit kung tama nga bang hindi niya ito ipinagpaalam kay Byron. She had chances to do it, but she chose to keep it a secret.
“Ano po ang pag-uusapan natin, Mr. Maranan?” Uminom si Niam ng tubig pagkatapos ng ilang saglit. Nininerbyos talaga siya sa maaaring sasabihin nito sa kanya. Dagdagan pang medyo nako-conscious siya sa mga mata nitong nakatuon sa mukha niya. Parang may inaaninag o hinahanap ito nang hindi niya mawari.
“How much do you love my son, Niam?” tanong nito sa kanya nang deretsahan. Parang hindi rin ito kumukurap habang patuloy na nakatingin sa kanya nang maigi.
Napakurap-kurap siya at napalunok. “More than you know and more than he realizes,” turan naman niya.
“Kailangan mong malaman na mahalaga sa ‘kin ang masaganang kinabukasan ng anak ko. Being a dentist is not something I dreamed and hoped for him. Kailangang isipin mo ‘to nang maigi, Niam. He’s my only son. At ayokong sirain mo ang plano ko para sa anak ko. Kapag maikasal si Byron kay Cynthia—”
Napalunok siya at inagaw ang atensyon nito. “Ano po? Mas maganda ang kinabukasan niya dahil sa maaangkin n’yo na ang kumpanya ng mga Deneres at mas lalawak at lalaki ang hahawakang kapangyarihan ng Maranan Incorporation?”
Pinakawalan nito ang isang malalim na hininga. Dumating ang in-order nitong pagkain at umalis din agad ang waiter. Pero wala siyang planong makipagsalo sa pagkain sa ama ng nobyong tinatrato naman siyang kaaway at balakid sa mga plano para sa nag-iisang anak.
“Magkano ang kapalit ng paglayo mo kay Byron? Alam kong startup pa ang catering service mo. At dahil diyan, kailangan mo ring mag-branch out eventually para mag-expand ang negosyo mo, hindi ba?”
Napatawa siya nang mapakla sa narinig. Pinilit niyang ipakita ritong hindi siya natitinag at isa siyang matapang na babae. Wala sa tabi niya si Byron para ipaglaban siya. Kaya sariling laban niya itong hinaharap sa ngayon.
“Ang classic n’yo naman, Mr. Maranan. Bibilhin ang pag-ibig ng babae para lalayo sa unico hijo n’yo.” Umiling pa siya. “Wala akong pakialam sa pera n’yo. Ang pagmamahal lang po ni Byron ang mahalaga sa ‘kin. Kung ayaw niyang magpakasal kay Cynthia, huwag n’yo po siyang pilitin. Isa pa, sa tingin ni Byron ay hindi rin gusto ni Cynthia ang nangyayaring ito. Patas lang silang dalawa. Surely, nothing will work out well if you try to force and push them together. Eventually, everything you’ve worked so hard may just crumble down into pieces.”
Napasimangot itong lalo habang nakatitig sa kanya. Parang gusto nitong pilipitin ang leeg niya pero nagtitimpi lang ito. Of course. Hindi naman kasi puwede nitong gawin iyon sa kanya lalo na sa public place.
“Wala kang alam sa gusto ni Cynthia. At kung pakakawalan mo ang inaaalok ko sa ‘yo, wala ka ng iba pang pagkakataong makikita pang ganito, Niam.”
She snorted. Naiiling. “Wala po akong pakialam, Mr. Maranan. I’m sorry. Hindi ko po magagawang layuan si Byron o ipagpalit ang pag-ibig ko sa kanya sa perang alok n’yo kahit magkano pa ‘yan. Hangga’t mahal niya ako, mananatili ako sa tabi niya at hindi ko siya iiwan para sa isang madamot na layunin n’yo o pangangailangan ko.”
“Hmm… so this is what this meeting is all about.” At kapwa sila napalingon sa may-ari ng boses na iyon.
Si Charlie.
***
“At iyon na nga. Umeksena sa amin si Charlie no’n. And then, nagseselos ka ngayon,” pagtatapos ng dalaga sa kuwento nito nang nanunudyo ang paningin kay Byron.
Hinapit ni Byron ang baywang ng nobya at medyo nabigla ito sa ginawa niya. Hinalikan niya ito sa labi kahit na nanonood ang pinsan. Napaiwas na lang ito ng paningin at napabaling sa harap nila kung saan nasa likod ng podium ang ama niya katabi si Mrs. Deneres.
“Ladies and gentlemen, good evening. We’re all here tonight for the official announcement of the merger of the Deneres Group and Maranan Incorporation. Aside from this good news, another special moment will be witnessed tonight. Byron?”
Napabaling sa kanila ang spotlight. Lumuhod na siyang bigla sa harap ng nobya at inilahad dito ang kahitang may lamang engagement ring. Kumikinang ang diamanteng nasinagan ng ilaw. Nasorpresa itong talaga sa ginawa niya at napatutop sa bibig.
“Niam Pamintuan, baby, will you make my life sweeter than you already do by marrying me?”
Napahigit pa ito ng hangin at napatingin sa paligid. Napatikom ito ng bibig at saka tumango sa kanya.
“Yes! Yes, I will, baby!”
Isinuot na niya ang singsing sa daliri nito at niyakap ito nang mahigpit. Pagkatapos ay siniil niya ito ng halik sa harap ng lahat. Ang saya-saya niya ngayon. Para pa ngang sasabog ang dibdib niya sa kaligayahan dahil hindi siya pinahihirapan ng katipan.
“I love you, baby,” bulong niya sa dalaga.
“I love you, too!”
Narinig nila ang isang emcee at sinimulan ang isang programa sa gabing iyon.
“Congratulations to you both,” sabi ni Charlie na may matipid na ngiti.
“Salamat,” sabay nilang tugon sa pinsan.
“Ano nga palang ibinulong sa ‘yo ni Charlie kanina?” tanong niya nang lumayo ang pinsan para bigyan sila ng espasyo na dalawa, kahit sa gitna ng mga bisitang masaya para sa kanila at nag-congratulate sa kanila.
“Tungkol lang sa buffet. Sinabi niyang mas masarap pa raw yata ang luto niya kaysa mga dishes ngayon. Sabi ko naman baka mas masarap din ang desserts ko kaysa desserts na naka-display.”
Napatawa siya rito. “And… partners na kayo sa Sinfully Tasty Catering service mo?” hula pa niya.
Tumango naman ito. “Pumayag na ako sa gusto niya. May potential siya.”
Napatawa siyang muli rito. “Payag din ako sa partnership n’yo basta’t sure na akong naka-move on na siya sa ‘yo.”
Paano na ito ngayon? Gusto pa naman sana niya kaninang tuluyan nang huwag mapalapit ang dalawa pero mukhang baliktad na ngayon ang mangyayari. Pero hindi bale. Engaged naman na sila at nararamdaman naman niyang mahal talaga siya ng nobya at ang pinsan niya ay mukhang wala namang planong agawin ang babaeng mahal niya. Kaya dapat lang na magkaroon lang siya ng tiwala sa mga ito.
“Seloso ka naman! Pero gusto ko ‘yan!” natatawang sabi ni Niam.
Napatawa siya sa dalaga at niyakap ito nang may paglalambing at pagmamahal.
“Kailan mo ba ibabalita ang tungkol sa ‘tin kina Ace at Benjamin pati na kina Lala at Roda?” tanong niyang tinutukoy ang engagement nila.
“Bukas, kung hindi nila mababasa sa news ‘to.” Pinakunot pa nito ang ilong at ngumisi sa kanya. “Kita mo naman ang press, o. Grabe ‘yang tatay mo, ah!”
Tumango naman siya at ginawaran ulit ito ng halik sa labi. Iniisip at nananabik na siya sa kinabukasan nilang dalawa ng mahal niyang dalaga.
“At… may sorpresa ako para sa ‘yo,” bulong nito sa kanya na may tunog kaharutan at lambing.
Napangisi siya sa narinig. “Ano?” bulong na tugon niya sa tainga nito.
Humagikhik ang katipan at bumulong, “Hindi na kita baby.”
Nagulat siya sa sinabi nito at napatitig nang husto sa babae. “What?”
Bumulong sa kanya ang katipang nakangiti nang matamis at sinabing, “Magiging daddy ka na.”
Nalaglag ang panga niya. “Oh, Mommy! You make me so happy!” Sinaklit niya ito sa baywang at agad na siniil ng mas malalim na halik at napatawa ito habang tinutugon ang halik niya.
“Oh, Daddy!” tugon naman nitong napahagikhik, puno ng saya ang tunog na iyon, at wala na siyang mahihiling pa.
“Let’s get out of here, Mommy.”
-- Wakas --